Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17' Hesperides

Melizabeth

Tiningnan ko ang puting buwan. Is Artemis looking at me right now?

Pumunta na ako roon sa lugar na una kaming nag-usap ni Atlanta. I bended down, at nagsimulang maghukay ng lupa. Dito ko raw makikita ang mapa patungo sa Garden of Hesperides kung nasaan ang tree of Golden Apples.

I stopped when I heard the bushes. May nanonood ba sa akin?

Inilabas ko ang aking bow and arrow. Tiningnan ko ang paligid, at pinakiramdaman ito. Kahit hayop ito, kailangan ko pa rin iyong patayin. Who knows if that's something commanded by a demigod?

Nakakita ako ng baboy ramo na nakatago sa bush. Masyadong halata ang mata at katawan nito. I'm sorry, nadamay ka lang ng amo mo rito. Then, I shot my arrow towards the eye of it. Maya-maya ay kakalat na ang lason ng pana ko sa buong katawan niya.

Tinuloy ko ang paghuhukay hanggang sa makaramdam ako ng matigas na bagay. Ooh, a treasure box!

Kinuha ko ito, pero gumusot ang mukha ko nang makita itong nakalock. Hays, I guess I will need to use my thievery skills.

Tinanggal ko ang isang hairpin sa aking buhok, letting some of my grown baby hair fall onto my face. Bakit ba naman kasi lumago ng ganito baby hair ko? Mukha na tuloy bangs.

Ginamit ko ang hairpin to unlock the treasure box. Although medyo natagalan at nahirapan, nagawa ko naman siya. Well, who's been a thief since thirteen? The one and only me.

Nakakita ako ng isang mapa, kagaya nga ng sinabi sa'kin ni Atlanta. I smiled, at tiningnan ang mapa. Napadpad ang tingin ko sa Garden of Hesperides. It was located near the abode of Underworld. Hinawakan ko ang parte ng mapang iyon at pumikit. "Hesperides," I whispered at naramdaman kong yumanig ang lupang tinatapakan ko.

I opened my eyes in curiosity. Napalibutan ako nang liwanag, and I could hear distant singing voices. Are they the Hesperides? The ones who guarded the golden apple tree.

Unti-unti nang nawala ang liwanag. I pouted when I realized na umaga rito sa lugar na ito, but it's a little dim though.

Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko, pero nagulat ako nang makitang nakakulay green akong damit na tila pangdiyosa. It was like ancient greek outfit.

Kinapa ko ang aking lighter, and I sighed in relief when I had it. Nawala ang iba ko pang gamit, but it's okay as long as I have this lighter.

Bahagya akong nagitla nang makita si Atlanta sa aking tabi, "I will guide you to the tree of the Golden Apple." Tumango naman ako, pero napansin ko ang dilim ng kaniyang tingin dito sa garden. May sama ng loob ata. Siguro eto ang paraan upang makapunta na siya sa Afterlife.

Nauna siyang naglakad sa'kin kaya't sumunod nalang ako. Napakaraming puno dito na iba't iba ang bunga. Lahat na ata ng klase ng prutas ay narito na sa garden na ito.

I saw the Golden Apple tree not so far. I smiled immediately at napatingin kay Atlanta, "ayan na ba?" Tanong ko at itinuro iyon.

Tumango naman siya, "Matapos mong pumitas ay kumagat ka doon. Hindi ko naman kasi makakain 'yan kaya pwede kayang kainin mo para sa'kin?"

I nodded. Well, I do not know the consequence of eating it pero mukha naman siyang masarap. "Huwag kang mag-alala. Walang lason iyan, kahit ihypnotize mo pa ako sasabihin ko talagang walang lason iyan."

I laughed. Naniniwala naman kasi ako sa kaniya. I always have that feeling kapag alam kong nagsisinungaling sa'kin ang isang tao, and I feel she is not.

Nawala na siya sa paningin ko. Siguro ay hanggang doon lang siya maaari. I glanced at the golden apple tree again at tumakbo na papunta roon. I need to make it as fast as possible. Gusto ko nang matapos ang pabor na ito.

I stopped when I saw a shiny thing sa peripheral vision ko. Bumaling ako rito at pansamantalang dinelay ang aking pagpunta roon sa puno. Lumapit ako sa shiny thing, at namangha ako nang makita iyon. Is this a girdle?

It was designed by elegant gems, and it was made of pure gold. Waaah, this is so beautiful!

Napagpasiyahan kong nakawin na iyon. I put it on my waist, and I felt so enthusiastic with this girdle. Kaya't nagtungo na ulit ako sa golden apple tree.

Nakarating ako sa tapat ng puno, ngunit bahagya akong napaatras ng makakita ng isang dragon or serpent.. or dragon serpent. Nakapulupot ito sa puno at tila ba binabantayan ito.

Nagtama ang mga mata namin ng dragon serpent, at mas lalo akong nagulat nang hindi niya ako atakihin. Bumaba ang tingin niya sa girdle sa waist ko, and I heard him hissed pero wala na siyang ginawang iba pa sa'kin.

Sinubukan kong tumiad at pumitas sa puno, pero masyadong mataas ang mga bunga at hindi ko iyon maabot. Natalisod ako kaya't napaupo ako. Aish, bwiset! Matangkad naman ako, pero hindi ko parin maabot.

Hinawakan ko ang ankle ko, at napadaing ako sa sakit. Nakaranas na ako ng sakit na mas masakit pa rito, pero hindi ibig sabihin noon na hindi na 'to masakit! Hindi naman ako manhid...

Nagulat ako nang makita ang buntot ng dragon serpent sa aking harap. Inilahad ng buntot sa'kin ang isang golden apple. I looked up at the dragon serpent's face, and he nodded at me. Does that mean, pwede ko itong makuha?

I smiled at him, at hinawakan ang golden apple. Binitawan naman ito ng buntot niya. Wiiii, nakakuha na ako! Kailangan lang naman pala maawa nitong dragon na ito 'e.

"Ladon seems very fond of you, Lady," napatayo naman ako nang makarinig ng boses, kaagad din naman akong napa-aray nang sumakit ang ankle ko. Huhu.

Thieves of Harmony
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro