Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Season 2 - 106

Chloe's POV

Ang dami daming games ng babae na'to! Baka paabutin niya pa kami ng umaga rito ah! Talo kami ni Aiden, huhu! Nag-uusap pa kami kanina nang bigla na lang may nag-announce na may nanalo na. Tss!

"Truth or Shot, well alam niyo naman na rules ng game na 'to. Magpapasahan tayo ng bola kapag huminto 'yong music, at kung nakanino ang bola, siya ang ma-tu-truth or shot. 1 shot of tequila per pass mo kung ayaw mo mag-truth. Maliwanag?" Paliwanag ni Carla.

Lahat kami ngayon ay naka-upo sahig paikot. Katabi ko sa kaliwa si Eos habang sa kanan ko naman ay si Riley. Paano ba naman kasi, pag-agawan ba naman ng mga kaklase ko kung sino ang makakatabi ko? Nawindang naman daw ako roon!

Music stops at na kay Blake ang bola.

"Truth," agad sabi ni Blake.

"May girlfriend ka ba ngayon? Or ka-fling?" Tanong ni Carla. Limang questions daw mula sa lahat ang pwedeng itanong. Ang mga magtatanong nun ay yung last 5 na nakahawak ng bola before Blake.

"Fling," sagot ni Blake.

Fling? Ba't naman?

"Bakit fling lang?" Tanong ng isa sa limang nakahawak ng bola.

"I don't do romance anymore," walang reaksyong sagot ni Blake.

Ha? Bakit?

"And why is that?" Tanong muli ng isa.

"I don't believe in love anymore," sagot muli ni Blake.

Ha? Bakit? Anong nangyari sa'yo Blake?

"And why is that?" Tanong ni Logan. Isa kasi siya sa nakahawak sa bola.

"Talaga bang puro bakit ang tanong niyo? Tch!" Umiling si Blake. "Dahil hindi ko na alam magmahal. Akala ko noon, nagawa kong iparamdam sa isang tao kung gaano ko siya kamahal pero hindi pa pala sapat. Siguro dahil nasaktan ko siya, but, behind those painful memories, natanong ko sa sarili ko na, hindi ko ba siya minahal ng tama?" Tumawa ito, pekeng tawa dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko dahil biglang tumibok iyon ng pagkalakas lakas. "Siguro nga hindi dahil naging madali sa kanya na kalimutan ako," pagpapatuloy niya.

Kalimutan siya? May naging girlfriend ba siya matapos ako? Hindi naman siguro ako 'yon 'di ba?

Napayuko ako at napailing.

"Kayo ba ni Chloe, wala ng pagasa?"

Nag-angat ako ng ulo nang mabosesan iyon. Si Riley. Isa rin pala siya sa nakahawak ng bola. Napatingin ako kay Ake, at bago pa man ako muling magbawi ng tingin sana, ay nakita ko na siyang nakatingin sa akin. Walang reaksyon ang mukha niya ng sandaling iyon. Pinilit kong tignang mabuti ang mga mata niya pero sadyang laking harang ang salamin na gamit niya.

"Wala na. Wala ng maibabalik sa aming dalawa," walang alinlangang sagot ni Ake saka siya nag-iwas ng tingin. Nang magpatugtog ulit ng music ay muling umikot ang bola.

Eh bakit ganyan ka sa'kin? Bakit parang pakiramdam ko eh may kasalanan ako sa'yo Ake?

Karamihan sa kanila ay puro shot ang tinira. Maski ako ay ganoon din. Ayokong mag-truth hangga't kaya ko. Ayokong matanong ng iba ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko.

"Shi Chloe ulet," lasing na sabi ni Carla. Sinisinok sinok pa ito dahil siguro sa kalasingan.

Ako? Matino pa naman ako. Nasanay na ako sa alak dahil hindi nawawala ito sa showbiz industry lalo na kapag may kasiyahan na madalas ay puntahan namin ni Air.

"Truth," mahinang sabi ko.

"Truth daw! Magtanong na kayo!" Sigaw ni Carla saka ito bumagsak sa lapag.

Natawa ako sa naging itsura niya ng sandaling iyon. Halos lahat ay bagsak na talaga. Ilan na lang kaming gising. Ako, si Eos, si Riley na lulugo lugo na rin at nakasandal sa akin, si Macey na bibigay na rin, si Logan na dilat pa pero tulala na, at si Aiden na mataman na nakatingin sa akin. May tatlo pa kaming kaklase na gising pero may sarili ng mundo, at ng magawi ako kay Ake ay may sarili pa itong baso ng alak na hawak na para bang hindi siya tinatablan ng kalasingan.

"Ako magtatanong Chloe," ani Aiden. Tumango naman ako. "Mahal mo pa ba si Blake?"

Oo o hindi lang naman ang pwedeng sagot sa tanong na 'yon pero parang nalunon ko ang dila ko. Wala si Air na hahawak sa kamay ko at pipisil ng sandaling iyon kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahilan para palihim akong huminga ng malalim.

"Hey, you okay? Lasing ka na rin ba?" Tanong sa akin ni Eos.

Tama! Mag-aakto na lang akong lasing!

"Ano nga ulit tanong mo Aiden? Sorry," pumilikit pikit na sabi ko.

"Mahal mo pa ba si Blake kako," ulit ni Aiden.

"Oo naman." Nilingon ko si Ake na mukhang nagulat sa sagot ko. "Dahil para sa akin, isa siya sa mga taong nag-stay nung mga panahong kailangan ko siya. He's still a friend kahit pa alam ng lahat na ex ko siya."

Tinapos kong sabihin 'yon saka ako kunwaring hinimatay. Sinong tanga at sobrang kapal ng mukha na sasagot ng gan'on sa harap ng ex mo?! Shit! Buhatin mo ako Eos!!

"Dadalhin ko na siya sa kwarto nila," rinig kong sabi ni Eos.

"No. I got her."

Gusto ko mang mag-react ng sandaling iyon ay hindi ko magawa. Sigurado akong boses ni Ake 'yon! No!

Naramdaman kong may bumuhat sa akin saka ako ini-ayos sa mga braso nito.

Ano ba 'yan Chloe! Wrong move ka naman eh! Ba't gan'to?! Mali eh! Ang tanga-tanga mo Chloe! Waaah!

Nang maihiga ako ni Ake ay naramdaman ko rin ang pagtanggal niya ng sandals ko. Nang matapos siya roon ay tumahimik ang paligid. Pinilit kong pakiramdaman ang lahat pero wala talaga akong narinig.

"You're awake, aren't you?" Rinig kong tanong ni Ake.

Peste! Alam naman pala na gising ako, nanahimik pa! Eish!

Hindi ko siya inintindi. Pinanindigan ko na lang na tulog ako ng sandaling iyon. Mas nakakahiya kapag dumilat ako at siya ang makikita ko.

"You're not as great as they described Chloe," ramdam kong bulong niya dahilan para magtayuan ang lahat ng balahibo ko.

Bahagya akong napapitlag sa sumunod na ginawa niya. Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos iyon.

Napakatagal kong hiniling na sana ay maramdaman ulit iyon. Napakatagal kong naghintay na mangyaring maramdaman ulit ang mga kamay niya na dumantay sa katawan ko pero, ngayon ay iba na.

Wala na akong maramdaman.

Dahil napalitan na iyon ng galit.

Oo. Galit pa rin ako kay Ake. Sa sobrang galit ko ay ipinangako ko sa sarili kong maghihiganti ako sa kanya balang araw. Na hindi ko ipapakita ang galit ko sa kanya at kakaibiganin siyang muli para maisagawa ko anh plano ko.

Planado na ang lahat pero bakit ganito?

Wala na akong maramdaman na kahit ano.

Totoo bang galit pa rin ako kay Ake?

Galit ako 'di ba? Oo galit ako. Oo.

🎶You lift my heart up when the rest of me is down
You, you enchant me even when you're not around.🎶
🎶If there are boundaries, I will try to knock them down. I'm latching on, babe, now I know what I have found🎶

Hindi ko inaasahan ang pagkanta ni Ake ng sandaling iyon. Ilang sandali ko pa siyang pinakinggan hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagdikit niya ng noo niya sa noo ko.

"I've missed you so much," rinig kong sabi niya.

Didilat na sana ako pero laking gulat ko na lang nang maramdamang ang labi niya sa labi ko.

"Hindi ka talaga didilat ah," sabi niya ng hindi inihihiwalay ang labi niya sa labi ko.

The hell! Ngayon pa ako tinablan ng hiya! Kasi naman!

"Fine then," rinig kong sabi niya.

Naramdaman ko na lang na pumatong siya sa ibabaw ko at pinaliguan ako ng mumunting halik sa pisngi ko. Nang makarating iyon sa leeg ko ay agad kong iminulat ang mga mata ko at itinulak siya.

"What the hell are you doing?!" Asik ko sa kanya.

He scoffed. "Talagang nagpapapak ka muna bago ka gumising ah. Hindi ko alam na okay na pala sa'yo ngayon na halikan ka ng kung sino-sino." Nakangising sabi niya saka siya lumapit sa akin. "Sabagay, artista ka naman. Patikim nga rin ako Chloe. Gawin din natin iyong mga bed scenes niyo ni Air sa---"

Isang malakas na sampal ang natanggap ng pisngi ni Ale galing sa akin. Buong lakas ko siyang itinulak muli saka ako umupo at tumayo. Iniayos ko ang sarili ko at sinamaan siya ng tingin. Lahat ata ng galit na meron ako noon ay biglang nanumbalik.

"Ano Blake?! Anong sabi mo?!" Asik ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at mataman lang akong tinitigan. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka ganyan?! Ganoon na ba ako kabastos-bastos sa paningin mo?! Ha?! Ang kapal ng mukha mo! Gago!" Nanggigil na sabi ko sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnan ko ng sandaling iyon. "Hindi ka lang basta kung sino-sino Ake, dahil kahit gaano man kalaki ang galit ko sa'yo hindi kita magawang pisikal na saktan, but you pushed me to do it." Nilapitan ko siya at muling sinampal. "And you definitely deserves it! Asshole!"

Paglabas ko ng kwartong iyon ay napahawak ako sa pisngi ko nang may mainit na likido akong naramdaman doon.

Bakit? Bakit ako umiiyak? At bakit na naman ako nakakaramdam ng sakit ngayon? Bakit?!

Air, kailangan kita Air!

Kinabukasan ay agad akong nagpasundo kay Kris, ang personal driver namin ni Air. Pinigilan ako nina Macey, Aiden, Logan at Riley pero hindi ako nagpapigil. Pursigido akong hindi na muling makita pa ang mukha ni Blake.

Masaya na ako noong wala siya. Masaya na ako. Iiwan ko ng talaga ang lahat ngayon sa lugar na 'to.

Revenge? Whatever! Hindi na. Mananahimik na lang ako. Hindi ko na rin naman siya kailangan sa buhay ko.

Nang makarating ako sa condo na tinutuluyan namin ni Air ay agad akong pumasok sa loob. Matapos kong ilapag ang gamit ko sa may bukana ng pinto ay nagtuloy-tuloy ako sa sala pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Si Yel at si Air. They're doing it.

Napayuko ako ng sandaling iyon at nag-iwas ng tingin. Ang buong akala ko ay may matatakbuhan akong Air ngayon. Ang buong akala ko ay may gusto rin siya sa akin.

Nagkamali ako. Nagkamali na naman ako.

"I thought we had something special Air," bulong ko sa sarili ko bago pa man ako lumabas muli ng condo.

Pagkasakay ko ng elevator ay napasandal ako roon. Pikit matang inalala ang lahat ng pangit na nangyari kagabi at ngayong araw na 'to.

Ba't ako? Ba't ako ang kailangang makaranas ng ganito?

Pagbukas ng elevator ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Paulit-ulit na akong nasaktan pero buhay pa naman ako. Paulit-ulit na rin akong umiyak pero hindi pa rin nawawala ang bigat na nararamdaman ko.

Paulit-ulit na lang.

Wala sa sariling idinayal ko ang phone number ni Mama.

"Hello iha, napatawag ka?" Tanong ni Mama sa kabilang linya.

"Ma, pupunta ako diyan," paalam ko kay Mama. Nasa America sila ngayon dahil sa susunod na buwan ay ikakasal na ang kambal ko.

"Oh? Napaaga ata?" Tanong ni Mama.

"And one more thing, walang makakaalam."

"Iha, may problema ba?" Nahimigan ko ang nagaalalang boses ni Mama kaya napailing ako.

"I just need time for myself. It's time."

"Hmm. Okay. Magpapa-reserve na ako ng ticket mo. I'll call you when it's done. Sa ngayon bumyahe ka na papuntang airport," ani Mama.

"Got it Ma, and Ma?"

"Hmm?"

"I love you. Thank you for everything. Sabihin niyo rin po kay Papa na mahal ko siya. Mahal na mahal ko kayong pamilya ko."

"You're welcome anak and we love you too," sagot niya kaya naman ibinaba ko na ang linya.

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro