Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Season 2 - 104

Blake's POV

"Doc! Ex pala kayo ni Chloe? Yung sikat na artista? Ayiiie! Sayang naman! Mas bagay kayo kung nagkataon! Bakit nga pala kayo hindi nag-artista Doc? If ever, fan niyo ako sigurado! Fan nga nila akong dalawa eh. Ang gwapo rin kasi ni Air! Ehhh!" Pumalakpak at mabilis na umiiling iling habang hawak ang pisngi na sabi ni Nurse Jackie.

"Are you done chitchatting and squealing Nurse Jackie? If not, just don't. Go away and attend to your respective patients," walang reaksyong sabi ko sa co-worker kong nurse. Umiling naman siya saka ngumuso at naglakad na nga palayo.

"Ang sungit talaga kapag nasa trabaho," pukaw sa akin ni Zac.

"Tch! Not my problem! Marami bang pasyente kagabi?" Tanong ko.

"Wala naman. But be sure na puntahan mo si Carly mamaya sa hotel niya. Kagabi pa yun naghihintay sa'yo," ani Zac.

"She's just faking her illness to do it with me," umiiling na sabi ko.

"But you do her anyway right?" Nakangising sabi ni Zac.

"She wants to, so it's fine. We're both using our bodies to release the heat. That's not bad," I shrugged.

"Yeah. At dahil diyan, umaasa siya na magagawa mo siyang mahalin. 'Di mo ako gayahin. Stick to one! Me and Janeen, forever!" Nakangiting saad ni Zac kasabay ng pagtaas baba ng kanyang mga kilay.

"Forever doesn't exist," tiim bagang na sabi ko sa kanya saka ako tumingin sa kawalan.

"It does. Nasa sa iyo lang kung papatunayan mo o hindi." Lumapit sa akin si Zac at tinapik ako nito sa balikat. "Masyado kang bitter dude, move on already. Dahil siya, mukhang naka-move on na," aniya saka ito naglakad palabas ng ward.

Napakunot ako ng noo at napahawak sa nose bridge ko. Matapos nun ay huminga ako ng malalim at iniayos ang reading glasses ko. Nang bumaling ako sa mga gamit ko ay iniayos ko na iyon para maka-uwi na.

Pagkasakay ko ng kotse ay agad na akong umalis ng hospital at dumiretsong umuwi. Nasa kalagitnaan ako ng trapik nang mapa-angat ako ng ulo, dahilan para makita ko ang napakalaking billboard.

"Chloe," sambit ko. Bumalik na naman tuloy ang alaala ko nitong nakarang limang taon.

Nakangiti akong hawak ang bagahe ko, lalo na ng salubungin ako nina Aiden at Logan sa airport.

"What's up dude?" Bati sa akin ni Aiden.

"Good, scratched that, better than before actually," nakangiting sabi ko sa kanila saka ko binuhat ang bag pack na nasa trolley ko. Si Aiden naman ay binitbit ang isa kong maleta at ganoon din si Logan sa isa.

"Langya! Nakarating lang ng US, inglisan na? No! Stop!" Natatawang sabi ni Logan kaya naman natawa na lang din ako.

Nang makasakay kami ng kotse ni Aiden ay sa likuran ako pumwesto at si Logan naman sa passenger's seat.

"Musta mga career niyo?" Tanong ko sa kanila habang hinanap sa bag ang iPod ni Chloe. Napangiti pa ako nang mahanap iyon. Ang kaisa-isang remembrance ko sa nag-iisang babaeng minahal ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.

"Success dude! Speaking, naging partner pala namin si Chloe minsan kasi nag-endorse siya. Mas lalo siyang gumanda dude! Sexy pa kamo! 'Di ba Aiden?" Masayang sabi ni Logan pero nang malingon ito kay Aiden ay nagbago ang reaksyon niya. Nang titigan ko si Aiden ay mataman lang siyang nakatingin kay Logan.

"Really? Good then. Pati modeling ay pinasok niya na pala," komento ko saka ako tumingin sa labas ng bintana.

Ang totoo ay wala akong balita kay Chloe. Nung nasa America ako ay pinili kong huwag maki-balita ng kahit ano tungkol sa kanya.

Nang mai-angat ko ang ulo ko ay isang malaking billboard ang pumukaw ng atensyon ko.

"Chloe?" Sambit ko. "Aiden, stop the car."

Bigla namang nag-preno si Aiden kaya naman agad akong lumabas ng kotse. Mataman kong tinitigan ang billboard na iyon at nakita si Chloe na nakayakap sa isang lalake.

"Air? Chloe and Air? A couple?!" Kunot noong palatak ko.

The Most Adored Couple

"Adored couple?!" Asik ko saka ako naglakad pabalik ng sasakyan at hinarap sina Logan at Aiden.

"What's that?!" Singhal kong tanong sa kanilang dalawa sabay turo sa billboard.

"Dude," ani Logan. Nang tignan ko siya ay nag-iwas ng tingin ito.

"Aiden?! What's that about?!" Baling ko kay Aiden.

"Hindi rin namin alam Blake. Isang araw, bigla na lang ibinalita sa TV na, sila na nga raw," seryosong sabi ni Aiden.

"No!" Ilang ulit kong ipinilig ang ulo ko. "That's not true. Sinabi ko kay Chloe na hintayin niya ako," sabi ko sa kanilang dalawa saka ako pumasok ng sasakyan at isinarado iyon. "Artista sila kaya pwede silang magpanggap. Oo. Nagpapanggap sila para makakuha ng fans." Kumbinsi ko sa sarili ko.

"Blake," tawag sa akin ni Aiden.

"Diretso tayo sa bahay nina Chloe. Gusto ko siyang makita at makausap."

"Blake, huwag--"

"Aiden, sa bahay tayo nina Chloe!" Asik ko kay Aiden saka ako sumandal at pumikit. Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Sa bahay tayo nina Chloe, please."

Hindi ko na narinig pang magsalita sina Aiden at Logan. Ang sumunod na narinig ko na lang ay pinaandar nila ang sasakyan kaya naman nagdilat ako ng mga mata ko at tumingin sa labas. Inilagay ko ang earphones ko sa tenga at nakinig ng music doon.

NP: Latch by Sam Smith Acoustic

Ilang minuto ang lumipas bago kami nakarating sa bahay nina Chloe. Nakangiti pa akong bumaba ng kotse ni Aiden ng sandaling iyon.

"Blake, wait," ani Aiden kaya tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. "Huwag kang gagawa ng eskandalo, promise me." Seryosong sabi ni Aiden dahilan para unti unting mawala ang ngiti sa labi ko.

"Don't worry Aiden. I've changed, for better, remember?" Sabi ko sa kanya saka ako naglakad muli papunta sa gate nina Chloe ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay nakita ko na si Chloe na sakay ng isang black BMW na kararating-rating lang.

Nakangiting nakatingin si Chloe sa lalaking kasama niya roon. Si Air. Ilang sandali pa ay hinawakan ni Air ang mukha ni Chloe gamit ang dalawang palad niya saka niya inilapit ang mukha niya kay Chloe. Tiim bagang akong tumalikod para hindi na makita ang susunod pa nilang gagawin. May kung anong parang tumurok ng ilang ulit sa puso ko ng sandaling iyon.

Sinimulan kong maglakad pabalik sa kotse nina Aiden at agad na pumasok sa loob. Pagkaupo ko ay wala akong narinig galing kina Aiden at Logan. Hindi ko na rin sila nilingon. Ipinikit ko ang mga mata ko. Tikom ang kamaong pinangggigilan kong suntukin ng ilang ulit ang kinauupuan ko.

Puno ako ng galit, galit sa sarili ko. Sobrang sakit na makita iyon mismo ng dalawang kong mga mata. Gusto kong sumigaw! Gusto kong magawala! Pero hindi ko ginawa.

Ilang beses akong malalim na huminga at pilit na pinakalma ang sarili ko. Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko sa mga mata ko pero agad kong ipinikit iyon at hinawakan.

Hindi ako iiyak. Hindi ako dapat umiyak.

I deserved this.

Dahil ako naman ang unang nanakit kay Chloe. I let her go, and now, I know now how it feels to regret something I've done before.

I pursed my lips as I tried to suppress a sob sound. Ilang ulit kong inihilamos ang dalawa kong kamay sa mukha ko ng sandaling iyon.

Chloe, ang sakit-sakit!

Isang napakalakas na busina ang pumutol sa masakit na alaalang nanumbalik sa akin. Agad kong tinapakan ang gas pedal para umarangkada na ang sasakyan.

Pagkarating ko ng bahay ay agad kong pinakinggan ang voice messages ko.

~Hey Blake, ano? Magkikita ba tayo? Call me back. Carly here.

~Hoy Blake! Magpapakasal na raw si Chloe! Move on na! Pinakamaganda mong best friend here, Janeen.

~Blake dude, you heard about Chloe? She's getting married. May gagawin ka ba para pigilan 'yon? Aiden here bro.

~Dude! Si Chloe! Langya! Ikakasal na! Pupunta ka?! Poging Logan.

~Blake darling, I'm waiting. Come over already. I'm in the shower already. Muah! Carly.

"She's getting married?! So what?!" Asik na bulong ko sa sarili ko saka ako dumiretso ng bar counter ko at kumuha ng bote ng alak.

Knock knock!

Napalingon ako sa pinto ko nang may kumatok doon. Nang tignan ko sa peephole kung sino iyon ay nakita ko sina Aiden, Logan, Riley at Macey.

Umiiling na binuksan ko ang pinto. Agad namang nagsipasok ang mga ito na para bang feel at home pa na hindi man lang nag-alis ng mga sapatos. Dumiretso ako sa bar counter ko at muli ay kinuha ko ang bote ng alak at nagsalin sa baso ko.

"You heard the news Blake?" Rinig kong tanong ni Riley kaya naman hinarap ko sila saka ako tumango. Tinignan ko ang hawak kong baso saka ko nilagok agad iyon.

"Wala ka bang plano talagang puntahan siya?" Tanong ni Macey.

I scoffed as I pour another shot of whiskey in my glass. "What for?"

"'Coz you love her?" Ani Logan.

Nilingon ko siya at nginisian.

"Not anymore," saad ko saka ako naupo sa stool na nasa bar counter. Inilapag ko ang hawak kong baso at tumingin sa malayo. "Past is past. People changed. Feelings fade." Nilingon ko sila. "I changed, for better. Without a Chloe in my life, at sigurado akong ganoon din siya."

"Not really, she's the same as always," kibit balikat na sabi ni Aiden saka siya kumuha ng baso at sinalinan ng alak iyon.

"Yep! Katawan at mukha niya lang nagbago!" Ani Logan kaya naman tinitigan siya ng masama ni Macey. "Pero mas maganda at sexy ka pa rin my loves!" Lambing niya kay Macey kaya napailing ako.

"Pero seryoso, gumanda lalo si Chloe. Sabi na eh, sobrang ganda ng babaeng iyon lalo na kapag nag-ayos," ani Riley.

"Maganda na siya dati. Naka-ayos man siya o hindi," komento ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. "What? Am I wrong?"

Lahat sila ay ngumit. Ngiting nakakaloko kaya naman napailing na lang ako.

"Ikaw ba may gusto na talaga roon sa Carly na ipinakilala mo sa amin nung welcoming party mo?" Tanong ni Aiden.

"No. She's just a partner."

"Yeah sure. Saan? Sa kama?" Sarkastikong tanong ni Riley. Nginisian ko naman siya at tinanguan.

"Good guess."

"Dapat pala, doon sa interview nina Chloe at Air, nung itanong ka roon idinagdag nila ang, slash player slash douchebag slash womanizer slash what-the-hell-is-wrong-with-this-man Blake Jayce Drexel ano?!" Nakairap na sabi ni Macey.

"Anong interview?" Tanong ko.

"Doon sa ABCBN, in-interview sina Air at Chloe about sa pagpapakasal then, nabanggit ka roon as Chloe's ex," paliwanag ni Aiden.

"Anong tanong?" Paguusisa ko.

"Interested much?" Tukso ni Macey kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung ex ka niya, sabi niya, oo. Then tinanong kung anong klase kang boyfriend," ani Riley.

"Anong sagot niya?" Tanong ko ulit.

"Okay lang," sabay sabay nilang sabi.

"Yun lang?" Kunot noong tanong ko at sabay-sabay naman silang tumango.

"Tch! Walang kweta. Dapat sinabi niya na rin kung anong klase talaga akong boyfriend," komento ko.

"Anong klase ka nga bang boyfriend Blake?" Tanong ni Riley.

"The worst," tiim bagang na sagot ko saka ko dirediretsong ininom ang alak na nasa baso ko.

"Di rin Blake. Naging sobrang saya ni Chloe nang maging kayo," ani Macey.

"Yeah. Huwag kang masyadong hard sa sarili mo dude," ani Logan.

"May mali ka man, nakita naman namin kung paano mong ini-handle iyon," ani Aiden.

"Kaso, hindi nga lang nalaman ni Chloe," ani Riley.

"Malaman man niya o hindi, hindi na mababagong iba na ang laman ng puso niya ngayon. Ang masaklap, hindi na ako yun. Hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Hindi na ako," tiim bagang na saad ko sa kanila saka ako tumayo at naglakad papunta sa shower room.

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro