Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Season 2 - 116

Blake's POV

Napagpasiyahan ko munang maglakad-lakad sa dalampasigan dahil hindi ako makatulog. Tumigil muna ako sa paglalakad at tumingala sa kalangitan.

"A blue moon," sambit ko.

Sumalampak ako sa buhanginan at humiga roon. Bigla ko na namang naalala ang nangyari kanina bago kami pumunta rito para pigilan ang kasal kuno nina Air.

Tch!

"How's the vital signs?" Tanong ko sa nurse na naka-duty.

"Normal Doc," rinig kong sagot niya.

"Blake!"

"Dude!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng mga boses na 'yon saka ko sila sinamaan ng tingin. Bumuntong hininga ako at napailing. Muli kong tinitigan ang nurse saka inabot sa kanya ang patients chart.

"Give that to Doc Zac. Pa-endorse na lang, thanks," bilin ko sa nurse saka ko nilapitan ang dalawang ugok.

Papalapit pa lang ako sa kanila ay hinawakan ko na agad ang dalawang braso nila at hinila palabas ng ward. Nang makalabas kami ng hospital ay masama kong tinitigan ang dalawa.

"What the hell is that?! Alam niyo namang bawal mag-ingay sa loob ng hospital!" Singhal ko sa kanilang dalawa.

"Never mind that dude," ani Logan na hindi man lang nasindak sa akin kaya naman mukhang seryoso ang ang sasabihin nila.

"What's this about?" Tanong ko.

Nagtinginan muna ang dalawa saka sila tumango.

"Ikakasal na si Chloe mamaya," balita ni Aiden na nagpakabog ng sobra sa dibdib ko.

I scoffed. "No. You're lying!"

"Blake," sambit ni Aiden na para bang sinasabi niyang nagsasabi sila ng totoo.

"Pa'nong nangyari 'yon? Kararating lang namin!" Asik ko. Sa loob-loob ko ay halo-halo ang nararamdaman kong emosyon. Lungkot, panlulumo, regrets, galit sa sarili ko at takot.

Nakaramdam akong mawawalan na talaga ako ng pag-asang makasama si Chloe.

No. That ain't gonna happen!

"Ang sabi ni Air, ang pagbabalik na lang daw talaga ni Chloe ang hininhintay niya," ani Logan.

"Damn! Saan?! Pupuntahan ko sila!" Pasigaw kong sabi.

"Sa Boracay dude. Dali! Baka mahabol pa natin," ani Logan. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papunta sa parking lot ng kotse ko.

"Teka Blake!" Rinig kong tawag ni Aiden kaya naman pimihit ako paharap sa kanila. "Kapag ba pinigilan mo 'yon, handa ka na? Handa ka na bang harapin ang lahat? May mapapatunayan ka na ba?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Aiden.

Ngumisi ako saka taas noong hinarap siya. "I am ready. Whatever happens, Chloe is mine! Akin siya at hindi ko na siya hahayaang mapunta sa iba!" Tiim bagang na sabi ko saka ako tumalikod at patakbong pinuntahan ang kotse ko.

Don't do this to me Chloe. No. Wala pa akong ginagawa para mapasa'kin kang muli.

"Hoy!"

Napatingala ako at napangiti nang makita si Chloe na nakangiti sa akin. Naglakad ito papunta sa tabi ko saka siya umupo.

"Di man lang nagulat? Ang fail naman," natatawang sabi niya.

I scoffed. "Not really."

"Ases. Eh 'di ikaw na," umiiling na sabi niya saka siya tumingala sa langit. "Blue moon," sambit niya.

"Yeah.." Tugon ko.

"Kanina ka pa rito? Anong ginagawa mo rito?"

"Hmm. I'm thinking about someone," nakangiting sabi ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at tinaasan ng kilay.

"At sino naman 'yan?" Pagtataray niya kaya naman natawa na lang ako. Kinuha ko ang kamay niya at hinila palapit sa'kin.

"Lay down Chloe.."

Nang sabihin ko iyon ay agad naman niyang sinunod. Sa braso ko siya umunan habang ako ay ginamit ding unan ang isa ko pang braso.

"Sino nga kasi 'yang iniisip mo?!" Pag-uulit ni Chloe kaya naman hindi ko na namang napigilang bahagyang tumawa. Nilingon ko siya at nakita namang nakatingin na siya sa akin.

"Masyado ka namang selosa Babebear," sagot ko sa kanya saka ko siya nginitian.

"Babebear, Babebear! Mukha mo! Siguro 'yong ka-fling mo 'no?!" Nakangusong sabi niya.

Ang cute talaga ng babaeng 'to. Tss..

"Don't make me say it," umiiling na sabi ko sa kanya.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang bumangon at hinampas ako sa dibdib.

"Aww! Chloe!" Suway ko sa kanya. Bahagya akong napakunot noo dahil masakit talaga 'yon.

Kailan pa 'to naging brutal? Tch!

"Bahala ka diyan! Makaalis na nga! Eish!" Kunot noong sabi niya kaya naman agad kong hinila ang kamay niya papunta sa akin.

Nang makapatong siya sa dibdib ko ay bahagya pa akong napaungol dahil sa lakas ng impact.

"Ayan! Sige! Hila pa more!" Pang-aasar niya.

"Shut up will you?! Ikaw! Ikaw ang iniisip ko! Sino pa ba?! Tch!" Asik ko sa kanya.

"Ako naman pala eh ba't hindi mo pa sinabi?! Psh!" Nakairap na sabi niya.

"Kailan ka pa naging demanding Babebear?" Nginitian ko siya ng nakakaloko.

"Ngayon. Simula ngayon. Dahil kapag sinabi ko ng akin. Akin lang! Eish!" Nakangusong sabi niya na ikinagulat ko naman.

Damn Chloe! You're so freakin' adorable!

Napangiti ako at nagpakawala ng buntong hininga. Ang sarap sa pakiramdam na marinig iyon sa babaeng mahal mo. Hindi ko akalaing sasabihin iyon ni Chloe after all those years. Mataman kong tinitigan siya sa mga mata saka ko hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya.

Paano ko bang nagawang saktan ang babaeng 'to? Ang babaeng walang ginawa kundi manatili noon sa tabi ko? Ang babaeng walang ginawa kundi ang mahalin ako?

I'm so stupid. I'm such a jerk.

"Paanong mahal mo pa rin ang kagaya ko Chloe?" Halos pabulong kong tanong sa kanya. Nabakasan ko naman ang bahagyang pagtataka sa mukha niya ngunit saglit lang iyon dahil agad ding napalitan ng ngiti.

"Dahil kahit anong gawin ko Ake, ikaw pa rin ang sigaw at laman ng puso ko. Sa'yo ko lang talaga naramdaman ang ganito. Maging kay Tyler, o kay Air, ayoko mang magkumpara pero alam ko ang napakalaking pagkakaiba," nakangiting sabi niya saka niya inihilig ang ulo niya sa dibdib ko. "Kulang ang salita para masabi ko ang nararamdaman ko Ake. Kulang.."

I closed my eyes and felt the moment. These kind of moments that we're going to remember forever. Yeah. I do believe that forever exist as long as I'm with Chloe.

She makes me feel like I can do anything as long as she's with me.

Iniangat ko ang mukha niya saka siya tinitigan sa mga mata.

"Then let me make you feel my love," saad ko sa kanya saka ko ipinadausdos ang kamay ko papunta sa kanyang batok.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nang makita ko siyang pumikit ay napangiti ako at pumikit na rin. Nang mag-dantay ang aming mga labi ay tila nangangapang muli iyon. Hindi malaman kung kailan siya tutugon kaya naman mas idiniin ko pa ang pagkakahawak sa batok niya palapit sa akin.

I kissed her like it's our first time doing it. Pareho kaming nalulunod sa halik na iyon. Humihinga sa bawat pagitan ng paghalik at napapakagat sa labi ng isa't isa.

Iba ang halik na iyon kumpara sa iba kong nahalikan. Walang bahid na pagnanasa, bagkus ay ang kagustuhan kong ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

I love her so much that just kissing her makes my heart pound like crazy. Holding her is just something that makes me feel the rush of the blood in my veins.

Oh God! How I love her so much!

Habol hininga kaming dalawa nang pakawalan ko siya. Nang magkasalubong ang mga mata namin ay pareho kaming napangiti. Niyakap ako ni Chloe kaya naman niyakap ko siya pabalik at mas mahigpit pa roon.

"Babebear?" Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Rinig kong tugon niya.

"It's time, for me to make you happy my Babebear Chloe," bulong ko sa kanya. Mas lalo namang himigpit ang pagkakayakap niya sa leeg ko kaya naman napangiti ako at napapikit.

Kinabukasan ay maaga akong dumaan sa kwarto nina Tita Maddie at Tito Gavin. Nang katukin ko sila ay si Tito Gavin ang nagbukas ng pinto.

"Good morning Tito," nakangiti kong bati sa kanya. Ngnitian niya naman ako saka niya ako inakbayan at pinasok sa loob ng kwarto nila.

Nang libutin ko ang kwarto ay mukhang nag-aayos na sila ng gamit pauwi.

"Oh Blake iho, ang aga mo namang napadaan," ani Tita Maddie na galing sa terrace. Kumakain ata sila ng breakfast. Lumapit ako kay Tita at hinalikan siya sa pisngi.

"Opo. Balak ko po kayong kausapin." Mataman ko silang tinitigan sa mga mata. Sa pagkakataong ito seryoso ako at ayoko ng magpa-tumpik-tumpik pa.

Nagtitigan sina Tita Maddie at Tito Gavin saka sila ngumiti at tumango sa isa't isa.

"Halika. Doon tayo," yaya sa akin ni Tito Gavin sa terrace.

Nang maka-upo kami at magkaharap-harap ay para bang bigla akong pinanlamigan ng mga kamay. Pakiramdam ko rin ay nanuyo ang lalamunan ko kaya pasimple akong uminom ng tubig na alok nila Tito at Tita.

Yumuko ako at ilang ulit na huminga ng malalim. Nang mag-angat ako ng ulo ay mataman kong tinitigan ang mga mata nila. Gusto kong makitang nilang seryoso ako. Gusto kong makita nila na ang lahat ng sasabihin ko ngayon ay totoo, at ang bawat katagang bibitawan ko ay tutuparin ko.

"Tita Madz, Tito Gav, gusto ko pong pakasalan si Chloe."

Nagtinginan sina Tita Madz at Tito Gav. Wala akong mababakasan na reaksyon sa mga mukha nila kaya naman mas lalo akong nangamba. Ngunit kahit ganoon pa may ay nagpatuloy lang ako.

"Alam kong hindi ako ang pinakamatinong lalake na nakilala niyo. Nakagawa ako ng pagkakamali at alam ko sa sarili kong nasaktan ko si Chloe. Alam kong kahit pagbalikbaliktarin ang mundo, ay hindi ko na maibabalik ang nakaraan para itama ang lahat, but please, Tito, Tita, believe me. I regretted everything. Pero dahil din po doon kung bakit ako natuto. Dahil doon ay mas gusto kong maging isang mas nararapat na lalake para kay Chloe at sana po, bigyan niyo ako ng isa pang pagkakataon na patunayan iyon." Mataman lang na nakatitig sila sa akin. Sa ilalim ng mesa ay ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. "Mahal na mahal ko si Chloe, Tita, Tito. I'm a work at progress. I have different revelations everyday. But still, I want Chloe by my side. I need her because God knows how much I love her. And I'll do whatever it takes to have her."

"Minsan mo na kaming binigo Blake," ani Tita Maddie na nagpapintig sa puso ko ng napakalakas. "But still, you have to prove yourself to us," aniya na mas lalong nakapagparamdam sa akin ng panlulumo.

"Face me Blake, one on one. Kapag natalo mo ako, papayag akong pakasalan mo si Chloe," ani Tito Gavin na bahagyang nagpakunot sa noo ko.

"Po?" Tanong ko.

"Basketball." Nakangising sabi ni Tito Gavin dahilan para mapangisi rin ako.

"Deal Tito," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Gav.. No.." Pigil sa kanya ni Tita Maddie.

Patay na. Baka hindi marunong si Tito Gavin at pagbibigyan lang ako. Yes! My win.

Napangiti ako.

"Wala namang laban sa'yo ang batang 'yan," dagdag ni Tito Chloe na nagbuka ng bibig ko. Nang mapansin nila ang reaksyon ko ay ngingiti ngiti silang tinitigan ako.

What? Gano'n ba kagaling si Tito Gavin?!

"Be ready. 9 AM sharp." Ani Tito Gavin na may nakakalokong ngiti sa labi at ganoon din si Tita Maddie.

Mga sadista! Damn it!

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro