Season 2 - 112
Happy 15k views! Keep coming! ❤️
Chloe's POV
"Chloe anak, may fiesta diyan sa kabilang isla. Sumama kayo ni Blake mamaya sa'min ha?" Rinig kong sabi ni Nay Ces. Kasalukuyan akong nagbabantay ng sinaing.
"Okay ho Nay Ces," tugon ko sa kanya.
Matapos ko roon ay dumiretso ako ng kwarto para magtiklop ng mga damit. Habang ginagawa iyon ay napailing ako. Ni minsan ay hindi ko ginawa ang mga bagay na'to. Ni minsan ay hindi ko akalaing makukuntento ako sa gan'tong buhay. Buhay na simple at walang inaalaa. Kung alam ko lang na okay din pala ang gan'tong pamumuhay ay ito na lang ang pinangarap ko.
Kumpara sa buhay ko, in reality, masyadong magulo. Palaging hinuhusgahan ng ibang tao ang ginagawa mo. Hahamakin ka kapag hindi ka nila ka-level. Sisiraan. Ibababa. Mga bagay na nag-iiwan ng katanungan lagi sa isip ko.
Bakit nga ba? Bakit nga ba gan'on na lang kaimportante sa kanila ang status ng buhay nila? Kung heto ngayon-- inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at maging sa labas ng binatana-- okay naman na ganitong klase ng pamumuhay. Nabubuhay ka, kumakain, at nagawa ko namang makuntento. Nga lang, lahat ay trabaho mo at walang gumagawa ng kahit ano para sa'yo.
"Hey."
Napalingon ako sa likuran ko. Si Blake. Tumabi ito sa akin at sinimulan na rin niyang magtiklop.
"Blake, ayos naman ang gan'tong klase ng pamumuhay 'di ba?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako saka siya ngumiti.
"Yeah. Wala kang problema maliban sa kakainin mo, at pati na rin mga kailangan mo." Inilagay niya sa tabi ko ang isang damit na natiklop ay inilagay ko naman iyon sa kabilang side ko. "Lahat ng nakukuha mo rito naiibebenta raw sa bayan. Maliit na pera lang ang nakukuha nila pero nagagawa nilang mabili lahat ng kailangan nila. They can actually get what they need, not what they wanted. Kuntento sila kung anong meron sila."
"At higit sa lahat ay masaya silang magkasama," nakangiting dagdag ko sa sinabi ni Blake. Ngumiti naman siya saka tumango.
"Kung wala lang kong responsibility na naiwan, pipiliin ko ang ganitong pamumuhay kasama rin ang taong mahal ko," ani Blake saka siya lumingon sa akin. "Ang taong pinakamamahal ko at pinakamahalaga sa'kin. Bubuo kami ng malaking pamilya at titira rito ng masaya at sama-sama."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Blake. Umiling naman siya saka niya pinagpatuloy ang pagtitiklop ng mga damit.
Kung ako rin ang tatanungin, gaya niya, ay gusto ko ring mangyari 'yon. Na sana isang araw, maging okay na ang lahat.
Kasama ang taong mahal ko, at mahal din ako.
Sumapit ang takip silim. Gaya ng sabi ni Nay Ces ay nagpunta nga kami sa fiesta dito sa isla na kalapit lang ng kakayuhan kung saan kami naninirahan.
Maraming tao ng sandaling iyon. Sari-saring mga palamuti ang naka-display kung saan-saan. Maraming banderitas. May tumutugtog, mga palaro, at pasayawan.
"Inang Ces, Tatang Dos! Buti naman ay nakapunta kayo. Oh, sino po itong mga kasama niyo?" Tanong ng isang babae.
Nilingon kaming dalawa ni Blake nina Nay Ces at Tay Dos.
"Ang magandang dilag na'to ay si Chloe," ani Nay Ces.
"Ang ang napakakisig na binatang ito ay si Blake," ani Tay Dos.
"Magandang gabi ho," bati ko habang si Blake namanay bahagya lang na yumukod.
"Hello. Ang pangalan ko ay Tess," pagpapakilala ng ginang. Matapos no'n ay inilibot niya kami kung sa'n-sa'n.
Sa isang kumpol ng mga kaedad namin kami nakisalo. Nang malingon ako sa gawi ni Blake ay pinalilibutan na siya ng babae. Napailing na lang ako at nangalumbaba sa ibabaw ng tuhod kong nakadekwatro. Talagang mukhang tuwang tuwa pa si Blake dahil nakikipagtawanan din ito.
"Hi!" Pukaw sa akin ng isang lalake na may kasama pang ibang lalake. Walang reaksyon ko lang silang tinitigan. "Pamilyar ka. Artista ka ba?" Tanong nung lalake.
"Hindi," pagsisinungaling ko.
"Gano'n ba? Ang ganda mo kasi," nahihiyang sabi nito kasabay ng bahagya niyang pagyuko at pagkamot sa ulo niya.
Hindi ako sumagot at mataman lang siyang tinitigan. Kamukha niya si Kai. Pinagkaiba lang ay maputi si Kai at siya naman ang kabaliktaran niya.
"Ako nga pala si Ren," pagpapakilala niya sa kanyang sarili kasabay ng pag-abot niya ng kamay sa akin para makipag-handshake.
"Pasensya na, hindi ako nakikipagkamay," agad na sabi ko.
"Ah? Ganoon ba," aniya. Bahagya siyang yumuko na para bang napahiya lalo na nang tuksuhin siya ng mga kasama niya.
"Chloe, I'm Chloe."
Tumingala si Ren saka niya ako tinitigan at nginitian.
"Akala ko susupladahan mo talaga ako," aniya. Muli ay para bang nahihiya ito dahil na rin siguro sa panunukso ng mga kasama niya.
"Chloe!"
Napalingon ako sa kanan ko at nakitang papalapit sa akin si Blake. Kunot noo ko siyang inirapan saka ako bumaling sa kaliwa ko.
"Ginugulo ka ba nila?" Rinig kong tanong ni Blake. Nilingon ko siya at nginisian.
"May nakikita ka bang gulo? Wala naman 'di ba?" Pasarkastikong sagot ko. Kumunot naman ang noo niya.
"What the hell is your problem? I'm just concerned!" Mahinang asik niya.
"Then don't be. If ever something happens, I don't need you. I can handle myself," taas noong sabi ko sa kanya.
"Brat!" Singhal niya sa akin.
Inirapan ko siya. "Whatever."
"Ba't ka na naman ganyan?" Kunot noong tanong niya.
"Pakielam mo?!" Asik ko sa kanya.
"Pare. Sibat na tayo. Mukhang boyfriend niya ata 'yan."
"Uy Ren! Tara na! Mamaya magkagulo pa!"
"Tara na! Uy!
Isa isang nagsialisan ang mga lalake kasama si Ren. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko pang nakatingin si Ren kay Blake na sa akin nakatingin.
Umupo sa tabi ko si Blake saka siya bumuntong hininga. Nakita ko namang sumimangot ang mga babae na kanina ay kausap niya.
"What's wrong?" Rinig kong tanong ni Blake.
"Wala. Bumalik ka na nga do'n! Tignan mo 'yong mga babae mo oh! Sabik na sabik na makipaglandian sa'yo! Nakakahiya namang pinuntahan mo ako rito. Go back," pagtataboy ko sa kanya saka ako tumayo. Ngunit di pam ako nakakahakbang ay naramdaman kong may humapit sa bewang ko saka ako iniharap sa kanya. "Ano ba!" Singhal ko.
"Are you jealous?" Nakangising tanong ni Blake habang yakap niya na ang bewang ko.
"Jealous?! Are you crazy?!" Asik ko sa kanya. Hawak ang dibdib niya ay pilit kong binibigyan ng malayong distansya ang mukha namin.
"You're jealous Chloe," aniya habang bahagyang natatawa.
"No! I'm not jealous! I can't be jealous! I don't wanna get jealous!" Sunod-sunod na palatak ko.
"But you are jealous," aniya dahilan para irapan ko siya.
Hindi nga ako nagseselos!
"And I'm loving it," bulong niya dahilan para makaramdaman ako ng pag-iinit sa mukha ko.
"Let me go already," halos pabulong kong sabi.
"Not until you admit that you're jealous." Halata ang panunukso niya dahil sa nakakalokong ngiti niya.
"No. I'm not. Don't push it!" Singhal ko sa kanya.
"Mas napaghahalataan ka. Nanlalaki butas ng ilong mo." Panunukso niya pang ulit.
"Eish! Fine fine! Okay na? Pakawalan mo na ako!"
Napansin ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya at biglaan niyang pagtahimik. Maya-maya lang ay sumilay na ang ngiti sa kanyang labi na ipinagtaka ko.
"Ano na naman?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Umamin ka," nakangiting saad niya.
"Malamang. Para pakawalan mo na ako! Saka teka nga, umamin na'ko kaya pakawalan mo na'ko," nahihiyang sabi ko saka ako nag-iwas tingin.
Susme! Tama na Blake! Oo na! Gwapo kana! Juicecolored! Bakit ba may ganitong klase ng nilalang?!
"You're so adorable as always," aniya saka niya isinubsob ang mukha niya sa leeg ko na ikinagulat ko.
"Blake! Chloe! Tara sumali kayo sa palaro!" Rinig kong tawag sa amin ni Nay Ces. Sabay naman kaming napalingon ni Blake kay Nay Ces na meron ng nakakalokong ngiti sa labi.
Buong lakas kong inilayo si Blake saka ko siya iniwan doon at naglakad palayo palapit kay Nay Ces.
"Anong laro Nay Ces?" Tanong ko rito nang makalapit ako.
"Dalawa kayo ni Blake. Laro ng magnobyo eh," aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Po? Eh? Hindi po. Hindi kami--"
"Sige Nay, sasali kami."
Napalingon ako sa likod ko saka ko pinanlisikan ng mata si Blake na tawa naman ng tawa.
"Oh siya, buhatin mo na si Chloe para makasali na kayo roon," ani Nay Ces sabay turo sa mga pair of lovers na nasa parang race track
"Hindi nga po--ayy!! Ano ba Blake! Ibaba mo'ko!" Singhal ko kay Blake. Binuhat ako niya ako na parang pang-bagong kasal. "Isa Blake!"
"Dalawa Chloe. H'wag kang KJ. Let's enjoy this night," nakangiting sabi niya saka niya sinimulang maglakad. Napailing na lang ako ng tuluyan saka bumuntong hininga.
Eish!
Nagsimula ang laro. Piggyback ride ako ni Blake habang siya naman ang tatakbo sa race track. May isang tinapay na nakabitin at ako ang kukuha nun gamit ang bibig ko saka ko ipapasa sa kanya. Nang maipasa ko sa kanya ay hindi ko sinasadyang malaglag dahilan para makagat ni Blake ang mga labi ko.
"I'm sorry! Are you okay?!" Nag-aalalang tanong niya.
"Yeah. Hayaan mo na. Itaas mo ako ulit, makakahabol pa tayo!" Mabilis na sabi ko. Nang iangat niya ako ay muli akong kumagat ng tinapay at ipinasa iyon sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay nakagat niya iyon.
"Go Blake! Dali!" Cheer ko sa kanya. Mukhang effective naman dahil bumilis nga ang takbo niya at pagdaan niya sa mga obstacles. Ang pagdaan sa gulong. Pag-iwas sa mga ibinabatong bola na pwede ko ring tamaan pabalik.
Nang makarating kami ng finish line ay agad niya akong ibinaba.
"Yehey! We won!" I cheered. Nang humarap ako kay Blake ay niyakap ko siya dahil sa tuwa.
Huli na nang ma-realize ko ang ginawa ko.
Agad akong lumayo sa kanya saka ako nag-iwas ng tingin. Nahihiyang napakagat sa ibabang labi saka ako umiling.
"Ang galing niyo anak!" Bati ni Nay Ces na halos patakbong lumapit sa amin.
"Salamat Nay," ani Blake. Nginitian ko naman sila saka kami nagyakap ni Nay Ces.
Pauwi na kami at naglalakad na. Nang lumakas ang hangin ay napayakap ako sa sarili ko. Nang himasin ko ang braso ko ay naramdaman kong may umakbay sa akin kaya naman napalingon ako sa katabi ko.
"Ano 'yan? Tiyansing?" Biro ko.
"Not really," he chuckled. "Come closer. I know you're cold," aniya.
So I did.
Pasimple akong napangiti sa nangyayari. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko ngunit binalewala ko na lang iyon.
Dahil sa ngayon, gusto ko kung ano mang nangyayari sa pagitan naming dalawa ni Blake at hindi ko itatanggi iyon.
Nang makarating kami sa kubo ay pinauna na nila akong maligo. Dala ang maliit na lampara ay dumiretso ako ng banyo.
"I'll come with you."
Kunot noo kong tinitigan si Blake.
"What?!"
"I mean, sa labas. Babantayan kita. Masyado ng late," nakangising sabi niya. "Bakit? Iba ba iniisip mo? Mukhang mas gusto ko ata 'yang nasa isip mo Chloe."
Umiling ako saka siya binato ng tabo na hawak ko.
"Bastos!" Natatawang sabi ko.
"Ikaw ang bastos. Ni wala akong sinabi kung ano 'yon. Silly," natatawang sabi niya.
"Yeah right. Whatever Blake," umiiling na sabi ko saka ako dumiretso ng banyo.
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro