1' Olympus Gates
I looked at the sky, dropping pieces of ice. Snow. Kalmado, napakaganda, napakalamig. But sometimes it pains— it stings our skin until we become numb of it.
Napabuntung-hininga ako at sinuot ko ang kaninang nakasukbit lamang na pang-ibabaw na cloak. Inayos ko rin ang kulay tsokolate kong bota, na naging puti na dahil sa nyebe.
Nangibabaw ang aking buhok na tila kulay apoy. Don't get me wrong, I just colored my original black hair to match it with my eye colour, black with a glint of red.
The crowd around me also wore cloaks of different colors, and others have swords and spears with them. Probably something they could use handy in the Olympus or Semideus tests.
Samantala maliit na dagger lang ang nadala ko and a lighter.
Nang makarating sa tapat ng Capitol House, mas lalo pang kumapal ang dami ng tao. Palibhasa, gusto nilang matunghayan ang pagbukas ng Olympus Gates, the door to the Olympian World.
Ang Capitol City ang sinasabing sentro ng mundo ng mga mortal, 'pagkat dito nga nakatayo ang Olympus Gates.
Every year, nagbubukas ang gates para sa mga mortal na katulad ko. Mayroong nagaganap na Olympian's Test para malaman kung sino sa amin ang maaring makabilang sa mundo nila.
To be a Semideus, a mortal favored by the Gods.
Nakipagsiksikan na ako sa mga tao hanggang sa makarating ako sa pinakaunahan. Napapikit naman ako nang masilaw ako ng golden gates. Talaga namang nagshine ito ng bongga at daig si mister moon!
Maraming tao ang bumangga sa'kin ngunit hindi naman sila makauna sa'kin. Hayst! Mga weak sila! Tsk.
For years, I have trained myself to be a Semideus. Tinuruan ko ang sarili kong gumamit ng dagger, at kung may mananakaw na espada'y nag-aaral din ako.
And sometimes, the dead helps me.
Bukas ang third-eye ko, nakikita ko ang mga gumagalang kaluluwa at kung minsa'y mga demonyo o anghel na narito sa lupa. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa buong buhay ko'y ganoon na ang kinalakhan ko. Ang makita ang hindi naman talaga dapat makita.
Dumampi naman sa braso ko ang isang malamig na kamay, lumingon ako at nakita ang isang babaing maikli ang buhok. Her eyes were lifeless. And I could tell, isa siyang multo.
"Ipasa mo ang Test ha, don't end up like me," wika niya at nageye-smile. I smiled at bumagsak ang tingin ko ulit sa gates.
"Titingnan ko kung makakapasok ako sa loob, at tutulungan kita sa Test!" Hinampas niya ako at tumalon-talon, she's more excited than me, "And kapag nakapasa ka, maging close ka kay Hades and ask him to send me sa pinakamagandang lugar sa underworld!"
She looked at the gates with hope in her eyes. I nodded at sighed, "I'll do my best."
The thunders roared. At lahat ay natigil at tumingin sa taas. Nagsimulang magkumpol-kumpol ang ulap at doon ay nagkaroon ng kaunting liwanag.
A lightning struck the Olympus Gates, at maingay na tumunog ang pagbukas nito. The thunders also noised, and the crowd, I don't know if they are rejoicing, or rather crying.
Nanatili lang akong nakatingin sa pagbukas ng gates, mesmerized and in awe.
Muli akong hinawakan ng multo, "N-nak-kaka-paso....," impit niyang wika. Her soul was vanishing little by little, fading through light.
Nagtaka ako, is it because of the gates, kung kaya siya naglaho? O baka dahil nakamit niya na ang huling hiling niya.
"Mortals!" A voice roared in the heavens. From the voice, I could tell that it was Zeus, the god of the skies. The God of Gods.
Lahat naman kami'y napaluhod. A sign of respect sa Diyos, bahagya akong napasigaw dahil sa lamig ng snow, ngunit pinigilan ko ito kahit nanginginig-nginig pa. Ang iba'y hindi kinaya at bigla nalang bumagsak sa lupa, nahimatay na ata.
I maintained my position for a little time until he ordered us to stand, pinilit kong tumayo kahit na nagwi-wiggle ang legs ko sa lamig at ngimay.
Bumuntong-hininga ako at saka ko lang nakita ang Zeus. Nasa loob siya ng gates, at naka-full armor pa. His blonde hair shone brightly at ang kulay asul niyang mata'y kuminang nang higit sa mga bituin. A god, indeed. Perfect.
Nanatili ang guhit sa kaniyang bibig nang pasadahan niya ng tingin ang bawat tao, as if he was looking down at us. At tila sumisigaw siya sa aking isipan ng 'ako ang diyos.'
Naglakad siya papalapit sa'min at saka nagsalita, "Gods and humans no longer live apart. We are now together, that is why every year we have this Olympian's Test."
Tumigil siya sa aming harap at lumipad pataas, "There are twelve tests or battles for you, one for each Olympian."
"Zeus, Hera, Poseidon, Ares, Demeter, Athena, Apollo, Artemis, Dionysus, Hephaestus, Aphrodite, and Hermes. And an extra throne for our brother, Hades."
Umubo siya bago magtuloy ng sinasabi, "But of course entering the gates is also a test for you. If you cannot enter, then I'm sorry, you cannot be a Semideus."
Agad akong napanghinaan ng loob, tingnan palang ang gates ay parang hinding-hindi ko na ito maabot.
"And now that the gates have finally opened, I welcome you mortals. Enter and battle for glory," Zeus said leaving us. Nanatiling bukas ang mga pinto ng Olympus, ngunit wala sa amin ang naiingling pumasok.
I looked back at the crowd, may isang lalaking nanggaling sa pinakalikod na nagdire-diretsong lakad hanggang makarating siya sa harap ko.
Everyone was looking at us, marahil nagtataka. Kahit ako man din ay nagtataka sa lalake, his hair was brown and his eyes were yellow, almost golden that complimented his tan skin well. He looked like Hermes but his features were more defined, at ang mapupungay niyang mata'y tila sinasaksak ako.
He walked past me, but stopped at my side. His hand brushed with mine for he was too close. Too intimidating.
Naputol ang pag-iisip ko nang bahagya kong naramdaman ang lamig ng isang blade sa aking tagiliran. As well as blood dripping from it.
I flinched, but the blade just went deeper. Tumingin ako sa kaniya at nakita ang ngising naka-ukit sa kaniyang bibig. His eyes turned to dangerous red.
Nang mapaluhod ako'y bigla siyang mabilis na nakarating sa loob ng gates. My jaw unconsciously clenched at him. At hindi ko rin namalayang nakatakbo na ako papunta sakaniya, until a lightning struck.
Napa-atras ako, he stood still in front of me and his smirk widened.
Then I realized, the crowd was gone.
The gates in front was gone.
Lumingon ako sa likod, at nagulat sa nakita. I am inside the gates.
Tila nabura ang galit ko doon sa lalaking sumaksak sa'kin, all that mattered was the very moment I am in Olympus.
Ngunit isang malakas na tulak ang nakapagpatalipon sa'kin, bumangga ako sa isang puno at bigla akong napabagsak.
Argh! Ang sakit!
Tinapunan ko ng tingin ang lalaki, siya ang tumulak sa'kin! Napahawak ako sa tagiliran ko't nagulat nang bigla siyang makalapit sa'kin, lumuhod siya nang sa gayo'y magpantay ang mukha namin.
"Congratulations Meli-," his whisper tickled along my ears. He stopped for a bit but then resumed, "Melizabeth."
Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Sino ka?" Tanong ko sakaniya, avoiding his closeness. Is he a God or something?
Ngumisi siya, his eyes turned to golden yellow again. Tumayo siya nang nakapamulsa, until he held his hand and said, "I'm Lycus, son of Hermes."
So he's a demigod? No wonder, sobrang lakas niya. At totoo ngang kamukha niya si Hermes. No doubt.
Tiningnan ko lang ang kamay niya, I managed to stand well kahit masakit ang tagiliran. I didn't need his help. Natigil ako nang tumawa siya at ibinaba ang kamay. He shrugged at me too. Anong meron?
"Well, welcome to Olympus."
Thieves of Harmony
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro