Season 2 - 100
Chloe's POV
Miyerkules. Maaga akong nagising dahilan para makasabay ko sa breakfast sina Mama ata Papa. Nang makahalik ako sa kanila ay agad na rin akong umupo. Matapos kong maiayos ang table napkin ko sa lap ko ay nilingon ko ang mga handa sa mesa. Agad na nagbago ang mood ko nang makita ang nandoon. Bacon, sunny side up eggs, sausage, a slices of toast bread, fresh cut fruits, hash brown and a hotdog.
Hotdog. Lecheng hotdog!
Napailing ako at napangiwi. Kumuha na lang ako ng slice of toast bread at sinimulang kainin 'yon.
"Iha, napapadalas ang pagpunta at pagsundo mo doon sa Air ah. Hindi pa ba siya magaling?" Ani Papa.
"Hindi pa po Pa," sagot ko. Gaya ng dati ay nasa himig nila ang pagkadisgusto kay Air. "Ma, Pa, ano po ba talagang problema niyo kay Air?"
Nagtinginan sina Papa at Mama saka sila muling lumingon sa akin.
"Anak, wala kaming alam sa background niya unlike Eos or Blak-- I mean, hindi namin kilala ang mga magulang niya," paliwanag ni Mama.
"Eh 'di kilalanin niyo po siya. Dadalhin ko siya rito every day para makilala niyo. Mabait si Air, Ma, Pa. Wala po ba kayong tiwala sa akin sa pamimili ng mga nagiging kaibigan ko?" Saad ko sa kanila sa ako uminom ng gatas. Ayoko na rin ng juice sa umaga! Psh!
"Okay. Kikilalanin namin siya ni Mama, pero mag-iingat ka pa rin anak," ani Papa.
Walang ganang napatayo ako saka ko inilagay ang table napkin sa mesa matapos kong punasan ang bibig ko.
"Aalis na po ako Ma, Pa. Bye."
Agad akong naglakad palayo. Hindi ko maintindihan ang mga magulang ko kung bakit ganoon na lang ang tingin nila kay Air. Napabuntong hininga ako at napailing. Nang makapasok ako ng kotse ko ay agad kong nilakasan ang volume ng tugtog sa stereo ko.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago ako makarating sa apartment ni Air. Pagka-door bell ko ay agad niya akong pinagbuksan. Papasok pa lang ako ng apartment niya ay amoy ko na ang kung ano mang niluluto niya.
"Anong niluluto mo?" Tanong ko.
"Pagkain agad? Wala man lang good morning?"
Nang magsalita si Air ay saka lang ako napalingon sa kanya. Naka-apron ito at half naked. Napailing ako. Pangalawang beses ko na siyang makitang ganito.
"Magdamit ka nga!" Suway ko sa kanya. "Alam mo namang darating ako eh lagi kang half naked!" Kunot noong sabi ko.
"Hindi mo na nga ako binati, pinuna mo pa suot ko. You're such a bitch." Walang reaksyong sabi niya saka siya umiling.
Para siyang si Marvin kung makapagsalita kaya naman napangiti ako.
"Alam mo para kang 'yong kambal ko kung magsalita," kwento ko sa kanya saka ako naupo sa may kitchen counter niya.
"What do you mean?" Tanong niya saka siya bumalik sa pagluluto.
"Well, he used to call me biatch, whore, stupid, idiot, bitch, ah basta! Yung mga ganyang klaseng salita."
"Eh ikaw? Anong tawag mo sa kanya?"
"Pigheaded, bastard, jerk, asshole, douchebag--"
"Dang! What a bad mouth you got there," natatawang sabi ni Air.
Natawa na rin tuloy ako. "Yeah. Na-miss ko tuloy siya."
"Bakit ba hindi kayo magkasama? Saka ang sabi sa akin ni Eos sa New York ka naman daw talaga nakatira, so anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.
"Uyy.. Interesado siya sa akin," tukso ko. Tinaasan naman ako ng kilay nito saka siya parang diring diri na tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"I prefer blondes Chloe. At iyong malaman," nakangising sabi niya.
Inirapan ko nga. "Bastos!"
"Matagal na sweetie," malambing na tugon niya. Tinignan ko naman siya na parang nandidiri sa kanya ng sandaling iyon dahilan para tumawa ito.
"Tseh! Anyways, yung donor ko ng puso may pinahanap kasi rito sa Pinas, her Boobear," panimula ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako magsimulang muli. "And without knowing, that Boobear is Blake. Ngayon, may wish list siya, isa sa mga wish niyang 'yon, pasayahin ko ang Boobear niya at huwag ko raw iiwanan hangga't hindi pa niya nahahanap ang babaeng makakapagpasaya sa kanya."
"And you thought it was you?" Tanong ni Air na nagpatahimik sa akin.
"Sadly yes. Para ngang gawa sa story ang pagkikita namin eh. Alam mo 'yon? Sa isang napakalaking eskwelahan, malalaman ko na lang pala na iyong lalaking malalpit sa akin ay 'yong taong dapat kong hanapin?" Tumawa ko ng mahina, pilit, may pait. "Akala ko naman, happily ever after ang meron kami, hindi pala. Akala ko gift din siya sa akin ni Tammy, my donor, pero hindi pala. Isa pala siyang malaking aral sa buhay ko, siya ang nagpatunay na walang forever. Ang saklap lang na, 'yong taong dati na nagbibigay sa'yo ng kasiyahan, ngayon, siya na ang nagbibigay ng pighati, lungkot. . . Kung alam ko lang na sa kanya ako makakaramdam ng ganito, hindi ko na lang sana sinubukan. Pinigilan ko na lang sana 'yong nararamdaman ko." Mahabang litanya ko saka pa ako tumango tango na parang sumasang-ayon ako sa sinasabi ko.
"Kung natuturuan ang puso, hindi ka nagmahal Chloe. Nasasaktan ka kasi nagmahal kang talaga. Masakit kasi ibinigay mo ng buo ang puso mo sa kanya. Nagtiwala ka Chloe at iyon, doon pumalaya. Kasi 'yon, yun ang hindi mo inaasahan." Seryosong sabi ni Air saka siya umupo sa harap ko. "Nagmahal na ako, nasaktan ako. Sinubukan kong magmakaawa. Hinabol ko siya. I gave up everything to have her back in my life. Pero sadyang kulang, nawala 'yong tinatawag nilang, pagmamahal."
"Mahal mo pa 'no?" Wala sa sariling tanong ko.
Ngumisi naman si Air saka siya nangalumbaba at mataman akong tinitigan.
"Hindi ko alam Miss Cavalier, pero gusto mong bang malaman kung ang sagot ko?"
"Sinagot mo na. Katangahan ne'to! Kasasabi mo lang na hindi mo alam eh."
"Pero pwede kong malaman kung oo o hindi kung papayag ka sa gagawin ko," nakangiting sabi niya. Ngiting nakakaloko.
"Paano? Anong gagawin mo?" Curious na tanong ko.
"Let me kiss you," walang alinlangan niyang sabi kaya naman napakunot ako ng noo.
"Tigilan mo nga ako Air! Style mo! Bulok!" Inirapan ko siya saka ako sumubo nung niluto niya. Yellow rice iyon na may kung ano anong halong meat. Para siyang fried rice actually.
"Tsk. Akala ko pa man din papayag ka," umiiling na sabi niya na parang nanghihinayang talaga. Saka niya kinuha ang kutsarang gamit ko at sumubo na rin doon.
"Kuha ka pa ng isang kutsara! Masarap eh. Penge!" Ungot ko.
"Subuan na lang kita, here," sabi niya saka niya itinaas ang kutsara sa ere.
Oh well..
Ngumanga naman ako para sana isubo na 'yon pero kasabay ng pagyuko ko ay ang paghalik ni Air sa noo ko kaya naman agad akong napaatras.
"What the freak?!" Kunot noong bulalas ko. Tumawa naman siya na mas lalong ikina-kunot ng noo ko.
Ang dami daming moves ng lalaking 'to!
"Ikaw ba playboy ka?" Wala sa sariling tanong ko habang tumatawa siya.
"You're too interested in me Miss Cavalier," nakangising sabi niya saka ito umiling iling pa. "Here. Hindi na ako dada-moves," sabi niya saka niya itinaas sa ere ang kutsara para subuan ako. Napailing na lang ako at isinubo nga 'yon. Nang magustuhan ko talaga ay tumayo na ako at kumuha ng sarili kong kutsara.
"Sorry. Gutom talaga ako, pa-share, hehe," nakangiting sabi ko sa kanya saka ko bahagyang hinila ang plato papalapit sa akin. Umiling naman ito saka siya mahinang tumawa.
Nang makarating kami ng school ay naka-alalay pa rin ako kay Air. May isang saklay man ito ay nakaakbay pa rin sa akin ang isang braso niya.
Wala eh. Masyado 'tong pabebe. Yun talaga ang napansin ko sa kanya. Makuha lang ng iba ang pansin ko ay magtatampo na siya saka niya ako iirapan. Aalis lang ako saglit, para na siyang batang inagawan ng laruan kapag nakabalik ako. Siya 'yong tipong laging inaalo, in a pa-cool way.
"May laro ka?" Tanong sa akin ni Ayeka na ngayon ay kasama ko sa canteen. Siyempre, kasama sina Eos, Kai at si Hangin na naka-headphones ngayon kaya naman may sarili siyang mundo.
"Yep. Volleyball."
"Babysis!!!!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita sina Riley, Macey, Aiden at Logan na papalapit sa akin. Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko at ganoon din si Eos. Sinalubong ako ng yakap at halik nina Riley at Macey habang si Eos naman ay nakipag-fist bump kina Aiden at Logan.
"Hi Chloe! Ang ganda mo pa rin ah," nakangiting sabi sa akin ni Logan.
"Salamat Logan," nakangiting sabi ko.
"Babysis parang namayat ka? Are you okay? Pinapahirapan ka ba ni Blake?" Si Macey.
"Oo nga. Saka nasaan 'yong bugnutin na yun? Bakit hindi mo kasama?" Si Riley.
Napalingon ako kay Eos at ganoon din siya sa akin. Pilit akong ngumiti saka ko sila hinarap.
"Break na sila," ani Eos. Siya ang sumagot kaya naman tumango na lang ako nang bumaling ng tingin ulit sa akin sina Macey at Riley.
"What?!" Sabay na bulalas nina Macey at Riley.
"Teka, bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Aiden.
Hindi ako nakasagot agad. Natigilan ako sa tanong na 'yon. Paano ko nga ba sasagutin? Nakipag-break siya sa akin?
"Guys, mamaya niyo na i-hot seat si Chloe. May laro 'yan mamaya. Manood tayo," ani Eos kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Inakbayan naman ako nina Macey at Riley na para bang nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon.
Nang makaupo kami ay nagkasalubong ang tingin namin ni Air. Agad namang nagbawi ito nang mahuli ko siyang nakatingin bagay na ipinagtaka ko.
"Guys, meet my group mates slash friends slash classmates, si Ayeka--"
"Hello!" Masyang bati ni Ayeka.
"Si Kai--"
"Hi! Gusto niyong chocolates?" Masayang sabi ni Kai saka niya binigyan ng tig-iisang chocolates ang apat.
"And si Air." Lumingon si Air sa gawi namin pero agad din siyang nagbawi ng tingin.
"Ano 'yan? Blake the second?!" Taas kilay na puna ni Riley. Agad ko naman bahagyang hinampas ang braso niya dahilan para umirap na lang siya.
"Guys, meet my sisses slash best friends slash high school classmates, Riley and Macey," pagpapakilala ko. Kumaway naman sina Macey at Riley sa kanila.
"And here is Aiden and Logan," pagpapakilala ni Eos sa dalawa saka siya bumalik sa tabi ni Ayeka at inakbayan ito.
Nakakalokong tingin naman ang ipinukol nina Macey, Riley, Aiden at Logan dahil sa ginawang iyon ni Eos.
"Oh, she's my girlfriend dudes," nakangiting sabi ni Eos. Tukoy niya kay Ayeka.
"Aba! Nag-college lang luma-love life na! Akala ba namin si Faye?" Si Logan.
"Oo nga. Akala talaga namin si Faye ang girlfriend mo," ani Aiden.
"Nah. Hindi kami nag-click." Kibit balikat na sabi ni Eos.
"Babysis, do we need to talk about something?" Pukaw sa akin ni Macey.
"Later, after ng laro ko." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Are you okay?" Tanong ni Riley.
"I'm not sis. I'm not okay," seryosong sabi ko sa kanila saka ako tumikhim dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Muli ay naramdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko.
Memories.. You're too much..
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro