Chapter Sixteen: Cooking Contest
Please hear the instrumental soundtrack above while reading. Thanks! (Dream of Mine Instrumental Version 2)
Chapter Sixteen: Cooking Contest
Chrono
First day of Nutrition month celebration, puno nang mga tao ang open space. Maliban sa mga naka-yunipormeng katulad ko ay may iba't ibang nakayuniporme rin na galing sa iba't ibang school. Meron ding mga naka-civillian na mga mas matatanda sa amin o kaya naman ay mga bata. Nakaupo lamang ako sa tabi ng aming booth upang maghintay ng utos kung may bibilhin. Kasama ko dapat dito si Cole pero nasa sentro siya ngayon ng open space bilang representative sa cooking contest. Hindi ko siya mapapanood mula rito dahil may nakaharang na mga booth pero rinig naman ang emcee.
Mula sa aking puwesto ay napapanood ko rin ang daloy ng mga costumer sa ibang booth. Isa sa mabenta ay ang fruit shake na nasa bandang dulo ng hilera. Pagdating naman sa amin ay marami rin ang pumipila sa aming vegetable burger.
Kumpleto ang diet sa aming burger. Bun and potato: Carbohydrates- carbohydrates convert to glucose inside the body, which is the fuel for energy. Tofu and egg: Protein- for building and repairing cells and body tissues. And other nutrients coming from carrots, broccoli, black beans, tomato, garlic and onion.
"Lalesca!" Napukaw ang aming atensyon kay Cole na tumatakbo papunta rito. Pagkahinto niya ay nagpunas siya ng pawis sa noo habang hinahabol ang hininga.
"Oh, Cole! What happened?" pag-aalala kunyari ni Lalesca.
"Mag-i-start na ang contest, 'diba? Bakit ka nandito?" tanong naman ni Agnes na nakataas ang kilay. Ganito rin dapat ang reaksyon ni Lalesca.
"Wala pa rin si Sarah!" sigaw niya.
Agad tinanggal ni Lalesca ang kaniyang apron at nilipat sa akin.
"Lalesca? What are you doing? Huwag mo 'kong iwan sa lalaking 'to!" reklamo ni Agnes.
Humarap si Lalesca sa kaniya. "Then, can you take Sarah's place instead?"
Nanlaki ang mga mata niyang napatingin kay Cole. "Ew! I don't want to work with that idiot either!"
Lahat sila napatingin sa akin. Tumayo na ako at lumapit kay Cole. "I'll help you," monotonong aniko at tinapik ang kaniyang braso. Mas maganda na iyong mukha akong nag-volunteer kaysa napilitan. Du'n din kasi papunta kahit ayaw ko.
Malakawak siyang ngumiti at sumaludo, "Roger that!"
Napabuntong hininga si Agnes. "Buti naman. Muntik na akong atakihin sa puso."
"Wala ka namang puso," nakasimangot na bulong ni Cole.
Hinila ni Agnes ang kaniyang kuwelyo. "Ano'ng sabi mo?" sigaw niya.
"To all participants, please proceed to the area. The cooking show will start in 5 minutes."
Nagpaalam na si Cole at umalis na kami. Habang papunta roon ay sinabi niya sa akin ang lulutuin at kung paano hahatiin ang mga gawain. Wala akong alam sa pagluluto kaya taga-balat, hiwa at abot na lamang ako ng mga rekado.
Sixteen ang nakatayong portable sink at kitchen. Habang naglalakad papunta sa puwesto ay tinawag ako ni Laeron at kumaway. Kumaway at bumati pabalik si Cole sa kaniya. May kasama rin si Lae na matangkad na lalaking kalmadong nakangiti sa amin. Nadaanan din namin si Marxil na nakangiti sa amin. May kasama siyang babaeng kulay itim ang buhok na parang patay na nakatingin sa amin. May kulyar din ito na itim sa leeg. Inangat niya ang hawak niyang kutsilyo at bigla biglang ngumiti abot tainga. Huminto kami sa portable kitchen na katabi nila. Nang ibalik ko ang tingin sa kanila ay nakatingin pa rin ang babae sa amin habang si Marxil ay abala na sa pag-aayos ng mga rekado mesa. Ganu'n na rin ang ginawa namin.
"The cooking contest will begin. . .Now!"
Magbabalat na ako nang bawang nang naramdaman kong may nakatitig sa akin. Nang lingunan ko ito ay ang babae pa rin na kasama ni Marxil. Patay itong nakatitig habang dinidilaan ang silver hammer na hawak niya. Tapos ay pinukpok niya ito sa mesa na walang laman na hindi inaalis ang titig sa akin.
Napalunok ako ng laway. Balak niya ba akong pukpukin kapag nanalo kami? Napangisi siya at binalik na ang atensyon sa pagluluto. Mukhang ganu'n na nga ang kaniyang mensahe. This is my first time to meet a Psychopath.
Tinuloy ko na ang aking ginagawa. Pinagpira-piraso ko ang bawang gamit ang kamay. Tapos ay kumuha ako ng kutsilyo upang balakatan ito. Tsk. This is so inconvinient. Kaya gumamit na lang ako ng peeler pero dumudulas ito sa kamay ko. Masyadong maliit ang cloves para mabalatan. Tumingin ako sa mga ibang kalahok. Pero lahat sila ay nakabalat na ng bawang.
Tsk. I hate garlics from now on.
"Chrono? Okay na ba iyong bawang?" tanong ni Cole habang abala sa paghihiwa ng ibang rekado.
Kumuha ako ng hammer at pinukpok ang bawang sa chopping board. I see. That Psycho is trying to teach me.
Sunod na pinahiwa sa akin ay sibuyas. Habang tumatagal ay umiinit ang aking mga mata hanggang sa kumawala ang luha. Is it because of the pressure? But I'm calm? Or am I allergic to onions? Cooking is really complicated. Paanong nagagawa ito ng mga kasing edad ko?
"'Yung isda tumatakas!" Galing ang sigaw na iyon sa aming katabi--doon sa Psychopath. Hinahabol niya ngayon ang tumatalon-talon na itim na mahabang isda. Dumudulas ito sa kamay niya kaya nahihirapan siya hulihin sa lupa. Doon ko lang din napansin na puro pinagbalatan na ang nakapatoong sa mesa at tumba-tumbang mga bote ng seasoning. Maging ang apron nila ay naligo toyo at dugo. Sa ibaba naman ay may mga supot. Chaotic.
Binalik ko na ang paghihiwa ng sibuyas.
"T-teka, ano'ng hinihiwa mo?" tanong ni Cole.
"Sibuyas," sagot ko at napahawak siya sa ulo.
"Kanina pa dapat 'yang sibuyas!" sigaw niya at agad nilagay sa nilulutong mga gulay.
Napabuntong hininga ako. "I will never join in cooking contests again," bulong ko sa sarili.
Natapos din ang aming pagluluto kaya bumalik na kami sa boot. Agad umupo si Cole sa upuan na pagod na pagod. Huminga siya nang malalim. "Hay salamat natapos din!" sigaw niya habang nakapikit at inuunat ang katawan.
"Punta lang ako restroom, Lalesca," paalam ni Agnes.
Tumayo si Cole. "Ako rin."
Agad napatingin si Agnes sa kaniya, "Pervert!"
"Kanina pa kami nakatayo doon ni Chrono malamang naiihi din ako pinaalala mo lang!" pag-aaklas ni Cole.
"Sinamaan na lamang siya ng tingin at nauna. "Hmm!"
Nagkrus ng mga braso si Cole. "Hmm!" ganti niya at umalis na. Umupo na ako sa inupuan ni Cole.
Lumapit si Lalesca sa akin. "I'm sure mananalo ka sa Nutrition quiz."
"Unfortunately, I'm not the representative."
May inabot siyang inumin sa akin na naka-sealed.
"Give it to her," utos niya.
Tinignan ko ito. Isang banana shake. "Is she allergic to bananas?"
"No. But I asked the server to put a special flavor to it--peanut butter," sagot niya.
"I appreciate it if you will give it by yourself. I'm not a suicide bomb."
"But you're my pawn."
Tumayo ako at nilapit ang aking mukha sa kaniya at tumitig nang malalim. "You can't own me if I own you as my queen."
Napansin ko ang pamumula sa kaniyang mukha. Wait. Is it possible that she--
"Pabili po."
Agad niya akong tinulak at pumunta sa counter upang asikasuhin ang paninda.
Iniwan ko siya at hinayaan kong dalhin ako ng paa ko kung saan upang tignan ang mga ibang booth. Napatigil ako dahil sa kumpulan ng mga tao. Pumila ako rito upang alamin ang strategy sa pagdami ng costumers. Napakunot ako ng kilay. Ang tinda lang nila ay streetfoods tulad ng tofu, vegetable ball, at kwek-kwek. Pero mas maraming pila ito kumpara sa aming vegetable burger.
"What do you think to our booth?" tanong ng lalaki sa aking likuran. Matangkad ito at may malinis na gupit sa buhok.
Tsk. Why do people suddenly approach me?
-mvcabusas
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro