31.
"As I am losing the rule of always, you are also losing it."
—
Sampung minuto na akong nakatayo, tatlong taxi na ang nilagpasan ako. Sa pang apat ay naunahan ako. I sigh.
Lumingon ako nang may nag beep. I raised a look at Cris.
"Hop in," nakangiti niyang sabi.
I smiled and shook my head. "No, thanks. May dadaanan pa ako." I lied, ayoko lang makipag landian sa kanya. Syempre, may boyfriend ako.
"Edi, idadaan na kita."
I pursed my lips. "Dadaan ako sa work ni Theo." I lied again, hindi pa nga kami ulit nagkakausap mula nung nasungitan ko siya a week ago.
Cris laughed. "Yan din sabi mo kahapon at nung isang araw. But, you are lying. 'Di ka naman pumupunta, diretso ka lang condo mo."
Hindi ako nagpatinag. "You're following me?"
"Yes," kaswal niyang sagot. "I don't understand why you have to lie. Why won't you just reject my offer straight?"
Kinagat ko ang labi ko. "I'm tired. Wala ako sa mood."
"That's why ihahatid na kita, ang hassle kapag naghintay ka pa ng cab. Dami mong kaagaw."
Napatingin ako sa iba pang mga tao na naghahantay rin malamang ng cab. Umiling ako. "I'm good." Antok na antok na ako pero hindi ko pa rin siya papatulan.
"Why do you have to be so stubborn?"
"Ask yourself that, Cris."
He laughed. "I already know the answer, I like you."
Tinitigan ko siya. Lumipas ang ilang segundo bago ako sumagot. "You know why I'm stubborn at your offers, hindi kasi kita gusto. May boyfriend akong tao." Napairap ako, nauubusan na ng pasensya.
"Yeah?" He smirked. "Eh, nasan ang boyfriend mo?"
Hindi ako sumagot. Wala naman akong responsibilidad na sagutin ang mga walang kwenta niyang tanong.
May dumaan ulit na taxi pero naunahan ulit ako ng matanda.
Hindi ko pinansin si Cris na tumatawa.
"You know, I keep track of you everyday. Four months ka nang hindi sinusundo ng boyfriend mo dito."
I gulped. Masungit ko siyang tiningnan. "Hindi ko naman siya driver at may trabaho rin siya."
"It's called boyfriend duties, Kate."
"Cris, stop. Nakakairita na."
He chuckled. "Nakakairita ang alin? Ako? Why? Am I hitting the right spot?"
Inirapan ko siya. May tumigil sa malapit na taxi at halos naitulak ko ang babae maunahan lang siya.
Inis na inis ako. Binuksan ko ang phone nang makatanggap ng message. Galing lang pala kay Cris.
It says, I don't understand why you are still with him.
Kumunot ang noo ko at hindi na siya ni-replyan.
Mas pinili kong i-text si Theo. Malakas ang kabog ng puso ko, it's odd. Parang iba na, parang ang awkward.
I don't know what to say. Yes, four months niya na akong hindi nahahatid sundo. It was when I told him to focus on his work and I'll focus on mine. I don't know, I can feel that we are slowly drifting off from each other. It's sad.
Pero, I believe this is just a phase. This is normal. We'll get through this. Mahal namin ang isa't isa.
I sent the message: hey, are you free tonight?
I stopped for a while. Hindi kasi ako makapag concentrate. I do not want to mess up with my presentation, not when I am after another promotion.
I stared at my phone. Siguro dalawang oras pa ulit ang lumipas mula nung umuwi ako kanina bago ako makatanggap ng reply mula kay Theo.
Hi, sorry just got out the meeting. I'll call in five.
Kumakabog ang dibdib ko. Una kasi, ngayon ko lang ulit siya nakausap pagkatapos nung away namin last week at pangalawa, nakakalungkot kasi busy na rin siya sobra.
I want to believe this is for our future, a little sacrifice could hurt a little. Pero worth it ito.
Nag ring ang phone ko after five minutes. Agad kong sinagot.
"Hey, aloha, love." His voice was husky more than the normal, probably tired.
"Aloha." I bit my lower lip. God, I missed him. I want to cry.
"I'm sorry pero minamadali ng team ko 'yung model na ire-release next month. Kailangan na kasi ang final draft bukas ng maaga."
Napatango ako. "So, you can't see me tonight?"
I heard him sigh. "I'm sorry, know that I miss you, okay? Babawi ako, swear."
"I understand, love. I miss you, too."
Ibinaba ko na ang tawag. Imbes na bumalik sa trabaho ay napagpasiyahan kong humiga at magpatugtog ng podcast para lusawin ang lungkot na nararamdaman ko.
Lumipas ang mga araw at linggo pero hindi pa rin dumadating ang ipinangakong bawi ni Theo. Saglit na lang kaming nakakapag usap at puro through phone o video call na lang.
He was too busy. Well, ako rin pala.
"I'm sorry, bukas na kasi ang presentation ko. Diba, 'yung kinikwento ko sa'yo?"
For a moment, tahimik siya sa kabilang linya. "Yeah, I remember. So, after na lang?"
Napatango ako. "Yeah, like bukas ng gabi. After the presentation."
He was, again, silent. "Bukas ng hapon ay pupunta kami ng Japan, love."
"Oh," I automatically responded. "Kelan uwi niyo?"
"In three days, I'm sorry."
I closed my eyes, wala naman akong choice. "That's fine, I understand. Ingat ka and kumain ka palagi. See you after five days?"
I heard him sigh. "Yeah, I guess. Know that I miss you, okay?"
I frowned. "I missed you, too."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro