18.
Ang pag-ibig pala sa simula, komportable. Pero patagal ng patagal, parang masarap ng kumawala.
Pero dapat hindi ka umiibig kasi komportable lang.
—
Natuto kaming mag compromise ni Theo. Kapag gusto niyang umalis muna at mag break sa pressure or stress or lungkot sa paligid, magsasabi siya. O kapag hindi niya kayang sabihin, magmessage man lang siya.
Ako naman, iintindihin ko siya. Pero iintindihin niya rin ako. Kapag bigla akong manlalamig o ayaw ko muna siyang kausapin, iintindihin niya.
Kasi sa pag-intindi ko sa kalagayan niya, dapat alam niyang napapagod rin ako.
Pero kahit mapagod man kami sa isa't isa, walang bibitiw.
Walang bibitiw kasi mahal namin ang isa't isa.
Ganu'n ang set up sa araw-araw. Hanggang sa nasanay na kami.
Ganu'n na ang routine. Maiintindihan kong biglang walang good morning, kumain ka na ba?, kita tayo mamaya, aloha.
Kapag ganun alam ko na. Stressed si Theo, nakikipaglaban siya sa lungkot niya. Iintindihin ko. Kasi 'yung pag-ibig, marunong umintindi kahit sobrang hirap.
Gusto ko kami na talaga para sa isa't isa. Kasi mahal ko siya at siya ang unang minahal ko. Gusto ko hanggang dulo, siya na.
Gusto ko matatag kami.
Hindi ko siya papakawalan.
Hindi na namin namalayan ang bilis ng panahon. In two months, gagraduate na si Theo. Ako naman, fresh graduate at nagta-trabaho na sa isang kilalang media company dito sa Makati.
Mabuti 'yung naka-adjust na kami sa sitwasyon ng isa't isa. 20 minutes lang naman ang pagitan ng Taft at Makati.
'Nung 3rd anniversary namin, pinakilala ko na siya sa pamilya ko — kina Mama, Papa, kay KC, at sa iba pa naming kamag-anak.
Walang nagalit pero maraming paalala. Tuparin raw muna namin ang mga pangarap namin.
Oo naman. Kailangan munang mabawi namin 'yung buhay namin dati, 'yung bago bumagsak 'yung negosyo namin at ma-stroke si Papa.
'Nung 2nd year anniversary namin, binalak kong i-surprise si Theo. Dapat pool party tapos kasama mga kaibigan namin. Gusto kasi naming laging mag celebrate with friends kasi witness sila ng love story namin ni Theo.
Pero hindi dumating si Theo. Dalawang linggo siya 'nung nawala. Sayang effort, tapos pinagpilitan kong 'wag umiyak sa harap ng kahit sino.
Ayoko kasing mag-iba 'yung tingin nila sa kanya. Kaya kapag napapaiyak ako ni Theo, nagtatago ako.
Ayoko ring sabihin kung ilang beses niya na akong nabigo. Kasi nga malungkot na siya, ayokong mas mawala siya sa'kin.
Alam ko namang worth it ang pinaglalaban ko. Mahal din ako ni Theo. Alam ko. Malungkot lang talaga siya.
Depression niya ang kalaban ko.
Mula nu'n, ayoko ng sinusurprise si Theo. Parang laging ako ang nasusurpresa. Kapag may plano, lagi na naming pinag-uusapan.
Para wala ng mabibigo, wala ng palihim na nabibigo.
Isinarado ko ang laptop dahil nag alarm na — 6 pm.
Magkikita kami ng 7 pm ni Theo, pupunta raw kami sa bagong bukas na chinese restaurant sa Antipolo.
Kumilos na ako — naligo, at nag-ayos ng mukha. By 6:50 pm tapos na ako, ready-to-go na.
Hindi kailanman na-late sa usapan si Theo. It's either early or absent.
Kaya 'nung pumatak na sa alas-otso at wala pa rin siya, tinawagan ko na. Para akong tangang nakaayos, naka-dress at naka-make up, nakaupo sa sofa — naghihintay ng Theo.
Tatlong missed calls bago siya sumagot.
Umaapoy na sa galit 'yung puso ko, at the same time nadi-disappoint na naman. Pero 'yun nga, I have to understand. I have to always hear his side.
"Dude, sorry. Babawi ako bukas," bungad niya.
Mariin akong pumikit. "Asan ka ba?" Tanong ko gamit ang pinaka-kalmadong tono.
Hindi siya sumagot. Tahimik, alam kong wala siya sa bar at wala akong ideya kung asan siya.
Naghintay ako ng sagot. Baka nahihirapan siyang sumagot kasi umatake 'yung anxiety niya.
Pero para akong natanga 'nung narinig ko 'yung boses ni Chloe sa kabilang linya. "Theo, eto na nabuksan ko na." Mas lumapit 'yung boses, mas naging malinaw kung kanino. "Sino katawag mo? Si Kate?"
Tahimik na tumulo ang mga luha ko. Napahikbi ako at agad nagtakip ng bibig.
Sumagot si Theo kay Chloe. "Oo, saglit lang."
Mukha siyang lumayo at naglakad sa kung saan man.
"Kate." Hindi ako sumagot. "Kate, mahal, mage-explain ako."
Pinarinig ko na sa kanya ang hikbi ko. Gusto kong marinig niya, malaman at maramdaman niya, na nasasaktan niya ako — at hindi ko na kayang itago.
Nag panick siya. "Kate, fuck, sorry. Wag ka umiyak, please." Narinig ko ang sunud-sunod niyang buntong hininga. "Sorry, pupunta ako diyan. Pupunta na ako. Please, wag ka na umiyak. Bigyan mo akong 30 minutes, andiyan na ako, mahal."
Ibinaba niya ang tawag.
Hawak ko pa rin sa dibdib ko ang phone ko, hindi makapaniwala sa sakit na kayang ibigay sa'kin ni Theo. Bakit niya kasama si Chloe? Anniversary namin, bakit iba 'yung kasama niya?
Tinanggap kong magkaibigan pa rin sila at kahit alam kong may gusto pa rin si Chloe sa kanya, kahit papalit-palit ito ng boyfriend, hindi ko pinansin.
Kasi may tiwala ako kay Theo. He is just lonely, but he would not cheat. He would never cheat.
Lumipas ang isang oras tapos dalawa tapos tatlo. Nakatingin lang ako sa nakabukas kong phone habang sinusundan ang bawat minuto, nag-aabang ng Theo.
Pumatak ang 12:00 am, February 15.
Tumingin ako sa kawalan, hindi maintindihan ang nangyayari at pilit na kinakalma ang puso kong gumuguho.
Hindi ko alam kung gaano ba kahaba ang kalahating oras para kay Theo at inaabot ng kinabukasan sa relos ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro