Season 2 - 78 (Future)
Chloe's POV
Ilang buwan na ang nakalipas. Natapos na ang JS prom. Natapos na ang napaka-garbong birthday ni Ake na dinaluhan ng mga iba't ibang modelo at may ilan pang artista. Natapos na rin ang paghihirap ng high school life sa kanila. Oo sa kanila. Ewan ko ba. Sisiw sa akin eh, dahil na rin siguro sa halos napag-aralan ko na rin halos lahat ng iyon. Si Ake nga ang madalas na nakakalaban ko sa top eh, na ngayon nga ay siyang Valedictorian at ako naman bilang Salutatorian. Sa extra curricular daw ang talo ko pagdating sa grades ni Ake ayon sa records. Eh 'di matindi ang boyfriend ko 'di ba? Siya na! Proud girlfriend here!
Hindi ako binigo ng high school life na iparanas ang lahat sa akin. Nasaktan ako, nagmahal, nagka-crush, umiyak, mas lumakas, naging matatag, nagkaroon ng mga mapagmahal na kaibigan at higit sa lahat ay natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa na walang Marvin sa tabi ko na madalas, pati na rin sina Mama at Papa. My friends helped me, even Ake did. Kaya siguro naging madali sa akin ang lahat.
Or so I thought.
Mag-e-enroll na ako bukas pero wala pa rin akong maisip na course. Machaket sa bangs! Yes dear! May bangs na ako! Yay!
"Hoy! Nagme-make face ka na naman diyan." Nilingon ko si Ake na nasa tabi ko ngayon. Guess what? Pinayagan siyang mag-doctor dahil meron naman daw silang sariling hospital. Buti pa 'to planado na buhay niya.
Pre-med nito ang nursing course. Naka-enroll na siya nung isang araw pa, habang ako, heto, wala pa ring maisip na kurso na gusto ko talaga.
"Iniisip mo na naman ba kung anong course ang gusto mong kunin?" tanong niya saka ito humiga sa hita ko. Nasa sala kami dito sa bahay. Gaya ng dati ay dalawa lang kami at si Manang na ngayon ay naglilinis ng buong bahay.
"Yeah, wala akong maisip na kurso na trip ko," hinaplos ko ang buhok nito, "Sa tingin mo? Ano bagay sa akin?"
Sumeryoso ang mukha ni Ake. Ilang sandali pa ay nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito sa kanyang labi kaya naman napangiti ako, mukhang may naisip siya.
"Isa lang nakikita kong future mo Chloe."
"Ano?" nagtatakang tanong ko dahil ngiting aso ang meron siya ngayon.
"Asawa ko," ngingiti ngiting sabi niya kaya naman napailing ako at patagong ngumiti. Mga banat talaga nito, out of nowhere. Eish!
"Kinilig ka nanaman," rinig ko sabi niya kaya napataas ako ng kilay saka ko kinagat ang inner cheeks ko. Ayokong mag-smile. Mas lalo kasi siyang panlalakihan ng ulo. Habang tumatagal ay yumayabang na kasi ito sa 'di ko malamang dahilan!
"Feeling mo! Hindi 'no!" tanggi ko saka ko nalamukos ang mukha nito. Narinig ko siyang dumaing pero tinawanan ko lang siya.
Nang mahawakan niya ang dalawang kamay ko ay tumayo ito saka niya ako sinimulang kilitiin. Napa-dausdos ako ng pagkaka-upo sa sahig ng sandaling iyon. Pilit ko man pigilan ang kamay ni Ake ay ayaw itong paawat.
"Haha! No! Stop Ake! --Oo na! --Kinikilig na ako!! --Haha! --Stop!" paputol putol na sabi ko rito. Nang umupo ito ay tinulungan niya akong makatayo. Habol ang hininga ko ay nagawa kong hampasin sa braso si Ake dahilan para mangunot noo ito. "Peste ka!"
"That hurts!" reklamo niya saka siya yumakap sa akin. "Ayaw mo bang i-try ang med course?"
"Nako Ake. Hospital? Buong buhay ko, madalas na ako roon. Pati ba naman future ko hospital pa rin? No. Ayoko. Hindi ko feel. Never kong binalak," I said as I heavily took a deep breath.
"Oh, nagtanong lang ako. Naniniwala na akong ayaw mo. Naka-simangot ka na naman. Kaya ka pumapangit eh," aniya kaya napataas ako ng kilay.
"Mas pangit ka!" asik ko rito saka ko pinisil ang ilong niya. Matapos ko roon at lumayo ako rito dahil alam kong gaganti na naman siya.
Sinamaan ako ng tingin ni Ake saka niya ako sinimulang lapitan. Iniharang ko naman sa kanya ang throw pillow saka ito sinamaan din ng tingin.
Sikreto lang natin 'to ha? Masyadong maharot si Ake! Lakas niyan man-trip! Sagad! Wrestling kung wrestling!
"Hep! Hep! Tama na iyan. Mag-meryenda muna kayo. Kayo talagang mga bata kayo oh."
Sabay kaming napalingon sa gawi ni Manang. May dala itong tray ng sandwich at juice. Kapag ganito ay parehas na kaming ngingiti ni Ake saka aayos ng upo. The best kaya ang chicken sandwich ni Manang! Favorite snack namin iyon ni Ake actually.
"Thanks po Manang!" sabay na sambit namin ni Ake saka kami nagtinginan at bahagyang tumawa.
"Para lang kayong magkapatid ano? Nakakatuwa kayong tignan," ani Manang kaya napalingon ako sa kanya at nakitang matamang nakatingin ito sa aming dalawa ni Ake. Nang lumingon ako kay Ake ay nginitian ako nito. "Sana ay hindi kayo magbagong dalawa. Maganda ang samahang meron kayo mga anak," pagpapatuloy ni Manang.
"Opo naman po Manang. Ipagdasal niyo lang pong huwag akong magsawa kay Ake," biro ko saka ko dinilaan si Ake.
"Hayaan mong bigyan kita ng napakaraming dahilan para hindi ka magsawa sa akin Chloe," sinserong sagot naman nito pabalik kaya napangiti nalang ako.
"Napaka-swerte mo sa nobyo mo iha," rinig kong sabi ni Manang kaya naman nilingon ko siya at nginitian.
"Sobra po Manang," nakangiting sabi ko rito. Nakangiting umiling si Manang saka siya naglakad palayo.
"Sobra ba Babebear?" Nilingon ko si Ake saka ko bahagyang pinisil ang ilong niya. Pa-cute kasi masyado. Daig pa bata kung magpa-cute para bilhan ng stuff toy! Nakakainis na nakakatuwa? Ah basta! Ang cute niya! Haha!
"Tama na pa-cute. Kumain ka na nang maka-uwi ka na. Ang paalam mo kamo sa bahay niyo, saglit ka lang dito. Magga-gabi na." Sumandal ako sa sofa saka ako buntunghiningang napapikit.
Madalas akong makaramdam ng pagod nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung bakit. Ang sabi naman ni Doc Carlo ay masyado ko raw ini-stress ang sarili ko. Isang bagay lang naman ang nagpapa-stress sa akin ngayon eh, 'yong pagpili ko ng kurso!
"Dito na ako matulog para sabay na tayo bukas," rinig kong sabi ni Ake kaya napadilat ako at tinignan siya.
"Huwag na. Kaya ko naman bukas." Umayos ako ng upo at uminom ng juice.
"You sure?" paninigurado niya kaya agad akong tumango.
"Hmm. Alam ko namang kailangan ka ni Tito Blitz sa company niyo bukas. Huwag ka nga pala masyado magpapagod okay?" bilin ko rito.
"Got it. Mauuna na ako kung ganoon. Naghihintay din kasi si Mom," nakangiting sabi niya saka niya sinubo ang huling piraso ng sandwich na hawak niya.
Masaya ako para kay Ake dahil maayos na ang pamilya nila ngayon. Hindi man sabihin nina Tito Blitz at Tita Glady na okay lang silang dalawa ay halata pa ring may pag-uunawaan ang dalawa, hindi halatang hindi nila mahal ang isa't isa. Para ngang okay naman sila bilang mag-asawa eh.
"Sure. Hatid na kita." Tumayo ako at hinintay na sumunod sa akin si Ake.
Nang maka-alis si Ake ay siyang akyat ko agad sa kwarto at dumiretso sa laptop. Binuksan ko iyon at pumunta sa Google. Pang-ilang araw na ba akong tumitingin ng iba't ibang kurso online? Lima? Anim? Ah basta! Pang-ilan ko na 'to!
Mama calling.. (Skype)
"Hi Ma!" masayang bati ko kay Mama nang makita siya sa video chat.
"Hi anak! How are you?" nakangiting bati ni Mama.
"Okay naman po. Napatawag kayo Ma?"
"Nakita kitang online eh. Nakapag-enrol ka na ba? Ayaw mo ba talagang dito mag-aral?"
Kulet ni Mama. Sabi ng dito nga ako mag-aaral eh. Naka-ilang tanong na sila niyan. Tss!
"Hindi pa Ma. Mama, speaking po. I still don't know which course should I get," sabi ko rito habang nilalaro ang bangs ko, pinapa-ikot-ikot sa daliri ko.
"Hmm. . . Ikaw ba anak? Ano bang course ang pinagkaka-interesan mo? Or ano bang favorite subject mo? Or anong pinaka-gusto mong gawin? Doon ka kumuha ng idea. Just try. Kung wala pa rin talaga, huwag mong madaliin. Bata ka pa naman, marami ka pang magagawa," aniya sabay tingin sa left side niya. Mukhang si Papa iyon.
"Iyon na nga Ma, wala naman akong favorite subject. Wala rin akong favorite na gawin. Hangga't kaya ko, ginagawa ko, or ewan. Ang hirap mag-decide Ma. Haaay. Akala ko kasi, akala ko. . . Akala ko hindi na ako tatagal kaya hindi ko binalak ang future. Nabuhay ako sa present, and that's what I'm good at." Lumingon ako sa kaliwa ko nang maramdamang mag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko iyon at tinignan kung sino ang nag-text. Si Ake, ang sabi ay naka-uwi na raw siya. Meron pang isa, si Eos, nangangamusta.
Ibinato ko ulit sa side ko iyong phone. Tinatamad ako mag-reply. Masyadong okupado ang utak ko ngayon na mismong sagutin ang text nila ay hindi ko magawa.
"Iha," rinig kong tawag sa akin sa video chat. Boses ni Papa kaya agad ko siyang nilingon. "Breathe in, breathe out. Calm your senses, then after that, let your mind be at peace. Huwag mong isipin, hayaan mong bigla nalang mag-pop out sa utak mo kung anong gusto mong gawin. Okay?" aniya.
Napangiti ako at tumango kay Papa. Tama siya. Bakit nga ba ako nagmamadali? Ah, bahala na.
"Sige po Pa, Ma, papaalam na po ako at maaga akong matutulog ngayon dahil maaga po ako bukas. Magsu-swimming ako at jogging na rin. Kinakawawa ako ni Doc Carlo," sumbong ko kunwari. Narinig ko namang bahagyang natawa ang parents ko.
"Good night iha. Keep safe!" Si Papa.
"We love you! Muah!" Si Mama.
"I love you both!" sagot ko sa kanila saka ako nag-wave at nag-flying kiss pa bago ko pinatay ang laptop.
Yeah Chloe, huwag mag-madali. Relax lang.
*******
Matapos kong magawa ang morning jogging at swimming ko ay agad na rin akong nag-ayos. Dala ang lahat ng importanteng gamit para sa enrollment ay handa na ako. Nag-suot lang ako ng simpleng blouse at leggings na pinarisan ng doll shoes. Pinasadahan ko pang muli ang sarili ko sa tapat ng salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
Maaga ako kung susumahin pero, ayoko rin naman kasing umuwi ng late. Mas okay na iyong maaga ako sa pila kung may pila man ng enrollees na gaya ko.
Pagka-park ko ng sasakyan sa campus ay hindi ko mapigilang ilibot ang mga mata ko doon. Mas malawak ito kesa sa high school, ang Drexel's Academy University.
Ang alam ko kaya tinawag din itong academy ay dahil meron silang music and performing arts students na talaga namang hinahasa nila. Ang balita ko nga'y meron nang naka-punta sa Broadway musical na graduate rito eh. Ang galing lang 'no?
Pag-baba ko ng kotse ay agad na akong pumasok sa loob ng main building kung nasaan ang registrars office para magtanong. Nakaka-ilang hakbang palang ako ay isang matigas na bagay ang tumama sa noo ko. Well, nakayuko kasi akong naglalakad dahil kukunin ko sana ang phone ko sa sling bag ko.
"Chloe, okay ka lang?"
Agad akong nag-angat ng paningin nang mabosesan iyon.
"Eos!" bulalas ko saka ko siya nginitian. "Mag-e-enroll ka rin?"
Tumango ito, "Yeah, but minor subjects lang."
"Ha? Bakit?" pag-uusisa ko.
"Hindi pa kasi ako nakapag-decide ng course na kukunin ko eh. Pero doon nalang muna ako sa Music and Performing Arts," sagot niya saka kami sabay na nag-lakad na.
"Hala! Parehas tayo! I mean, na wala pang maisip na course. Teka, bakit doon ka?"
"Nandoon din kasi sa building na iyon ang fine arts department. As a whole na raw iyon. Like music, photography, and so on. Remember nabanggit ko sa iyo na hilig kong kumuha ng pictures? Well, yun. Baka, malay mo maging director ako ng isang movie, or depende nga sa magugustuhan ko roon," paliwanag niya.
"So mainly, focus mo is?"
"Wala pa. Kaya nga, minor subjects nalang muna nila roon."
Napatango tango nalang ako sa sagot ni Eos.
"Okay, I'll try that. Mahilig naman ako sa music at gusto ko rin naman ang photography," nakangiting pahayag ko sa kanya.
"Cool! Para maging magka-klase tayo," nakangiting dagdag ni Eos kaya napangiti na rin ako.
Okay, I'll try this one. Mukhang, exciting!
TO BE CONTINUED..
Comments loves! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro