Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six: Recruitment

Chapter Six: Recruitment

Chrono

"Hindi ba panloloko iyong gagawin natin?"

Naalala kong sinabi ni Laeron noong sabado.

Tss. Now, we need to go with the traditional inefficient plan. Time and effort will be wasted but still begging for hope. Magkakalahating buwan nang walang may alam sa existence ng club na ito at sadiyang wala na talagang interesado. Dahil first of all, "We don't have a band name." We tried to convince him yesterday to appoint a band name but he insisted on thinking about it once we're already completed. How could the club management let this pass?

Success rate: 1%

Ang 1% na iyon ay para na lang sa milagro.

Kumatok ako sa pinto ng aming club room. Walang sumasagot. Tinignan ko ang oras: 3:19 pm. Three pa ang uwian namin pero nahuli lang ako dahil cleaners. Mukhang sinisimulan na nila ang pagpapaskil ng poster kaya wala sila dito ngayon.

Tinulak ko palihis ang sliding door at bumungad ang mga sira't maalikabok na wooden arm chair. I sighed. Isa pa ito sa rason kaya walang gustong magmiyembro. We need to clean this up within this week.

But where shall we move these chairs?

Some of them are critical. I'm sure puwede na iyon itapon. Sinimulan kong usugin ang mga upuan para maabot ang nakita kong itatapon. Nang nakalapit na ako sa isa ay binuhat ko ito.

"Don't touch the chairs."

Napahinto ako nang nakarinig ng matamlay at matinis na boses ng babae. Hinanap ko kung saan galing ang boses na iyon. Hanggang sa, mula sa mga nakatambak na mga upuan ay may bumangon na maliit na babaeng nakasuot ng blue hoodie na may buntot at tainga ng pusa. Kumikinang ang asul niyang mga matang nakatitig nang malalim sa akin. Hindi niya kapareho ang pagkaasul ng aking mata. Ang kaniya ay kasing linaw ng karagatan. Habang ang maiksi't hindi sinuklay na buhok naman ay kasing putla ng asul na kalangitan--halos kainin niya ang hibla ng mga buhok na nasa kaniyang bibig. Mukha siyang bagong gising. Natulog ba siya sa gitna ng mga abandunadong upuan?

Le Nueve Axtril

(Illustrated by Caliversustheworld)

Binaba ko ang upuan at humarap sa kaniya.

"Who are you?" diretso kong tanong.

"Ohh, a new member, finally, after a year," walang ganang kumento niya. "I'm the Supreme Government Student Grade 8 chairman: Le Nueve Axtril," pagpapakilala niya habang inaayos ang sarili.

"Call me Eve," dagdag niya.

Saktong magpapakilala na ako nang bumukas ang pintuan sa aking likuran.

"Kororo! Nandito ka na pala!" sabik na bati ni Laeron sa akin.

I cleared my throat, "I'm--"

"Kororo," Eve interrupted, "Hmm... strange name."

"That's a nickname only Lae has the right to use. Call me Chrono."

"Nah," aniya at bumalik sa pagkakahiga. "I prefer Kororo."

"If that's what you want, Le," I emphasized her nickname.

Bumangon muli siya, "Chrono," tinuro niya ako, "Eve," turo niya sa sarili niya. "Deal?"

"Deal," I agreed.

Humiga na muli siya at pumikit.

Is she sleeping again?

Good. Now that we're 4, we only need one. It increased the probability of our success.

"In case na hindi mo pa pala nalalaman," panimula ni Lalesca at humarap ako sa kaniya, "Eve is not a member."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Then we should kick her out of here."

Biglang tumalikod si Lalesca habang nakahawak sa kaniyang bibig. Gumagalaw ang kaniyang balikat. Is she laughing?

Tinignan ko naman ang reaksyon ni Laeron, hindi ko mapinta ang mukha niya. Nakanganga siya na pabalik-balik ang tingin kay Lalesca, sa akin, at Eve.

I waited Lalesca until she turned back,

"Sorry for my behavior," she apologized, "Si Eve ang temporary handler natin since wala pa tayong adviser."

"I see. . ." kumento ko, "How's the project?" pag-umpisa ko ng dapat naming paksa.

Kumuha sila ng maayos na upuan at tumulad din ako. Nakapuwesto kami ngayon na paikot.

"We already posted the posters at all spots just like you ordered," sagot ni Lalesca.

"Even outside the gate?"

"Hm-mm, hanggang sa paradahan ng mga tricycle," sagot naman ni Laeron at tumango.

"Also inside the restrooms?"

"Yes, as in, 'all,'" tugon ni Lalesca.

"Did you even extend the poster at memorial park?"

Lahat kami ay napatingin kay Eve na nakahiga pa rin.

"We'll do it if you'll provide the fund," I blocked her mock.

"Whatever. Why don't you just give up," she said and yawned, "Okay din na hindi. I owe you for giving me free sleeping sessions. This is better than doing paperworks."

"Teka lang, puwede bang kumuha ng member na hindi dito nag-aaral?" tanong ni Laeron.

"Pft! Are you kidding me?" Eve reacted.

"Kung wala kang matinong sasabihin, ipagdadala kita ng kama sa labas," sabat ko.

"If you do that, mawawalan kayo ng temporary holder at madidisband na kayo in an instant." Humikab siya at niyakap ang sarili, "Please stay a bit. I don't want to get up yet."

Binalik ko ang atensyon sa amin, "Get ready for tomorrow's room to room advertisement." Tumayo na ako, "Meeting dismissed."

Tumayo na rin sila maliban kay Eve at sabay-sabay kaming umalis.

"Hoy. . .sinabi nang huwag muna kayong umalis, maaga pa. . ." ani Eve habang humihikab. Is she suffering from hypersomnia? Or is she just as lazy as a cat?

Kinabukasan ay nag-room to room announcement kami. But the timings are pain of ass. Recess, lunch, and end of the afternoon class. Halos kalahati lamang ang mga nasasabihan namin at umaasa na lamang na ipasa ang impormasyon sa mga kaklaseng wala. Karamihan pa sa mga babae ay walang ganang makinig. Ang mga kalalakihan naman ay bumabalik sa upuan at tutok ang atensyon kay Lalesca. Habang ako naman ay nakasandal lamang sa labas na pader tabi ng pintuan, nakikinig.

Lumipas ang tatlong araw ay wala pa ring dumadagdag na miyembro.

We already extended the advertisement outside the campus. Room to room advertisement. But still useless. It's not about us lacking something--but the competition from other music clubs. If we just used my strategy then they would choose ours instead.

Sabay-sabay kaming naglakad pauwi pero lumihis na nang direksyon si Lalesca. Kami ngayon ni Laeron ang natira, nakahinto sa tapat ng pedestrial lane upang hintayin ang signal sa pagtawid.

"Lae," pukaw ko sa kaniya ng atensyon.

"Hm?"

"Bakit mo gustong magtayo ng banda?"

"Kase. . ." panimula niya at dumaan ang ilang segundong katahimikan.

"Tara na," yaya ko nang naging berde na ang ilaw.

Huminto ang mga nakaabang na kotse at naglakad na kami. Nang nakarating na sa side walk ay nagpatuloy lang kami.

"Kase?" tanong ko upang ipagpatuloy ang kaniyang sagot.

"Nabanggit ni Mama no'n na may banda raw si Papa noon."

Napakunot ako ng noo. "'Di ba, ang Papa mo..."

"Oo. Pero pag naging sikat ang ating banda, babalik si Papa sa bahay."

I sighed. That's not how the world revolves. "I don't want to let you live in your false hope so I'm telling you this: If you're just doing it for another person and not for yourself--quit it."

Hindi ko na narinig ang mga yapak niya kaya huminto ako't lumingon sa kaniya. Nakayuko siya't nakayukom.

"P-pero. . .tuwing kumakanta tayo noon. . ." Tumingin siya sa akin. "Masarap sa pakiramdam. Isa rin iyon kung bakit gusto ko magtayo ng banda."

I see. I understand him now. Pero hindi pa rin mababago ang katotohanan na wala nang pag-asa. I hope he learned from his mistakes.

"Then what'll you do next?"

"Uhm. . . Practice!"

"I mean, after we disbanded. We can join the other music club."

Humito siya at tumingin nang diretso sa aking mga mata.

"Hindi tayo ma-di-disband," he said firmly, his green eyes gleaming in spirit.

"Let's say 'what if,' what will you do then."

Umiling siya, "Walang 'what if,' 'claim it!'"

"You don't understand. You're also ignoring the option of joining another music club."

"Naiintindihan ko. Pero naniniwala akong may pag-asa pa. What if may nagbago na ang isip or... nagtransfer katulad mo? Minsan hindi rin natin masabi ang tadhana at may mga hindi inaasahang na nangyayari."

"You just said 'walang what if' then now you're using it."

Napakamot siya ng ulo at tumawa. The way his soft lips stretched genuinely, and his sweet giggles–they were like plagues–my lips voluntarily curved itself up. I've been infected.

Tinigil ko muna ang kasiyahan at tinitigan siya nang malalim. "Next time, have a concrete plan before executing your actions, clear?"

Tumango naman siya.

Nakarating na kami ng jeep terminal at sumakay na siya doon. Ako na lamang ang natirang naglalakad.

Dumidilim na ang paligid nang may grupo ng mga binatilyo ang humarang sa aking daanan. Ang nangunguna sa kaniya ay ang may itim na buhok at green highlight sa bangs, tayo-tayo ito at mga patluis na parang puffer fish. Nakayuniporme siyang bukas ang mga butones at wala na ang benda sa kaniyang ulo.

I've been too focused on the recruitment and I forgot about him. I should have rode a trike just like my plan.

"Dazki!" sigaw niya at lumapit ang isang lalaking mukhang nasa elementary. "You'll be demoted into the third position."

Lumuhod si Dazki sa harap niya, "I'm honored to accept the position."

Ngayon naman ay tumitig siya sa mga mata ko.

"Chrono Qiel."

I closed my fist and prepared myself to fight. Tss. They're wasting my time. May kailangan pa akong gawin para kay Laeron.

But I have no choice.

Kinapa ko ang selpon ko sa aking bulsa at dinoble ng pindot ang lock button. It'll open the video camera. Then I clicked the volume key to start the record.

It may be my defeat for now, but all I need is to expose their name and let kuya Chris handle it.

Then I could call it my victory.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"I. . ." mabigat niyang ani, "the Alpha, Raz Leo Lavish, is offering you the second position of the FATAL Gang." Lumuhod siya sa harapan ko at umiwas ng tingin, "Please be our Beta."

Kasabay no'n ay lumuhod din ang mga kasamahan niya.

A smirk formed in my lips. I see... He is neither a gorilla or a bear--but a wolf. Once you defeat their Alpha, you'll be in charge.

Now I see hope. You're right Lae. There were times that things came out of calculations.

You always focus on the brighter sides. I'm glad you didn't change.

"Alpha, may I have a request?"

Nagsitayuan naman ang lahat dahil sa busina. Parang mga langgam na nagsialisan bigla upang tumabi.

"Puwede ba huwag ninyong hinaharangan ang daan?" galit na sabi ng tsuper ng kotse. Ilang segundo rin ay nakadaan na ito.

"Tss. Mga kabataan talaga ngayon mga walang magawa sa buhay!" parinig nito habang sumusulong saka isinara ang bintana.

-mvcabusas

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro