Chapter Twelve: True Color
Chapter Twelve: True Color
Chrono
Dumating ang lunes at sabik si Lalesca na bumili ng Drums. Inaya kaming lahat na sumama pero sa huli ay kaming dalawa lamang ang tumungong Super Mall sa Music Shop. Si Laeron dapat ang nandito imbes na si Lalesca dahil sa kaniya ang drums na bibilhin. Pero ang sabi niya ay kailangan niya ngayong umuwi nang maaga.
Kinabukasan ay na-deliver ng SM ang drums sa school at s-in-et-up na iyon ni Raz. Hinihintay namin si Laeron dahil malamang late na naman siya. Pero alas-sais na ay hindi pa rin siya dumadating. Kapansin-pansin din na wala na lagi si Eve simula pa nong isang Linggo. We need to ask her vote.
Kinabukasan muli ay pumunta na sina Lalesca at Raz sa room si Laeron pero ang sinasabi ng mga kaklase niya ay nakauwi na. Nang Biyernes naman ay hindi siya pumasok. Tsk. Isang Linggo rin ang nasayang namin. Hindi na rin siya nag-re-respond sa text at tawag namin.
Sabay-sabay kaming naglalakad pauwi nang kumalas na si Raz at kami na lamang ni Lalesca ang natira.
"Have any idea how to convince Ley-ley's Mom?" diretsong tanong ni Lalesca.
Napakunot ako ng noo. "For what?"
Kumapit siya sa strap ng kaniyang backpack at yumuko, "It seems his Mom told him to avoid us since what happened last Saturday," malamya niyang tono at tumungin sa akin. "Nabanggit mo 'di ba na childhood friend mo siya noon? Bakit ka nga pala kayo lumipat sa Cavite?"
"It's not us who moved to Cavite, but them who went to Pampanga," sagot ko.
"You mean, dati sila sa Pampanga tapos pumuntang Cavite then bumalik ulit sa Pampanga?"
I shook my head. "Sa Cebu sila galing noong lumipat sila sa Cavite. Tapos ngayon ay sa Pampanga."
"Laeron has no Dad, and you have no Mom. Did something happened back then?"
Tinignan ko siya nang malalim.
"S-Sorry. I was being insensitive," paumanhin niya at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
"By the way, how did you convince Dad to buy Drums for Laeron that easy?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Huh? What do you mean convince? I didn't do anything," sagot niya at lumiko na kami sa eskenita na hindi gaano dinadaanan ng mga tao. Ito na ang bago kong ruta simulang lumipat ako sa apartment ni Tita.
"Kapag kami ng kuya ko ang nagpapabili ng mamahaling bagay, he always tell us to earn it from our allowance. I know he's hypocrite but spending money without having return in investment is the last thing he would do."
"I thought it's easy for him to spend money to help people. And I thought I was right nang nabanggit ni Tita na mag-do-donate daw ang Dad mo ng projector sa room." Dinampi niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang baba. "Well, it will boost his social image. But with Laeron who's a mere trash, why would he do something that will impress him?"
Napahinto ako sa sinabi niya at malalim siyang tinitigan.
"Or maybe because I'm there as a witness?" dagdag pa niya.
"How dare you to call Laeron as a trash?" malamig kong tanong sa mababang tono.
Napahinto siya at hinarap ako. "That's nothing personal, Chrono," kaswal niyang sagot. "Saan pala ang bahay nila Laeron?"
"Take back your words," pagbabanta ko.
"Iyong kung saan ang bahay nila?"
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kaniya habang nakatitig nang malalim sa kaniyang ruby na mga mata. Sa sobrang lapit ay halos magdikit na ang maputi't matangos niyang ilong sa akin.
"Don't shift the topic. How dare a friend of his call him trash?"
"Friend?" Biglang nanlamig ang kaniyang pananalita. Nawala iyong malambot at mala-anghel niyang boses. Tapos ay tumawa siya--tawa na pang demonyo.
I smirked. "Finally, you removed her mask." Nagsalubong ang mga kilay ko sa galit. "I sensed it from the beginning. The book I was reading is inspired by the people like you."
Nilapit niya rin ang kaniyang mukha kaya nagdikit na ang aming mga ilong at noo. "The invincible detective, huh? The one who fell in love with Delilah even though he already knows her true identity in the first place. Yes, us, Delilahs, do exist." she said fiercely. "When I say us, kasama ka."
I smirked, "Am I not the asexual version of Samson the Invincible detective?"
She also smirked. "Aren't you just like your father who treats people just as material for own success? Well, at least, your father is not stingy and insensitive like you. Just like when we're recruiting for members. You ended up coming with a dark manipulation plan."
Napayukom ako at akmang susuntukin na sana sya sa kaniyang mukha ngunit napigilan ko ang sarili ko.
"Kaya mo akong suntukin? Ang Dad mo ba kailanman ay sinuntok niya ang Mom mo?"
Nanghina ang mga tuhod ko pero hindi ko pinahalata. No. I never saw Mom having bruises. Because if he does, he would go to jail for sure. But–
"See? Your father is just a bad person. But you--you're a monster."
Lalesca Aquila
(Illustrated by Caliversustheworld)
May nakawalang butil na luha sa aking mata at gumapang ito pababa sa pisngi. Kasabay nang pagpatak nito sa sahig ay binaba ko na ang aking kamao. Nauna na ako maglakad. Nanginginig ang mga kamay at binti ko pero pilit kong hindi pinapahalata.
I'm a monster. Worse than my Dad, am I? Maybe I'm really the reason why Lae is avoiding us now. Nakarating na ako sa train station. Habang nakapila't hinhintay ang train ay naiisip ko pa rin ang nangyari kanina. She's right. I'm insensitive. But it's not me who is to blame, but the world itself. And I don't find it wrong--it's just for survival.
Because I don't want to be dumb like Mom.
-mvcabusas
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro