Season 2 - 105
Chloe's POV
Matapos ng taping namin sa Boracay ni Air ay nagkanya-kanya na muna kami. Pupuntahan niya raw ang best friend niyang si Yel, habang ako naman ay a-attend sa reunion ng high school classmates ko. Sa Baguio naisipan ng mga ito na pumunta. Kung hindi ako nagkakamali ay bahay daw ni Carla ang napili nila.
Nang makalabas ako ng airport ay masaya akong sinalubong nina Macey at Riley. Nginitian ko naman sila saka kami nagyakapan.
"Eiw! Ang pangit mo! Ang baduy ng suot mo! Ba't ganyan?" Puna sa akin ni Macey nang matitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
Naka-suot kasi ako ng baseball cap at napakaluwag na tshirt, actually ay tshirt yun ni Air. Naka-tsinelas ako at naka-suot lang ng shorts na hanggang tuhod ang haba.
"Gusto niyo bang dumugin tayo? Makapagsalita kayo ah! Kayo nga 'tong baduy eh!" Puna ko rin sa suot nila. Pareho kasi silang naka-bestida na parang pamalengke lang.
Gaya ko ay kilala at sikat ding mga modelo sina Macey at Riley. Kinaibahan, ako, nag-artista.
Bahagyang natawa at umiling na lang sina Macey at Riley at gaya ng dati ay naka-sukbit ang braso nila sa braso ko.
"Sino-sino raw pupunta?" Tanong ko nang makasakay kaming tatlo sa kotse.
"Hi Chloe!"
"Yow Chloe!"
Napalingon ako sa driver at passenger's seat. Sina Aiden at Logan.
"Kayo pala, hello!" Bati ko sa kanila saka ko inalis ang cap ko at inilugay ang buhok kong nakatago roon.
"Lahat, malamang. Reunion nga 'di ba?" Ani Riley. Tumango tango naman ako.
So nandoon siya? Psh! Whatever!
Ilang oras din ang byahe namin ng sandaling iyon. Hindi ako nakatulog dahil natulog naman ako sa eroplano magdamag nang papunta ako rito. Nang ipinasok na ni Logan ang sasakyan sa isang gate ay tinanaw ko ang itsura ng bahay. Malaki iyon at talaga namang masasabi mong, kasya ata ang isang libong bisita kapag nagkataon.
"First time kong makapunta sa bahay nina Carla actually," ani Macey.
"Nakapunta na'ko rito pero 'di rin ako nagtagal," ani Riley.
Pagka-park ni Logan ay siyang baba na namin sa sasakyan. Nag-inat-inat pa ako dahil pakiramdam ko ay na-stock ng matagal ang mga buto ko.
"Tara, palit muna tayo," yaya ni Riley. Dahil nga alam niya ang bahay nina Carla ay siya ang tumayong guide namin.
Isang kwarto ang pinasok namin nina Riley at Macey. Malaki iyon at meron ding king size bed.
"We'll stay here. Ako na bahala kay Carla," ani Riley. Tumango naman kaming dalawa ni Macey. "Let's change."
Napataas ako ng kilay ng biglang maghubad sa harap ko sina Macey at Riley.
"Aba! Ano 'to? Malaking dressing room na rin?" Natatawang sabi ko.
"Arte! Hubad na! Parang may itatago ka naman eh kitang kita na ng buong sambayanan 'yang katawan mo! Ikaw ba naman laging naka-two piece sa palabas niyo ni Air 'di ba? Kaloka 'to!" Komento ni Macey kaya naman hindi ko napigilang matawa.
"Speaking of Air, bakit hindi mo siya isinama?" Tanong ni Riley.
"May aasikasuhin siya, saka hindi naman daw natin siya classmate nang ayain ko siya kahapon dito. Asar talaga 'yon! Di na nawala pagiging pilosopo niya!" Nakangusong sabi ko sa kanilang dalawa sabay suot ko ng isang beach dress.
Wala eh. 'Eto lang meron ako dahil nga sa Boracay kami galing.
"Ano to babysis? Beach party? Hawaiian party?" Puna agad ni Riley.
Inirapan ko siya saka ako umiling. "Wala akong ibang damit, puro pandagat na dami ang dala ko."
"Uh? Hello? Nandito kami? Hindi naman siguro nalalago ang size namin sa'yo? Kainis ka babysis ah!" Ungot ni Macey.
Napailing na lang ako at sumunod sa kagustuhanng dalawa. Binigyan nila ako ng isang simple yellow dress na pinatungan lang ng manipis at puting cardigan.
Nang makababa kami sa baba ay nagsimula nang magsidatingan ang mga kaklase namin. Nakita ko rin doon si Eos kaya agad kong nilapitan ito at hinalikan sa pisngi nang mayakap siya.
"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"Halos kararating-rating ko lang," nakangiting sagot niya.
"Oh, si Ayeka? Sana isinama mo," sabi ko sa kanya saka ko ikinawit ang braso ko sa braso niya at hinila siya papunta sa food table.
Ako na gutom. Sorry na! Haha!
"Ayaw sumama. Nahihiya raw kasi nga, magkakakilala tayong lahat dito," rinig kong sagot ni Eos. Hindi na kasi ako nakatingin sa kanya dahil kumukuha na ako ng pagkain.
"Ahh. . . Eh 'di sana sinabi mong nandito ako."
"Leave her Chloe. Maselan din kasi lagay niya," ani Eos kaya nanlalaking mata akong napalingon sa kanya.
"You! You jerk! Baby?" Bulalas ko. Nahihiyang tumango naman si Eos saka siya umiling. "Ayiiie!" Tukso ko sa kanya habang tinutusok tusok ang tagiliran niya gamit ang siko ko.
Ikinasal sila last year ni Ayeka. Masaya ang dalawa at halata ngang kuntento sila sa isa't isa. Napangiti ako ng sandaling iyon saka napailing. Nakakainggit lang.
"Chloe!!! Chloe pa-autograph!"
Isa isang nagsi-lapit sa akin ang mga kaklase ko. Kinuha tuloy ni Eos ang hawak kong plato saka siya tumango na siya na raw ang bahala roon.
"Isa-isa lang guys. Huwag kayong manulak," suway ko sa kanila nang makaramdam ako ng pagtutulakan.
Dapat talaga ay isinama ko si Air. Siya ang bodyguard ko kapag ganito eh.
Matapos kong pirmahan ang lahat ay nagpa-picture naman sila. May ilan pang demanding na videoclip ang ginawa ay may mga pinabati. Nang makaalis silang lahat ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"That's tough huh?"
Napalingon ako sa kaliwa ko nang may magsalita roon. Nang makita kung sino iyon ay natigilan ako. Si Ake--err--Blake. Nakasuot ito ng plain white polo at balck khaki shorts. May suot na rin siyang salamin sa mata na mas lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya.
Unti-unti akong napangiti saka siya nilapitan.
"Hi! How are you?" Masiglang bati ko sa kanya. Mukha naman siyang natigilan sa iniasta ko.
Meron nga bang kagulat gulat doon?
Anong ini-expect niya? Lalayuan ko siya? Magiging awkward ako sa kanya? Kung meron mang dapat na makaramdam nun ay siya at hindi ako!
Gamit ang likuran ng kamay niya ay napatakip siya sa bibig niya at bahagya pa siyang umatras. Napangisi ako sa kinilos niya at napailing.
"It's been a while," panimula ko ulit para makausap siya.
"Yeah. . . It is," sagot niya dahilan para muli ko siyang matamang matitigan. Nagbago na ang boses nito. His voice is deep and husky. Maging ang pangangatawan niya ay lumaki at nagkalaman. Mas broad na ang mga balikat niya. Matitipunong braso at dibdib na kahit hindi naman hapit ang suot niyang polo ay halata pa rin.
Humarap siya sa akin at mataman akong tinitigan.
"Kamusta Doc?" Tanong kong muli sa kanya.
"Good. . . Better," makahulugang sabi niya dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko. Nag-iwas ako ng tingin saka muling ngumiti.
"Better? That's good then," sabi ko sa kanya saka ko siya muling nilingon. "Hanapin ko lang si Eos, nasa kanya pagkain ko," paalam ko sa kanya saka ako tumalikod at naglakad palayo.
Nang pakiramdaman ko ang dibdib ko ay nagtataka akong napatingin doon.
Paanong ganito pa rin ang epekto ni Blake sa puso ko?
"Chloe! Here!"
Kumakaway na si Eos ang agad na nakita ko nang mag-angat ako ng ulo. Nginitian ko naman siya saka ako patakbong lakad na lumapit kung nasaan siya.
"Ang tagal mo naman. Talagang sinugod ka? Nasaktan ka ba?" Tanong ni Eos.
Nasaktan?
Mabilis akong umiling saka siya nginitian. "No. I'm fine. Hindi ko lang akalain na may fans din pala akong kaklase natin."
Bahagyang tumawa si Eos. "Oo naman. Ikaw pa, sa ganda mong 'yan? Lahat ata ng nandito eh fan mo," aniya.
"Loko," naiiling na sabi ko saka ko kinuha ang iniabot niyang plato ko kanina.
Nakaka-ilangs ubo pa lang ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Dalia-dali ko namang sinagot iyon lalo na nang marinig na ringtone iyon para kay Air.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Chloe, are you okay? Nasaan ka na?" Tanong niya.
Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang buong sistema ko. "Air. . ."
"Yes Chloe?"
"Sana nandito ka," saad ko saka ako lumingon sa kawalan.
"Sorry kung hindi ako nakasama---Air! Halika na! Magsisimula na yung game!---shut up Yel! Ang ingay-ingay mo talaga! --- Chloe? You're still there?"
"Yeah."
"Sorry, I'll call you again later okay? Kinukulit na'ko ni Yel eh. Keep safe okay? Tumawag o mag-text ka kapag hindi ka okay. I'll make sure na sasagutin ko 'yon. Laters!" Mabilis na sabi niya saka niya ibinaba ang linya.
Yel.. Si Yel na naman, tss.
"Guys guys! Come here!"
Napalingon ako sa likod ko nang marinig iyon. Nakita ko si Carla na tinipon ang lahat ng kaklase namin. Mula sa kinatatayuan ko ay humarap lang ako kung nasaan siya dahil kahit naman malayo ako ay naririnig ko siya.
"Let's play a game!" Masayang sabi ni Carla. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin. "Nagbubunutan tayo para makakuha ng partner sa larong 'to, called treasure hunt," patuloy niya.
What?
"Pwede bang hindi sumali?" Tanong ng isang kaklase namin.
"No. Kailangan lahat mag-participate. May prize naman eh. 50,000 cash and a brand new car." Nakangiting sabi ni Carla.
'Ba! Siya na mayaman!
"What kind of car?" Tanong muli ng kaklase namin.
"Topdown Porsche. Black! New model, 20xx!" Anunsiyo ni Carla.
Nagpalakpakan naman ang lahat habang ako ay napailing na lang. Asa naman kasing magagamit ko 'yan if ever na manalo ako, or kami ng magiging partner ko.
"First pair, Riley and-- Logan!"
Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang panlulumo ng apat. Napatakip ako sa bibig ko pasimpleng tumawa dahil sa mga itsura nila.
"Next, Aiden and-- Chloe!"
Kibit balikat kong tinitigan silang apat saka ako muling natawa. Halatang ayaw talaga nilang magkahiwahiwalay.
"Next is Macey and-- Eos! Wow! Si Prince Eos nandito rin pala! Yiiie!" Kinikilig na sabi ni Carla saka siya muling nagpatuloy na tawag pa ng ilang mag-partners. "The last but not the least is Me, and siyempre, sino pa bang hindi natatawag kundi si, Prince Blake!"
Nang sandaling iyon ay hindi ko natalaga napigilang matawa. Lalo na nang makita ang reaksyon ni Blake na 'di kalayuan kung saan ako nakatayo.
"Now grab your partners and start hunting classmates! Muah! Muah!" Maarteng sabi ni Carla saka siya bumaba ng stage.
Habang pababa siya ay hindi ko napigilang mapatingin sa boobs at pwet niya. Sobrang laki kasi nun na over naman ata kumpara sa noong high school kami.
"Retokadang retokada! Grabe! Pati sana mukha niya pinapalitan niya na. Baka sakaling magkagusto pa si Prince Blake sa kanya."
Ilang bulungan pa ang narinig ko tungkol kay Carla ng sandaling iyon. Napukaw lang ang atensyon ko nang may kumalabit sa balikat ko at nakita si Aiden na matamis na nakangiti sa akin.
"It's an honor Chloe," aniya. Kahit kailan talaga ay napa-calm and collected nitong si Aiden. Siguro kahit na nakaka-ilang sigaw na sa kanya si Riley ay nakangiti pa rin ito. Gan'on kasi siya.
"Bola mo! Halika na, sayang din 'yong cash. Pang-shopping. Kahit sa'yo na yung kotse," biro ko. Umiling naman siya at bahagyang tumawa.
Dahil nga sa malaki ang bakuran at bahay ni Carla ay natagalan kami ni Aiden sa paghahanap ng isang maliit na sobre na naglalaman nung premyo. Parehas kaming umayon ni Aiden na magpahinga muna sa tapat ng isang fountain nang i-suggest ko 'yon sa kanya.
Hinubad ko ang sandals na suot ko at inilubog ang mga paa ko sa fountain na iyon. Napangiti ako at napapikit nang ma-relax ang buong katawan ko nang maramdaman ang malamig na tubig sa aking mga paa.
"Kamusta ka Chloe?" Rinig kong tanong sa akin ni Aiden kaya nilingon ko siya.
"Okay naman," nakangiting sagot ko sa kanya. "Ikaw ba? Kamusta ka? Kailan ba ang kasal niyo ni Riley?" Tanong ko.
Napangiti si Aiden at umiling. Ilang sandali pa ay tumingila ito kaya naman ginaya ko siya. Ako ang nakaharap sa fountain habang siya ay nakatalikod naman doon.
"Okay naman ako. Kung tungkol naman sa kasal, binabalak namin this June," aniya.
"Talaga? Tatlong buwan na lang pala eh matatali ka na. Nako! Good luck!" Sabi ko sa kanya saka ako bahagyang tumawa.
"Eh kayo ni Air? Kailan?" Tanong niya. Napalingon naman ako sa kanya ay nakita kong nakatingin na siya sa akin.
Umiling ako. "Walang kami. Kahit pa yayain ko 'yon, ire-reject lang ako nun! Lakas niya kayang maka-anti Chloe. Daig pa niya si Carla nun," biro ko.
"Wait, what? What do you mean na walang kayo?" Tanong ni Aiden dahilan para manlaki ang mga mata ko. Agad naman akong umisip ng aliby saka siya nilingon ng may ngiti sa labi.
"Nagbibiro lang, 'kaw naman oh. Hindi pa namin napaguusapan," sabi ko sa kanya saka ako tumingala.
Shems! Muntik na akong mabuko! Buti na lang talaga nag-artista ako!
"Nagbibiro huh?" Ulit ni Aiden kaya nilingon ko siya. Napangiwi ako nang makita ang nakakalokong ngiti sa labi niya ng sandaling iyon.
Crap!
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro