00
PROLOGUE
Aislinn Louise Zapanta
"Salamat sa pagpunta niyong lahat." Iyon ang masayang sabi ni Angela sa lahat kasama na kami na mga bisita niya - nila ng kanyang asawa.
Kasal niya ngayon at lahat kami'y imbitado kahit pa na house wedding lamang iyon. My father is there, sitting right beside my stepmother who standout in her elegant cocktail dress. Katabi naman niya si Meghan na halatang tamad na tamad at nais na yata umalis kanina pa.
Maybe because I am here sitting right beside the man she supposed to marry. Binalewala ko si Meghan at pinagmasdan si Angela na masayang-masaya habang naka-abrisete sa asawa niyang si Rome.
Gano'n pala dapat kasaya ang itsura kapag bagong kasal. Why didn't I experienced the same amount of happiness back then?
Kasi marriage of convenience lamang ang lahat. Or should I say revenge marriage?
Yes, that's what I entered exactly nine months ago. I am married to a man who set a lot of rules because even before we entered this ruse, I betray him. Ginamit ko siya para makapaghiganti ako sa mga harap-harapan akong ninanakawan hanggang ngayon.
Pero sino nga ba sila na harap-harapan akong ninanakawan?
Sila ay . . .
"Kit James, wala pa ba kayong plano na magka-anak?" tanong na pumukaw sa 'kin at siyang dahilan kaya ko nabitiwan hawak ko na kubyertos.
Maingay ang naging pagkalansing noon sa sahig na yari sa granite na klase ng tiles. Magarbo iyon kung tutuusin pero sino ba ako para kuwestyunin ang mga desisyon ng tiyahin ko na alam ko namang kung minsan ay mahilig lang din magpakitang gilas sa lahat.
Ang stepmother ko iyong nagtanong kay Kit. Bukod tanging siya lang rin naman ang sobrang interesado sa buhay naming dalawa.
"Isn't too early for that?" Napatingin ako kay Kit matapos ko kuhain iyong kutsara na nahulog sa sahig. That earned a lot of loud gasps which made me look around us. "I mean, we just got married nine months ago. Nag-e-enjoy pa kaming dalawa ni Aislinn. Am I right, love?"
Tumingin siya sa 'kin at nakita ko ang pasimple niyang pagkindat.
"Yes, we are enjoying ourselves through travelling -"
"O baka naman isa sa inyo ang may problema," putol ni Mama Esemeralda. Gusto ko masuka kapag tinatawag siya na mama. Pero mas gusto ko sugatan ang mukha niya ngunit iyong paghawak ni Kit sa kamay ko ang pumigil sa balak ko na 'yon.
Kit tried to break my tight grip on the hem of the dress I am wearing. Sinubukan ko siya labanan ngunit sa bandang huli'y siya ang nanalo. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin kaya huminga ako ng malalim.
"I can assure you that none of us has problems, Mama," Kit said, wearing that smile again.
Papasa talaga siya na artista dahil bukod sa gwapo at matipunong pangangatawan, magaling din siya umarte. Iyon naman itong ginagawa namin. Umaarte sa harap ng pamilya ko para pangatawanan ang pinasok namin pareho.
"Esmeralda, do not be insensitive there. Maybe these two are trying to have a child," sabat ng kaibigan ni Mama Esmeralda na kapwa namin imbitado rin. "They're so lovely, aren't they?"
Pekeng ngiti lang sinagot ni Mama Esmeralda habang si Papa, ayon at tahimik lang. Hindi 'man lang magawang ipagtanggol ang anak niya.
"Kung wala pa pala kayong plano na mag-anak, bakit hindi ka na lang magtrabaho, Aislinn? I'm sure you're needed to perform your duties as the Vice Chairman's wife, right? Why don't we host a charity ball for the homeless kids?" Meghan suggested which earned approval from everyone.
"That's a nice idea, Meghan," Kit said, touching my shoulder. "But I don't want to steal the charity works from my mom's plate. She's enjoying the charity works, and one house mistress is enough in the frame."
Gusto ko magsalita pero mukhang hindi ako hahayaan nitong si Kit. Alam niyang hindi ako makakapagtimpi at baka masira itong araw ni Angela.
Sila iyong sinabi ko na harap-harapan akong ninanakawan. Sila Mama Esmeralda at Meghan. . . sila ang pamilya ko.
Ang pamilya ko.
Ang sarap sana pakinggan pero hindi gano'n kasarap mabuhay kasama sila. Ngayon na nakalaya na ako sa kanila, wala na akong balak na bumalik pa. And I'll definitely get whatever they stole right before my eyes. . . while slowly poisoning my father's mind.
Pinayagan naman ni Papa ang lahat. Pero ako ang unang nakapansin at nagising sa katotohanan. Kaya naman ito na ang naging ganti ko. Pero hindi pa talaga ako nakakapaghiganti ng lubos.
May kulang pa na kailangan ko alamin kung ano.
Malalim akong huminga pagkatapos maghugas ng kamay. I excused myself after Kit answered Meghan's suggestions. Those crazy suggestions. Hindi niya siguro alam na mahilig sa charity works si Mama Klarissa at Lola Letizia. Gaya ng sabi ni Kit, one house mistress is enough in the frame.
There are three house mistresses inside the Morales' residence and I am the little one. Iyong pinaka-bata at inaasahan nilang susunod sa kanilang yapak sa hinaharap.
Kung tatagal kami ni Kit.
Pero hindi naman ito pang-matagalan. Lahat ay pansamantala lamang.
I heaved another sigh.
"Aislinn," tawag na nagpalingon sa 'kin. It's Meghan and I think she followed me here. "Are the two of you having problems? You're still wearing that sad look on your face. Huwag mo naman ipakita sa 'kin iyan pero nagpapasalamat ako at iniligtas mo ako sa pagiging miserable. At dapat, kaya mo i-control ang asawa mo. You're the house mistress in your household and that's one of your duty."
I scoffed.
Miserable? Ako? Kailan pa?
"Alam mo, Meghan, niloloko ka lang ng mga mata mo. I am not miserable. In fact, I'm so happy because there are people who pick up things after me, serve me and treat me like a real princess." Nakita ko nalukot ang mukha ni Meghan. "Kit is a real Prince Charming too. Narinig mo naman, ayaw niya na magtrabaho ako."
Ngumiti ako. Lumapit ako sa kanya saka inayos ang buhok niya nawala na sa ayos pero mabilis pinalis ang aking kamay.
"That should be me," she angrily said.
"I know, but things change now and I'll get everything from you so watch out. Nag-uumpisa pa lang ako." Lumayo ako saka dinampot ang purse ko na nakapatong sa gilid ng sink. Ang bilis magbago ng timpla nitong stepsister ko. Kanina lang ay inaasar niya ako, tapos ngayon ay gusto na niya ulit iyong mga bagay na nakuha ko na sa kanya. "We don't have problems so stop thinking I am miserable, because I am so happy."
Iyon lang at iniwan ko na siya sa banyo. Mabilis akong lumakad palabas at si Kit ang una ko nakita.
"What took you so long?" he asked. "I'm looking for you."
"I'm sorry," I answered.
"Sinabi ko na sa 'yo na huwag mo na sasabihin ang mga salita na iyan." Pinaglapat ko ang aking labi saka huminga nang malalim. "Let's go home. . . wait,"
"B-bakit?"
Hindi niya ako sinagot at basta na lang hinila palapit sa kanya. Agad ko naramdaman ang pagpalupot ng kamay niya sa aking baywang.
"Your stepmother is looking at us," he whispered. "Do you know what she said to me?" Kit hugged me, placing his chin on my shoulder to make it more pleasing in our audience's eyes.
"Ayokong malaman kung -"
"She said that I picked the wrong woman. That you know nothing. A nobody." Para akong tinarakan ng punyal sa dibdib pagkarinig noon. Ito ang downside kapag madaldal ang lalaki. Lalo't kasama ko pa araw-araw sa loob ng isang bubong. "But I stood up for you because I know you're not just nobody."
Tapos marunong pa bumawi agad. Kaya habang tumatagal ay delikado ang puso ko sa kanya.
"Nakatingin pa ba siya?"
"It's not only her who's watching us." Inilayo niya ako ng bahagya sa kanya at pinagsalubong niya ang aming mga mata. Ang daya. Hindi ko mabasa kung ano'ng klaseng emosyon itong pinakikita niya sa akin ngayon. "I guess they want to make sure about something."
Alam ko ang ibig sabihin ni Kit. Kaya nag-iwas ako ng tingin agad. But he's quick to hold my face, caressing it gently. Para talagang inlove na inlove sa akin si Kit at sigurado na mapapaniwala niya kung sinuman itong mga nanonood sa amin ngayon.
"Why are you avoiding my eyes?" Hindi ako sumagot. Alam ko na ang mangyayari. "Lift up your chin, Aislinn."
Kit guided my arms up, putting both of my hands around his neck. Bumalik ang kamay niya papulupog sa baywang ko.
Gaya kanina hindi ko pa rin mabasa ang nasa isip niya. And I wish I have that kind of ability. But for now, I'll just go with flow because the athatll begin now. . .
An act that is part of my revenge plan for my dear family.
And this man I'm living with whom I'm barely surviving each day is the same man who offered to help despite the deception which binding us together for a year. . .
Yes, for a year.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro