3' Daughters of Ares and Zeus
"Hindi ka pwedeng pumasok, or else baka madala ka sa realm namin. The afterlife," sabi niya sakin. Paano ang kwintas ko?
"Wala diyan ang kwintas mo, hindi puwedeng itago ni Lord Hermes ang mga gamit ninyo diyaan. Maari siyang parusahan ni Lord Hades," she told me with assurance.
"Pero parang may naghihila sa'kin diyan sa loob," sagot ko sakaniya. Akmang magsasalita siya nang bigla nalang may tumama sakaniyang pana, at kaagad lumipad ang soul niya sa loob noong templo.
Tumingin ako sa pinanggalingan ng pana. Nasa taas siya noong templo, at lumipad naman siya pababa sa'kin.
"Bawal ang mga soul dito, bakit ba tinawag mo pa iyon?" She gritted her teeth at me. Nagtaka naman ako at umling, "Hindi ako ang tumawag, bigla nalang siyang dumating."
Umirap siya at biglang nawala sa harap ko. Napakunot noo naman ako, at naglinga-linga until I saw her at my back.
"Bakit ka ba kase pumunta dito?" Tanong niya sa'kin. Wow ha! Pagmamay-ari ba nito 'tong island.
Tinalikuran ko nalang siya at naglakad na paalis. Pero bigla naman siyang lumabas sa harap ko. I stumbled backwards.
Itinaas naman niya ang kamay niya at nanlaki ang mata ko, "Ang kwintas ko!"
Sinubukan ko itong kunin mula sakaniya, but bigla siyang lumipad sa ere. What?!
"Huwag na huwag mo aking tinatalikuran, I am Ares' daughter and I can make you fail this battle. I am Harmonia," sabi niya. Bahagya akong nagulat. But... ano naman kung anak siya ni Ares? Why wont she give me my necklace?
"Then, what do you want me to do for the necklace? Trade? What?" Tanong ko sakaniya, I will do everything for the necklace.
She chuckled, nalipad pa rin siya habang hawak ang kwintas ko, "Steal it from me," sabi niya.
Nanlaki ang mata ko, ang unfair non! Pero sige, para sa kwintas ko!
Nilabas ko ang dagger ko at tinapon iyon sa kwintas ko, nahagip ng dagger ang kwintas ko pero kaagad ding nawala dahil mabilis siyang nakagalaw.
Pinulot ko ang dagger ko, hinanap ko kung nasaan si Harmonia. Nasa ere parin siya at mas lalo pang tumaas ang lipad, is she insulting me?
I scoffed. Tinanggal ko na ang cloak ko, and gathered energy.
Tila bumagal ang paligid, binato ko ang dagger kay Harmoniia tapos tumakbo ako sa likod ko. Naramdaman kong papunta siya doon. I used the same concentration na ginamit ko kanina upang hulihin si God Hermes.
And I succeeded.
Hinawakan ko ang kamay niya't kinuha ang kwintas. Nagpupumiglas naman siya, she gritted her teeth and cursed me.
"Nakuha mo na ang kwintas, pero paano mo 'yan masasabi kay Hermes?" She smirked at mabilis hinawakan ang leeg ko gamit ang kabila niyang kamay. Sinasakal niya ako, "I won't let you tell him."
"Of course, you won't," nauutal kong sabi while gasping for air. This girl, her name is very far from her personality. She sure didn't bring me Harmony!
Nawawala na ang grip ko sa kabila niyang kamay, kaya't napangisi niya. I'm losing air, no.
"Oh no, you're dying!" Harmonia sarcastically said.
I prepared myself to kick her, pero bago ko pa siya masipa'y may humila sa kaniya at malakas na sinuntok. Napaluhod agad ako and gasped for air. Sinuot ko na rin ang kwintas ko, somehow it gives me energy.
Nanlabo ang paningin ko habang pinanood ang babae na nakikipaglaban kay Harmonia. Sino siya? Isa rin ba siyang demigod?
Ah, I need to contact Hermes before I pass out. Pero... paano? How can I message him?
"Amazona!" Galit na sigaw ni Harmonia sa babae. I took a good look of the girl, she looked fierce and brave. Her dark features complemented her skills well. She indeed looked like an Amazona.
"Wow, I have a nickname. So anong tawag sa'yo? Is it weakling? Bully? I wonder...," sabi noong 'Amazona' that made Harmonia pissed off. Since they are demigods, maybe I can ask them to call Hermes for me. Bigla namang nagteleport si Amazona kay Harmonia at dinaplisan siya sa hita.
Changed my mind. Hahanap nalang ako ng ibang paraan para tawagin si Hermes. Lol.
Napalingon ako sa templo. To the underworld muli kong pagbasa. Naglakad ako papalapit doon, at binalewala nalang ang pag-aaway ng dalawang babae. Bahala nga sila mag-away d'on.
Umakyat ako sa stairs ng templo. Pero hindi pa ako pumapasok sa loob. Masyado kasing madilim ang loob, wala akong makitang kahit na ano, but something is really pulling me there. At that moment, nahirapan nalang akong huminga. Para akong hinihigop ng templo. My foot took a step forward, at nagsimulang magkaroon ng liwanag. I took another step, and mas lalo akong nawalan ng hangin hanggang sa bigla nalang akong tumalipon palabas.
Huh? Bakit ba lagi nalang akong tumatalipon?
"What the underworld are you doing?!" Sigaw ni Hermes sa'kin. He helped me to stand pero naroon parin ang galit sa kaniyang mata.
My mouth dropped open, narito na si Hermes. It means I passed this test! The 'O' in my mouth became a smile.
"Bakit ka tumatawa?" Nagpameywang pa si God Hermes sa'kin. "You just entered the portal to underworld! Kung hindi pa kita napigilan, namatay ka na."
Oh. "Really? Sorry," I sadly looked at my feet. I feel guilty pero...
"Nakapasa na ako sa test na ito, hindi ba?" Inangat ko ang tingin kay Hermes at binalik ang ngiti.
His face crumbled. Napapikit siya nang mariin, at parang labag sa loob na tumango sa tanong ko.
Ok, Melizabeth! It's okay to almost die! At least nakapasa ka!
Masaya akong naglakad papunta sa dalawang babaeng nag-aaway. I interrupted them at masaya silang tiningnan, "Hey, I passed!"
They both glared deadly at me.
"Oops. Ok, continue on fighting hehe," mahina kong sabi at umalis na doon.
Thieves of Harmony
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro