Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14. Book


Samuel the Leo

After what happened outside the Platinum Pavilion, headmistress Esmeralda announced that the classes would continue tomorrow. I am currently inside my room here in our dorm, trying to think about what happened earlier. Ito ang unang beses na inatake ang academy at hindi namin alam kung sino ang nasa likod nito.

Back there, I saw how the others eagerly wanted to ask about that creature. Even I was curious as well. Judging by the aura it's emitting and the presence it's carrying, I know it was not just a simple creature.

We can't stand a chance of defeating it. Seeing how it effortlessly injures the great mage, there's a high possibility that huge casualties will be on our end. It even looks like it can destroy the barrier that headmistress Esmeralda created to protect the school.

While I was in the middle of thinking someone knocked on my door. Tumayo kaagad ako at pinagbuksan ito, bumungad sa akin si Torin na tuwid na nakatayo. Seryoso niya akong tinignan sa mata.

"Samahan mo ako sa library," surely she has an authoritative voice that can make any creature existing obey her.

I leaned on the wall looking at her intently. Why would she want to go to the library?

"Bakit?"

Hindi naman sa ayaw kong sumunod sa gusto niya, gusto ko lang malaman kung bakit. I have a feeling na may kinalaman ito sa nilalang kanina.

"I already told the others to go outside the campus to visit any bookstore around Astar and to find anything about what happened during the war. The two of us will look inside the school library. "

There's no hint of emotion in her voice. Hindi na ito naghintay ng sagot mula sa akin at kaagad akong tinalikuran na parang sigurado siyang susunod ako sa kanya. Well, I don't have reason not to. Wala naman akong gagawin bukod sa mag-isip.

Sinarado ko na ang pinto ng room ko at sumunod kay Torin. May magagawa pa ba ako? She looks too serious that I can't even crack a joke or tease her at the moment. She's also emitting weird aura.

Pagdating namin sa library ay wala ni isang estudyante sa loob. Bukod sa mga libro na ilang taon nang nandito ay nandito rin ang librarian na nakaupo sa usual seat nito. Hindi kami nito pinansin at nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa. Good thing bukas ang library kahit na suspended and klase ngayon.

"What are we looking for?" Tanong ko kay Torin na malayo ang tingin. "Are we also looking for information about the war?"

"Yes. I know they are hiding something from us and I want to know what it is. Remember the creature earlier?" She asked not looking at me.

"Hmm."

"They recognize it. They knew about it."

"How is it in line with the war?"

This time tumingin na siya sa akin pero sandali lang at bumalik na sa harap ang kanyang atensyon. She started to begin her pace and look for the book she was looking for.

"It's only a feeling.." mahina nitong tugon.

We don't have any specific book in our minds so we have to go through the pages and read to find what we are looking for.

"Sure thing I'm not wasting my time here," I sarcastically said pero hindi ko pinarinig sa kasama ko.

Nagsimula na akong maghanap. Hindi ko muna binuksan ang mga kinuha kong libro but all of them are about the history of the world. A couple of minutes have passed may nakita akong kakaibang libro. Its cover was made of weird material, weird because it's soft and not made of paper. Kinuha ko ito kaagad pagkatapos kong mabasa ang title na nasa cover; The Ghost Realm's Crimson Mishap.

The total of books I brought to the table where Torin is six. I don't even know if nakapaloob dito ang hinahanap namin.

"Inform me if you found something."

Tsk. Always bossy!

*****•*****

Ligue the Sagittarius

Bakit siya ang naging partner ko?

Why did he volunteer to be my partner?

It's not that I don't wanna be with him, it's just we're not even close to each other for him to choose me as his partner. Okay sana kung nag-uusap kami pero hindi naman.

He's sitting in front of me while reading a book. His full attention was on the book as if he were reading a very interesting story.

"Did you find any clue?" Tanong ko rito. Kanina pa ako naghahanap pero wala naman akong nakita.

Halos lahat ng history book ay nabasa na namin, pero pare-pareho lang naman ang nakasulat. All the authors wrote what happened in the war and all these different versions ended where all the previous Zodiacs perished trying to seal the gate of the dark world.

"A circular array showed up in the sky and all the dark creatures were sucked up. Its size is as big as a whole nation. The twelve heroes sacrificed themselves to eliminate the enemies and they died right after they sealed the gate."

Gano'n lang. Alam ko na ito eh. Lahat ng aklat na nasa library ng palasyo ay nabasa ko na. Mula sa kasaysayan ng mundo hanggang sa nagdaang digmaan. Kabisado ko na nga ito eh kaya imposible talaga ang sinabi ni Torin.

"It's too impossible na may hindi sila sinali na pangyayari sa araw na iyon. Look, ilang historian ba meron ang Ethorea? Nabasa na natin ang mga bersyon nila kaya imposible talaga ang sinasabi ni Torin."

Isinara ko ang libro na binasa ko kanina. Hindi ko na kailangan pa na basahin ang buong nakasulat dahil saulo ko na ang mga salitang nakapaloob sa librong ito.

"Torin was never mistaken. If she said there's something that the heads didn't tell us, then they're something they didn't tell us."

Wow! Absolute? Well, can't argue with that. Mas nauna sila sa akin dito kaya susunod na lang ako. I once again open the book and started to look further. While looking further in the pages of this thick old book something caught my attention.

I was sure that I was very well familiar with the words written in the book because I read it a hundred times or two. But something adds up in this book. I closed the book and checked the author and the title.

"Luis!" I absentmindedly call his name and I even poked his arms.

"What?"

"Have you heard about Louen Chen?"

I saw how his brows formed a line, probably he's not familiar with the author of the book I am holding right now.

"No. Bakit?"

Pinakita ko sa kanya ang hawak kong libro. "I was sure that I was long informed about the war. Halos saulo ko na ang buong pangyayari but in this book something adds up. Look, read this part."

"It was my very first time to encounter a sinister creature that has been living for over a century. Our ancestors recognized this being as 'The Red Spider Lily'. This creature is inhabiting the Ghost Realm yet why is it here? Its long and intimidating horn tip was flashing, indicating how sharp the tip was. Its sharp teeth are plastered every time it devilishly smiles whenever it kills its prey. Its orbs were as red as the blood dripping on its prey's body. It has a long sharp nail, and it uses it to easily kill its enemy. With one scratch you'd be in pieces. The creature was so powerful that even the twelve heroes could not penetrate its skin. No power could ever pierce its flesh."

There's no way I read this back in the Jade Palace at Cameron. Alam ko wala ito sa mga libro na binasa ko noon at hindi ko rin kilala kung sino ang Louen Chen na ito.

"Look."

"Hala, bakit nawala ang kasunod na page?"

Nawawala ang kasunod na pahina sa binasa namin at mukhang nakasulat doon ang iba pang impormasyon tungkol sa nilalang na ito.

"Reading this, parang ito 'yong nilalang kanina."

Naisip ko rin ito, pero imposibleng ito yun.

"Let's read more. Dadalhin natin iyan sa dorm."

*****•*****

Ericka the Capricorn

Kanina pa ako nagbabasa pero wala naman akong nakikitang kakaiba sa binabasa ko. Wala siguro rito ang hinahanap namin. Marahas kong sinara ang libro at sumandal sa sandalan ng upuan ko. Sa aking harapan naroon si Zamarah nagbabasa rin at sa kanyang lamesa ay may anim na makakapal na mga libro.

"Zammy, that creature is something else." I said while looking at her. "I'm afraid of what could happen to us if it attacked us earlier."

I felt fear for the first time. Just looking at the creature made my knees tremble. There's something with it. I honestly don't want to sacrifice myself for the world but I am in a position where thinking about my own life is the least thing I could do. I also don't want to neglect the people who believe in us.

But remembering the feeling I felt earlier, it's hard not to be afraid.

"Looking for answers is the only way we can do for now." Malamig niyang tugon na hindi man lang ako tinignan.

Galit ba siya sa akin? Did I do something wrong? Tumaas bahagya ang isang kilay ko nang mahimigan ko ang galit sa kanya.

"Knowing the answers only adds up the problem. Kapag may malaman man tayo, for sure another question will arise." I said.

Nasa loob kami ngayon ng isang library na matatagpuan lang malapit sa school. Wala masyadong tao sa loob bukod sa mga iilang kabataan na mukhang gumagawa ng kanilang mga aralin dito.

"Mas mabuti na may malaman tayo kaysa wala."

Tsk! Why is she so cold to me?

"I'm tired na. Can we go back?"

I was just trying to get her attention pero parang hindi effective. Hindi pa rin siya tumitingin sa gawi ko at parang focus na focus talaga siya kanyang ginagawa, eh nagbabasa lang naman naman siya!
She's even pretending na hindi niya ako narinig.

Nagsisimula na akong makaramdam ng inis. What's with her?

"Zammy!" Tawag ko sa pangalan niya. "Stop pretending to be deaf! I'm tired, let's go!"

She finally closed the book she's reading but she remain in her seat. Tumingin ito sa aking gawi, malamig at nakakatakot ang uri ng tingin ang kanyang pinapalabas. But I know her too well kaya I rolled my eyes.

"Tsk! I don't know why you're being so cold but it's too irritating!" Asik ko.

"I also don't know why you're too arrogant towards people in your circle. Is it hard to just say sorry?"

I curled my tongue as I realized what's the root of her anger. So it was about what happened early this morning in the kitchen.

"If you can't appreciate her work then don't spat insult in front of her face."

Tsk! Hindi ko naman sinasadya ang mga nasabi ko and I feel ashamed apologizing for my mistake. I'm sure Belenda knew the fact that I don't say sorry for my mistake.

"Don't take her good side for granted, Ericka ako makakalaban mo."

My jaw fell as I heard those words from her. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil umalis na siya na walang paalam sa harapan ko. Dala niya ang mga libro na kinuha niya kanina sa shelves at walang lingon-likod na lumabas.

Tang'na naman nito oh! Iwan ba naman ako rito? Hindi ba niya ako narinig na pagod na ako? Parang hindi kaibigan ang gaga! Padabog akong sumandal ulit at kinuha ang libro na binabasa ko kanina.

I changed my mind. Hindi ko siya susundan! Hmp! Kung galit siya, pwes galit din ako!

*****•*****

Kamala the Scorpio

Ghad! Ano'ng nakain ni Torin at bakit si Averill ang napili niyang partner ko? Hindi pa ako komportable sa presensya niya at saka sobrang awkward niyang kasama.

Ako lang ang nagsasalita the whole time habang siya naman ay tango lang ang tugon. Grabe! Para siyang frozen delight, ang hirap e-melt! Naubusan na ako ng topic!

"Kung wala tayong makita rito, maghahanap pa ba tayo ng ibang book shop?" Kunwari kong tanong. Gusto ko siyang pagsalitain, kaso umiling lang ito.

Sa lamesa namin ay sampung libro ang naririto, half of it ay nabasa na namin. Wala pa naman kaming nahahanap na pwedeng may koneksyon sa sinasabi ni Torin na sekreto. Pagkatapos kong basahin ang libro na hawak ko ay kumuha ako ng isa pa. But the moment my palm touches the book a sudden surge of electricity hits it. Mabilis kong nailayo ang aking kamay mula sa libro at lihim na tinignan ito. Namumula, pero wala namang sugat.

What the hell was that? Hindi naman ito napansin ni Averill na mukhang tapos na rin sa kanyang binabasa. He was going to get that weird book but I didn't stopped him and just waited for his reaction. Pero nabuhat na niya ang libro na parang wala lang sa kanya.

Weird. Muli kong tinignan ang makapal na libro na gawa sa bakal ang unang pahina. Nang binuklat niya ito ay biglang may itim na usok na tila lumabas, kaagad namang lumayo kami ni Averill sa lamesa at hinanda ang sarili sa posibleng mangyari. Nagkatinginan pa kaming dalawa.

"Don't be afraid for I am only guarding this book. I am harmless as I only guard the words written in the book to never fall into the wrong people. Touching your heart is my way of characterizing your motive. If I find any hint of darkness within you, I cannot disclose the information I am guarding."

Tatlong beses akong napakurap.

Did the black smoke talked?

Tinuro ko pa ito saka tumingin kay Averill na hindi makapaniwala.

"Nagsasalita ang usok?"

But he only looked at me flatly.

"Someone already touched it and it woke me up from a deep slumber."

"We wanted to know everything about the war," malamig na turan ni Averill. Kung gaano ka lamig ang mukha niya ay gano'n din ka lamig ang boses niya.

"Child, the war isn't over yet. My master fought alongside the twelve heroes of the nation and he wrote everything in this book. Every detail, he wrote. Everything that happened in the war is stated in this book."

Pagkatapos niya iyon sabihin ay biglang may lumitaw na mata mula sa usok at papalit-palit ito nang tingin sa aming dalawa ni Averill.

"I want to know everything."

Tahimik lang ako sa gilid at nakikinig. The black smoke looks too suspicious to me and seems like Averill and I didn't share the same thought. Hindi ba siya na we-weirdohan sa libro?

"There's darkness within both of you and I can't guarantee the confidentiality of every information written in the book in your hands."

Kumunot ang noo ng kasama ko at masamang tumingin sa libro na tila ba gusto na niya itong wasakin. Nag tanong pa siya eh hindi naman pala siya nito sasagutin. Hahahaha!

Pero ano'ng ibig niyang sabihin? Dahil ba sa kapangyarihan namin kaya hindi niya kami kayang pagkatiwalaan?

"But I sense goodness in you. You're carrying light in your hands, Child."

Suddenly the smoke came close to him. Sa bandang dibdib niya ito dumikit at ilang segundo lang ito nanatili doon at bigla na lang nawala na parang bula. Kasunod nang pagkawala nito ay ang pagbukas ng libro. Walang sinayang na segundo si Averill at kaagad sinimulan ang pagbabasa, but the book is too thick and you can't finish reading it for a day.

"Babasahin mo 'yan dito? Dalhin na lang natin 'yan sa dorm at doon ka na lang din magbasa. Kung dito mo gagawin ay baka isang buwan kang mananatili rito."

Akala ko hindi siya makikinig pero ilang saglit lang ay marahan niyang sinara ang libro at malamig na tumingin sa akin. Kaagad naman akong umiwas, ayokong magtagpo ang mga mata namin dahil tumatayo ang mga balahibo ko.

"Continue what you're doing."

Tsk!

"Itutuloy na po, kamahalan!" I even curtsied before getting back to my seat.


*****•*****

Haruko the Cancer

"Labas muna ako sandali, Belenda." Paalam ko sa kasama ko ngayon, tumango naman siya.

Abala ito sa pagbabasa at naghahanap ng clue tungkol sa nilalang kanina. Katulad niya ay naghahanap din ako pero nabagot ako kakabasa. Wala namang bago sa mga binabasa namin eh. If the higher-ups doesn't want us to know what happened then for sure they already dispose those information written in a book.

Naniniwala naman ako sa mga nakasulat sa libro at naniniwala rin ako na kulang ang mga impormasyon na ito. Books are not the only resources we have dahil pwede naman akong magtanong sa mga taga Astar.

Pagkalabas ko ay may nakita akong tindahan ng mga antique at base sa materyales na ginamit sa gusali ay alam kong luma na ito. It's a shabby shop and not even a single person went inside.

There's no wrong trying.

I went inside silently. Both of my hands are on my back while looking around and checking every item. Kaya pala walang pumapasok sa shop na ito dahil bukod sa sobrang luma na ng gusali ay hindi rin authentic ang mga items. One look you could identify that the item is fake at tila ba pininturahan lang para magmukhang totoo.

"Naghahanap ka ba ng ireregalo mo sa iyong nobya, ijho?"

Dahil sa gulat ay muntik na akong mapatalon. Isang matandang bigla na lang lumitaw sa aking gilid at nagsalita ang nabungaran ko. Nakangiti ito ng malapad kaya kitang-kita ko ang gilagid niya. Tatlo na rin ang ngipin nito na may kulay pa, painter nga ata si lola. Nakasuot ito ng itim na commoner clothes na masyadong magusot at halos puti na rin ang kanyang buhok.

"Ahh...hehehe..opo." Padaskol kong sabi at saka nag kamot ng kilay. "Naghahanap po ako ng hairpin."

"Hairpin ba kamo? Hali ka! May ipapakita ako sa iyo."

Bago ako sumunod sa matanda ay kumuha muna ako ng pouch bag na naglalaman ng ginto na inilagay ko sa loob ng sleeve ng aking suot na roba. Sabi kasi nila masyadong mahal ang mga antique.

"Heto, buksan mo." Utos sa akin ng matanda. "Nakita ko iyan isang araw pagkatapos ng digmaan. Naglakad-lakad lang ako dito sa Astar, tumitingin sa paligid dahil masyadong nasira ang lugar gawa sa labanan. Nakita ko iyan sa gilid ng kalsada, duguan pa nga iyan eh pero maganda pa rin. Gawa rin iyan sa tunay na ginto kaya hindi ako nagdalawang-isip na dalhin sa aking munting tindahan. Wala namang gustong bumili kaya tinago ko at ikaw pa lang mismo ang nagkaka-interes nito."

Ha? Ako? Interesado? Kailan? Hindi ko pa nga binibili eh. Ito talagang matandang 'to masyadong assumera.

"Hindi niyo po kilala kung sino may-ari nito?"

Maingat kong kinuha ang hairpin mula sa kinalalagyan nitong maliit na kahon na gawa sa matibay na kahoy. Bahagya pa akong nagulat nang maramdaman ko ang bigat nito. Napansin naman ito ng matanda.

"Sabi ko sa'yo eh! Espesyal ang hairpin na iyan! Ramdam mo ang bigat no?"

Yeah, I did feel its weight as if it's pulling me towards it. It was indeed beautiful, especially the unique flower carved in it.

"At saka papaano ko malalaman kung sino ang may-ari riyan eh wala naman ako noong nakikipaglaban ang may-ari? Pero sigurado akong patay na iyon o baka nga isa siya sa mga bayani."

No. I have a feeling that the owner is someone who don't exist in this world. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito nararamdaman but judging the aura its emitting I'm sure this is not just a simple hair ornament.

"Bibilhin ko po ito." Magiliw kong wika.

Ngumiti ang matanda sa aking sinabi at muli na namang bumungad sa aking paningin ang kanyang tatlong ngipin na nangingitim.

"Bago mo iyan dalhin ay may habilin lang ako," pahabol nitong sabi.

"A-ano po iyon?"

Tang'na bakit ako kinakabahan? May sumpa ba ang hairpin na ito? Kaya ba nakalagay ito sa isang kahon?

"Minsan na ito naisuot ng aking nag-iisang babaeng anak at ito ang naging dahilan ng kanyang kamatayan. Mas maiging suriin mo muna iyan nang mabuti bago mo ibigay sa iyong nobya at baka magiging maaga ang pagka byudo mo."

Kumurap ako, tatlong beses, bago ko ibinigay sa matanda ang pouch bag. Nakangiti pa rin ito hanggang sa makalabas ako sa shop. Nang makabalik na ako sa bookshop ay naroon pa rin si Belenda at mukhang hinihintay ako. Nilapitan ko siya kaagad.

"May nahanap ka?"

Sa kanan nitong kamay ay may hawak siyang libro na marahan niyang inangat bilang tugon sa aking tanong.

"Ikaw?" Balik niya sa tanong. I wanted to tell her about the hairpin pero pinili ko na h'wag na lang. I shook my head as an answer. "Balik na tayo nagsisimula ng dumilim."

Lumabas na kami sa shop at tinungo ang daan papuntang academy.

*****•*****

Samantha the Virgo

Marahan kong hinilot ang noo ko at hinawi ang makapal na libro sa aking harapan. I didn't find anything. Pang ilang libro na ba iyong kanina? Lima?

"I know you're exhausted."

Nilingon ko ang katabi ko na seryosong nagbabasa.

"Let's just tell Torin na wala tayong nahanap. Kailangan mong magpahinga."

My vision is starting to get blurry and my shoulders, it seemed like something heavy is on top of them.

"Tapusin muna natin 'to." I said and get the next book.

Hindi naman ako nakarinig nang pagkontra mula sa kanya. I know he also wanted to know something about the creature earlier. Pakiramdam din namin na may hindi nga sinasabi sina headmistress. It's also my first time seeing Cali being normal, I mean ayaw niya sa alikabok at super arte nito lalo na kung nakakakita siya ng dumi, but right now hindi man lang ako nakarinig ng kaartehan niya.

"Ironic, right? You can heal everyone but you can't heal yourself." He blurted still his eyes are focused on the book in front of him.

"Hmm.." sabi ko na lang at pinapatuloy ang pagbabasa.

Pero dumaan ang ilang segundo ay binalik ko uli sa lamesa ang libro. I can't focus and seems like my mind is wandering around.

Pagod nga yata ako.

Hindi nga rin gusto ni Torin na sumali ako sa pinag-uutos niya. Sabi niya masyado raw maraming estudyante akong ginamot at kailangan kong magpahinga. But I don't like the feeling na sobrang busy nila while ako wala namang ginagawa. I want to be useful too.

"Can't focus?"

"Yeah!"

Marahas akong napabuga ng hangin. I am tired, honestly, pero hindi ibig sabihin na susuko na lang ako. All I have to do is find some book and read what's inside, hindi naman nakakapagod.

Tumayo ako muling naghanap ng libro. Iyong binasa ko kani-kanina lang ay wala namang interesting na nakasulat.

Iniwan ko muna saglit si Cali sa table namin at tinungo ang mga shelves. Sa una ay nagbabasa lang ako ng mga pamagat until such time I found this odd book na nakalagay sa pinakadulo. Hindi siya kaagad makikita dahil may kadiliman ang nilalagyan nito.

"The Legend of The Austere Rouge Miasma."

I don't think it has something to do with the war kaya binalik ko ito sa shelve. But before I could put it back it suddenly slipped on my hand and fell on the floor. Nang nasa sahig na ito ay nakabukas na ito at tumambad sa aking paningin ang isang larawan na naging pamilyar na sa aking utak.

The first thing that really caught my attention was its wing. It wasn't made up of feathers but rather a sharp weapon that could kill a hundred people in just a flip.

The creature in the drawing was the creature we saw earlier.

*****•*****

-BM-

Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day ahead!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro