Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

43.

"Do we fall out of love or have we mistakenly labeled loneliness as love?"

Nakatitig lang ako kay Theo. We are outside his car, outside my apartment. Dapat papasok na ako pero ang dami kasing natanong na nabuo sa isip ko.

Mahal ko pa ba si Theo? Pero pwede ba talagang mawala 'yung pagmamahal mo sa isang tao? O minahal mo ba talaga? O baka malungkot ka lang tapos may isang taong dumating sa buhay mo at pinasaya ka tapos tinawag mo na 'yung pag-ibig kaagad?

Pwede bang hindi ko na lang sagutin? Parang nakakatakot. Parang masyadong masakit. Pagsubok pa rin ba 'to? Pagsubok pa rin bang maituturing ang pagdududa ko sa kung anong mayroon kami ni Theo?

Kapag nakipaghiwalay ako, sayang 'yung walong taon. Hindi rin naman ako sigurado. Baka malungkot ako ngayon kaya nagiging mapaglaro ang isipan ko?

Hindi ko alam.

Hinatak ko ang kwelyo ni Theo para mas lalo siyang mapayuko. Pinikit ko ang mga mata ko at inilapat ang labi sa labi niya. Isinabit ko ang dalawang kamay sa leeg ni Theo at ginalaw ang mga labing nakalapat sa kanya.

Hinalikan ko siya kasama ang makapal na kalungkutang kaya kong ipalabas at ang mga tanong na inaasahan kong masagot, o kung hindi man kaya ay kahit mawala na lang. Mawala man lang ng mga halik ni Theo ang kalungkutan at mga tanong ko.

Ayoko 'yung pinagdududahan ko ang nararamdaman ko kay Theo. Mahal ko siya, 'yun na 'yun.

Mahal ko siya.

Hindi pwedeng hindi.

Walong taon, hindi pwedeng hindi ko siya mahal o hindi ko na siya mahal.

Hindi pwedeng malungkot lang ako dati at inakala kong nahulog ako sa kanya.

Hindi pwedeng mabigo 'yung relasyong binuo namin ni Theo.

This commitment could not fail.

Hindi pwede.

Theo's lips stopped moving. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Love," pagtawag niya.

I stared in his brown eyes, disappointed. Malungkot pa rin ako. May mga tanong pa rin sa isip ko. Nagdududa pa rin ang puso ko.

"Love, is there something wrong?"

Matagal akong nakasagot. Pinili kong umiling. "I just missed you," I whispered.

He smiled. "I missed you, too." Niyakap niya ako.

I hugged back. "I love you, Theo." Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. "I love you," pag ulit ko. Baka kapag ulit ulitin ko ay mawala 'yung hindi ko masagot na mga tanong.

"I love you, too, Kate." His answer reached my heart, but just for a while. The hole came back seconds later.

I sigh. Kumalas ako sa yakap. Pagod ko siyang tiningnan. Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko, Theo? Ano ba 'yung mali?

Pinagmasdan ko siyang isinabit sa tenga ko ang mga nakaharang na buhok sa mukha ko.

Ngumiti ako ng kaunti. "I'm tired. Akyat na ako, matutulog ako."

He nodded. "Do you want me to stay?"

I stared at him. Do I want you to stay?

Umiwas ako ng tingin. Deserve mo pa ba ako, Theo? Deserve mo pa ba ako kahit hindi na ako sigurado sa'yo?

I chose to shake my head. "No, I would sleep. Ikaw rin, magpahinga ka. Drive safe."

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ang noo ko. "Okay, call you later."

Tumango ako at nag lakad na palayo.

"Kate," sigaw niya.

Lumingon ako. I saw him grinning widely, doing hang loose in the air.

"Aloha," he said in a loud, jolly voice.

Malungkot ko siyang nginitian. My heart skipped  a beat, pero malungkot pa rin.

It is sad how I am missing the feeling of being in so much joy just because of Theo's aloha.

I want that feeling back.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro