Season 2 - 109
Third Person's POV
"Gavin, hindi ako naniniwalang patay na ang anak natin. Maniwala ka sa'kin, buhay pa siya," ani Maddie sa asawang si Gavin.
Nasa bahay sila ngayon at pinag-iisipan ang mga 'di kapanipaniwalang pangyayari. Tahimik lang si Gavin at hindi sinagot ang asawa dahil pakiramdam nito ay tama ang kanyang kabiyak. Hindi rin maramdaman ni Gavin na wala na talaga ang kanyang anak na babaeng si Chloe.
Magsasalita na sana si Gavin nang biglang sumulpot si Manang at sinabing may bisita. Nagtinginan ang mag-asawa saka sila tumayo at sinalubong ang mga iyon.
Ang mga magulang ni Blake na sina Glady at Blitz.
"Maddie, Gavin, magandang araw," bati ni Blitz sa mag-asawa.
Agad na lumapit si Glady kay Maddie at hinawakan ang kamay nito. Ikinagulat iyon ni Maddie ngunit nang titigan niya ang mga mata ni Glady ay nabakasan niya iyon ng lungkot.
"Maddie, nararamdaman kong hindi pa patay si Jayce. Maghanap tayong muli. Hindi maaaring wala na ang mga anak natin." Nagsimulang humagulgol si Glady na agad namang inalo ng kanyang kabiyak na si Blitz.
Pinisil ni Maddie ang kamay ni Glady.
"Naiintidihan ko ang nararamdaman mo Glady. Maghahanap kaming muli ni Gavin. Mahahanap natin sila," ani Maddie kay Glady.
"Ma'am, Sir, nandito na raw ang mga private investigators niyo," pukaw ni Manang sa mag-asawang Cavalier. Tumango naman si Maddie at Gavin bilang tugon kay Manang.
Naupo ang lahat sa sala at doon nagharap-harap. Matapos makapagdala ni Manang ng meryenda ng mga bisita ay tumikhim ang private investigator kaya naman napaharap silang lahat sa kanya.
"Negative ang results ng DNA ng kamay na iyon Mister and Miss Cavalier," sabi ng private investigator. Nagtinginan ang mag-asawang Cavalier saka sila nagyakap. Tama sila sa isip-isip nila.
"Maski ang dugo na nakita sa damit ng batang si Mister Drexel ay magkahalong dugo ng isang mabangis na hayop at dugo ng bata," nilingon ng private investigator ang mag-asawang Drexel. "Isang baboy damo lang iyon. Posibleng nakatakas ang bata sa nasabing pangyayari," pagpapatuloy ng private investigator. Nagtinginan ang mag-asawang Drexel saka sila nagyakap. Nagsimulang humagugol si Glady dahil sa tuwa.
"Sa ngayon po, simulan na ulit natin ang paghahanap. Humihingi po kami ng tawad kung nasabi na naming malaki ang posibilidad na wala na sila. Ngunit," sumeryoso ang private investigator. "Ngunit kung ano man po ang maging resulta ay ihanda niyo na ang sarili niyo."
Tumayo ang private investigator na iyon at nagpaalam sa dalawang pamilya. Lumapit naman si Glady kay Maddie at nagyakap ang mga ito.
"Salamat. Salamat dahil maski pala si Jayce ay hindi niyo pinabayaan," sinserong sabi Glady dito.
"Anak na ang turing namin kay Blake, Glady. Wala iyon," sagot ni Maddie rito.
Sa kabilang banda ay panay ang pagtatalo nina Chloe at Blake. Tuwang tuwa tuloy sa kanilang dalawa ang matandang mag-asawa na kumupkop sa kanila.
"Palibhasa, iyang mga muscles mo hanggang kama at hospital lang! Dalian mo na ngang magsibak ng kahoy!" Singhal ni Chloe kay Blake.
"What?! Alagang gym 'yan!" Pagmamalaki pa ni Blake sa dalaga. Inirapan naman siya nito saka siya bumaling sa matandang mag-asawa.
"Bakit po ba kasi pumayag kayong maparito 'yang lalaking bakulaw na 'yan Nay Ces, Tay Dos? Tignan niyo, hindi naman nakakatulong!" Inis na sumbong ni Chloe sa mga matatanda.
Tumawa naman ang mga matatanda saka sila umiling. Tumayo ang mga ito mula sa pagkakaupo sa papag saka sila dumiretso na ng gubat para mangahoy at mangaso para sa hapunan nilang lahat para mamaya.
"Kung makapagsabi ka ng hindi nakakatulong, ikaw ba, nakakatulong ka?" Asik ni Blake kay Chloe.
"Excuse me?! Ako ang naglilinis ng bahay, ako rin ang nagsasaing at ako rin ang naglalaba rito! Eh ikaw?! Ha?!" Singhal muli ni Chloe sa binata.
"Taga-igib ng tubig! Alam mo ba kung gaano kalayo 'yon?! Makakapaglaba ka ba o makakaligo kapag walang tubig?! You're so stupid!" Asik nito kay Chloe. Nagsalubong naman ang dalawang kilay ng dalaga saka niya inis na inis na inirapan ang binata.
Matapos ng hapunan ay lumabas ng kubo si Chloe. Halos isang buwan na siya sa piling ng mag-asawang Ces at Dos. Masaya siya rito kung susumahin hanggang sa isang araw ay dinala na lang ni Dos si Blake sa bahay kubo dahil sa puno ito ng sugat na natagpuan sa kakahuyan.
Chloe's POV
Naramdaman kong may tumabi sa papag na kinauupuan ko kaya napalingon ako roon. Si Blake. Hanggang ngayon ay marami pa rin siyang benda gamit ang tela ng damit at dahon-dahon na sabi nina Nay Ces ay makakatulong sa paggaling ng sugat niya.
Psh! Doktor naman siya! Eh di dapat siya na gumamot sa sarili niya! Tch!
Iniripan ko siya saka ako humiga at tumingala sa langit. Mula sa kinahihigaan ko ay kitang kita ko ang napakaraming butuin.
"Wala ka pa bang balak na bumalik sa'tin?" Pukaw sa akin ni Blake. Hindi ko siya sinagot, bagkus ay bumuntong hininga ako at pumikit.
Sa totoo lang ay nagaalala na ako kina Mama at Papa pero, pero hindi ko alam kung paanong haharapin si Air. Ang bagong kirot na nararamdaman ko sa puso ko ay alam kong dahil sa kanya. Hindi man iyon kasing sakit noon ng kay Blake, alam kong nasaktan pa rin ako.
Natatakot na naman akong masaktan lalo na kapag kinompronta ko si Air tungkol kay Yel. They've been best friends like forever. Magkababata silang dalawa. Pareho ng pangarap. Pareho ng gusto sa buhay.
Anong laban ko roon?
"Chloe, hindi mo pa rin ba talaga ako mapapatawad?" Rinig kong tanong ni Blake kaya naman nagdilat ako ng mga mata at nakitang nakatingala sa langit si Blake.
Hindi ko pa nga ba siya napapatawad? Hindi ko alam, pero hindi ko maitatangging natakot ako nung makita ko siyang agaw-buhay nang dalhin siya ni Tay Dos sa kubo nung gabing 'yon. Ang sabi ko nun ay marami pa akong hindi nasasabi sa kanya. Na sana gumising na siya.
At huwag niya na akong iiwan ulit.
Napailing ako. Hindi ko akalaing gano'n pa rin ang dating sa'kin ni Blake.
Mahal ko pa ba siya kaya gano'n?
Eh anong nararamdaman ko kay Air? Bakit ako nasaktan sa nakita ko roon sa condo?
"Ang sabi nina Nay Ces ay sa susunod na buwan pa may maliligaw na bangka sa may dalampasigan. Baka sumbay na'ko roon." Pagpapatuloy ni Blake saka siya lumingon sa'kin. "Kung gusto mong mapag-isa, sige lang. Pero ipapaalam ko kina Tito Gavin at Tita Maddie na ayos ka lang para hindi sila mag-alala," aniya.
Tumango ako saka umupo. Pinakiramdaman ko ang katahimikan sa pagitan namin ni Blake at hindi ko maitatangging, na-miss ko iyon.
"I wanna hug you right now Chloe. I wanna kiss you. I wanna say how much I still love you but I can't. Wala na akong karapatan," aniya saka niya ako matamang tinitigan sa mga mata. "Iba na ang mahal mo at ayokong maguluhan ka pa," pilit ngiting sabi niya saka siya nagbawi ng tingin at tumayo. "Halika na sa loob. Masyado nang malalim ang gabi."
Nang maglakad siya palayo ay wala sa sariling itinaas ko ang kamay ko na para bang gusto ko siyang pigilan. Nang titigan ko ang kamay kong iyon ay isang malaking katanungang, bakit ko ginawa iyon?
Kinabukasan ay ni hindi mo na kami maririnig na magbangayan. Parang naubusan na ata ako ng lakas na makipag-away sa kanya, at nakapagtatakang ganoon din siya. Mas dumali pa nga ang mga trabaho dahil parehas kaming gumagalaw at nagtutulungan.
"Himala anak, hindi ata kayo nagbabangayan ni Blake?" Tanong ni Nay Ces. Naglalaba kasi kaming dalawa ngayon.
Nginitian ko siya saka ako umiling. "Masyado na kaming matanda para sa mga ganoong bagay Nay," bahagya akong natawa. "Ewan ko rin po kung bakit bigla na lang kaming okay ngayon."
"Kayo ba eh, mag-nobyo?"
Nanlalaking mata akong tumingin sa gawi ni Nay Ces.
"Po? Eh, hindi po," sagot ko kasabay ng pagwagayway ko sa kamay kong puro bula. Nalagyan tuloy ang ilong ko.
Narinig kong natawa si Nay Ces kaya naman napangiti na lang din ako.
"Blake!" Tawag ni Nay Ces kay Blake kaya nagtatakang tinignan ko siya. "Blake iho!" Tawag pa niyang ulit.
Narinig ko ang papalapit na yabag ni Blake kaya naman nagkunwari akong busy na naglalabang muli.
Teka? Anong kunwari? Eh busy naman talaga akong naglalaba ah!
Napailing ako sa apila ng utak ko ng sandaling iyon.
"Bakit po?" Rinig kong tanong ni Blake kay Nay Ces.
"Tanggalin mo nga iyong ilang bula sa mukha ni Chloe iho. Mamaya ay mangati pa ang makinis niyang kutis," ani Nay Ces.
Babarahin niya na naman 'yan at sasabihing saang banda ang makinis! Tss!
"Ah, sige po," rinig kong sagot ni Blake kaya naman nagtaka ako. At mas lalo akong nagtaka nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Shems! Ba't ganito?!
"Chloe harap ka sa'kin," rinig kong sabi sa'kin ni Blake kaya naman humarap nga ako sa kanya.
Juicecolored! Kung uso ang nosebleed kapag nakakita ka ng sexy na half naked body sa harapan mo, kanina pa nagdurugo ilong ko!
Gaya ng inutos ni Nay Ces ay pinunasan nga nito ang bula na nasa ilong ko at ilang parte ng mukha. Nagawa ko pang matitigan siya ng malapitan dahilan para mas lalo akong makaramdam ng kaba. Kaba na baka marinig niya ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Ngayon ko lang napansin na mas naging expressive ang mga mata ni Blake. Maging ang kilay niya ay mas makapal na ngayon kumpara dati. Ang ilong niya ay nanatiling matangos na sapat lamang sa laki ng kanyang mukha, at ang labi niyang mamula mula at manipis lang kung susumahin pero, parang napakasarap halikan.
Anong parang? Masarap naman--- wait, what am I thinking?!
"Is it itchy?" Rinig kong tanong ni Blake kaya naman agad akong umiling. Nginitian niya naman ako saka siya tumalikod at tuluyang lumayo.
Nang makalayo siya ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Nang mapalingon ako kay Nay Ces ay mangiti ngiti pa siyang parang nakakaloko.
"Nay Ces," suway ko sa kanya.
"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib," umiiling na sabi ni Nay Ces saka ito bahagyang tumawa.
Ano raw?
Matapos naming maglaba ay tinulungan ko na rin sa pagsasampay ng mga damit si Nay Ces. Ilang sandali lang ay lumapit si Tay Dos sa kanya saka niya ito hinalikan sa noo. Napangiti naman si Nay Ces saka sila ngumiti sa isa't isa.
Naalala ko tuloy noong kami pa ni Blake. Lagi akong nagtataka noon kung bakit mas madalas niya akong halikan sa noo, at kung halikan niya man ako sa labi ay hahalikan niya muna talaga ako sa noo.
Bakit nga kaya?
Nang makaalis si Tay Dos ay lumapit ako kay Nay Ces.
"Nay, ano po bang ibig sabihin kapag madalas kang halikan sa noo ng taong mahal niyo?" Tanong ko. Ngumiti naman si Nay Ces saka niya ako matamang tinitigan.
"Ang ibig sabihin no'n ay malaki ang respeto niya sa'yo. Na para sa lalaking mahal ka ay palagi ka niyang bibigyan ng proteksiyon, gagabayan ka niya sa lahat ng bahay at para bang sinasabi niya ring, hindi ka niya pababayaan at iiwan dahil ganoon ka niya kamahal," paliwanag ni Nay Ces saka siya tumalikod para kumuha ng basang damit na isasampay.
Respect, protection and love?
Alam ba ni Blake na 'yon ang meaning ng halik na 'yon?
Teka nga, bakit ko ba kasi iniisip ang tungkol do'n? Maano naman kung may meaning o wala?
Kinilig ka naman?
Eish!
Napanguso na lang ako sa convo na nangyayari sa utak ko.
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro