Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28' The Olympian Demigod

Papunta na ang chariot ko sa isla ni Dionysus, kung saan magaganap ang party naming mga nagnananais na maging Semideus.

Dionysus, God of wine, madness, and wildness, is the only Olympian Demigod. Gustong-gusto siya ni Zeus dahil siya ang nanganak dito. Literally. Dionysus was born from Zeus' thigh dahil na-abort siya nang mamatay sa isang lightning struck ang kaniyang nanay na si Semele, a mortal princess that caught Zeus' attention.

Since Zeus favored him so much, nabigyan siya ng upuan upang maging isa sa mga twelve olympians.

Sa tingin ko nga ay ang party na ito ay test na rin sa'min ni Dionysus. It's a good thing na lasinggera ako, pero syempre pa-demure muna tayo hihi.

The chariot landed on a land that looked the same as the mortals' world. Only that this had higher infrastractures.

Bumaba ako at ningitian ang ibang mga kasamahan ko. Nakkasuot sila ng napaka-elegante ring damit. Looks like we are going to an elite party dahil sa mga kasuotan namin.

My eyes darted to the little girl na kakababa lang sa chariot. "Cassandra!" kaagad kong bati. She waited for me bago siya maglakad. I can't help but awe in her appearance. She looks like a flower girl.

Unlike my very fitted outfit, she had a flowy violet one. Ang kaniyang buhok ay may mga lilac flowers. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko, "You look very beautiful, Cassie!"

Nginitian niya ako pabalik, "Ikaw rin, ate. Napakaganda mo po."

I'm glad na nakapasa siya sa test ni Aphrodite, that means she was able to contact her soul. Nakita ko rin si Lea at si Harmonia, who both looked stunning too.

Sa lahat ng narito, there is no doubt that Harmonia is the most beautiful. Tamang-tama lang ang features ng mukha niya, not too soft, not too strong. Lea is beautful, but too fierce. She has a very dark and strong appearance.

Kumaway si Castor at Pollux sa'kin kung kaya't kumaway na rin ako pabalik.

I saw Harmonia walking towards me, she also smiled at me. "Kulay black pala ang natural hair mo!"

Tumango ako at wala sa sariling napa-ayos sa'kin buhok. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita, "Red suits you very well."

Nakuha ng paningin ko si Lycus na kakababa lang mula sa chariot niya. His brown hair was slicked to the back, at mukhang hindi maganda ang mood niya. Nakasuot siya ng isang black long sleeves na bukas hanggang sa ikatlong butones. Nakatupi ang sleeves hanggang siko at nakatuck-in iyon sa skinny black pants niya. Kulay ginto naman ang kaniyang sapatos.

Nahuli niya ang tingin ko kaya't nginitian ko siya. Nagkunot noo siya sa'kin at nag-iwas ng tingin. Dumiretso na siya sa bandang unahan para mauna sa pagpasok. Luh, ano naman problema n'on? Lagi nalang mainit ang ulo pagdating sa'kin.

"Kuya!" Sigaw naman ni Cassandra sa tabi ko. Nakita kong tumakbo siya palapit sa 'kuya' niya which is no other than Asclepius.

Asclepius welcomed her with a hug. Simula nang malaman ni Asclepius na apprentice siya ni Apollo ay mas naging sweet siya rito, and they are almost like real siblings.

Si Asclepius ay nakasuot ng green longsleeves na turtle neck. Mukha siyang sweater, and his pants are color white, at ang sapatos naman niya ay kulay brown.

"Melizabeth, you look wonderful," wika ni Asclepius at kinuha ang kamay ko at hinalkan ang likod nito. I blushed and thanked him.

Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko, at inalalayan ako patungo sa loob ng palasyo ni Dionysus. Hawak-hawak ko naman si Cassandra sa gilid ko, at napapansin ko ang mapanukso niyang tingin.

Sinundot ko ang tagiliran niya pero mas lalo lang lumawak ang ngiti niya. Pa-issue.

Nang makapasok kami ay parang gabi na sa loob. There were disco lights, at mga drinks. Napansin kong medyo marami rin pala ang narito, pero hindi naman kami ganito karami noon ah?

May isang lalaki na pumunta doon sa may dj. Inagawa niya ang mic at nagsimulang magsalita, "The applicants for being Semideus are here!"

He looked flashy, at sa tingin ko ay si Dionysus ito. Finally, binitawan ni Asclepius ang kamay ko at pumalpak kasabay ng iba.

"I also invited mortals from the elite classes and some Semideuses here in my party for you. I hope you, mortals, have the wildest night in your life. All you have to do is survive and stay the night!" Wika niya at umalis na roon.

Napalingon naman ako kay Cassandra. She is too innocent for things like this!

Umubo naman si Asclepius, "Don't worry. Ako na ang bahalang magbantay kay Cassandra. I know you'd like to drink, basta huwag kang magpapadala sa ibang tao, Melizabeth."

Tumango ako at ngumiti nang malapad. Umalis na ako sa tabi nila at nagsimulang maghanap ng maiinom.

Laking gulat ko nang mabasa ang aking katawan nang may bumangga sa'kin. I looked up at mas lalong nagulat nang makita kong si Dionysus iyon.

"Oh my, I'm sorry Lord Dionysus!" wika ko at pinunasan ang kaniyang damit na natapunan din ng wine. "I should have looked my way, my Lord. I'm so sorry."

Hinawakan naman niya ang baba ko upang matagpuan ang mga mata ko. Hindi ko napigilan ang paghanga sa mukha ng Olympian sa harapan ko.

He had hazelnut hair, and eyes that were colored like grapes. Mayroong ngiting hindi maintindihan na nakaguhit sa kaniyang labi.

Bumaba ang kaniyang kamay sa leeg ko down to my collarbone. Nanginig ako nang mapansing hinawakan niya ang nabasang parte ng dibdib ko.

Kung hindi lang siya isang Olympian baka kanina ko pa siyang nasipa! Anong ginagawa niya?!

"I'm also sorry for ruining your dress, perhaps you might want to take it off?" maloko niyang sabi. Bastos!
Nilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong, "Or should I take it off, Miss...?"

Napalunok ako nang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa leeg ko. Napaatras ako, pero ningitian ko pa rin siya, "Melizabeth, Lord Dionysus. I am afraid I have to go to the washroom to clean myself. Please excuse me," sabi ko at akmang lalagpasan na siya nang bigla niya akong hilahin nang malakas kaya't napabunggo ako sa dibdib niya.

Umatras na naman ako and politely asked, "What is it, Lord?"

"No one rejects me, Melizabeth," sabi niya sa'kin at pinaglaruan ang buhok ko.

"Then I am afraid I'd be the first one to do so," sagot ko at ngumiti pa rin. Nang may dumaan na waiter ay pinatong ni Dionysus ang kaniyang wine glass at kumuha ng napkin doon.

I flinched nang punusan niya ang exposed kong bewang. Gusto ko na talaga siyang sipain! How dare he!

Sunod naman niyang pinunasan ang leeg ko, and I stood there, frozen, hindi alam kung ano ang gagawin. Bumaba naman ang kaniyang kamay sa bandang dibdib ko kaya't napaatras na ako. Manyak!

Kaagad naman akong napaumanhin, "I'm sorry, but ple-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay parehas kaming napalingon ni Dionysus sa tumawag sa'kin.

"Melizabeth!" Nagulat ako nang makita si Lycus na masama na ang tingin sa'kin. Nakakunot ang noo niya, at nakaigting ang kaniyang panga.

Nilapitan niya ako at kaagad na niyakap ang bewang ko. He smirked devilishlly at me, "Kanina pa kitang hinahanap."

"U-uh," hindi ko alam kung paano magrespond sa kaniya. I'm thankful that he came right in time para ilayo ako kay Dionysus. But then, bakit naman niya ako hinahanap?

Napatingin siya kay Dionysus, at hindi parin nawala ang ngisi sa labi niya. Medyo lumawag ang pagkakahawak niya sa bewang ko, but he still did not let go of me.

"Dionysus, nice meetig you again," sabi ni Lycus at naglahad ng kamay. Tinanggap naman ito ni Dionysus. They know each other? Iyon ba ay dahil demigod silang pareho?

"Yes, it is, indeed," sagot ni Dionysus at ngumiti. Tumingin siya sa'kin at binalik ang tingin kay Lycus. "Autolycus, how do you know Lady Melizabeth? She has caught my attention."

Lycus chuckled at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin. "I see you have met my lady, Dionysus."

Si Dionysus naman ngayon ang may nakakalokong ngisi, he clicked his tongue bago pa muling nagsalita, "Your lady for now, Autolycus. Your lady for now."

Thieves of Harmony
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro