Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

49.

"Love is letting go, too."

"Sige na, Kate, pa-birthday mo na lang sa'kin," Elisa said in a call.

Pinipilit niya akong lumuwas saglit sa Manila para i-celebrate ang birthday niya sa bagong bukas na resto bar nila ni Jacob.

"Umalis ka na nga agad nung kasal ko, e, sabi mo babawi ka!"

I rolled my eyes. "Okay, fine, chill. Anong oras?"

Saglit pa siyang tumili bago sumagot. "7 pm pa, okay,aasahan kita. Subukan mong wag sumipot, friendship over."

I laughed and said good bye before ending the call.

I felt nervous. Buong araw akong hindi mapakali. LaSallian kasi si Jacob at magkaibigan sila ni Theo, for sure andun siya mamaya.

I sigh. Again and again.

Humugot ako ng hininga. Paulit ulit rin, bago ko napag desisyunang pumasok na sa loob.

Matagal na rin pala mula nung huli kong party. Nabigla na kasi ako sa malakas na tugtog, magugulong tao at nakakahilong neon lights.

Dumiretso ako sa table ng mga kaibigan ko. Medyo lasing na si Fe pagkarating ko. Pinakilala rin niya si Emma, bago niyang girlfriend.

Emma looks nice. I am happy for Fe.

Luminga linga ako sa paligid habang nagsa shot at umiinom.

Kinalma ko 'yung puso ko bago bumaling kay Jacob. "Jacob, uhm, kasama si Theo sa ininvite niyo?"

They all stopped drinking, well, except Emma. Wala naman siyang alam.

Jacob nodded after a moment of silence.

"Yeah, would that be awkward for you, Kate?" Nag aalala niyang tanong.

Umiling ako agad. "Ah, no, I was just asking. Para hindi na ako mabigla kapag nakita ko siya."

Elisa looked at me. "Hindi ba talaga kayo magbabalikan?"

Ngumiti lang ako, hindi nakasagot. Nagpatuloy akong  uminom. Mainam palang magpakalasing nalang ngayon.

I excused myself and went to the dancefloor to dance. Gusto kong makalimot, magliwaliw, at magpalunod sa music.

Gusto kong hindi maalala ngayon si Theo o kahit makita man lang siya.

Gusto kong maka-move on ng mabilis tapos makita na agad ang sarili.

Gusto kong maging masaya na lang agad.

Ayoko na ng proseso, ang tagal.

Pumunta ako sa CR para sumuka at bumili ng sigarilyo sa babaeng lumapit sa'kin at nag offer.

Saglit akong lumabas, nakakabingi ang music at nakakahilo ang neon  lights... pero hindi pa rin ako okay. Hindi pa rin ako nakakalimot.

Pumasok ako pagkatapos. Balak ko na sanang magpaalam kina Elisa at umuwi na. Madaling araw na rin kasi.

Pero wala na namang magawa si tadhana.

Wala na namang magawa kundi ang pag tripan ako.

Napako ako sa kinatatayuan ko habang tinititigan si Theo na may hinahalikang ibang babae. His hands were everywhere in the girl's body.

Siguro dahil sa alak kaya sunod sunod ang pagtulo ng mga luha ko.

Ang ewan naman. Wala naman na akong karapatan. Hindi na siya akin.

Hindi na sa'yo si Theo, Kate. Pinakawalan mo na siya. Anong iniiyak iyak mo ngayon? Saan na nanggagaling ang mga luha mo kung wala ka ng karapatang umiyak dahil sa kanya?

Natigil silang dalawa dahil napansin ako ng babae. Tinuro niya ako kay Theo at nakita ko ang gulat na tingin ng ex ko.

Agad akong tumakbo palabas.

Wala na nga kasi akong karapatan.

This is pathetic. Hopeless.

"Kate!"

Tumingin ako sa langit at nagdasal na may dumaan ng taxi. Gusto ko ng umuwi. Nagpatuloy ako sa paglalakad, nagpupunas ng luha.

"Kate, saglit." Napatingin ako saglit sa kamay na humawak sa siko ko bago napagpasiyahang harapin si Theo.

Napalunok ako. Buong tatag siyang tinitigan, kinakalma ang puso kong nawawasak.

"I'm sorry, I'm drunk."

Malungkot ko siyang nginitian. "No need to explain," iling ko.

Saglit kaming tumahimik dalawa. Binitawan na niya ang siko ko at mabagal na tumango.

I pursed my lips, patuloy na tumitig sa langit.

"Why do we have to break up?" Bulong niya sa langit.

My lips quivered. Mas lalo kong tinatagan ang sarili ko. "I'm hoping the best would happen for the both of us. Una na ako."

Nagsimula akong maglakad palayo. Gusto ko ng makakita ng taxi at makaalis na.

Ayoko na dito.

"Kate, wait."

Muli akong hinatak ni Theo at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. He kissed me gently. Ramdam ko 'yung pangungulila sa bawat halik niya.

Lumayo ako at marahan siyang tinulak. I don't want to kiss back, hindi na 'to katulad ng dati. Mas angat na ang lungkot kesa sa pagmamahal.

"Nung hinahalikan mo ako dati, sobrang saya 'yung nararamdaman ko," pagsisimula ko. Tinitigan ko ang nangungulila niyang mga mata. "Pero ngayon, lungkot na lang 'yung nararamdaman ko. Sobrang lungkot at nasasakal ako. Hindi ko maintindihan kung bakit. Pwede bang palayain mo na lang ako ng tuluyan, Theo?"

Hindi siya sumagot pero may dumating nang taxi.

Timing. Ayoko na rin namang marinig ang sagot niya. Pinili kong sumakay na. Hindi na siya muling nilingon pa.

Lumipas ang ilang araw. Buo na ang desisyon ko. Aayusin ko na muli ang  buhay ko. I have to.

I have to.

I was drained and now I have to find the will to live again.

I hugged Papa and KC tight. Sabi ko naman ay wag na nila akong ihatid pero ang kukulit.

Iniabot ni KC sa'kin ang plain ticket at passport ko. "Ate, mami-miss kita. Grabe ang bilis naman, two weeks ka lang namin nakasama."

Tumawa ako at pinahid 'yung luha niya. "Ang drama naman nito, ang pangit mo na."

"Uwi mo diba four times a year?"

"Oo pero hindi pa nga ako nakakaalis, pinapauwi mo na ako?" Biro ko.

I hugged her again. Tapos si Papa. I am so much grateful that he is recovering his health. Nagiging physically fine na si Papa, it's the greatest news ever.

"I love you, Papa. Ingat kayo palagi at mas magpagaling ka pa."

Niyakap niya ako. "Ikaw rin, anak. Wag mo masyadong pagudin ang sarili mo. Magpahinga ka rin. Wag ka masyadong magpakatatag. Pwede kang umiyak  at tumigil saglit kapag nasasagad ka na."

Mas lalo kong hinigpitan muli ang yakap ko sa kanya. I will miss them.

I will miss my life back then.

But now, I know I have to find my lost self first.

Bubuuin ko muna 'yung nawasak na sarili ko. Hahanapin ko muna ang nawalang ako.

Maybe love also means letting go. It's giving freedom when it became too much and it shackled you.

Alam kong alam rin ni Theo. Naiintindihan niyang kailangan na naming palayain ang isa't isa... for good.

For the best.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro