Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten: Cafe

Chapter Ten: Cafe

Chrono

Pagkauwian ay hindi na kami tumungo sa clubroom. Instead, sabay-sabay kaming lumabas ng campus papuntang cafe.

"Kailan daw madadala iyong drums?" tanong ni Laeron. Ang paliwanag kasi ni Lalesca sa kaniya habang naglalakad kami ay wala pang puwedeng pumunta sa Cavite para kunin ang drums ni kuya. Kaya habang naghihintay ay susubukan muna naming maki-practice sa Cafe na tinutukoy nila. Kung sakaling may bayad ay ambagan na lamang.

"Wala pang date, eh, Lae. Busy pa raw kasi si Kuya Chris."

Napangisi ako. Agad naman iyon napansin ni Lalesca kaya saglit niya akong tinapunan ng tingin diretso sa mata.

What a liar. Ang totoong nangyari ay, nasa counter na kami para bayaran ang napili niyang drum set na worth P70,000 nang hindi tinanggap ang aking credit card. C-in-ut off ni Dad ito nang di ko alam. I clicked my tongue. Good thing I still have cashes left.

Did Dad already found out that I wasn't in Cavite anymore? I thought he already forgot that he has children? I hope he won't find me here. I'll seek financial help to kuya for the mean time. I also have Aunty Michelle, my Dad's cousin, here in Angeles that I might call for rescue.

That's why this is the perfect place to transfer school. Lalo na nang lumabas ang result sa pina-imbestiga ko kay kuya kung saan nag-aaral si Laeron--at dito nga.

"Oonga pala, may PTA meeting sa Sabado, 'di ba? " tanong ni Laeron. Ang ibig sabihin ng PTA ay Parents-Teachers Association. "Pupunta ba si Tito, Kororo?"

Dad almost spoil Laeron every time they meet at home. Little did he know, Dad is a hypocrite. He was only doing such things so people would think he's a good dad and husband as if Mom left him for no reason. They all thought we are lucky to have him--he has looks, money, fame and a caring partner and father. Gross. It makes me puke just thinking about that.

"Maybe," walang gana kong sagot. Kahapon pa ako nakapagpasya na si Kuya Chris and mag-a-attend ng meeting. Na-kontak ko na siya at pumayag siya.

He smiled. "Excited na ako makita si tito!" Binaling naman niya ang tingin kina Lalesca at Raz, "Excited na rin ako ma-meet ang Mama o Papa niyo!"

"Uhm. . .both of my parents are working abroad so only Tita could come," Lalesca answered.

"You seemed very rich, huh?" I commented.

She combed her hair around her ears through her finger and answered, "Hindi naman gaano."

"Maybe you can provide the drum sets."

"Yes, I'm about to ask my parents this weekends kung saan ang day off nila. I just don't want them to bother in their work. Plus they need rest siyempre," she softly answered--flawlessly. She turned to Raz after. "How about you, Raz?"

Kasabay ng pagpitik ng dila ni Raz ang pag-iwas niya ng tingin. "Sinong aasahan ko? Multo?" pabalang niyang sagot.

Napahinto si Laeron sa paglalakad kaya napahinto rin kaming lahat. "G-gusto mo, si Mama ko na lang ang Mama mo kunyari?" suhestyon ni Laeron.

What kind of suggestion is that?

"Aww, I'm sorry to hear that, Raz. I'm worried," ani naman ni Lalesca.

"Wala kayo dapat alalanin," malamig na sagot ni Raz at ngumisi, "Dahil sisigiraduhin ko ring walang makakapunta sa inyo," banta niya at bumungisngis. Nagpatuloy na siyang maglakad at pumihit ng direksyon sa palikuan.

Nagtinginan sina Laeron at Lalesca bago sumunod sa paglalakad. Nagpatuloy na rin ako sa hakbang.

Pilit at awkward na tumawa si Laeron. "O-Okay iyong joke. Mga bente iyong score. Hehe." Sinamahan niya rin ng pagkamot ng ulo.

Huminto si Raz kaya napahinto rin ang dalawa. Lumingon ito kay Laeron at nilapit ang mukha. "Mukha ba akong nagbibiro?" Ngumiti siya nang pang demonyo. Bagay niya.

Napaatras si Laeron at yumuko. "S-Sorry!"

Doon ay napahalakhak si Raz. "Masyado kang seryoso, Laeron!"

Nahuli kong nakatalikod si Lalesca mula sa amin at kakaharap niya lang. Tinignan niya nang masam si Raz at piningot ang tainga. "Hindi magandang biro 'yan!"

"Ara–ara ara! "

Nauna na ako sa kanila. What a bunch of idiots.

Mga dalawang minutong lumipas ay nakarating na kami sa Cafe na sinasabi nila. Sa glass door ay may plakang nakasulat na "OPEN." Sa tabi naman nito ay may green board stand na hanggang baiwang kung saan nakasulat ang "Welcome to Zaroel Cafe."

"Zar?" kumawalang bulong ko sarili.

Tumunog ang wind chime sa itaas ng pinto nang naunang pumasok si Raz. Sumunod kami. Unang bumungad sa amin ang kulay kapeng sahig na estilong tabla (wood planks). Ang mga mesa, upuan at counter naman ay yari sa kahoy na barnisadong kulay rin ng kape. Habang ang dinding naman ay kulay tortilla (Malapit ang kulay sa cream white).

"Ang lamig! Ang ganda talaga dito!" ani Laeron.

Maganda nga rito sa ganitong oras dahil bilang lamang ang costumer.

Napalingon ako sa likod kung saan naiwan sa may pintuan si Lalesca. Hinihimas-himas niya ang kaniyang mga kamay na para bang lamig na lamig sa loob.

"Oonga pala, si Miss Eve! Baka nandu'n siya sa club naghihintay!" biglang sigaw ni Laeron at pumihit pabalik.

Dahil nasa bandang pintuan pa rin si Lalesca ay naharang niya si Laeron at pinatong ang mga kamay sa kaniya. "Laeron, kinakabahan ako sa pagpaalam."

"Sabay-sabay tayong magpaalam!" tugon sa kaniya ni Laeron.

Hinawakan ni Lalesca ang pulsuhan ni Lae at naglakad. "Tara!"

Nang nakalampas sila sa akin ay hinuli ko ang kamay ni Lalesca upang pigilan sila. Napatingin naman silang dalawa sa akin.

"Let's wait for Raz," ani ko habang nakatingin sa counter. Nakita kong pumasok doon si Raz.

Luminga naman siya sa paligid. "Where is he?"

Sakto naman ay may lumabas na matandang lalaki mula sa kanilang kusina. Tulad ng mga trabahador ay nakasuot ito ng itim na polo-shirt at pants saka naka-apron na kakulay ng dingding. Pero sa kaniyang kaswal na tindig at paghakbang--para siyang nasa bahay lamang kung saan ang kumportable niyang lugar. So he must be the owner.

Humarap ito sa amin na nakangiti at naglakad sa aming direksyon. Napansin din ito nina Laeron kaya napukaw ang kanilang atensyon sa kaniya. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay yumuko sina Lae.

"Magandang araw po!" sabay nilang bati.

"Kung ganu'n, kayo ang mga kaibigan ni Leo sa school?"

Leo?

Tumayo na nang tuwid sina Laeron at Laleska saka nagkatinginan. Sabay silang sumagot, "Opo."

"Si Raz po si Leo, 'di ba?" pahabol na tanong ni Laeron.

Napangisi naman ang matanda."Oo."

"Nakatutuwa naman dahil mayroon na siyang kaibigan sa eskuwelahan," dagdag nito.

The way he talked about as if Raz is not a mere employee. He must be something related. A grandfather, I guess?

"Hindi ko sila kaibigan," singit ni Raz na kararating lamang. Nakasuot na rin ito black na damit at apron--tulad sa mga nagtratrabaho sa cafe. Napaiwas naman siya nang tingin, "Maliban kay Chrono. D-dahil siya ang Beta sa aming Gang."

He didn't seem to really acknowledge me as a friend. Me neither.

Napatawa ang matanda sa inasal ni Raz. "Osya, hindi kayo puwedeng magpractice rito dahil maiingayan ang mga customer."

So Raz already asked for it. Now, we need to move to second option.

"Kaya kailangan ninyong ilipat ang mga instrument sa dulong kuwarto. Hindi na siguro aabot ang ingay na iyon rito," patuloy niya at tinuro ang pasilyo sa kaniyang likuran.

Napangiti naman ang dalawa kong kasamahan. "Salamat po!"

"Thank you," aniko.

Saglit lang namin nailipat at na-set-up ang instruments sa kuwartong tinutukoy ng owner. Now, first thing to do is to teach Laeron to drum. He needs to be trained as hell. This skill isn't something that can be acquired overnight, even just the basic pattern.

"Ito--obserbahan mo nang mabuti, ah," utos ni Raz na naka-puwesto sa drum set. Tumango naman si Laeron na nakatayo sa harapan niya. Kami naman ni Lalesca ay nanonood lamang sa kanila habang nakaupo sa monoblock.

Pumasada siya ng kumplikadong rollings at mabilis na beats. Tapos ay tumayo na siya at inabot ang drum stick kay Lae na nakanganga.

"Ang galing!" puri ni Laeron sa kaniya.

"Ganu'n lang. Subukan mo ngayon."

Sabik na pumalit si Laeron sa puwesto. Nakakaisang padyak pa lamang siya sa bass drum nang natulala siya. Napatingin siya kay Raz, "Paano nga ulit 'yun?"

"Obserbahan mo ulit," tugon ni Raz at makikipagpalitan na sana ulit kay Laeron ng puwesto nang tumayo si Lalesca.

"Uhm. . .ano. . .I think we should practice basics lang muna." Lumapit siya sa kanila. "Like this: dum-tak, dum-tak, dum-tak, dum-tak," she said while demoing the movements through stamping feet and tapping in the air. "Now try it, Laeron."

Sinubukan ito ni Laeron at nagawa nga niya. Abot tainga naman ang ngiti niya at napataas ng kamay. "Ang dali! Nakuha ko na!"

"Good," responde ni Lalesca, "Now add the cymbals: dum-tss-tak-tss, dum-tss-tak-tss, dum-tss-tak-tss, dum-tss-tak-tss."

Ginawa ito ni Laeron nang mabagal. Medyo nalilito pa siya sa una hanggang sa nakuha na niya ang pattern.

"Nice! You're a fast learner, Laeron," puri ni Lalesca sa kaniya.

"Salamat!"

"Ngayon naman ay may kasabay na cymbals ang bass drum at snare drum."

Nang subukan ni Laeron iyon ay nakalimutan na niya lahat nang naituro ni Lalesca.

"S-sorry."

"No, it's okay. It's part of learning. But we will revise something. Try: tss-tss-tss-tss only first. Repeat mo mga sampong beses."

He followed Lalesca. At the ninth set, nagiging malamya ang pagpalo ni Laeron.

"Good. Now add bass drum sa una. Ten times again."

Tulad kanina, nagiging malamya ang paghampas ni Laeron sa mga ika 8-10 na sets.

"Then try to add the snare drums. Ten times."

At the set 2, napahinto siya na may kunot noo. Hindi niya pa rin makuha.

"Just keep practicing and you'll get it soon," ani Lesca kaya sinubukan ulit ni Laeron. Pero tumitigil pa rin siya at nalilito sa napaka-basic na beat.

"Laeron, what is your favorite subject?" tanong ko.

Agad siyang sumagot, "Math!"

"Then treat the beat as arithmetic sequence: 1-2-3-4. There are always 4 counts in every set of beats. 1 is for cymbals with bass, 2 is for cymbals only, 3 is for cymbals with snare, and 4 is for cymbals only."

"Ohh," he reacted and started practicing. "1. . .2. . .3. . .4. 1. . .2. . .3. . .4. . . ." isa-isang bilang niya sa sarili pero kalaunan ay bumilis din ito. Binilang ko ang maaayos na gawa niya at nakarating ito sa lima nang huminto siya. "Nakuha ko na!" Tinaas niya ang mga kamay niya at tumingin sa amin nang nakangiti.

"Ulit-ulitin mo lang hanggang matapos ang oras," utos ko na siya namang sinunod niya. Pero hindi pa nangangalahating oras ay huminto siya.

Pinatong niya ang mga palad sa tuhod at nakatingalang sumimangot. "Ang boring!"

Kinuha ni Raz ang kaniyang gitara. "Sasabayan kita, Laeron."

Tumayo na ako. "I will try the coffee while waiting," paalam ko. Kumbaga ito na rin ang bayad ko sa pagpapahiram nila nang libre sa instruments.

Lumabas na ako sa kuwarto at pumunta sa counter. Halos wala nang costumer kaya hindi ko na kinailangang pumila. Sakto naman na ang owner ang naroon kaya siya na ang humarap sa akin.

Sinuri ko ang mga menu na nakapaskil sa itaas hanggang sa nakapili na ako.

"One green tea."

"With sugar or none?" tanong niya.

"None," I answered at inabot ang bayad.

Ngumiti siya. "Puwede ka nang umupo. Iaabot na lang ang tsaa mo."

Nilibot ko ang paningin sa paligid at pinili ang nasa sulok kung saan nasa tabi ng glass na bintana.

Umupo na ako roon at ilang segundo rin ay may naghatid ng order ko. Kulay itim ang kaniyang buhok na tayo-tayo. Mas matanda ako sa kaniya ng mga dalawang taon.

"Ito na po iyong order mo, Beta," aniya at nilapag ang tasa sa mesa. Sa pagkakatanda ko ay siya si Dazki--ang dating Beta sa sindikato ni Raz.

"Mm," responde ko at umalis na siya kasama ang tray.

Kinuha ko ang tsaa at inihipan ito bago sumipsip pero napaso pa rin ang dila ko.

"They say, dreaming of hurting your tongue by drinking hot tea means that you are unable to judge people in your waking life."

Binaba ko ang tsaa at napatingin sa owner na nagsalita. What is he doing here?

"Well, this isn't a dream," I countered.

Napatawa siya nang mahina. "Puwede ba ako makiupo, hijo?"

"This cafe is yours so I have no choice."

He smiled again na para bang natutuwang makipag-usap sa akin.

"You seemed distant with people," panimula niya.

"Because people are distant to me. Plus they're stupid," agad kong sagot.

"So you're claiming that you're stupid too?"

"Yes," agad kong sagot at kinuha muli ang tsaa upang ihipan. This time, hindi na ako napaso nang sumipsip.

"Leo is also distant with other people--except with his gangs."

"It sounds more syndicate to me," singit ko at marahan siyang napatawa. Binaba ko na ang tasa at tumingin sa labas. Hindi na gaano karami ang tao sa labas at dumidilim na ang paligid.

"Pinilit ka ba ni Leo na sumali?"

Naalala ko ang araw na inabangan niya ako para sabihing parte na ako ng gang. Pero pumayag lang ako dahil kailangan namin ng miyembro sa banda.

"Parang ganu'n na nga," ito na lamang ang sinagot ko.

Napa-facepalm siya na may kasamang pagbuntong hininga, "Ang batang iyon talaga. . ." Tumingin siya sa akin. "Ako na ang hihingi ng dispensa."

Humarap ako sa kaniya. "You lend us your instruments for free so I have no choice but to accept your apology," sagot ko at binalik ang tingin sa bintana.

"Thank you for understanding."

Ilang segundong katahimikan ang dumaan. Tumayo na siya at magpapaalam na sana nang nagsalita ako.

"May PTA meeting kami sa Sabado. He said his parents can't come."

"I see. . ."

"Nasaan ang mga magulang ni Raz? Are they working abroad or something?"

Bumalik siya sa upuan. Ilang segundo bago siya sumagot, "Walang nakakaalam. Simulang makilala siya ng anak ko sa lansangan, ang gang na ang naging pamliya niya."

Ilang segundong katahimikan ang dumaan nang humarap siya sa akin. "Hindi mo ba tatanungin kung nasaan ang anak kong si Ken?" aniyang nakangiti.

"No need. It's obvious that he's now studying on a university or working in his profession so he can't often visit anymore."

He shook his head. "He's dead."

}{}{

Third Person POV

Isang guwardiya ang naglilibot sa pasilyo ng eskuwelahan upang suriin ang bawat kuwarto kung may mga estudyante pang natira o mga dapat tanggaling saksakan.

Habang naglalakad na may hawak na flashlight ay nakarinig siya ng bugso ng hangin at ingay ng makina. Napahinto siya at tinapat ang ilaw sa kaniyang tabing silid at saktong tumutok ang liwanag sa nakasinding electric fan. Kukunin niya sana ang mga susi sa kaniyang belt bag nang napansin niyang bukas ang pintuan. Kaya naman ay hindi na siya nagdalawang isip upang pasukin.

"Tss. Hindi na nga marunong magpatay ng electric fan ay 'di rin marunong magsara ng pintuan," aniya sa sarili matapos hablutin ang saksakan.

Paalis na siya nang may biglang humablot sa kaniyang paa kaya napasigaw siya at tinutok ang liwanag doon.

"Halimaw! Halimaw!" Sigaw niya nang napansin niyang may nakatayong tainga at may buntot ang nilalang.

"Bakit mo pinatay ang electric fan! Ang init!"

"Ahh!" lalong napalakas ang kaniyang sigaw hanggang sa siya'y natauhan. Ang tainga at buntot pala na nakita niya ay disenyo ng asul na jacket ng estudyanteng babae. Agad siyang tumayo at nagpagpag. "Ano'ng ginagawa mo rito?" galit niyang sigaw kay Eve.

"Huh?" Dahan-dahang tumayo si Eve at luminga-linga sa paligid. "Hindi sila dumating?" tanong nito sa sarili.

"Umuwi ka nang bata ka!" muling sigaw ng guwardiya at kinaladkad siya palabas.

"Bakit di nila ako ginising!?"

-mvcabusas

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro