Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eight: Club

Chapter Eight: Club

Chrono

"Let's rock and roll!" sigaw ni Raz at in-strum ang hawak na electric guitar. Kasabay no'n ang pagluhod niya sa sahig at pag-alingawngaw ng C chords mula sa speaker.

Habang bitbit ko ang upuan, tinignan ko siya nang malalim. Napansin niya 'yon kaya tumayo na siya't pinatong ang gitara sa pader. Mabigat ang mga yapak niya nang kumuha ng upuan--tig-isa sa kaniyang mga kamay. Pinauna ko na siyang lumabas.

Sabado pero nandito kaming apat ngayon na naglilinis ng club room. Kaming dalawa ni Raz ang taga alis ng mga upuan. Habang sina Laeron at Lalesca naman ay mga maaalikabok na libro at kung anong magagaan na bagay ang dinadala sa stock room.

Nagsimula na akong maglakad upang dalhin ang mga ito sa totoong stock room na sinabi ni Eve kahapon. Mas mabilis sana kung tatlo kaming nagbubuhat ngayon ng mga upuan kaso nakatatlong dapa na si Laeron ngayong araw kaya pinalitan ko na lamang ang kaniyang gawain.

Eve. . .Ang tamad na miyembro. Hindi ko alam kung paano siya naging SSG Chairman--kung paano siya nakakuha ng mga boto.

I sighed. Sumali na nga si Eve sa aming banda para hindi kami ma-disbanded. Pero ang kundisyon niya ay maging display lang. Kapag may bago nang miyembro ay balik na siya sa pagiging handler lang--hindi dalawang role katulad ngayon. Hindi rin kami magkaka-adviser hangga't 'di pa umaabot sa sampo ang miyembro.

Nagsalubong kami ni Raz sa daanan pero pareho kaming umaktong hindi magkakilala. Pagkapasok ko sa stock room ay may mga estudyanteng naka-pulang T-shirt ang nagsasalansan ng mga gamit. Maliban doon ay may mga naka-civillian din tulad namin na pabalik-balik rin sa stock room. Hindi lang pala kami ang abalang club ngayon. At mukhang marami ring mga bagong tayong club ngayon.

Tanghali ay nagiging maaliwalas na ang club room kahit paano. Mga nakaumbok na basura at mga sirang piyesa ng upuan ang mga natira. Mabuti na lamang ay may binigay na garbage bag ang SSG kaya maiipon namin nang mabilisan ang mga maliliit na bagay kasama ang alikabok.

"Kain muna tayo," disisyon ni Laeron.

Tinignan ko ang orasan: 11:53 am.

Marami-rami rin ang estudyante ngayon. Maliban sa civillian at red shirt, mayroon ding mga naka maong pants at white shirt. Sa mga lalaki, sobrang nipis ng kanilang gupit sa buhok. Habang ang nga kababaihan naman ay nakapusod. Malamang, sila ay mga Candidate Officers para sa Citizenship Advancement Training o CAT. Hindi sila basta club lang. Dahil opisyal na organisasyon sila ng eskuwelahan tulad ng SSG. Pero tanging mga Grade 9 lang ang puwedeng sumali. Tapos ay magiging officer naman sila pagtungtong ng Grade 10.

Ang iba namang grupong magkakasama sa mesa ay magkakatulad ng damit--may logo at ang iba naman ay may pangalan saka posisyon sa likod. Mukhang mga matagal nang club sila kaya may issue na sila ng uniporme.

"Sa atin kaya, ano kaya ang magiging hitsura ng damit natin?" tanong ni Laeron na kadarating lang kasama sina Lalesca at Raz. May mga hawak silang plato. Dalawa kay Raz kaya inabot niya ang isa sa akin.

"Hmm... Ano kaya magandang color?" tanong ni Lalesca at umupo sa tapat ko, katabi ni Laeron. Ang katabi ko naman ay si Raz.

"Isipin niyo muna ang pangalan ng banda natin bago ang damit," singit ko.

Napakamot ng uli si Laeron. "Ay, oonga no? Wala pa palang pangalan ang club natin."

Ayon kay Eve kahapon, pinagbibigyan ang mga bagong tayong club na magpasa ng form kahit wala pang pangalan. Ito ay para sa mga tulad naming kailan lang naabot ang minimum na group member. Para mas mapag-iisipan at usapan ang pangalan ng club dahil hindi na ito kadaling baguhin lalo na pag kilala na.

Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming bumalik sa club room para maglinis. Sinimulan na naming ilagay ang mga basura sa garbage bag at kami muli ni Raz ang taga tapon sa labas. Pagkabalik namin ay naglalampaso na si Laeron habang si Lalesca naman ay nagpupunas ng bintana.

"Ako na diyan," malamig na alok ni Raz kay Lalesca.

"O-okay," napilitang pagsang-ayon ni Lalesca at tumingin sa mga natirang garbage bag. Habang si Raz naman ngayon ang nagpupunas ng bintana.

"Raz," tawag ko. Hindi niya ako pinansin kaya binaggit ko muli ang pangalang niya.

Napahinto siya at lumingon sa akin. "Ano?" iritable niyang responde.

"Hindi pa tayo tapos," aniko at tumingin siya sa mga basura.

"Tss. Sila naman!" reklamo niya at bumalik sa pagpupunas.

"A-ayos lang naman. Ako na rito, Chrono, Raz," singit ni Lalesca at sinimulang magbuhat ng basura.

"Bring your slaves next time. Kailangan natin ng manpower sa mga ganitong event," saad ko at nagsimula nang magbuhat ng basura at naglakad palabas.

Bigla siyang humarap. "Wag mo silang tawaging slave!" protesta niya habang nakaduro sa akin, "May kaniya-kaniyang buhay din ang kapatiran kaya hindi sa lahat nang oras ay kailangan silang abalahin!"

"You're just making excuses." Huminto ako nang nasa pintuan na at lumingon sa kaniya. "Accept the fact that you're just a display leader." Nagsimula na ako maglakad palabas.

"Hindi 'yan totoo at wala kang alam! Mayroon kaming mga batas na sinu. . . ." Habang palayo na ako nang palayong naglalakad sa hallway kasama si Lalesca ay hindi ko na naririnig ang kaniyang mga sinasabi.

Dalawa lang kami ni Lalesca ngayong naglalakad. Sa mga gantong pagkakataon, madalas niyang sinisira ang katahimikan. Sinilip ko siya mula sa likuran. Ang layo na nang distansya ko sa kaniya. Paisa-isa siya maglakad at paisa-isa ring lapag ng basura sa sahig gamit ang dalawang kamay. Nakakunot din ang kaniyang mga noo.

Binalik ko na ang tingin sa harap at nagpatuloy. Pabalik na ako galing sa bakuran nang nasalubong ko siya sa hallway. Napakunot ako ng noo. Napakabagal niya. Pagkabalik sa kuwarto ay kinuha ko na ang huling basura. Naabutan ko siyang nagpapahinga malapit sa lagusan ng hallway. Pero hindi pa rin siya nakakalabas.

Pagkabalik ko ay nando'n pa rin siya sa lagusan ng hallway.

"C-Chrono," tawag niya sa akin. Napahinto ako at tinignan siya. "Nabibigatan ako," malambing niyang pagkasabi.

"Oo, mga piyesa ng upuan kasi ang nakuha mo," sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Dumaan muna ako sa banyo upang maghugas ng kamay. Saktong may lalaki din ang naroong naghuhugas ng kamay.

"Walang gentleman," he grined.

"Gentleman?" napabulong ako sa sarili. I hissed, "Gender inequality."

Huminto ito nang nasa pintuan na. "I see," aniya at humarap. "So you're one of the new club in music department, right?"

We did a room to room recruitment so we're probably exposed. I nodded.

Ngumiti siya nang napakalawak. "Goodluck sa elimination!" maligalig niyang bati. Paalis na sana ito nang pinigilan ko.

"What do you mean?" I asked.

Lumingon siya sa akin at ngumiti, "You see, clubs are supposed to teach students to have fun, improve socializing, leadership and responsibilities, right? That was the vision but wasn't now the reality. Because in this school, clubs are made to serve the school funds and benefits. So, to avoid the burden such as electric bills and room spaces, nagkakaroon ng contests every month before the foundation--and no club has an exemption.

"If it's a service club, the criteria will be based on the accomplishment reports.

"If it's a cooking or agriculture club, fund raising will be the basis.

"Well, for music, performance plus fame will be the criteria.

"There are five bands in this year and they will only choose 3 to remain as an official club among the bands. The other 2 don't literally mean disbanded but they can't use club rooms nor consider as a club anymore."

"Dance and Choir has different category, to be clear," pahabol niya. Tumalikod na siya at tinaas ang kamay. "So, good luck kohais!"

"Kohai" means junior in Japanese language. It is the opposite word of "Senpai."

Tinandaan ko ang hitsura niya. Black messy hair with spiky bangs. Nakasuot siya ng pula na pang SSG. Tinandaan ko rin ang pangalan at posisyong na naka-print sa kaniyang likod.

Grade 9 Representative

Marx Hunyango

Bumalik na ako ng club room. Malinis na ang kuwarto at nakaupo na sila't nagpapahinga sa monoblock na malamang issue din ng SSG. Umupo na rin ako.

"Nasaan si Lalesca?" tanong ni Laeron sa akin.

Napakunot ako ng noo. "Nando'n pa."

"Anong nando'n?"

"Naabutan ko siya sa hallway kanina nagpapahinga."

Tumayo siya. "Hindi mo sinabi agad!" naisigaw niya at tumakbo palabas.

Napakunot ako ng noo. Lalo na nang tumawa si Raz.

"Walang gentleman!"

Tinignan ko siya nang malalim. Sino nga ba ang nagreklamo kaninang pagod na siya kaya inagawan si Lalesca ng madaling gawain?

Tumayo siya na parang nabasa ang iniisip ko at sumunod sa labas.

Ako na lamang ang naiwan sa loob.

-mvcabusas

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro