Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19: Comfortability

It's been a few days since Benji's birthday and she knew something else was going on, but haven't seen Bianca again. Kapag kasama ni Therrie ang mga kasamahan niya sa loob ng iisang lugar, she would ask about Bianca and where is she and where she could be now if they haven't seen her in a few days already. Nakababahala na kasi. Hindi na maipaliwanag ni Therrie kung bakit, but she knew in her guts that something's wrong.

There's always something wrong in this health facility. They just thought there was nothing... but there is, suspiciously.

Sa pagbabalik ni Therrie, she was expecting to be questioned every day since they've been observing her. Her personality and attitude are the case they are looking for—in other terms, investigating her because this isn't just a usual thing they've got to encounter.

Therrie's unique. Therrie's none like the others.

But she hasn't been questioned up until this day. It's making her uncomfortable—or maybe because comfortability isn't her best friend today.

She's seeing Doctor Carmona and the new doctor around, but they're not noticing Therrie's presence or simply, they are ignoring her. She got no clue why they were acting like that, but that only started when she started asking about Bianca. Gusto niya lang naman ito makita at makausap.

Nasa garden ang karamihan at may dalawang oras lang sila bawat araw para makalabas-pasok ng garden. May mga guwardiya pa rin naman sa paligid. Hindi na iyon nawala. Noon naman ay hindi gano'n kahigpit ang seguridad ng pasilidad at ngayong bumalik lamang siya ay napansin niya ang mga pagbabagong ito.

"Chona," tawag ni Therrie sa kasamahan. Nilingon naman siya nito at umupo sa tabi. They just finished putting flower seeds on the soil and said that it would be a good help for them. "May gagawin ka pa ba? Baka naman nakai-istorbo na ako, a?"

Umiling ang kasamahang babae na may apple bob cut na buhok. "Hindi naman... katatapos lang din naman namin magtanim. Ang sabi sa pakete no'ng buto na itinanim namin, in four months ay tutubo raw ang bulaklak nito."

Napakunot ng noo ang dalawa. Hindi nito pinansin kung anong sinabi nito patungkol sa bulaklak. "Okay... sa tingin mo ba nandito ka pa rin after four months?"

"Huh?"

Ilang segundo pang natigilan si Therrie nang ma-realize niya iyong tinanong kay Chona. Agad itong umiling at isinalba ang sarili mula sa pagtatanong ng masyadong sensitibong usapan. "Sorry, sorry. 'Wag mo na lang pansinin iyong tanong ko. Masyadong marami lang akong iniisip."

"Hindi, okay lang naman," aniya at inabot ang kamay ni Therrie. Napatitig pa ng ilang segundo ro'n si Therrie at saka inilipat niya ito sa mukha ni Chona. "Hindi ko rin naman alam kung kailan ako makalalabas dito. Alam mo, wala namang bumibisita sa akin dito kaya para saan pa ang pag-look forward na makalalabas ako rito? Okay lang sa akin na after four months ay hindi pa ako makalalabas. This is my home now... masaya ako rito dahil nakauusap ko kayo at kasama ko kayo buong oras at araw. Ikaw ba, Therrie?"

"Anong ako?" taka pa nitong tanong.

"'Di ba nabanggit mo no'n na six months ka lang dito? Malapit ka na mag-three months at three months na lang din at makalalabas ka na... anong nilo-look forward mo paglabas mo?"

Tila ba natanga si Therrie sa tanong ni Chona. Kung noon ay ang dami niyang plano pagkalabas niya. Kung ano-anong mga bagay ang dapat niyang gawin pero sa pagkatataong iyon, tila iyong mga pinapangarap niyang mangyari ay nakulong sa isang kwadradong lugar at hindi niya alam kung magpakakawalan niya muli ang mga pangarap na 'yon kasi sa puntong ito, walang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay para sa kanya.

"Okay lang 'yan kung wala ka pang plano," ani Chona habang hinihimas ang braso ng kaibigan. "Masaya naman tayo rito, 'di ba? Saka dinadalaw ka naman ng boyfriend mo. Happy ka pa rin."

Napangiti na lamang siya. Wala namang nakaaalam sa kanila na wala na sila ng boyfriend niya. She doesn't need to explain it, hindi rin naman nila maiintindihan iyon. Everything happened outside of the health facility stays there at kung ano man ang mangyari sa loob ng pasilidad na ito ay hanggang dito na lang din iyon.

"May gusto lang akong itanong kung okay lang sa 'yo?"

Tumango si Chona. "Oo naman. Ano naman iyong itatanong mo?"

"Ah... napapansin mo ba 'yong mga guard na nakapaligid sa atin ngayon?" tanong niya at umikot ang paningin nila sa paligid. Tumango-tango naman si Chona nang mapansin nga rin ang mga ito. "Kailan pa sila naging ganito? 'Di ba, kapag magkasasama naman tayong lahat ay wala naman gaanong nagbabantay? Meron pero isa lang pero bakit apat sila ngayon dito?"

"Hindi ako sigurado." Kibit-balikat nitong sagot kay Therrie. "Pero sa pagkatatanda ko, dumating ang mga bagong guard na ito no'ng nawawala ka ng mga ilang linggo. Nang tanungin kami isa't isa kung nasaan ka ay wala naman kaming maisagot dahil hindi namin alam. Bigla na lang silang pumasok kinabukasan no'n pero wala namang problema sa akin dahil wala naman silang ginagawang masama sa akin."

Napatango na lamang si Therrie habang iniisip ang mga sinabi ni Chona. When she thought about it, it all happened right after she escaped the facility. Of course, they would request for a tighter security since Therrie easily escaped their premises without even being noticed. Napansin na rin ni Therrie na ang electric interruption ay hindi na nangyayari. Nalaman niya lamang noong nakaraang araw na gumagamit na ng generator ang pasilidad kapag nagkaroroon ng interruption kaya wala ng chance si Therrie na gawin ang ginawa niyang pagtakas dati.

Maya-maya lamang ay tinawag si Therrie at inanunsyong may bisita ito. Nang ipaalam sa kanya na ang bisita niya ay si Hernan ay halos magwala sa tuwa ang mga kasamahan nito dahil ang kaalaman ng lahat ay boyfriend pa niya ito. Nakangiti itong umalis ng garden.

Hawak-hawak ng staff sa braso ay idinala si Therrie sa visiting lounge kung saan naabutan niya si Hernan. Wala siyang dala ngayon o kung ano mang nakahain sa ibabaw ng mesa. He only had himself and that's understable for Therrie since they've ended things before she went back inside.

Kahit wala iyang alam sa punto ng pagbisita ni Hernan ngayon, hindi siya komportableng harapin at makausap ito pero wala naman siyang magagawa kung hindi ang harapin ang lalaking nagpabalik sa kanya sa loob.

It's against her will anymore.

"How are you?" tanong ni Hernan nang makaupo si Therrie. Hindi naman siya sumagot kung hindi ay pilit na iniiwasan ang tingin ng ex-boyfriend. Napahugot na lamang nang malalim na hininga ang dalaga. "Okay. At least you're in a good state and I'm happy that you do look good. So, what are you feeling now? Are you okay or do you need anything?"

Muling hindi sumagot si Therrie. Inabutan na lamang ni Hernan ito ng isang bote ng tubig. Saglit na tiningnan iyon ng dalaga saka muling iniwas ang tingin.

"You know we could still be together," pagpapatuloy nito. "I know you were confused when you said that. We can still work it all out, but for now, I want to help you. You said before you wanted this for yourself so I let you even though I have some hesitations, but now that everything has changed, I am sure that this will help you."

"For real, Hernan? You sound like those crazy doctors now."

Napangisi naman si Hernan. "They're not crazy, Therrie. They were just trying to help you and everyone here. Iyon naman ang punto kung bakit sila nandito. And I know I shouldn't say a word about this, but they were also reaching out to me. Alam nilang kilala kita nakasama kita ng ilang taon at makatutulong iyong mga impormasyon na hinihinga nila sa akin para sa 'yo. All of this is for you, Therrie. We just want to help you."

"You don't have to help me," she said, gritting her teeth. "I'm not sick or anything."

"Yeah, you are, Therrie... you know that."

"Those doctors..." Hindi na itinuloy ni Therrie ang sasabihin niya nang ma-realize niya na baka hindi magandang bagay na ipaalam kay Hernan ang nalalaman niya ngayon.

Inabot naman ni Hernan ang kamay niya pero binawi ng dalaga ang kamay niya. "Okay... ano 'yong sasabihin mo, Therrie? Anong meron sa mga doctor? Do you think they're helping you a lot?"

Dahan-dahang umiling si Therrie.

"Okay... I know you're still in a process—"

"They are hiding Bianca away," bulalas nito at napatigil sa pagsasalita ang dalaga.

Napakunot ng noo si Hernan. "Ha? Anong sinasabi mo? Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Nawawala si Bianca... kapag tinanong ko kung nasaan si Bianca, hindi nila ako sinasagot ng maayos. Alam kong may nangyayaring hindi maganda..."

"What do you lose today, Therrie?" seryosong tanong ni Hernan.

"Hindi, Hernan. Seryoso ako. I know there's something wrong going on in this facility. Maniwala ka sa amin. Hindi ako nagsasabi-sabi lang nang kung ano-ano. I know in my guts that something is going on. Puta naman, Hernan. Just this time, trust and believe me."

Kunot noo at salubong na kilay ang reaksyon ni Hernan. He couldn't figure out if she was just making it all up to save her ass out of this place. Nakikita naman niya sa dalaga na hindi ito komportable dahil panay ang tingin sa paligid. She even keep tapping the table with her finger kaya nang kunin ni Hernan ang bote ng tubig at binuksan ito saka inabot sa dalaga ay mabilis namang tinanggap ni Therrie ito. She drinks the bottle of water and almost emptied it.

"Okay, okay. I'll try my best to know what's going on," ani Hernan.

Therrie's face lit up. "So, you're believing in me now?"

Hernan nodded his head. At that point, Therrie was still unsure about Hernan, but this is her only way to know what was going on. But if the end Hernan betrayed her, she wouldn't be able to know how to trust him again.

Before he could leave, tumayo ang dalawa at nagyakapan.

"Are you happy that the boy you fucked got out of the jail?" bulong pa nito.

Namintig ang tainga ni Therrie nang sabihin iyon ng lalaki. She just pushed him away from her at nagsalubong ang tumalim ang tingin nito sa lalaki. Tinawanan lamang siya ni Hernan sabay iiling-iling.

"He might've given you the best sex, 'no?"

"Shut up, Hernan," she said, gritting her teeth.

He smirked. "Don't worry, I will still help you figure this situation out. See you on my next time visit, Therrie..."

She watched him escorted out of the visiting lounge. When he's gone out of her sight, siya naman ang nilapitan ng staff para ibalik sa kwarto nito. Bumalik na rin kasi sa loob ang mga kasamahan niyang nasa garden kaya pinili nitong manatili na lamang sa kanyang kwarto.

If Hernan was true to his words, that would be an asset for her. If she only had an opportunity to sneak into Bianca's room, she would know what's going on, but because every hallway has been heavily guarded, she has to lay low... but she won't give up because at this moment, it doesn't make her feel okay and that she should make a move as soon as possible.

As soon as the doctors get to talk to her again, she needs to act. All by herself, this isn't only her problem anymore. It's about everyone inside the facility.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro