Chapter Seven: Final Day
A/N: Yow Aliens! ('Di kasi tayo taga-Earth, naligaw lang sa mundo haha!) Excited lang ako na i-share my plan to release my original songs pala na gagamitin dito sa story. Buo na sila pero recording nalang huhu. Pero baka mauna ko pa marelease iyong album na 'yun kaysa matapos itong novel jk haha. (Update 2024: I've released one pero iyong iyong ipeperform nila sa Foundation Week so doon ko pa lang iaattach dito sa Wattpad! But you may now stream them on spotify and youtube! Username: @mvcabusas)
-mvcabusas
~~~>x<~~~
Chapter Seven: Final Day
Chrono
Tanging mga pitik ng orasan ang maririnig sa paligid. Kulay kahel na ang sikat ng araw pero nanatili pa rin kami sa loob ng makalat na club room. I checked my wrist watch: 5:02pm.
"Chrono," pagsira ni Laeron sa katahimikan habang nakangiti. Tapos ay tumingin siya kay Lalesca, "Lalesca," tapos kay Eve, "Miss Eve."
Lahat kami ay nakatingin at hinihintay ang kaniyang sasabihin.
"Salamat," aniya at tumayo. "Sabay-sabay na tayong umuwi!"
Saglit na napatingin sa akin si Lalesca.
"Let's wait a little," I asked.
Napakunot ng noo si Laeron, "O-okay," tugon niya at umupo muli. He then wear back his smile.
That smile. . .obviously masking his disappointment. It's completely different from yesterday's that was like a plague--iyong nakakahawang ngiti.
I get it that he finally faced the reality. Because at this moment, mukhang kami na lang ang estudyanteng nakatambay sa school na ito. Sino nga ba ang papasok pa sa aming club nang ganitong oras para mag-apply? Security guard? Multo?
Bigla namang bumuka ang pintuan. Niluwa nito ang lalaking tayo-tayo ang buhok at nakabuka ang polo. Lahat ay hindi makapagsalitang nakatitig sa kaniya. Siga siyang naglakad habang nakapamulsa palapit sa desk kung nasaan si Lalesca.
"Sasali ako," tipid niyang sabi habang nakaiwas nang tingin. Sinilip ko ang kaniyang likuran.
"Ikaw lang?" tanong ko sa kaniya.
Bigla naman siyang napatingin sa akin na may naglalakihang mga mata.
"O-Oo," nauutal niyang sagot at binaling ang tingin sa mesa. Saglit din nitong sinilip ang mga nakatambak na upuan sa paligid.
I sighed to control my patience. I'll talk to him later.
"By the way, ako nga pala si Laeron Cruix!" masiglang pagpapakilala ni Lae. Tinignan lamang siya ni Raz.
Why Lae? Why are you still an acting enthusiast even though you already accepted your defeat?
"Lalesca Aquila," aning nakangiti at inabot ang form.
"Raz--Raz Leo Lavish," tugon niya at tinanggap ang form. Saglit siyang napatingin sa akin at agad naman ding umiwas. Tapos ay umupo na siya upang mag-fill up. Lumabas na ako at hinintay siya sa hallway.
Ilang minuto ang lumipas ay naririnig ko na ang mga hakbang niya. Pagkaliko niya ay nagtama ang landas namin. Napatingin siya saglit at biglang tumingin sa ibaba.
Balak niya akong lagpasan kaya pinatong ko ang kamay ko sa kaniyang braso at napatalon naman siya't padikit sa pader.
Umiwas siya ng tingin. "G-Ginawa ko na ang request mo. Ano pa ba'ng gusto mo?"
Halos nasuntok ko ang pader sa kaniyang likod at tinitigan siya nang malalim.
"Bakit ikaw lang?" tanong ko sa malalim kong tono, "You came late and you only brought yourself?" I shouted.
Hindi ko gusto ang mga taong hindi marunong tumupad sa pangako dahil nasisira ang calculation ko! Lalo na't nangako rin ako kay Laeron at lalong hindi ko gustong ako ang sumisira ng pangako.
"Sumagot ka!"
"Hindi naman kasi ganu'n kadali iyong request mo!" sigaw niya pabalik.
"Then what is your Alpha for? I thought you had the power?" muli kong sigaw.
"Unti lang ang nakakapag-aral sa mga kapatid natin, alam mo ba 'yon?!"
Nanlaki ang mga mata ko. Dumaan ang ilang segundong katahimikan bago ko naibalik ang sarili ko.
I see. "You're useless," mahina pero madiin kong saad sa kaniya. Huminga ako nang malalim at binawi ang aking kamao.
Hinarap niya ang titig sa akin. "Useless? Matapos kong gawin ang best ko ay sasabihin mong useless! Isa pa, Alpha mo 'ko kaya hindi mo ako puwedeng bastusin!"
Nagpintig ang tainga ko sa sinabi niya.
"Best?" tanong ko't nagsisimula na namang mamuo ang bigat sa aking dibdib. But I still managed to inhale deeply to calm myself. "Your best is useless because we'll be disbanded anyway," medyo kumakalma kong ani.
Hindi siya nakapagsalita.
"As I told you, we need 'FIVE' members," I emphasized the word FIVE and look at my wrist watch. It's 5:33pm. Ni wala nang estudyanteng dumadaan sa hallway na ito at madilim na.
Napayukom ako nang mahigpit.
This is the end.
I failed.
I'm sorry Lae. I'm really sorry.
"Get out of my sight," I said, trying my best to calm down.
Tinulak niya ako para makaalis siya. "Tsk," aniya at nakapamulsang naglakad paalis.
If I just insist on my first strategy then I won't fail. Damn it!
"Sandali!"
Napahinto si Raz at lumingon sa nagsalita--si Laeron.
Maaliwalas siyang nakangiti habang may butil ng luha sa mga mata. Napakunot ako ng noo. Bakit pareho ito ng ngiti kahapon--ang ngiting nakakahawa?
"Hindi na tayo disbanded!"
-mvcabusas
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro