Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

60' The Olympian Ball

and here, the story ends

"Melizabeth!" napalingon naman ako nang sabay akong tawagin ni Castor at Pollux. It's been eighteen years since I reborn again because of Thanatos' sacrifice. Nahirang akong bagong Goddess of Death, at natuloy ang pagiging Princess of the Underworld ko.

"Ay, prinsesa nga pala," biro ni Castor. They both laughed, and I laughed along with them. Thei masks covered half of their faces, but I immediately recognized them. Ganoon pa rin ang hitsura nila dahil parehas silang naging Semideus. Castor became Hephaestus' apprentice, while Pollux became Zeus'.

Umirap ako sa kanila, "Ano bang problema niyo?"

Pollux shrugged, "Wala ka pa bang nahahanap na apprentice, Meli?" Umiling naman ako, "Huwag niyo nga akong i-pressure!"

Nagitla naman ako ng slight nang biglang may umakbay sa balikat ko- Asclepius! Kasama niya si Cassandra, at sa huli, sila pa nga ang nagkatuluyan. Kawawang Apollo. Pero sana all nalang din.

He smirked, "Try mo naman kumuha ng apprentice na lalaki, puro babae naman ang kinukuha mo 'e. Kaya hindi ka nagkakaroon ng jowa 'e." Sinuntok ko ang braso niya at masama siyang tiningnan, hindi ko naman po balak mag-jowa. Alam kong hindi ko kaya dahil hanggang ngayon, Thanatos parin.

"Tama naman, Ate," wika ni Cassandra, at hanggang ngayon, tinatawag niya parin akong ate. Matanda na rin siya! Hindi na siya bata, but she's still my baby aw. "Kailangan na namin ng Prince of the Underworld."

Napasapo naman ako sa noo. Many Gods have invited me to marry, but I know, they want to marry me because of my title. Isang malaking ekis iyon para sa akin.

I looked at Harmonia, at mukhang nakahanap na siya ng magiging apprentice niya. After a while, nadiskubre rin na anak siya ni Ares and Aphrodite, she became the Goddess of Harmony. Habang si Penthesilea naman ay naging isa sa mga huntress ni Artemis, and we discovered that she is lesbian.

Nawala na si Autolycus, at ang ibang malulupit na Eleusinian. The young Eleusinians were forgiven, and given a chance to start a new life without their abilities.

"You know, I am a strong independent woman. Hindi ko kailangan ng prinisipe para mabuhay, duh," mataray na sabi ko at nakipag-tawanan pa.

"Pero kapag naman may minahal, sobrang hina! Nagiging bobo!" Tawa ni Castor. Tinapunan ko siya ng masamang tingin, "Hindi ma kita spo-sponsor-an, lintek ka!"

Sometimes, I sponsor them stuffs and money. Being the princess of the Underworld meant access to all the wealth. Sa pagitan ng tatlong Diyos, si Hades ang pinakamayaman dahil nasa kaniya ang gold, diamonds, etc.!

"Joke lang po, Ate," nang-aasar na sagot ni Castor at ngumisi. He tried to hit on me before, but he also realized that we're all better off as friends. Except kay Asclepius at Cassandra, bahala sila sa buhay nila.

I blame myself for Thanatos' disappearance. Sinubukan kong pumuta sa Asphodel Meadows para tingnan ang kaluluwa niya at makipagpalit uli, pero nadismaya ako nang hindi ko siya mahanap. I didn't deserve his life, his sacrifice, and himself. I was a lost mortal, so he gave me his world.

Bilang pagtugon sa binigay niya sa aking abilidad, gumawa ako ng Island for the Dead which I named Thanatos Island. Doon sa isla na 'yon pumupunta ang mga pagala-galang kaluluwa, and we try our best to fulfill their wishes para tuluyan na silang makapunta sa afterlife. It was effective and mas nakakaipon pa ako ng pera.

I made an orphanage in the mortal realm which I always visit too. I also made a training center for those aspiring to be Semideuses. May bayad 'yon syempre. I also had a mental hospital kasi ayoko nang mga nagsusuicide na tao, problema ko pa kung saan sila dadalhin sa afterlife.

In those eighteen years, I've truly changed for the better. Thanatos taught me that thing. Hindi na ako naghiganti sa mga nagkakasala sa'kin, at lagi na rin akong tumitingin sa brighter and positive side. I want to live as how he wants me to live.

"Seriously, Melizabeth, it has been eighteen years since everything. Thanatos would be happier if you find someone else," wika ni Pollux sa'kin at seryosong tumingin sa mata ko.

Nagbuntong-hininga ako, at umiling, hindi ko talaga kaya. "Can I have this dance nalang?" tanong ni Pollux, after all it's the Olympian Ball. Nakasuot ako ng black fitted gown, at ang silver mask ko ay sa isang mata ko lang, habang ang isang mata ay tinakpan ng wavy black hair ko.

Umiling ako, at uminom ng tequila, "I don't really feel like dancing, Pollux. Maghahanap nalang ako ng magiging apprentice ko."

I moved away from them, and looked at the crowd. May color coding ang mga applicants para mas madali namin silang matukoy, minsan kasi ay nalilito kami between Semideuses and Applicants, and Elite mortals. For this year, the theme for them was black.

Katulad ng suot ko, pero pakialam ba nila?

One girl caught my attention, tingin ko may kakaibang enerhiya akong naramdaman mula sa kaniya. It was familiar kaya lumapit pa ako. I squinted my eyes and looked at her, she has green eyes and brown hair. Ang mask niya ay color black din kaya't litaw na litaw ang maroon niyang labi. Her smile looked nice, but deceiving. Pwede ko kaya siya gawing apprentice?

Lumapit ako sa kaniya, at napansing mayroong pala siyang kausap na iba. I presume, she will stop the conversation for me.

I looked at her bare legs because of the slit of her gown. Wow, daring! May nakahawak doon na kamay ng lalaki at hinagod iyon. Nakatalikod ang lalaki sa'kin kaya't hindi ko napapansin ang mukha niya. Wuw, sana all.

Nanigas ang babae sa kinatatayuan niya, at kaagad na nagbow sa'kin, "Goddess Melizabeth!" Kaagad niyang bati.

I smirked at her at ilalahad na sana ang kamay nang biglang lumingon ang lalaking kausap niya. His gray stormy eyes, met mine. His hair was slicked at the back, and he had this playful smirk on his lips. Napatitig ko habang nanlalaki ang mata.

"Goddess Melizabeth," wika ng lalaki at kaagad akong nawala sa wisyo. Napaawang ang labi ko. Thanatos! Kahit naka-maskara siya kilalang-kilala ko siya!

He had this black silky inner polo, and a long black coat. Black at skinny din ang pants niya at kitang-kita ang muscles niya. He looked different, but I swear, he is Thanatos! He is Thanatos! Oh my Gods, bakit ako excited!

Napatingin ako sa kamay niyang hawak ang bewang ng babae kaya nandilim ang paningin ko. I shot a glare to the lady, and asked her to leave. Hindi naman iyon hinayaang mangyari ni Thanatos at hinigpitan ang hawak sa babae. Shit!

"I'd like to talk to you, alone," sabi ko pa kay Thanatos at ngumiti. Thanatos clicked his tongue, and sexily chuckled. Teka lang sis, 'yung puso ko po nagwawala na.

"What is it that you can't tell when I am with her, Goddess of Death?" may pang-aasar sa tono niya kaya't napa-wow hA? ako. Edi sige, hindi na kita kakausapin. Nilapit pa niya ang mukha niya sa babae habang nakatingin sa'kin. What the underworld, olympus, tartarus is he doing?!

Pakiramdam ko maluluha ako, kaya iniwas ko ang tingin ko at nagsalita, "Then talk to me whenever." Tinalikuran ko sila bago pa pumatak ang mga luha ko. I have long wished for a moment to see him again, pero Fates, bakit naman po kailangan may kalandiang iba?

Hindi mawala sa isip ko ang mukha niya, ang boses niya, at lahat. Naiiyak ako sa saya! Dapat pala kinaladkad ko na siya mula sa babae, o kaya naman ay pinatay nalang yung babae. Ah! So frustrating!

"Melizabeth!" napalingon naman ako sa lalaking tumawag. Sadly, hindi iyon si Thanatos. Mabilis na lumapit sa'kin si Dionysus, at pinaunlakan ako ng tequila. I pouted and told him, "Napakagaling mo naman tumiming. Kailangan na kailangan ko 'yan."

I drank the tequila, as Dionysus leaned closer to me. Wala siyang mask kaya kitang-kita ang kagwapuhan niya, and kamanyakan niya. Habang may binubulong siya sa'kin ay hinawakan niya ang bewang ko at nilapit lalo sa kaniya, "Have you found an apprentice? You know, I like your tastes when it comes to ladies."

Tumawa siya kaya't nilingon ko ang mukha niya na halos nakadikit na sa mukha ako, "Stop making my apprentices your toy for Olympus' sake, Dionysus!"

He smirked, and tilted his head na tila hahalikan ako. He has done this a lot of times, but never naman niyang tinutuloy. Maybe he has learned his lesson eighteen years ago. Humiwalay na siya sa'kin, at pinat ang ulo ko.

"Stay safe, Meli!" sabi niya bago lumipat ulit sa iba namang babae. Umiling ako at uminom na naman ng tequila. Natapon naman iyon nang may marahas na humila sa'kin at kamuntikan pa akong matumba.

Then, a hand supported my waist and pulled me closer to his body. Oh my gods!!!!!!!! Nakahawak na ako ngayon sa dibdib ni Thanatos, at nabasag ang baso ng tequila sa sahig. Napatingin ang iba sa'min ngunit mukha namang hindi iyon pinapansin ni Thanatos.

The hair that covered half of my face fell back, kaya't naexpose na nga ang mukha ko. He smirked as he studied the features of my face at hindi pa ako pinapakawalan. Nakaramdam naman ako ng lamig at init sa'king dibdib dahil ng yelo at tequila.

Itinayo niya ako ng ayos, at mas nanigas ako nang pahiran niya gamit ang hinlalaki ang labi ko at baba ko. He then licked his thumb, and told me, "I thought you wanted to talk to me, why were you talking and kissing another guy, my Goddess?"

May ngisi parin sa kaniyang labi, kaya't hindi ako nakasagot agad hanggang sa marealize ko ang sinabi niya, "We weren't kissing!"

"Really?" He chuckled and leaned closer to my face. He looked at my eyes, then down to my lips, "But it seemed like a kiss."

He tilted his head, "The people are looking at us because they think we're kissing, Goddess." Naamoy ko ang mint sa kaniyang hininga, at kahit lasing ako sa inom, mas nalalasing ako sa titig niya!

Lumunok naman ako habang nakatingin sa labi niya, bumaba na rin ang tingin ko sa labi niya. Aish, bahala na! Basta magtatapang-tapangan na muna ako! This is the best way to win him!

Pinikit ko ang aking mata at tumingkayad para maabot ng labi ko ang labi niya. Naramdaman kong nagulat siya, pero nang tumagal ang ilang segundo, sinagot niya rin ang halik na iyon.

Humiwalay ako bago pa niya tuluyang masagot ang halik ko. Ngumiti ako sa kaniya at mukha naman siyang nabigo, "Iyan ang halik, Th-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil kamuntikan ko na siyang tawaging Thanatos. Umiling ako, sinabi nalang na, "Kausapin mo nalang ako kapag gusto mo. I'd like you to be my apprentice, but then, we have a contract to talk about kaya't lapitan mo nalang ako kung ano."

I winked at him before getting a napkin from the table. Pinunas ko iyon sa basang parte ng dibdib ko, at dahil low v-neck iyon, napatingin naman si Thanatos, pero kaagad ding umiwas. Tumingala siya at napahawak nalang sa buhok niya. He still has the same mannerisms after all. Kahit wala na ang memorya niya noon.

"Let's talk now, Princess," sabi niya at lumapit sa'kin.

Tumigil ako sa pagpupunas at ibinaba na ang napkin. I smiled at him, and offered my hand for a handshake.

"I am Melizabeth, Goddess of Death, Princess of the Underworld. I'd like to make you my apprentice, sir?" tanong ko habang nakaplasta pa rin ang malaking ngiti sa labi.

Seryosong tumingin sa'kin si Thanatos, at inabot ang kamay ko. Naramdaman ko ang mga sparks sa hawak niya kaya't hindi ko mapaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon! Hayop kayo, Castor, Pollux, Asclepius, at Cassandra! Nakabingwit ako! Hindi na ako magiging single!

"Storm Letum," sagot niya kaya't napangisi ako. Really? Storm? His eyes says his name after all. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko, kaya't napangiti ako.

"Let me become straight to the point, Storm," sabi ko habang hawak niya parin ang kamay ko. This time, I swear to all Gods and Titans, I will not let this man go.

Nagtaas-kilay siya, "What is it?"

Bahala na 'to basta ako matagal ko na siyang hinihintay. I don't want to waste time. I know it's him, it's his reincarnation. Storm.

"Become the Prince of the Underworld, and marry me," sabi ko na ikinabigla naman niya. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at napatawa siya nang bahagya.

"Why is it so sudden, Princess?" sabi niya sa pagitan ng mga tawa niya. I pouted, seryoso ako! "But then, how can I say no to you?"

Napangiti ako sa tagumpay. Finally, I had the ending that I desire.

Thieves of Harmony
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you very much for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro