Chapter Five: Dark Plan
Chapter Five: Dark Plan
Chrono
How did Hitler convince people to join his army?
"If you tell a big enough lie and tell it frequently enough, it will be believed." -Adolf Hitler.
Deceiving...
It's worth a try. We just need to deceive 2 members only after all.
Kusang bumukas ang sliding glass door sa tapat ko kaya patuloy lamang akong humakbang patungo sa lobby ng condo. Sa may sofa set ay tumayo si Lalesca at sinalubong ako.
"Let's go!" yaya niya at naunang naglakad. Pero napahinto rin siya nang napansing hindi ako sumunod.
"Where is Laeron?" I asked.
"Wala pa siya, eh. Baka late lang," sagot niya.
As usual.
Nagsimula na akong maglakad at tumungo kami ng elevator. At the 3rd floor, huminto kami sa metal na pintuan tapos ay in-scan niya ang hawak na card sa gilid. The red light turned to green and she opened the door.
"Ito pala ang condo ko. Feel at home lang!" she welcomed.
Tinanggal ko ang sapatos ko at tumungo sa black sofa. Hinubad ko ang backpack ko tapos kinuha ang laptop. Pinatong ko sa mesa ang laptop saka binuksan.
"Password ng wifi," she said and lent me a slip of paper.
"I don't need it," pagtanggi ko. And if ever I need it, I have broadband.
Sumandal ako saglit at nakita si Lalesca na galing sa kusina na may dalang dalawang baso at pitchel. Nilapag niya iyon sa mesa, may unting distansya mula sa laptop, at pinunan ng juice. Kinuha niya ang isang baso at tinira ang isa para sa akin saka umupo na rin sa sofa.
"Let's start," she said before sipping.
"Tell Laeron to hurry." utos ko. I dislike it when people disrespect the time.
Kinuha niya ang phone niya at napatakip ng bibig. "Hala! Hindi ko pala siya nasabihan! Sorry!"
"I texted him last night."
She sighed, "Buti naman."
"Now call him," utos ko.
Tumayo siya, "Mas malakas signal sa labas so labas lang ako," aniya at lumabas muna. Mayamaya naman ay bumukas ang pinto at bumalik na siya sa upuan.
"Kagigising niya lang. Pero nag-aasikaso na siya at sabi ko dito na siya mag-breakfast."
I checked my wrist watch: 10:16pm. Baka abutin kami ng tanghali nang walang napala.
"Let's start the meeting while waiting for him."
"Sure! If that's what you want," she agreed.
Binuksan ko ang document sa laptop at hinarap sa kaniya.
"Take a look," utos ko at kinuha niya ang laptop. "How do the companies market their product?"
"Advertisement," she answered based on my outline.
"And the efficient way of advertising is no other than to use a model."
I'm expecting to have her jaw drop and praised my strategy but instead, she creased her forehead.
"MVC? Pero, hindi ba may pagka-underrated pa siya?"
"Exactly. No one will believe it if we use national artists."
She raised her brow and formed a 'wow' in her mouth, "Ohh... Kunyari may koneksyon ka kay MVC na mag-o-offer ng free music course at coaching para sa ating banda!"
Sakto namang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang i-check niya ito ay tumayo siya, "Andiyan na si Laeron, sunduin ko lang," paalam niya bago lumabas.
Tinignan ko ang baso ng juice at tumayo patungo sa kusina. Kinuha ko ang kawaling nakasabit sa pader at pinainit sa kanilang stove. Nilagyan ko ito ng mantika at kumuha ng itlog sa refregirator. Saktong bumukas ang pinto nang nabasag ko na ang itlog at sinalang sa kawali.
Tss. Sira ang formation ng yolk. Panget ang quality ng kanilang itlog. Nilagyan ko na ito ng asin.
"Hi, Kororo!" bati ni Laeron.
"What are you doing?" Lalesca exlaimed and ran to me.
"I'll pay for it later," ani ko nang hindi tumitingin sa kanila at naghanap ng microwavable rice sa sink cabinet. May nahanap nga akong minute rice. Sinalang ko na ito sa microwave.
Naghain ako ng plato, kutsara't tinidor at nilagay doon ang pritong itlog. Pansin ko namang nakanganga pa rin si Lalesca.
"I'll also do the dishes." Humarap ako kay Laeron na nakatayo pa rin sa pintuan habang pinapanood ang pangyayari, "Lae, kumain ka muna," utos ko.
Mula sa pagkatulala ni Laeron ay napalitan ito ng ngiti, "Itadakimasu!" sigaw niya at dali-daling lumapit saka umupo na sa kapag kainan. "Itadakimasu" is a phrase used by Japanese before eating their meal, that means "thanks for the food" or "I humbly received" in a mealtime setting.
Bumalik na kami sa sofa at kinuha ko ang wallet sa bulsa.
"How much is that?"
"Nah, okay lang. Pero... okay lang ba na 'wag mo na rin ulitin iyon?"
Binalik ko na ang wallet. "Okay," I responded.
Natapos na din kumain si Lae kaya umupo na rin dito sa sofa set.
"Lalesca, make a recap," I ordered.
Inayos niya ang upo, "Uhm, bali may kakilala si Chrono na mag-o-offer ng free music course sa mga magiging member ng ating band."
"Wow! Masaya 'yon!" he said with a wide smile and glittering eyes. Bigla namang bumalik siya sa pagka-kalmado, like a behaved puppy, "Sino pala?"
"MVC," I answered.
"Wow! Si MVC? Totoo?"
"No."
Napakunot siya ng noo.
"It's just a big lie so students will be convinced to join. And after that, sasabihin natin na naging busy si MVC kaya hindi na matutuloy ang kaniyang free music course and coaching."
I glared at Laeron. Nakataas ang kaniyang kilay at may matamlay na kurba ng bibig. He looked not convinced. Did I miss something?
"Bale, ano palang advertisement material na gagamitin natin?" singit ni Lalesca.
Pasagot na ako nang nagsalita si Laeron,
"Hindi ba panloloko iyong gagawin natin?" he questioned like a toddler. Malumanay at may kanipisan na boses.
"You don't need to worry about getting caught. Our plan is perfectly smooth."
"Paano kung umalis sila?" dagdag niya na tanong.
"May sinabi ba sa contract na kapag may umalis after the deadline ay ma-di-dissolve parin ang band?"
He looked at his side, tapped his chin with his finger, and thought for a second.
"Wala naman," si Lalesca na ang sumagot.
"As expected," I commented. "Now let's proceed to the materials and execution of the plan."
Bigla namang tumayo si Laeron at ilang segundo namin hinintay ang sasabihin niya.
"M-masakit pala ang ulo ko... uwi muna ako," paalam niya at naglakad patungo sa pintuan.
Lalesca stood up, "Wait, samahan na kita."
"If you disagree with something, don't just walk away," I stopped him. "Tell it."
He used to be like this since we were young. He's very agreeable. And if he disagrees with something, he'll only question it once and walks away with an excuse instead of fighting for it.
"M-masama lang talaga ang pakiramdam ko," he insisted.
"You're lying," I said. "Take a seat first."
Sumunod siya sa sinabi ko.
"Now tell me what's in your mind."
Yumuko siya at niyukom ang mga kamaong nakapatong sa hita.
"H-hindi ko nagustuhan iyong plano, sorry, Chrono, Lesca... Para kasing may mali..."
I expected my plan to be as flawless as possible--I'm pertaining to the consequences. There will be no chance for us to receive an equal reaction from our actions. Ang kailangan lang naming pagtuunan ng pansin ay iyong rate of effectiveness. If ever we failed to recruit at least 2 members, wala ring mawawala sa amin.
"Masama ang panloloko."
Tinignan ko siya sa mata, "'It is not truth that matters, but victory.' (Mein Kampf - Adolf Hitler). We only have one week and this is our last resort. We neither kill nor hurt people so what are you worrying about?"
"Pero iyong pakiramdam nila..."
"They won't feel betrayal unless you tell them yourself."
"Iyong disappointment?"
I sighed, "People are used to experiencing disappointment. Makaka-move-on din agad sila."
"Pero masama pa rin ito."
I don't get him. How about Lalesca? Did she get his point?
"P-pero kasi, Laeron," Lalesca finally talked, "Ma-di-disolve ang banda natin kapag hindi natin ito ginawa. Paano na iyong matagal mo nang pangarap? Elementary palang ay pinagkukuwentuhan na natin ito, 'di ba? And late lang natin na-realize na ganito pala kahirap mag-recruit. Sayang naman, abot kamay na natin ngayon sa tulong na rin ni Chrono."
"Pero hindi ba pagiging makasarili 'yon? Isasakripisyo ang ibang tao para lang sariling pangarap?" Niyukom niya ang mga kamay niyang nakapatong sa tuhod at yumuko, "Ayaw ko ng ganun. Gusto ko, sumali sila dahil talagang gusto nila ang pagtugtog."
Dumaan ang katahimikan.
Ngayon ay nakuha ko na ang punto niya.
Hindi niya inaalala ang proseso, maging ang kahihinatnan.
Inuna niya pa ang moralidad na likha lang naman ng mga taong may mahihinang emosyon.
It had been 4 years, but he's still believing in such thing. Idagdag na rin ang lakas loob sa pagtayo ng bada na walang konkretong plano. Simula pa noon ay mahilig na siya sa mga pabugso-bugsong desisyon.
Laeron is still too idealistic. He needs to see the reality and I'm going to open it for him.
-mvcabusas
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro