3. CAMERON : The Cancer and The Virgo
Samantha the Virgo
Hindi ko inaasahan na si Haruko ang magiging kasama ko sa misyon na ito. Hindi ko rin naman inaasahan ang naging desisyon ni tanda. Ang akala ko nga ay si Cali ang makakasama ko dahil galing kami sa away ni Haruko. Minsan talaga ay hindi ko makuha ang iniisip ni tanda.
"Headmistress Esmeralda is somehow unpredictable," rinig kong wika ng kasama ko ngayon.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon tungo sa lugar kung nasaan naganap ang pag atake. Naka-usap na rin namin ang hari kanina at sinabihan kami sa kung ano ang nangyayari. May kasama rin kami ngayon, isa sa mga pinagkakatiwalaan na kawal nang kaharian ng Cameron.
"Bakit?"
"Ang akala ko kase ay hindi tayo magiging magkasama sa misyon na ito dahil nga sa nangyari. Pero tignan mo nga naman, pinagsama pa rin tayong dalawa. Ewan ko nga kay headmistress kung manhid ba siya o gusto niya talagang mag-away tayo."
The Cancer and the Virgo. Kung iisipin ay hindi naman talaga kami compatible. His traits are too aggressive to be paired by mine. Never din kaming nagkasundo nito. I don't like his guts or even his face. Ewan ko ba, ayoko talaga sa mukha niya kahit na gwapo naman siya.
Nag lakad na lang ako ng tahimik at hindi na umimik. Kailangan kong maging kalmado lalo na at siya ang kasama ko ngayon. Panigurado kasi na siya na naman ang una kong gagamutin. Aside sa pagiging agresibo ay tatanga-tanga rin ang isang ito.
Biglang huminto ang kasama namin sa bukana ng isang lagusan. Malawak ito at hula ko ay hindi ito ordinaryo.
"Nandito na tayo?" Tanong ni Haruko sa kasama namin na tahimik lang. "Papasok ba tayo?"
"Sa loob ng lagusan ay isang maliit na bayan. Isa ito sa mga tinatagong kayamanan ng nasyon namin. Malaki ang tiwala ng kaharian na hindi ito malalaman ng buong mundo. Sana ay wala kayong pagsasabihan tungkol dito."
The hell! A tunnel for another town? That's holly magical! Nagtayuan ang mga balahibo ko sa narinig. Gusto ko tuloy mauna ng pumasok. It's rare nowadays ang ganitong uri ng tunnel dahil unti-unti na kasi itong nasisira at nawawala.
"Cool! Mga katulad din ba natin ang naninirahan diyan?" Muli na naman na tanong ni Haruko. "...o baka hindi?"
Hinintay ko rin ang magiging sagot nang kawal dahil baka hindi naman mga normal pala ang nakatira. Hindi pangkaraniwan ang lagusan na nasa harapan namin at marahil ay hindi rin pangkaraniwan ang nakatira. Pero bago pa man makasagot ang kawal ay biglang yumanig ang lupa at naging hudyat din namin ito ni Haruko na pumasok sa loob.
"You sensed something peculiar?" Sigaw na tanong nito sa akin habang tumatakbo.
I can sense animal spirits inside when I entered the tunnel and it's unstable. There's someone stronger as well. Habang nararamdam ko ang kilabot na dulot nang nilalang na nasa loob ay pinilit kong kilalanin ang presesiya nito.
I was overwhelmed by its presence especially when we arrived in the said river.
"Puta, ano 'to?"
Tinignan ko naman ang tinuro ni Haruko. Kasabay ng pag tingin ko sa bagay na sinabi ni Haruko ay siya rin ang pagyanig muli ng lupa.
"Shit!" Sabay namin na sigaw ng bigla na lamang may lumitaw mula sa sapa na isang higanteng nilalang.
That's the thing I felt earlier. A serpent and good thing it doesn't have wings. Pero kaagad kaming umatras ni Haruko dahil sa sobrang laki nito.
"The fuck! How can we defeat that!?"
As if narinig nang mga taga Cameron ang tanong niya dahil may nagsilitawan na mga Cameronian sa paligid at lahat sila ay may sandata na hawak. Ang iba ay naka uniporme pa, baka isa sa mga Class C.
They started to attack the serpent with their powers. I remain still and watching them attacking the beast, even Haruko as well.
Habang abala sila sa pag atake ay pinag-aralan ko muna ang magiging galaw nito. Ang bagay na tinuro kanina ni Haruko ay kaliskis nito. Sigurado ako dahil magkatulad ito sa kaliskis na nasa katawan nang higante na nasa harapan namin. Hinanap ko kung saan na parte ng katawan nito ang natanggalan ng kaliskis.
"Sam!" Sigaw ni Haruko sa pangalan ko kaya tumingin ako sa gawi niya. "Nasa bandang likuran!"
I looked at the back of the serpent, there I saw a missing scale. That spot!
"Try to put that beast on ground!" Sigaw niya muli. Dahil sa sinabi niya ay kaagad akong lumipad patungo sa likuran na bahagi nito. Sinigurado ko na hindi ako makikita nito upang hindi ako mahirapan pa. When I landed on its back I immediately summoned my knives, it accompanied by my purification fire.
I'll try to purify the beast using my fire but it will not totally purify it knowing how gigantic it is. I only need to extract the poisons and it will drain the beast's energy in the process.
Sinaksak ko na ang kutsilyo na hawak ko and the blazing blue fire immediately ran through its body. Makikita rin ang apoy sa ibabaw ng katawan nito at napansin ko na tumigil na sa pag atake ang iba na naririto. Maybe they thought I'm killing the beast. Holly, I have no right to kill a mystical beast!
Yes, this gigantic serpent is a mystical beast. How did I know? It is because of the mark on its forehead. The crescent moon, which represents their kind.
Nang pakiramdam ko ay unti-unti na itong mawawalan ng ulirat ay umalis na ako sa likod nito. Nakita ko naman si Haruko na naka tayo lang at prenteng nanonood sa pangyayari. Nang makalapit na ako sa kanya ay tinaasan ko lang ito ng isang kilay.
"Do your thing, lazybones."
Hindi naman ito naghintay na sigawan ko siya kagaya ng dati dahil kaagad din naman itong tumalima.
Haruko has the ability to breathe underwater. So he dived into the water and after a few minutes he reappears carrying the beast's tail. Well, he can manipulate his own strength kaya naman naka ngisi ang gago nang maglakad habang karga-karga ang buntot.
Nagsilapitan naman ang mga Cameronian at hindi ko napansin na ang kanina na kasama namin ay isa pala sa kanila.
"Thank you for helping us, zodiacs." Isa sa kanila ang nagbigay ng pasasalamat at ngiti lamang ang iginawad ni Haruko sa kanya.
"Hindi pa tapos," singit ko. "Kinuha ko lamang ang nakakamatay nitong likido sa katawan. Kapag humupa na ang asul na apoy na nasa katawan niya ngayon ay muli itong magmumulat. Ngunit hindi na ito magiging agresibo," pagtutuloy ko.
Nilapitan ko ang higanteng ahas. Marahan ko naman na sinuri ang buong katawan nito dahil pansin ko na may iilan itong sugat.
Hindi pangkaraniwan na sugat.
"Sino ba ang nakatira sa lugar na ito?" Tanong ko sa nilalang na malapit sa akin.
"Wala naman pong nakatira rito bukod sa mga hayop."
"Hayop?"
Sinuri ko ang buong lugar na masasakop lang naman sa mata ang paligid. Hindi mo na kailangan maglakad upang makita ang kabuohan nito. It's just a plain area, it only has a few trees and then a river where I don't know where it came from but I can't find any other animal aside from this serpent beside me.
"Nasaan?" Tanong ko.
"Oo nga. Saan ang mga hayop na tinutukoy ninyo?" It sounds sarcastic kaya tinapunan ko ng masamang tingin si Haruko.
"That's our problem now. We can't find them. It seems like they suddenly vanished."
Right! Iyan din ang sinabi ng hari kanina. I almost forgot. Some of the animals around Cameron was missing and there was no culprit to blame. It sounds suspicious. Imposible na walang kumuha sa mga ito, at kung meron man ay sobrang pulido naman nito sa pangunguha at wala man lang traces na iniwan.
Muli kong tinignan ang higanteng ahas na nakapikit pa rin ang mga mata.
"Haruko, tignan mo nga ang mga sugat. Can you identify what kind of creature did it to this beast?"
Tinignan naman niya lahat ng sugat na mayroon ang nilalang. Meron din pala ito sa may buntot at hindi lang pala isang kaliskis nito ang natanggal.
"Are you aware of the serpent's presence?" Panigurado ko at tumango naman ang iilan sa kanila.
"Sa totoo lang ay ang school lang namin at ang council pati ang kaharian ang nakaka-alam pero wala namang ibang nilalang na nakakapasok sa loob ng lagusan dahil naka silyado naman ito. Pero no'ng nakaraang araw ay biglang nabasag ang silyado at biglang nawala ang mga hayop at tanging ang higanteng ahas na lamang ang nakita namin."
"Sam, mukhang hindi ordinaryong nilalang ang may gawa nang mga ito. Nilalang na may mahabang kuko at may kakayahan na lumangoy. Marami pa nga itong mga bugbog at kalmot, lampas sampo rin ang mga kaliskis na nawala rito. I can't think of any creature that could do this to such being other that one creature that we both knew."
Kanina nang sabihin ko na may nararamdaman akong presensiya ng mga hayop ay alam ko na hindi ito ang higanteng ahas. It was unstable and then it suddenly stopped. Nawala lang bigla at ang ahas na lamang ang naramdaman ko. And now that Haruko said something about 'that' creature ay napagtagpi-tagpi ko na.
"Haruko, can you carry this beast out of the area?"
"Holly shit! Ilalabas mo ito? Hibang kana ba? Paano kung magising?" Nag-aalala nito na tanong.
"I have the temporaneous death type of elixir here. Ipapa-amoy ko lang ito sa ahas at kailangan mo itong dalhin sa labas."
"B-bakit? Tae naman oh!"
"The culprit is still inside of this place."
Kaagad naman siyang natahimik at pagkaraan ng ilang minuto ay nagtawag ng kasama. Bago pa man nila ma-alis ang nilalang ay pina-amoy ko muna ito ng elixir na dala ko. Sinabihan ko naman ang ibang Cameronian na magpa-iwan.
"I'll be back!" Sigaw ni Haruko bago tumakbo kasama ang tatlong Cameronian na karga-karga ang higanteng ahas.
"W-why are we still here?"
Nilingon ko ang babaeng nag tanong. Naka uniform ito at may emblem na naka dikit sa blouse nito. She has long lashes and think brows, singkit naman ang mga mata l which I find attractive.
"Don't let your guards down, missy. A deamon is lurking inside this place."
- BM -
Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro