Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4.

Ano kayang pakiramdam na iguhit mo? Anong pakiramdam na kabisaduhin mo ang mga detalye sa mukha ko?

"Gago, seryoso?! Ang gaganda neto, Theo!"

Hindi ako makapaniwala. Sobrang galing niya pala talagang mag sketch. Halos mukhang totoo ang mga taong ginuhit niya — pati na mga aso at pusa, pati 'yung agila.

"Tinatago mo lang sa sketchbook na 'to, sobrang ganda. Kung ganito ako kagaling mag drawing, mag-eexhibit ako."

Tumawa siya at umupo ng maayos sa kama niya. "That's just a hobby."

Napairap ako. "Sobrang gandang hobby neto, pwedeng pagkakitaan!"

Hindi ako nagbibiro. I idolize people who draw and paint. Wala akong sense of being artistic sa katawan, pero mahilig ako tumingin at pumuri sa mga arts.

Mas lalo lang akong namangha kay Theo. Halos siya na lahat — matalino, maayos kasama, gwapo, gentleman, tapos talented... Wala akong masabi.

"A lot knew I draw, but I don't want making an income out of it."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Sayang talent mo, Theo."

Umiling siya. "Ayokong  gumuhit kasi binabayaran ako. I would draw only the places and things I love... the person I love."

Natahimik ako. Ang lalim naman, nun. Parang nakakalunod.

Nagpatuloy na lang ako sa pagtingin ng mga ginuhit niya. Ang gago naman, may taong mahal na ba siya?

"Gusto mo iguhit kita?" Tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.

Ngumiti ako at umiling. "Ayoko, baka babuyin mo lang itsura ko," biro ko.

He laughs. "Baliw ka, kakasabi mo lang na magaling ako."

Umiling ulit ako. "Dude, no thanks." Tumayo na ako mula sa pagkakadapa sa kama niya at kinuha ang bag sa sahig. "Alis na ako, gagawa pa ako literary."

Tumayo na rin siya at hinatid ako sa pinto. "Hatid na kita sa dorm mo."

"Naku, hindi, ano ka ba. I'm good." I wiggled my brows.

"You sure? Hatid na nga kita, man."

"Dude, tapusin mo na lang dome mo. Tsaka dadaan pa akong Divi, may titingnan pa akong props namin."

"Then, samahan kita sa Divi?"

I laughed. Kasi sobrang gentleman niya. Pero kaya ko naman. Sanay naman akong kung anu-ano gawin kung saan-saan 'nung wala pa siya sa buhay ko — 'nung 'di pa kami magkaibigan.

I should still be independent. I should not let myself drown in my crush thing at him. Gaga ka, Kate, umayos ka kasi.

"Dude, wag na. Thanks sa pasta, sa mauulit," biro ko. "Bye." Hinampas ko siya sa balikat bago tumakbo papasok ng elevator.

Hindi ako nakatulog. Buong gabi hanggang madaling araw kong inisip kung ano kaya ang pakiramdam na iguhit ni Theo. Ang likot ko pa naman kaya paano niya ako maiguguhit ng maayos?

Pwede namang litrato ko pero parang mas okay kung ako mismo 'yung nandun, nahahawakan niya... nakikita niya bawat maliliit kung nunal na hindi nahahalata kapag nasa malayo ako... natatanaw ako sa malapitan.

Umayaw ako kanina. Ayoko kasi. Oo, gusto ko pero sinabi niya ring gusto niya lang iguhit 'yung mga lugar, bagay, o tao na mahal niya.

Hindi naman niya ako mahal.

Kaya bakit niya ako iguguhit?

Ayoko ng ganun.

Napasapo ako sa noo ko. Ang lala na ng pagka-crush ko kay Theo, 'yung wolf na 'yun.

Sinubukan kong matulog, pero nadisturbo lang ako ng tunog ng phone ko.

Alas-dos na ng madaling araw, tapos etong si Theo tumatawag.

Umupo ako ng maayos sa kama at sinagot ang tawag niya.

"Ano ba 'yun? Matutulog na ako, e."

Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. "Hindi ako makatulog, hangout tayo?"

"Ano? Nasaan ka ba?" Kasalanan ko pa yatang hindi siya makatulog. Paulit-ulit ko kasi siyang iniisip, nakakairita.

"Nandito ako sa labas ng dorm niyoSilip ka."

Mabilis akong bumaba sa kama at sumilip sa bintana. Andun nga ang gago, kumakaway pa.

"Tara na, dude."

Inirapan ko siya. "Gago ka talaga, saglit, magbibihis lang."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro