13. Intruders
Belenda the Libra
We went back to our dorm past eleven in the evening last night. Everyone was so wasted, especially Haruko who kept on singing while pestering Samantha. The others were drunk as well, but not as wasted as him.
"Ikaw magluluto ngayon?"
I glanced at the person asking but only for a sec because I was slicing some vegetables.
"I'm just making a snack for everyone, may ipapaluto ka ba?" I asked her.
Hindi siya sumagot sa tanong ko pero unti-unti kong nararamdaman ang presensya niya sa aking likod. Tinitignan siguro kung ano ang ginagawa ko.
"Tapos ka na ba mag prepara para sa pag-alis natin mamaya?" Tanong ulit nito sa mababang tono. "My things are already packed. How about yours?"
Marahan akong tumango. "Mine too."
"Good. We're leaving at eight o'clock."
Muli akong tumango at nagpatuloy sa ginagawa. Ang akala ko ay babalik na siya sa ibaba pero bigla itong tumabi sa akin. Ang likod niya ay nakasandig sa island table habang ang mga kamay ay nakapaloob sa bulsa ng kanyang trouser. She's wearing a commoner clothes na kulay itim, pero sa isang balikat niya ay naroon ang kanyang outer robe.
"May bumabagabag sa akin these past few months. It started before we went for the mission," she suddenly said.
Nakuha nito ang atensyon ko kaya nang matapos kong hiwain ang carrots ay humarap ako sa kanya. Minsan lang nagkakaganito si Zamarah kaya nagkakapagtataka. Hindi niya ugali ang pansinin ang mga bagay-bagay lalo na kung hindi naman nito saklaw ng kanyang interes. Hindi siya pakialamera.
"Bago tayo umalis sa academy ay pumunta muna ako sa library para manghiram ng libro. After that, no'ng pabalik na ako sa dorm, ay may napansin akong kakaiba sa langit. That time the sky was so dark because it was about to rain. But there was something above that I couldn't't see but I could feel it. Kaya hindi ko maiwasang ma-isip na paano kung nasa Astar lang ang tarangkahan? What if that eerie feeling I felt was the sinister beings of that realm trying to come out?"
Hindi ko inaasahan ang mga narinig. I never thought about that idea. But it's possible na nandito nga ang tarangkahan lalo na at dito rin nangyari ang labanan. Ngunit kung nandito nga, bakit hindi pa ito nagpapakita? Lalabas lang ba ito kapag tuluyan na itong nasira?
"Pero napa-isip din ako. Why would the gate vanished after they sealed it? Why it didn't remain still since it's already sealed? Wala namang kapangyarihan ang mga nilalang na iyon sapagkat hindi naman sila ang nag silyado, it was the Zodiacs."
Nakaupo na ito sa silya malapit sa lamesa habang nakatukod ang dalawang siko. Halata na malalim ang kanyang iniisip dahil nanatiling nakatingin lamang siya sa ibaba, nasa likod ng kanyang ulo ang dalawang palad. Hindi ako umimik. Kilala ko si Zamarah kapag malalim ang iniisip. She doesn't want any kind of interruption. So I let her mind sank into the void.
"Tch! Nonsense!" Biglang sigaw nito at sumandal sa sandalan ng upuan at nag cross arm. Alam ko kausap niya ang sariling isipan ngayon. Gumagalaw pa ang kilay at noo niya habang malayo ang tingin.
Ano naman kaya ang iniisip nito?
She's too occupied that she didn't even feel someone's presence came in the kitchen. Pagpasok pa lang ni Ericka ay napadako na ang mga mata niya kay Zamarah. I just heave a sigh at bumalik na sa ginagawa ko.
"Woah! You look more human while thinking, Zammy!"
Tila sumakit ang ulo ko nang pumasok sa tenga ko ang maarteng boses ni Ericka. Marahan na lang akong bumuga ng hangin. Zamarah is thinking too deep so—
"I'm human."
—she doesn't want someone to interrupt her. Hays! Yeah! Ericka is not one of that someone I mentioned. Tsk!
"Weee? 'Di nga? Totoo? Patingin nga ng mukhang tao!" Pang-aasar ulit nito but Zamarah just let out a 'tsk' sound.
Minutes later ay tumigil na rin si Ericka at narinig kong umupo na rin ito. Kaya tahimik na muli ang buong kusina at payapa akong nagbabalot sa mga hiniwa kong preskong gulay para sa fresh lumpia na gagawin ko para sa lahat. Ito ang ginawa ko dahil may isa sa amin ang hindi kumakain ng karne. Ewan ko kung bakit pero siguro nakasanayan niya lang.
Nang matapos na ako ay inilagay ko ito sa isang makapal na mantel. Maingat ko itong binalot isa-isa. Then inilapag ko ito sa lamesa kung nasaan sina Ericka at Zamarah na parehong tahimik.
"Sino partner mo, Ericka?" I blurted while putting all the mantel on the table. "Saan kayo naka assign?"
Hindi muna ito sumagot bagkus ay tinitigan lamang niya ang mga mantel na nakatupi sa harapan. Sa uri ng titig na ginawa niya ay alam ko na magtatanong ito.
"Are those clean? In what ways did you clean it? Do we have some box or something here? What if there's a lot of germs inhabiting in the cloth you're using?" Sunod-sunod nitong tanong habang nakaturo sa mantel na naglalaman ng mga fresh lumpia.
Naka-nganga akong tumingin sa kanya habang ang isang kilay ay nakataas. She's implying that my food is dirty because I wrapped it in a cloth! I cleaned it on my own so I know it's germ-free. I also don't make dirty food at ipakain sa lahat.
"Ericka." Tawag ng katabi niya na may nagbabantang tingin. "Watch your words."
But I know Ericka too well. She will never feel sorry for what she said. She never withdraws her words just because she hurt someone else's feelings.
"What?" Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin kay Zamarah. "I'm just, obviously, asking! I'm not held accountable for her feelings if she was hurt by the words I said!" She spatted and turn her back at me. Hindi siya tumingin sa akin, kay Zamarah lang.
Nang makalabas na si Ericka sa kitchen ay marahan na lamang akong napabuga ng hangin. She was just obliviously asking. Hindi naman ako nasaktan or what, it's just she's too prideful.
"Ako na hihingi ng sorry para kay Ericka," biglang sabi ni Zamarah na nakatingin sa akin ng diretso. Hindi ako umimik. Hindi naman kasi nito kailangan mag sorry para sa iba.
"Here, it's yours." I pushed the cloth near her and she gladly accept it. "You don't have to apologize for someone else's sake."
Nakangiti akong sinabi ito. Ericka and Zamarah are super close with each other to the point that they even throw insults towards each other. Tatawanan lang nila ang isa't-isa and if ever ma offend man ang isa sa kanila ay hindi sila nagagalit ng sobra. At the end of the day magkaibigan pa rin ang turingan nila sa isa't-isa.
Kahit na maarte si Ericka at self-centered, Zamarah will always lower down her temper and tried to understand her. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko kayang pantayan si Ericka. She's important to her. She's someone she can lean into. She's someone she could put her at most trust.
"Are you do—"
Isang malakas na pagsabog ang pumutol sa tanong ni Zamarah. Bahagya ring yumanig ang dorm namin dahil dito dahilan para pareho kaming dalawa na humawak sa gilid ng lamesa. Sabay naming nilingon ang direksyon kung saan nanggaling ang malakas na tunog. Dahil nasa rooftop kami ay agad naming nakita ang itim na usok na nagmumula sa harapan ng school.
"What the hell is that?"
Tumingala ako nang makitang nakatingin siya sa itaas, sa mismong langit, something is up there. Hindi namin mawari kung ano ito, but its wings are huge. I could see two horns on its head. Hindi na namin natuloy ang pagtingin dito dahil may sumigaw sa Communication Array na gawa ni Esmeralda.
"Headmistress!"
"Headmistress! Tulong! Ang dami pong sugatan!"
"Nasira po ang Platinum Pavilion at marami po ang nadaganan ng mga debris!"
"Help! Please help! Someone is dead! Help!"
"Oh my ghad! Tulong! I think the school is under attack!"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Zamarah bago nagmamadaling tumalon pababa. The others are already outside and ready to go to the area and help the students. May lumitaw na portal at ito ang ginamit namin upang mas mapadali ang pag punta namin sa Platinum Pavilion.
Paglabas namin sa portal ay hindi kami makapaniwala sa bumungad sa amin. The Pavilion is nowhere to be found, only its debris scattered on the ground. Students are screaming and crying because of the sudden attack. Sinuyod ko ang paningin ko sa paligid. Dinaluhan na ng mga kasamahan ko ang mga nasa ilalim ng debris at mga estudyante hindi makatayo dahil sa gulat at takot.
Some students are using their abilities to help the other students na sugatan at natabunan. Ginawa ko rin ang ginawa nila. Using my ability to move things, pinalutang ko ang mga malalaking debris na hindi kayang buhatin ng natural na lakas ng isang tao. Nang umangat ito ay bumungad sa akin ang tatlong estudyante na walang malay at duguan. Wala akong inaksayang oras at agad silang hinila, may tumulong naman sa akin na ibang estudyante at kinarga sila.
"Dalhin niyo sila sa infirmary!" Utos ko sa tumulong sa akin, nakita ko naman siyang tumango. May dalawa pang lumapit sa akin at kinarga ang dalawang estudyanteng walang malay.
Gano'n lang ginawa ko. Malalaking debris lang ang pinapalutang ko sa ere ang some students will get the unconscious individuals at dinala nila sa infirmary. Good thing may gumawa ng porta patungo sa lugar dahil mas napapadali nila ang trabaho.
"Damn it!" Rinig kong ungol ng isang pamilyar na boses. "What the hell are these people?"
Her eyes are glowing green and I know she's using her ability to look at every corner of this place. Sinuyod ko rin ang tingin ko at nakitang kaunti na lang ang mga sugatan at halos lahat ay nadala na nila sa infirmary.
"Samantha, anything you see?" Iyan ang naging bungad ni Torin nang daluhan niya si Samantha na umiilaw pa rin ang mga mata.
"The school's barrier was broken!" Sigaw ni Haruko na tumatakbong mabilis na galing pa sa gitnang bahagi ng eskwelahan kung nasaan ang source ng barrier.
"What? Paano nangyari yan eh nasa loob lang naman iyan ng school!"
Yeah. No one could ever tamper the device aside from the headmistress dahil siya gumawa ng barrier gamit ang kanyang sariling kapangyarihan.
But if the barrier is broken, there is a huge possibilities na may makapasok na demons sa loob ng school.
"Guys look front," utos ni Samantha. "More or less a hundred Walking Corpse are heading here."
Lahat kami ay sinunod ang sinabi niya at doon nga ay may nakita kaming mga tao na naaagnas na pero mabilis pa rin ang lakad. Kasabay nang pagpasok nila sa premises ng school ay ang pagkalat ng itim na miasma sa paligid.
"Cali, air bubble please!" Maarteng sigaw ni Ericka na ngayon ay may hawak na whip na gawa sa tubig.
Cali did made an air bubble, not just for Ericka but for the twelve of us.
"Tell the students to leave this area and hide somewhere else!" Sigaw ni Torin. But there's no use telling the students dahil kanya-kanya na silang takbo papasok sa portal. Nang makita ito ni Torin ay marahas na lamang siyang napabuga ng hangin.
"I'll check the area if may students pa ba," Haruko volunteered, he didn't wait for Torin's approval before sprinting towards the debris.
"You probably forgot about that creature up there." Malamig na turan ni Zamarah na may madilim na aura. Kanina pa nito kinikilatis ang nilalang sa ibabaw.
"Let's settle these creatures in front first, Zodiacs!" Sigaw ni Torin and she forcedly pounce the first wave of the walking corpse using her power fist. "Don't let these smelly bitches come inside the premises of the school."
Who said we'll let them?
Kasabay ng pagsalakay ng iba ay minanipula ko ang hangin, katulad ni Cali kaya ko rin gamitin ang elementong ito. I made a bow and arrow using this element. For every attack, I used three arrows at the same time and controlled the arrows to where they should go. Wala akong pinalagpas kahit na isang kalaban. I aimed their head para hindi na sila muling tumayo pa. This kind of enemy doesn't have any organ, aside from their brain.
I could only control my arrows within three minutes kaya kada tatlong minuto ako nagpapalipad ng arrow.
"Kamala!"
Hindi ko alam kung sino ang sumigaw pero ramdam ko ang takot sa boses nito kaya nilingon ko kung nasaan si Kamala. Nakita ko siya kanina na sumunod kay Haruko kaya diretso sa gitna ang paningin ko.
There I saw Haruko sprinting towards Kamala. On Kamala's back I saw a black mist, alam kong nakita rin ito ni Haruko dahil siya ang tumawag sa pangalan niya. Hinila niya si Kamala at charged his pincer towards the black mist but there's no one there.
Nawala na parang bula ang mist.
"Belenda, focus!"
May nakalapit na palang kalaban sa akin at agad na kinagat ang aking balikat. "Argh!" I groan because of pain. Pinatid ko ito ng ubod ng lakas at dahil sa inis ko ay pinaulanan ko siya ng palaso. Walang parte ng kanyang katawan ang walang nakatusok na palaso.
"Eww! Eww! Don't come near me! You're so gross! Yuck! You're so mabaho pa!"
On my side there's Ericka na winawagayway ang kanyang latigo na gawa sa tubig. Kada hampas niya ay nasa lima na mga kalaban ang tumitilapon sa gilid.
"Ericka, patayin mo! 'Wag mo naman ipasa sa'kin ang mga kalaban!" Sigaw bigla ni Cali na sa kanyang banda pala napupunta ang tumitilapon na mga Walking Corpse.
Cali is using both ice and water element to kill his opponent. Lahat nang napapatay niya ay nagiging yelo at, katulad ni Ericka, hindi rin niya hinahawakan ang kanyang kalaban.
"Shit! Ba't parang walang katapusan ang mga 'to? Unlimited ba 'to?!" Sigaw ni Luis na ginamit ang sariling lakas para patayin ang kanyang mga kalaban. He's smashing their head on the ground kaya puno ng dugo ang area kung nasaan siya, maging siya ay puno na rin ng dugo. "Don't you fucking dare touch my head!" Sigaw niya sa babaeng Walking Corpse na kakalmutin na sana siya sa ulo pero nahuli niya ito kaagad. Hinila niya ang kamay nito at gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang likod ng ulo at malakas na binagsak ang mukha sa lupa. Tumalsik ang naghalong itim at pulang likido nang mawasak ang ulo ng babaeng Walking Corpse. "Serves you right!"
Muli akong humarap at nakita ang isang malaking leon na kinakagat ang mga kalaban. Napangiwi pa ano nang makitang puno ng itim at pulang likido ang kanyang bibig. Although it's the lion version of his I am seeing right now, it doesn't change the fact na siya si Samuel. I don't wanna think about how these creatures tastes like. It's too gross.
Muli akong napalabas ng mga pana at pinaikot ito sa paligid. Sunod-sunod itong bumubulusok sa mga ulo ng kalaban at tumatagos. Lahat ng tinatagusan niyang ulo ay bulagta sa lupa at wala ng kakayahang tumayo pa.
"Guys! There's another wave coming!" Anunsyo ni Ligue na tila pinapakiramdaman ang galaw ng lupa. She's holding a sword na kulay itim. Sobrang nipis nito at parehong side ay matalim. It's a double sword. "Thousands of Walking Corpse are coming!" Sigaw niya.
"The fuck! Why are they here?"
"Wala ba'ng reinforcement?"
"Can you track headmistress, Ligue?"
"Pagod na ako! Please! I want to rest!"
"Damn it!"
Hindi ko na alam kung sino-sino ang nagsasalita dahil naka pukos ang atensyon ko sa harapan. I could see the second wave of the enemy. Ang unang grupo ay napuksa na namin at lahat sila ay nasa lupa na. All of us are panting, but we're not exhausted, yet.
The second wave just looks like the first one. Walang kaibahan, bukod sa rami nila.
"Let's finish this quickly!" Zamarah exclaimed.
*****•*****
Torin the Taurus
I don't know what's going on and why these creatures are here in our school, attacking the students. The creature up there didn't even move. It didn't attack us and we don't even know if it's an enemy or not.
Pero kapag ito gumawa ng aksyon, siguradong mahihirapan kami. It emits a sinister aura. Kahit malayo siya sa amin ay ramdam namin na mas makapangyarihan siya kahit na pag-isahin pa namin ang aming mga kapangyarihan.
I've been manipulating huge rocks and throwing them towards the enemy for a long time. I could see visible cuts on my palm and red liquid was peeping from the inside. Nang magsawa na ako ay nag summon ako ng talisman, it's glowing in orange and the writings are in black color. These talismans are used to suppress any kinds of evil creatures. Itinaas ko ang aking kamay at sunod-sunod naman na naglabasan ang nasa sampung talismans sa aking gilid. "Go!" I said in between my breath at isa-isa naman silang lumapit sa mga kalaban at dumikit sa kanilang mga noo.
Walking Corpses with a talisman on their forehead stopped attacking us and they turned into ashes.
"Sus! Nariyan lang pala 'yan eh! Bakit ngayon mo lang ginamit 'yan, Torin?" Atungaw ni Haruko na nakikipaglaban gamit ang kanyang pincer.
"Nakita niyo ba si Averill?" Someone from the right side asked. I think it was Cali.
"He's on the other side!" Sigaw pabalik ni Ligue na kayang mag track. "He's also using talismans to defeat his enemies."
Nang sabihin iyon ni Ligue ay may nakita kaming puting liwanag sa hindi kalayuan. Probably, Averill,
using one of the major elements.
"Guys, pagod na ako! Can I rest muna? Look!" Pinakita ni Ericka ang kanyang palad na puno ng dugo. "My hands are numb!"
"Tch! Endure it! We can't let these creatures came inside the school!" Saway sa kanya ni Zamarah na nakikipaglaban pa rin gamit ang kanyang sandata na gawa sa tubig. Her moves are swift yet soft, she's imitating the movement of water. She's aming at the neck, extracting the head from the body is one of the ways of killing a Walking Corpse.
"Zodiacs!"
Lahat kami ay natigilan nang may magsalita sa Communication Array ni headmistress. It was her who spoke.
"Retreat!" She said again and the next thing happened is someone landed on the middle of the group of Walking Corpse. Dahil sa malakas na impact ay nahahawi ang mga kalaban dahil sa marahas na hangin gawa sa pag landing ng nilalang na ito. Hindi lang sila basta nahawi lang. Dahil sa marahas na hangin ay napupugot ang kanila ulo, napuputol ang kanilang kamay, at worst of all napipisa sila.
"Headmistress!" Hiyaw sa galak ni Haruko.
"Oh ghad thanks! Reinforcement!" Segunda ni Ericka na siya pa ang unang tumakbo papasok sa school.
The barrier is already fixed, ito siguro ang inuna ni headmistress bago siya pumunta rito.
Nang mapawi na ang hangin ay nanatiling nakatayo si headmistress sa gitna at may dalawang kilometro ang layo ng mga Walking Corpse sa kanya. That two kilometers were filled with enemies a while ago, pero nahawi sila dahil sa pag landing kanina ni Esmeralda.
She's not using her signature glasses, kaya siguro pinapalayo niya kami.
"Help the injured students in the infirmary, Samantha ang Ligue!" Utos ni great mage Amaro na nasa likod pala ni Esmeralda. Sabay pala silang nag landing kanina.
"Zodiacs, let the adults handle this situation!" Utos naman ni Mis Siona na ngayon ay may hawak na whip na gawa sa kidlat.
"Yeah! Watch and learn, kids!" Nakangising wika ni Mis Rubi. She's not holding anything. Nakapamulsa lang ito habang prenteng naglalakad. Pero nang may tumakbong Walking Corpse patungo sa kanya ay kaagad itong napisa. She only raised her hands, nothing else she did.
"Show off!" Bulalas ni Sir Gerg na nasa himpapawid sakay ng isang sandata niya. "Let's finish this quickly!"
"Pumasok na kayo sa barrier, Zodiacs!" Muling utos ni Amaro.
Averill who was on the other side even heard what Amaro said at sumunod kaagad na walang imik. Ni wala ring emosyon sa kanyang mukha, pero hindi nakatakas sa aking mata ang pasimpleng tingin na ginawa niya sa direksyon kung nasaan si Kamala. Ilang segundo rin napukol ang kanyang tingin sa dalaga bago nagpasyang pumasok sa barrier.
"Let's go!" Tawag ko sa iba.
When all of us were already inside the barrier, Samantha and Ligue quickly went to the infirmary, the rest were just watching the scene outside.
Headmistress Esmeralda was using her Absolute Command, since the Walking Corpse could still hear and still have brain. Hindi namin alam kung ano ang inutos nito but later on the Walking Corpse began to kill each other. Biting each other.
On the other side, the great mage Amaro who was riding his sword, is summoning talismans. He's also making some black mist na kapag nadikit sa kalaban ay mangingisay ito at nalalanta. It looks like he's sucking all that is left of the body of his opponent. Sir Greg did a sword summoning. He summoned hundreds of swords and charged them towards the enemy. Hindi siya pumanaog. He was up there, just gesturing his hands and control the swords he summoned. Mis Rubi on the other hand is also doing hand gestures. Not a single enemy could go near her, because the moment they tried to attack her they were split into two or worst they were crushed, before they could touched her. Her hand gestures is not just gestures, she's doing blood control, which was so creepy to watch. Sa kabilang banda naman, si Mis Siona, ay abala sa paghampas sa kanyang latigo na gawa sa kidlat. Ang mga Walking Corpse na natatamaan niya ay kaagad na nagiging abo.
"The miasma is slowly fading away," sabi ni Belenda na katabi ko lang.
"Don't let it escape, Amaro!" Biglang sigaw ni Esmeralda and seconds later nakita na lang namin si Amaro na lumipad patungo sa nilalang na kanina pa naroroon.
Pero dahil masyado silang malayo ay hindi namin halos makita kung ano ang nagaganap sa ibabaw. What we could only see are the glowing colors coming from the both them. They're fighting, of course, pero hindi sila nag la-landing sa lupa at nanatili lamang sila sa himpapawid.
"Esmeralda, kami na rito!" Sigaw ni Mis Rubi kay headmistress ngunit bago pa man makalipad ito ay nabulagta na si Amaro sa lupa. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi namin alam kung papaano siya napunta sa ganoong sitwasyon. Puno ng sugat ito at may dugo na rin na lumalabas sa kanyang bibig.
Sobrang lakas ba nito na kahit ang katulad ni Amaro ay natalo niya?
"Amaro, ayos ka lang ba?"
Dahan-dahan ang pagtayo ni Amaro habang sapo ang kanyang tagiliran. I saw how he smirked while giving baleful stares to the creature above. Dumura ito ng dugo saka natawa ng marahan.
"What was it?" Tanong sa kanya ni Esmeralda. "Was that Vien?"
Nang tumingin ako muli sa ibabaw ay nawala na ang nilalang at ang mga Walking Corpse ay bigla-bigla na lamang natumba. So it was that creature who's controlling them?
Seeing the scene outside the barrier, all of us come close to the teachers. Humarap naman sila sa amin na seryoso ang mga mukha.
"Seems like the old enemies are moving their asses as well, Esmeralda." Malamig ang pananalita ni Amaro na tila may natuklasan na hindi inaasahan.
"Are they after the portal as well?"
"Headmistress! Great mage Amaro! May dapat po ba kaming malaman? Today's attack, was not just a simple attack. Right?" Singit ni Luis na may nagtatanong na mukha.
The two didn't speak only breathing heavily as if they'd been bombarded by a sudden surge of information. Kaya mas lumobo ang pagtatanong namin.
"Bumalik na kayo sa dorm ninyo, Zodiacs. Let the teachers handle this one. Ipapatawag namin kayo kapag may ideya na kami. For now huwag muna kayong lumabas sa barrier. Dismiss!"
Kahit na sobrang dami pa naming tanong ay wala na kaming nagawa dahil kusang naglaho si Esmeralda sa aming harapan, gano'n din ang iba pa.
"Wow! Tayo yung nakipagbakbakan pero hindi man lang nila tayo binigyan ng kahit katiting na impormasyon?" Samuel, na masamang tumingin sa area kung nasaan nakatayo sina Amaro kanina.
"I'm sure narinig ko na tinawag ni headmistress ang nilalang na iyon na Vien."
Everyone heard that. I balled my first. As of now wala kaming magagawa bukod sa sundin ang utos ni headmistress. I'm sure sasabihan din nila kami kapag may naisip na silang dahilan. Sana lang ay buo ang sasabihin nila.
"Let's go!"
"Hahayaan mo lang sila Torin?" Gulat na tanong sa akin ni Cali. "What we encountered today isn't normal. There's a possibility na may deeper reason behind why that creature suddenly attacked the school!"
I know.
Pumikit ako at kinalma ang sarili. Ayoko talaga sa lahat ay ang maraming iniisip. Alam kong hindi na naman ako makakatulog mamaya dahil sa nangyari.
"Don't worry, malalaman at malalaman natin ang dahilan." Malamig na sabi ko at nauna nang naglakad patungo sa dorm.
Ever since I stayed in Astar Academy there was no days na hindi ako nakakaramdam ng kakaiba mula sa head ng school. Esmeralda, Rubi, Gerg, Siona, and most especially Amaro. Pero wala akong nakuhang dahilan kung bakit ito ang nararamdaman ko kaya naisip ko na siguro dahil sa lakas ng presensya nila ay nami-misinterpret ko sila. But todays event made me wonder again, about the heads.
May hindi pa sila sinasabi sa amin at tungkol ito sa nagdaang digmaan.
-BM-
Thank you for reading this part!
Don't forget to vote and comment! Have a great day ahead!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro