Chapter Fifteen: Shopping
Chapter Fifteen: Shopping
Chrono
"Kororo!" sigaw ni Laeron pagpasok sa club room at tumakbo papunta sa akin na naakaangat ang mga kamay.
Bago pa man niya ako mahawakan ay tumayo ako't hinarang ang palad sa mukha niya. Pilit siyang umaabante papunta sa akin pero napipigilan ko ito.
"Mabuti naman bumalik ka na," bati ko.
"Hug lang! Na-miss ko kayo, eh!"
"No thanks," pagkasabi ko nu'n ay inalis na niya ang mukha sa aking palad at agad sinunggaban si Lalesca, Raz, at Eve na nakahiga.
"Bitawan mo 'ko!" hasik ni Eve sa kaniya na pilit kumakawala sa kaniyang pagkakayakap.
"Ang lambot ng Jacket mo parang balahibo ng pusa!" tugon ni Laeron at hindi pa rin siya pinapakawalan.
"Y-you Perv--"Tumingin sa amin si Eve. "Tulong!" sigaw niya, "Matapos ninyo akong pabayaan dito noong isang araw, wala man lang kayong paliwanag! Alam niyo bang alas-syete na ako nagising kakahintay sa inyo!"
"Ay oonga! Sorry, Ms. Eve!" ani Laeron at kumalas na sa pagkakayakap at tumayo upang yumuko sa harapan niya. "Sa cafe nila Raz kami nagpractice no'n! Sorry talaga!"
Tanging tingin lamang ang naging reaksyon ko. Habang sina Lalesca at Raz naman ay natatawa.
"Ano'ng nakakatawa do'n!" Napabangon siya nang upo habang nagngingitngit na parang pusang inagawan ng pagkain.
"By the way, we've already decided to sing Out of the Woods by Taylor Swift as the piece for the intermission number," ani Lalesca.
No. We didn't.
"Magbali--" sabat naman ni Raz pero mas nangibabaw ang boses ni Lalesca.
"I forgot to say! Nagpalagay na pala ako sa program ng ating intermission number for the Nutrition Week! It will be on the last day, sa event mismo ng pageant."
"Grace Kelly! Tugtugin natin iyong Grace Kelly by Mika!" Inunahan na ako ni Laeron na ibalik ang topic sa pamimili ng kanta dahil sa pagka-excited niya.
"Thrift Shop," aniko naman at tumingin kay Eve. "We decided you to choose among the four nominated songs. And if I were you, I will base it on statistics because it was already proven. Thrift Shop ranked number 1 in 'Billboard's 2013 Hot 100 chart.'"
"Magandang tugtugin iyong Magbalik! Rakrakan, mag-eenjoy ang mga mga makikinig!"
"Grace Kelly!"
"Uhm, I think we should consider iyong kanta na babagay sa boses ko. Kasi kahit anong ganda ng kanta, kung hindi bagay sa boses ko ay hindi maaappreciate ng makikinig."
"We already stated our reasoning. Now you choose," aniko.
"Lahat na lang kaya tugtugin natin?" suhestyon ni Laeron.
Eve shook her head. "A big 'NO.' Gahal tayo sa practice," she disapproved, "I know that Grace Kelly--"
"Yeheey!" sigaw ni Laeron.
"But Lalesca has a point. Dapat fit sa kaniyang boses." Tumingin si Eve sa akin. "And that statistics you're saying is a very. . ."
I'm expecting her to praise me.
". . .dumb idea."
Napakunot ako ng noo.
"Because it wasn't based in the Philippines you idiot! Kung statistics ang pagbabasehan mo, OPM like Magbalik has a point, as well as Taylor Swift. Mas madaming fan ni Taylor Swift sa Pilipinas kaysa kila Mocklemore."
Tsk.
"So, you are choosing Out of the Woods, right? Or do you know any Taylor Swift songs na mas papatok sa audience?" Lalesca asked.
Eve shook her head again. "Grace Kelly."
"Yeheey!" sabik na sigaw ni Laeron na may kasamang suntok sa ere at pagtalon-talon. Habang sina Raz at Lalesca naman ay may matamlay na reaksyon.
"P-pero, hindi siya bagay sa boses ko," paawa ni Lalesca.
"Make a cover of your own version. That's all." Pagkatapos niyang sabihin ay humiga na muli siya at natulog.
"Lazy cat," I whispered an insult.
Pinakinggan muna namin nang paulit-ulit ang Grace Kelly na kanta. Tapos ay in-arrange namin ang instrument upang bumagay sa boses ni Lalesca na pang slow version at p-in-ractice. Madali lang namin iyon nakuha maliban kay Laeron na kahit sa simpleng beat ay nawawala siya sa rhythm. Kinabukasan ay nagpractice ulit kami hanggang Sabado. Sa sumunod na Linggo naman ay naging abala na kami pagtatayo ng booth sa aming kanya-kanyang klase. Ang iba naman ay gumagawa ng vegetable burger patty na iluluto sa Nutrition Month Celebration para itinda sa booth.
Palagi ako sa sentro tagabili ng mga kailangan kasama si Cole na maingay. Lahat na lang ng makita niya ay sasabihin niya na para bang isa akong bulag na kaniyang inaalalayan. Tulad nang may batang napatid ay tinawanan niya. Pati ang deform na mukha ni Jollibee ay tinuro niya't tinawanan. Tapos ay kinakanta niya ang marinig niya tulad ng tugtog sa Selecta Ice Cream. Chaotic mind.
Pero ang kagandahana naman ay hindi niya napapansing siya lang ang nagbibitbit ng lahat ng bilihin. Ako lang ang taga-pili at taga-bayad sa cashier. Ako na rin ang may hawak nang nakolektang tig-thirty pesos contribution.
Pagkabalik namin ay nakatayo na ang mga tent sa open space. Provided ito ng school para sa bawat klase pati ang isang mahabang mesa. Ito na ang huling araw kaya karamihan ay patapos na ang mga dekorasyon. Mayroong estilong tradisyunal, meron namang makukulay na pang-piyesta, may pang-moderno, may mga simple lang, at iba pa.
Ang saamin ay gawa sa kawayan, maging ang mga mesang nakapalibot. Sa bubong naman ay gawa sa nipa at anahaw. Sila-sila lang ang nagtayo nito. Hindi namin ginamit ang p-in-rovide ng school na tent at mesa dahil hindi iyon akma sa temang naisip namin. At ang ginamit na pera para dito ay sagot na raw ng magulang ni Lalesca ayon sa kaniya. Napangisi ako. O baka iyong sukli sa cheque na pinambili ng drums?
"Ito na iyong mga kailangan." Inabot ni Cole kay Lalesca ang mga pinamiling pako. Pagkatapos ay umupo muna kami para magpahinga.
"Hay nakakapagod maging Business Manager!' reklamo niya na halos nakahiga na sa upuan.
Dumating na ang Lunes--ang simula ng Nutrition Month Celebration. Alas-quatro pa lamang ay nagbi-biyahe na ako papunta sa lugar na sinabi ni Lalesca para bilhin ang mga ingredients na kailangan sa cooking contest.
This is too early. Anong mall ang magbubukas ng ganito kaaga? Pero nakakapagtaka lang dahil marami akong nakakasabay sa jeep na hindi naman mga naka-office suit. Kadalasan ay mga nanay na nakapambahay lang. Nang huminto ang jeep, lahat ay nagsibabaan na. Bumaba na rin ako sa sinasabi ni Lalesca na "palengke."
Sa bungad ng malawak na gusali ay may mga nagtitinda ng mga sibuyas-kamatis. Merin ding mga prutas tulad ng saging at manga na nasa malayo ka pa lamang ay kita mo nang may itim-itim ang halos lahat nang paninda. Walang quality control.
Mali ako nang binabaan kaya binalikan ko ang jeep na saktong paalis na. Pero bago pa man ako nakasakay ay may humila sa aking braso mula sa likod. Pagkaharap ko doon ay nakita ko si Lalesca.
"Where are you going?" tanong niya habang salubong ang kilay.
"I-che-check ko lang kung may naiwan ako."
"Hmm?" aniya na may mapandudang tingin. "It's your first time seeing a wet market, noh?"
"Wet market?" naibulong ko sa sarili ko pero narinig niya.
Sinubukan niyang pigilang tawanan ako pero mapang-insulto niya akong tinitigan.
"Wait, where's Cole?"
"Changing the subject? Hmm. . ."
"Yes. This is my first time to see a wet market. Satisfied?"
The truth is, I know what "wet market" is. Pero hindi ko alam na "palengke" pala ang ibang term dito. Kaya hindi ko inaasahang dito kami mamimili ng mga gulay at tinapay.
Lumingon siya sa paligid tapos ay binalik ang tingin sa akin na nakangisi. "Ano pang asahan mo sa utak-hanging iyon?"
"Utak-hangin? That's rude."
"You should be thanking him."
I raised my brows. "Why?"
"Because he let us to be only me--" mabigat niyang pinatong ang kaniyang kamay sa aking dibdib "--and you."
"And?"
"That means we're dating!" She held my hand right away. It feels soft and hot. "Let's go!" she exclaimed and lead the way.
How does this become dating?
Mag-a-alas syete na nang natapos kami mamili. Pareho kami ngayong nasa loob ng tricycle papuntang school.
"Tell me, why did you befriend Laeron if you think that he's a trash?"
"Well. . . he approached me first so it's not my fault."
"But he's not the only one who's approaching you."
It took a seconds bago siya sumagot, "Sabi nila, 'Tell me who your friends are and I can define who you are.' You should already get what I mean," she answered and smiled.
"Then why did you approached me at the first place? I'm not the right decoy for you."
"Because I thought you're Laeron's brother. Plus we lacked of members so I need to secure you to join in our band. It's easy to convince you though because you were childhood bestfriends."
"You'll play safer if you joined in other band instead."
She rolled her eyes. Malayong-malayo talaga ang kilos at pananalita niya kapag kaming dalawa lamang. "You already know my personality, don't you? I'm the puppeteer--not the puppet," she groaned.
Saktong huminto na ang trike at bumaba na kami.
"Hi Lalesca!" bati ng isang babaeng estudyante.
"Hello!" She suddenly transformed again into an approachable angel-being. Na kanina lang ay mukha siyang demonyo.
Nilapitan siya ng tumawag sa kaniya at napahawak ito sa bibig. "OMG Lalesca! B-Boyfie?"
"Huy grabe ka naman! Study first ako!" pabebeng pagkasabi ni Lalesca na may kasamang paghampas sa ere.
That student gave her a suspicious look. "Sows."
"Oo naman!" sagot niya at tumingin sa kaniyang wrist kahit wala siyang relo. "Uy baka anong oras na! Tara na!" yaya ni Lalesca na parang na-aadapt niya ang pagsasalita ng kausap niya.
"Let's go!"
Pinauna na niya ang estudyante.
"Ikaw? Boyfriend ko? Ew!" bulong niya sa akin at naglakad na.
"As if I'm interested," bulong ko sa sarili at naglakad na rin. I'm looking forward not to waste too much of energy on this event. Lalo na ay kailangan pa naming magpractice para sa performance sa Friday.
-mvcabusas
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro