
Season 2 - 72 (A New Life Begins)
1
Chloe's POV
Hulaan niyo kung sino ang magbi-birthday na may boyfriend? Dali!
A. Ako.
B. Ako ulit.
C. Ako na talaga!
D. Maganda ako, kaya ako!
Natawa ako sa harap ng salamin ng vanity dresser ko. Para akong tangang kinakausap ang sarili. Masyado akong masaya. Sa sobrang saya ko ay hindi ko mapigilang maging parang baliw habang nakatingin sa repleksiyon ko habang hawak ang kwintas na bigay sa akin ni Ake noong nasa Boracay kami. Isang buwan na ang nakalipas mula ng maging kami ni Ake pero heto, ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko kapag naiisip ko siya.
The key to his lock. Ang korny! Pero, kinikilig ako! Stop me! Haha!
Nang makuntento akong makipagngitian sa harap ng salamin ay agad akong tumayo at kinuha ang school bag ko. Gaya ng dati ay walang tao sa bahay maliban sa boyfriend kong laging maagang dumarating at pinaglulutuan ako ng almusal. Daig niya pa si Manang kung mag-asikaso. Sagad!
"Good morning Babybear!" Masayang bati ko sa kanya habang patakbo akong papalapit dito at niyakap siyamula sa likuran.
Sininghot singhot ko muna siya bago ako humiwalay. Nagluto na siya at lahat lahat ay mabango pa rin. Ano pabango nito? Anti-foul odor ba? Hindi man lang siya mangamoy pritong itlog o hotdog.
"Good morning Babebear." Nakangiting bati niya nang makaharap siya sa akin. Hinalikan pa ako nito sa noo saka niya hinila ang silyang nasa harap ko saka sumenyas na umupo na ako.
Nginitian ko siya saka ako umupo.
"Ang aga aga mo. Magpahinga ka naman. Alam kong kapag umuuwi ka sa inyo ay busy ka pa sa paper works na kung hindi galing sa office niyo ay galing sa student council." Sabi ko sa kanya saka ko sinimulang magpalaman ng butter sa toast bread na nasa mesa.
"Pero mas nakakarelax dito kaya okay lang." Aniya sabay upo nito sa tabi ko. Inilagay ko naman sa plate niya ang toast na pinalamanan ko.
"But still--"
"No buts Chloe. Kumain ka na para makapasok na tayo. Darating si Manang maya maya 'di ba?" Aniya.
Tumango ako. "Hmm!"
"Sina Tita at Tito, kailan uuwi?" Tanong niya.
"Depende kung busy sila o hindi." Sagot ko saka ako uminom ng juice at tumusok ng hotdog.
"Okay.. So anong plano mo sa birthday mo?"
Napalingon ako sa kanya at natigilan sa pagnguya.
"Paano mo alam?" Nagtatakang tanong ko.
He scoffed. "Lahat naman na ata ng bagay na may kinalaman sa iyo ay alam ko na Babebear." Mayabang na sabi nito kaya naman naman napataas ako ng kilay saka napangiti.
"Ases.."
"Kinilig ka nanaman?" Natatawang sabi niya.
"Oo nalang." Nagme-make face na sabi ko.
Alam mo iyong feeling na komportable lang kayo sa isa't isa? Iyong ganitong kapag kasama ko siya may instant brother slash best friend slash papa slash boyfriend na ako? Nakakatuwa lang isipin at hindi ko talaga akalaing magiging ganito kagaan ang feeling kapag kasama ko si Ake. Hindi kami iyong tipong puro sweet moments, madalas nga ay bangayan at sagutan pa pero hindi naman kami nag-aaway. Tanggap namin ang ugali ng isa't isa kaya nagagawa naming pakisamahan iyon.
Iyong pagiging PMS King niya minsan? Nako! Madalas tahimik lang ako at ganoon din siya, pero kapag nagsawa ako at kinulit na siya, tatawa nalang ito.
Nang makarating kami sa school ay mas dumami ang mga babaeng pumapansin kay Ake. Paanong hindi? Eh itong loko na ito kung makangiti sa kanila ay wagas kahit pa hawak niya ang kamay ko. Kung makatango akala mo artista na naglalakad sa hallway. Idagdag pang titilian talaga siya kapag pinansin niya iyong mga babae.
Peste! Lakas maka-artista!
"Ate Chloe! Ang ganda mo!" Sigaw ng isang freshman na lalake base sa uniform nito. Nginitian ko siya saka ako bahagyang yumuko. Naulit pa iyon at maski kay Ake ay ganoon din.
Pagkapasok namin ng klase ay napa-buntong hininga ako. Hindi kinakaya ng bangs ko ang atensyon na nakukuha ko tuwing umaga. Unti unti na nga akong nasasanay ng lagay na ito pero sadyang, masakit sa bangs 'teh!
"What's with the face baby sis?" Tanong ni Macey. Maaga na silang pumapasok nitong mga nakaraang araw.
"Para kang nakipag-sagupaan sa gera ng plastikang ngiti ah?" Singit ni Riley.
"Heh! Tigilan niyo ako. Ang bad niyo." Natatawang sabi ko saka ko inilabas ang iPod ko ngunit agad din iyong bumalik sa loob ng bag ko nang kunin iyon ni Riley. "Oh? Bakit?"
"Usap tayo." Aniya saka siya tumayo at ganoon din si Macey.
Tumayo ako at sinundan sila. Bago ako tuluyang lumabas ng klase ay nasalubong ko pa sina Logan at Aiden kaya binati ko ang mga ito at ganoon din sila.
Sa isang hagdanan tumigil sina Riley at Macey at naupo roon kaya naman ginaya ko nalang sila.
"What's up?" Tanong ko.
Nagtinginan sina Riley at Macey saka ngumiti.
"Kamusta maging boyfriend si Blake?" Nakangising tanong ni Riley.
"Masaya." Agad na sagot ko na abot mata pa ang ngiti.
"Sabi nga namin." Natatawang komento ni Macey. "Mabait siya?"
"Mabait naman talaga siya." Komento ko.
"Di ah. Di nga namamansin iyan dati pero ngayon lahat ng tumawag sa pangalan niya nginingitian niya." Ani Riley.
"Oh? Hindi ba at good influence iyon?" Tanong ko.
"Bad kamo. Paano kung may maka-misinterpret kay Blake tapos alam mo na? Mang-agaw?" Ani Macey.
"Eh.. Alam naman nilang girlfriend niya ako eh." Depensa ko.
"Sus! So? Asawa nga naaagaw, bf pa kaya?" Taas kilay na sabi ni Riley dahilan para mangunot ang noo ko.
"Ang nega niyo ano?" Natatawang sabi ko saka ako humalukipkip. "Okay lang iyan. Relax lang. Mas okay nga iyon dahil mas magiging maganda ang feedback ng mga students sa kanya di ba?"
Nagtinginang muli sina Macey at Riley saka sila ngumuso.
Hinawakan ni Riley ang pisngi ko at pinisil iyon. "Bakit ba ang bait bait mo?!" Naggigil na sabi niya.
Tinabig ko ang mga kamay nito saka ako lumabi. "Aray! Mapanakit much?!"
"Mas masakit pa diyan ang mararamdaman mo kapag may mga babaeng umaligid kay Blake! Alam mo bang ganyan na ganyan ugali niya noong nandito pa si Amy? Pero, oo nga naman. Mas okay iyong Blake ngayon." Ani Macey saka ito naglagay ng lipgloss.
"Yeah.. Better, for us. But for you Chloe? Aba'y good luck! Sana hindi ka selosa." Nakangising sabi ni Riley saka niya hinablot ang lipgloss ni Macey ay inilagay din iyo sa labi niya.
Selosa nga ba ako? Malay ko ba..
Kinuha ko ang dala kong lipbalm at ginaya ang dalawang naglagay nun sa labi ko. Gamit ang hinliliit ko ang pinasadahan ko ng pahid iyon para hindi masyadong glossy.
"Oh yeah.. May balita ba kayo kay Eos? Hindi ko na siya nakikita ah. Pati sa photoshoot." Ani Riley kaya napalingon ako sa kanya.
Eos..
Gustuhin ko mang lapitan at kamustahin ito ay hindi ko magawa. Hanggang ngayon ay kakaibang pakiramdam pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko siya. Kaba na hindi ko maipaliwanag.
"Well, ayon sa nasagap kong chika, palagi daw siya sa second year building. Malamang ay si Faye ang pinupuntahan nun." Ani Macey.
"Nililigawan niya na ba?" Tanong ni Riley.
"Ewan. Baka. Pero hello? Captain obvious much?" Ani Macey.
"What if close lang pala siya kay Faye kasi magkamukha sila nung Amy?" Si Riley.
"Ouch naman iyon sis!" Ani Macey.
Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig sa kanila ng biglang may humampas sa braso ko. Si Riley.
"Hindi ka na naimik? Nalunon ang dila? O nakain na ni Blake?" Natatawang sabi niya dahilan para mapa-kunot noo ako at umiling.
"Bibig mo nga Riley. Kadiri ka!" Mahinang singhal ko.
"Sus! Masarap kaya!" Natatawang komento naman ni Macey. Hinampas ko nga sa braso!
"Tigilan niyo akong dalawa ah! Kadiri kayo!" Asik ko saka ako tumayo ay naglakad papuntang classroom. Sakto rin kasing tumunog na ang second bell.
Puntahan ko kaya si Faye para kamustahin si Eos?
Eh di nagtaka naman si Faye kung bakit hindi si Eos ang tinanong ko. Psh!
"Ano ba iyan! Masakit sa bangs!" Bulong ko sa sarili ko hanggang sa makaupo ako sa upuan ko.
"Wala kang bangs Chloe." Ani Ake. Kunot noo ito ng malingon ako sa kanya.
"Heh!" Inirapan ko ito saka ako umayos ng pagkakaupo.
"Baliw!" Pangaasar niya.
"Mas baliw ka." Sabi ko saka ko inilabas ang dila ko at inirapan siya.
Third bell. Habang nagdi-discuss ang teacher namin ay hindi ko mapigilang bumuntong hininga. Halos lahat ng nadi-discuss nila rito ay napag-aralan ko na. Ganoon ba kami ka-advance sa ibang bansa?
Lunch break. Kasama sina Logan, Aiden, Macey at Riley at Ake ay naupo kami sa table na madalas na inuupuan namin. Nang makaupo ako at maglibot ng paningin sa canteen ay may ilang mata ang nakatingin sa amin pero hindi ko na iyon pinansin. Mag-iiwas tingin na sana ako nang biglang mahagip ng mga mata ko sina Faye at Eos na nagtatawanan habang nasa pilahan ng pagkain.
Bahagya akong napangiti. Makita ko lang silang masaya ay okay na ako.
"Babebear, ano gusto mo? Ako na kukuha." Pukaw sa akin ni Ake.
"Hmm. Ikaw bahala, huwag mo lang lagyan ng sweets ngayon. Hinay hinay daw muna ako sabi ni Doc Carlo." Sagot ko sa kanya. Tumango naman ito saka niya bahagyang tinapik ang ulo ko at naglakad na palayo.
Lahat sila ay nagsi-tayuan ng sandaling iyon. Gusto raw kasi nina Miley at Riley na sila ang pumili sa kakainin nila. Inilabas ko ang phone ko at tinignan kung may text o missed call ako. Naka-silent kasi lagi ito sa tuwing nasa school ako. Pagtingin ko ay puro foreign numbers ang nandoon na mukhang galing sa babe gangs ko. Ang iba ay galing kay Marvin, pati na rin kay Kuya Rex, Mama at Papa.
From Marvs:
What do you want for your birthday sis?
To Marvs:
You. In a big birthday cake. Sayaw ka. XD
Message Sent!
From Marvs:
You just killed my surprise gift you idiot!
Natawa ako sa reply na iyon ni Marvs. Teka, bakit gising pa siya? 12 AM na doon ah.
To Marvs:
Lmao! You just got, Bam! Whuut?! LoL hey! Sleep already.. Late na ah!
Message sent!
From Marvs:
Yeah.. Take care sis. Good night! Loveyou.
To Marvs:
Loveyoumore! Sleep well..
Message Sent!
"Sino ka-text mo?"
"Ay ka-text!" Bulalas ko. "Ake.. Huwag kang nanggugulat. Loko ka! Eish!" Inis na sabi ko rito dahil muntik ko nang mabitawan ang phone ko.
He chuckled. "Sorry.. Sino nga ka-text mo?"
Inirapan ko siya saka ko itinago ang phone ko. "Si Marvs. Tinatanong kung ano raw gusto kong gift."
"Hmm. Okay. Kumain ka na." Aniya. Tumango naman ako.
Matapos kong kumain ay agad akong nagpaalam saglit sa kanila dahil naiwan ko ang gamot ko sa locker ko. Gustong sumama ni Ake pero kako ay saglit lang ako. Sumuko naman na siya sa pakikipagtalo nang biglang tumawa ang grupo dahilan para kumunot ang noo niya.
Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi ko mapigilang magmadali. Sa sobrang pagmamadalinay hindi sinasadyang may mabubunggo ako dahilan para parehas kaming matumba sa sahig.
Pikit mata ay pinakiramdaman ko ang katawan ko kung tumama sa sahig ngunit hindi. Nang magdilat ako ng mga mata ay laking gulat ko pang mukha na napakalapit sa mukha ko ang nakita ko. Nakapatong pala ako sa kanya.
Wait..
"Ake?" Kunot noong sambit ko. Paanong--?
TO BE CONTINUED..
Comments loves! ❤️
-- kyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro