36.
(mys' note; hi, this i found in youtube. i was listening to this as i was updating the chapter. because, diba, nung nag confess si Theo kay Kate sa chapter 15 lol kinantahan niya siya ng Don't Know What To Say? so yeah here, happy reading! aloha!)
"Happiness means rainbow when it rained for a long time."
-
Sumunod ako sa sinabi ni Theo. I opened my eyes at the count of three. As usual, we are talking through video call. Pero iba 'yung araw na 'to, he just surprised me.
I was crying. Kasi ilang linggo na sobrang lungkot lang. Then there is today.
I was looking at him with my teary eyes. Pinagmasdan ko 'yung mga nakatayo niyang kaibigan na may tig isang hawak na letters na bumubuo ng HAPPY 8TH ANNIVERSARY, ALOHA.
And there is Theo playing Ric Segreto's Don't Know What to Say in his keyboard piano. I felt nostalgic. Tila binabalik ako sa panahong miss na miss ko ang 19-year-old na Theo dahil ang tagal na niyang hindi nagpapakita. 18-year-old Kate quickly said yes when Theo confessed his love for her. Kasi unang araw pa lang na nagkakilala sila, gusto na siya ng batang si Kate.
It was young love, sweet and less complicated. May mga problema pero mas nangingibabaw pa rin ang saya. We were just teenagers and we were just in love.
I watch as Theo smiles while his fingers are pressing each keys. Talented talaga si Theo, thoughtful pa ng sobra.
Aaminin kong may mga panahong napapagod ako pero sa dulo ng bawat araw, ayoko pa rin pala talagang bitawan si Theo- si Theo yan, e, mahal ko yan. Kahit nagiging mahirap ng magmahal, kahit halos palagi na akong umiiyak, kahit parang gusto ko na siyang bitawan...
Parang hindi ko pa rin pala talaga kayang hindi na matitigan ang mga kulay tuyong dahon niyang pares ng mata. Hindi ko pa rin talaga kayang hindi na siya makausap, mahawakan o mahalikan. Hindi ko pa rin talaga kayang hindi na siya maging parte ng araw o buhay ko.
Hindi ko pa rin pala talaga kayang wala ng Theodore Blake sa buhay ko. Walong taon na kasi siyang nakatira sa puso ko. Eight years is already a lifetime. Parang hindi ko na siya kayang paalisin pa.
Patuloy na umaagos ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwalang naisip kong bitawan si Theo. This guy in front of me, he surprised me... he is playing me our song.
I fucking love him. Sa kanya na ako, kahit ang hirap ng bawat araw... kahit sunud-sunod ang mga problema... kahit ang layo namin sa isa't isa...
As I stare at him smile, I realized how after all eight years, I am still enticed and in love. Si Theo lang ang lalaking mamahalin ko. He is my first love; I know it would be him till the end.
He warmly smiled. "I love you, Kate Garieggo... happy eighth anniversary, aloha, 'yung aloha na mahal na mahal kita."
Nag punas ako ng mga luha. I watch as his friends leave the room, ngayon ay kaming dalawa na lang. I slightly laughed. "Nakakainis ka, sobrang mahal kita. Happy Anniversary rin, love."
He chuckled. "Stop crying, you know how much I hate it when you cry. Plus, I'm not there to wipe your tears. Did you like it?"
I nodded and pouted. "Can you not come home? Kahit saglit?" I wipe my tears. "Kahit isang araw lang, love?"
"Love naman," he sadly said. "I missed you so much, but I can't. It's shitty."
Pinilit kong ngumiti. "Okay, iba na lang pag-usapan natin. Let's not ruin the mood."
"I love you," he warmly said.
My heart is almost crying. "I love you, too. So much."
"Kate," pagtawag niya. I stare at him. "I am not supposed to say this now but you are so beautiful. Dapat hindi pa ako magpo-propose kasi una, wala pa akong nabibiling singsing at pangalawa, wala ako diyan. But Kate Garieggo, will you marry me... kapag okey na lahat?"
My heart fell. It took a moment bago ako nakasagot. My heart is just in so much joy. I nodded, "Of course, love." Theo doesn't know but I will marry him, kahit hindi pa okey ang lahat... kahit marami pa ring complications... kahit hindi pa rin nauubos ang mga problema... I would marry him, kasi mahal na mahal ko siya. Katulad ng paniniwala ko dati, dapat sapat na ang pagmamahal para daigin lahat ng emosyon.
Umiiyak na rin si Theo. "Talaga? Kahit shitty ako na tao? Kahit lagi kang umiiyak?"
"Theo," pagtawag ko sa kanya. "I love you and that is enough. Don't ever question my love for you." That time I just want to fly to Canada and go to Theo. Gusto ko na lang siyang yakapin at halikan. Gusto ko na lang pawiin 'yung mga tanong at lungkot niya.
Kasi mahal ko siya. At 'yun na 'yung mahalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro