Chapter Nine: Roles
Chapter Nine: Roles
Chrono
"Friendly Band!" Laeron shouted.
What?
We suddenly heard a pft. Napatingin kami kung nasaan si Eve na nakatalikod nang higa sa dala niyang floor mattress na kasya lamang ang isang katao. Gumagalaw ang mga braso niya hanggang sa kumawala ang mahinang tawa.
It was Monday afternoon in the club when we decided to think about the name of the band. Next will be our roles, resources and practices. Binalik ko na agad ang tingin kay Laeron, "Why Friendly band? May naiisip ka pa bang iba?"
"Friendly, kasi mga magkakaibigan tayo," sagot niyang nakangiti at napasuntok pa sa hangin.
Magkakaibigan? Napatingin ako sa mga ibang kasamahan. There's no way I would befriend with them, lalo na si Eve. Only Lae is my friend.
"Cringe," walang ganang kumento ni Eve at bumangon nang upo. "Imagine, the emcee will announce like this: The next performer--Friendly band!'" aniya na may kasama pang malamyang pagtaas ng kamay pero hindi nagbago ang walang ekspresyon niyang mukha. But then, her cheeks curved up and burst in laugh, together with Raz and--Lalesca looking away from us, trying to hide his laugh as possible but still obvious.
"Focus," pagpapahinto ko sa kanila, "Any other suggestions?"
"Best Friend Band," muling singit ni Eve at tumawa silang lahat--maging si Laeron na nagpakunot ng aking mga kilay.
Wala itong patutunguhan. Hihintayin ko na lamang silang matapos sa kasiyahan. Ilang segundo rin ay tumahimik sila. Nang napatingin ako sa tapat ko na si Raz ay agad itong umiwas ng tingin. Ganu'n din si Lalesca nang dinako ko ang tingin sa kaniya. Habang si Laeron naman ay binalik ang titig sa akin na bahagyang nakangiti, parang tutang naghihintay ng command habang wumawagayway ang mga buntot. Naiimagine ko na ring may maliit siyang taingang tuwid ang tindig.
"Done?" tanong ko sa kanila at binaling naman ang tingin kay Eve.
Humikab siya. "Bowring." Tapos ay bumalik na siya sa pagkakahiga. "Bihira na nga lang ako tumawa, sisirain pa." Bumalik na siya sa pagkakahiga.
"'Wolf Pack.'" Biglang nagsalita si Lalesca. "Instead using the word Friend, we symbolize it as a 'wolf.' Then 'pack' as the replacement of the word band."
"Nice one!" suporta ni Raz lalo na't wolf system ang ginamit ng kanilang FATAL Gang.
"Wow! Ang cute ng name na Wolf!" kumento ni Laeron.
"So, approve na ba siya, Lae?" paglilinaw ni Lalesca.
Pinatong ni Lae ang mga kamay niya sa kaniyang tuhod habang nakaupo at tumango. I still see dog ears and tails in him. And his eyes is sparkling, as well as his background. I must hallucination.
I shook my head to wake up from the reality. "Next is our roles in band--"
Tumayo si Laeron, "Tara! Practice!"
Before I knew it, Raz is already holding his guitar and strum it. The F chords echoed in the room. "Let's rock and roll!" sigaw niya.
Tumayo si Lalesca, "U-Uhm. . .I think we need to discuss it first. Like, what pieces we'll be practicing and such."
Agad namang bumalik sa upuan ang dalawa.
"Sige," tugon nila habang nakatitig kay Lalesca, naghihintay ng command. Bumalik ang tainga't malikot na buntot na pang-aso ni Laeron sa aking paningin. Pati si Raz ay nakikitaan ko na ng gano'n
"I will play for piano, Raz for electric guitar, Laeron for drums and Lalesca will be our vocal," I discussed.
Tumingin ako kay Lalesca. She's not saying something about her violin. I bet she already understood the situation.
"Next will be our piece--" nahinto ako nang nagtaas ng kamay si Laeron.
"K-Kororo, hindi ako marunong mag-drums."
"You will," I answered, "You just need to learn the basic pattern and that's enough."
"If we only had bass guitarist," I side commented.
"Marunong din ako mag-bass. Kaya ko iyong basics," Ani Raz.
"But we also need guitarist," agad kong sagot. "Stick to electric guitar. Bass is only an option."
"Fool." Napatingin kaming lahat kay Eve na nagsalita. "Bass touches the heart of every listener. It gives life to the music as what the heart does."
"If you you say so, you go for bass," I mocked.
"If you say so," panggagaya niya sa sinabi ko.
Tss. Talking to her is just a waste of time.
"Uhm..." pagkuha ni Lalesca ng atensyon, "Sino ang mag-p-provide ng drums?"
If it's for Laeron. . . No. Drum set is way too expensive. That's my 2 months allowance!
"Lalesca! Iyong cafe na nadaanan natin no'n!" ani Laeron.
"Cafe?" mahinhin na tanong na lumabas mula sa kulay-rosas na labi ni Lalesca.
Tumango si Laeron. "Puwede tayo magpractice du'n!"
"Oh? Nakapagpaalam ka na?"
"Hindi pa. Pero baka pumayag lalo na 'pag ikaw ang magpapaalam!"
Pinatong ni Lesca ang kaniyang pinky finger sa labi, "P-pero, kahit mahiram natin doon ay hindi iyon puwedeng dalhin pag magperform tayo sa school." Bawat salita ay malambot na kumikiliti sa tainga. Nagkaroon din ng mga rose petals sa kaniyang paligid. Yes, she sounds like an angel but this time is different. As if she was sedu--
Bigla siyang tumingin sa akin, "C-Chrono, paano na niyan?"
"Ako na ang bahala sa drum set," matamlay kong ani.
Why did I say that?
Naningkit ang aking mga mata. "But only Laeron and I can touch it," pahabol ko.
"P-Pero. . ." Laeron is trying to tell something.
"Don't worry Lae. Tutulong ako magpaalam sa hihiraman ni Chrony."
Chrony--what?
Tumingin siya sa akin nang direkta sa mga mata, "K-kay kuya mo ba hihiramin iyong drums?" Nakangiti siya pero malalim ang tingin.
"Yes," I lied. I looked at Laeron to see his reaction. Sinara na niya ang nakabuka niyang bibig at ngumiti.
"Ahh," he said with satisfaction. "Si kuya Chris?" bigla naman niyang tanong.
"Oo. That's why we understood kung bakit si Laeron lang at ikaw ang puwede makahawak ng drums. Alam namin ang pakiramdam nang nanghihiram," ani Lalesca, "Teka, anong oras na?"
Dumidilim na ang paligid. Tinignan ko ang orasan: 5:55 pm. Tumayo na ako.
"Meeting dismissed."
Tumayo na ang lahat at sabay-sabay kaming naglakad pauwi.
Kulay kahel na ang kapaligiran nang lumabas kami. Sa ganitong oras ay hindi mabigat ang kalsada hindi tulad sa aming syudad. Paisa-isang kotse lamang ang mga dumadaan. Habang may karamihan ding mga tao ang aming nakakasabayan at nakakasalubungan pero maluwag pa rin.
"Dito na pala ako," pamamaalam ni Raz.
"Ingat!" pagtugon nina Laeron at Lalesca.
Napakunot ako ng noo. Isang beses ko lang nakasabay si Raz pauwi at ang alam ko ay pareho kami ng kalye. Pero madalas siyang nauunang kumalas sa lugar na ito.
Hindi tirahan ang mga imprastruktura rito kundi mga pang-komersyal. Bawat gusali ay isa o hanggang dalawang palapag lamang at karamihan ay kasing laki lang halos ng silid-aralan. Iilan lamang ang may malalawak na gusali tulad ng Super Mall kung saan ang music store na tinugtugan namin ni Lalesca no'n. Maybe we can also practice there for free plus walking distance lang rin sa school.
Nasa crossing na kami at huminto sa pedestrian lane. Dito ay dapat kakalas na si Lalesca pero sumunod pa siya sa amin ni Laeron.
"Magta-tricycle ako ngayon," aniya, inaasahang itatanong namin iyan kaya inunahan na kami.
Mayamaya lang ay nakarating na kami sa terminal at sumakay na si Laeron sa jeep. Sakto namang agad na nakaalis ang jeep.
Maglalakad na sana ako nang may mainit na bagay ang pumulupot sa pulsuhan ko. Napatingin ako kay Lalesca at sa tricycle.
"Tutulong ako sa pagpili ng drum set," aniya nang hindi tumitingin sa akin at hinila ako papasok sa trycycle. Habang siya naman ay umupo sa back ride.
"Sa Super Mall po," aniya sa tsuper at nagsimulang umandar ang tricycle.
I thought she's gentle, collected and easy to read. But now she's unpredictable. I no longer know what's on her mind. There's something about her.
What are you up to, Lalesca?
-mvcabusas
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro