10. The Banquet
Luis the Aries
Gago talaga ang Averill na iyon. Pinaulan niya kagabi at mukhang nasobrahan dahil pati sa loob ng dorm ay pinaulan niya rin, mabuti na lang talaga at walang nabasang gamit sa loob. Sabik na sabik pa naman ako sa mga pagkain pero hindi natuloy ang hapunan namin dahil sa ginawa niya. Kaya lahat kami ngayon ay gutom.
"Kailan ba magsisimula ang banquet? Gutom na gutom na ako!" Atungal ni Samuel na katabi ni Haruko na nakahilata sa lapag.
"Asan ba ang Averill na iyon ha? This is all his fault!" Pasigaw na tanong ni Samantha na nakatayo malapit sa sofa kung nasaan si Ligue. Hindi na nito itinago ang tunay na nararamdaman para sa binata, nararamdamang galit.
"Nakita ko siyang lumabas kanina, baka nasa garden na naman 'yun," sagot ni Torin na prenteng nakaupo sa sofa katabi si Kamala na nakapikit.
Si Averill lang ang wala rito sa loob, pero lahat kami ay nakahanda na para sa banquet na magaganap ngayong umaga. Present ang anim na leader ng anim na siyudad.
Napadako ang mga mata ko sa babaeng malapit kay Samantha. I've heard that she's a princess. Ang nag-iisang prinsesa ng Semidia. Well, maganda naman siya. Maputi ang balat nito na tela kakulay nang niyebe. Mahaba ang kanyang buhok na kakulay nang mga mata niyang kulay brown. Mahahaba rin ang pilikmata niya. Makapal ang dalawang kilay nitong perpekto ang arko. Matangos ang ilong. Manipis na mga labi at higit sa lahat...matangkad.
Napangisi ako sa nakikita. I'm currently investigating her looks right now. Hindi naman niya ako napansin dahil abala siya sa pakikipag-usap kay Samantha. Actually all the girls are talking right now. Sila kasi ang nakaupo sa sofa habang kaming mga boys naman ay nasa sahig.
"They're dominating the sala." Bulong ni Cali na katabi ko. "Look, hindi man lang sila nag abala na paupuin tayo sa sofa bagkus ay busy sila ngayon sa pakikipag chismis. Tsk! Tsk! Girls!"
"Tang'na, Cali nagmamaktol ka ba?" Usisa ni Samuel na sumilip pa sa nakahalukipkip na mukha ng katabi ko. "Hindi bagay, dude!"
"Hindi, masaya ako ngayon dahil imbis na sa sofa ako maupo ay heto't nagtitiis sa matigas na marmol na sahig. Okay lang ako, brod. Don't mind me. Malalagpasan ko lang ito. Isa lamang itong pagsubok ng aking buhay."
Tuluyan na nga itong nag drama sa gilid. Yakap nito ang dalawang tuhod habang nakamasid sa harapan gamit ang masamang tingin. Pareho na lang kami ni Samuel na napa iling sa tinuran nito.
"Grabe ang tagal!" Atungaw ni Zahana at tumanyo tapos tinungo ang pinto ng dorm para buksan. Saktong pag bukas niya sa pinto ay humangin ng malakas at pumasok sa loob ng dorm kaya sabay-sabay kaming nanginig sa ginaw.
"What the..naglalaro ba ngayon si Averill?"
"No, it's autumn already."
Tila may namuong tensyon sa loob ng dorm nang sabihin ito ni Zahara. Lahat kami ay umayos ng upo, even Ligue ay nakuha kaagad kung bakit kami nagkaganito.
"Wew! Calm down, guys! Easy lang kayo! Kakasimula lang ng autumn so meaning hindi tayo mahihirapan sa ensayo natin dahil malamig ang buong paligid." Pagpapagaan ni Haruko.
Napabuga na lamang ako ng hangin. Kahit ano pa mang paraan ang gawin namin ay hinding-hindi na mababago ang nakatadhana para sa amin. We all read the versions of every books written by different authors in this nation. Kahit iba-iba ang author ay magkapareho lang ang kahihinatnan ng bawat kwento nila.
Walang nakaligtas sa kanila dahil ibinuwis nila ang kanilang buhay upang maisarado ang tarangkahan.
"Tsk! Ang ne-nega niyo naman! Sobrang aga pa oh!"
"Let's not think about that. Sa ngayon ay pagtuonan muna natin ng pansin ang mga nagaganap sa kasalukuyan," segunda ni Ericka at tinignan kami isa-isa.
"I maybe the last who came at hindi ko pa kayo gaanong nakilala pa ng lubusan. But the moment I accepted my destiny, I also promised to myself that I have to survive. We will survive and together we will bring peace in the world."
Natahimik kaming lahat. Unang nakabawi ay si Samantha na niyakap si Ligue. Alam kong natatakot sila sa magiging sukdulan ng lahat na ito, gano'n din kasi ang nararamdaman ko.
"We will do this together, Zodiacs!" Sigaw bigla ni Haruko at hinila si Cali patayo at itinaas ang mga kamay nila.
"Guys, nandito na ang sundo natin." Imporma ni Zahara at ito ang naging hudyat upang tumayo kaming lahat at tinungo ang labas.
*****•*****
Haruko the Cancer
Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa gitnang bahagi ng eskwelahan. Sa gitna kasi ng school namin ay may malaking open space at dito palaging ginaganap ang banquet. I'm so excited for the foods na ihahain nila ngayon. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako sasali ngayon. Tapos may isa pa akong inaabangan.
"Grr... ang ginaw putcha!" Rinig kong sabi ni Samantha na nasa harapan ko.
Lahat kami ay nakasuot ng kulay puting roba at ang inner cloth ay puti rin. Ang natatanging hindi puti lang sa suot namin ay ang tela na nagsisilbing belt, kulay asul kasi ito. Kahit nga sapin sa paa ay puti rin.
Wala ring kaso sa amin dahil hindi naman kami naglalaba. Pagdating namin sa venue ay kailangan naming maglakad sa gitna, iyon ang daan patungo sa aming seat na nasa harapan ng hari ng Astar. Nakaupo ito ngayon sa isang malaking upuan na gawa sa kahoy. Mas angat ang pwesto niya, tanda na mas mataas ang kapangyarihan niya sa aming lahat. He's the Emperor to be exact.
Ang representative naman ng anim na siyudad ay nasa gilid lang namin pero may isang metro ang layo nila. Sa kabilang gilid naman namin ay naroon sina Esmeralda.
Bago kami umupo ay nagbigay galang muna kami sa Emperor sa pamamagitan ng pagyuko ng aming ulo. Sa ibabang pwesto niya ay naroroon ang konseho na kanina pa nagbabaga ang tingin sa amin. We really don't know why the council doesn't like us. Simula pa talaga ito noong una pa lang. Ayaw nilang tipunin ang Zodiacs at base sa kanila ay magagawa namang mapuksa ang itim na nilalang gamit ang indibidwal na kakayahan. They don't believe us. The power we hold is nonsense to them.
May platform sa gitnang bahagi kung saan sasayaw ang mga dancer na binayaran nila para sa banquet na ito.
"Hey, Ligue papa mo ba 'yan?" Usisa ni Ericka na kinalabit pa talaga si Ligue na nasa harapan niya. May tinuro siyang lalaki na agad ko ring tinignan.
"Ah..o-oo."
Para talaga itong tanga si Ericka. Alam naman niyang may dugong bughaw si Ligue, nagtatanong pa eh. Timang talaga!
Pagkaupo namin ay nagsimula na ang sayaw sa gitna, pero wala roon ang buong atensyon ko. Nakahain na rin kasi ang mga pagkain sa mga mesa namin. Tila ba may tumutulong laway sa gilid ng labi ko dahil sa ganda ng view sa aking harapan.
Naguumapaw sa karne ang lamesa ko.
"Excuse me," biglang pigil ni Averill sa babaeng naghatid sa kanya ng pagkain. Namula pa ang babae nang tignan siya ng seryoso nito. Sabagay, gwapo naman kasi itong kaibigan namin eh.
"B-bakit p-po? Hindi n-niyo po ba gu-gusto ang lasa?" Nagkanda-utal-utal pa siya at hindi makatingin ng diretso kay Averill.
Hayy! Ang hirap talaga maging gwapo. Tsk. Tsk. Nakita kong tinuro ni Averill ang lamesa niya na puro karne ang laman ng bawat plato. "Did headmistress prepared for some non-meat food for the banquet?" Malamig na tanong nito at tila natakot na sa kanya ang babae.
"A..ahmm iku-ikukuha ko po ka...kayo."
Ayon lang sinabi nito at dali-daling kinuha ang mga pagkain na kakalapag niya lang sa mesa ni Averill at nagmamadaling umalis.
"Tinakot mo naman yata, bro!" Bulong ko. Magkatabi lang din kasi kami kaya kita ko ang nangyayari. I thought sasagot siya pero nagkibit-balikat lang ito. Abnormal talaga.
Pagbalik nong babae ay may dala na itong pagkain na puro damo. Ewan ko nga lang nakakain ba ang mga dala niya.
"Thank you." Ani nito sa mababang boses.
"What are you? A goat?" Naibulalas ko na alam kong narinig niya. Kinabahan pa ako ng husto dahil dahan-dahan niya akong nilingon. Mukhang nagalit ko yata ang abnormal sa Zodiacs. Nang magkatinginan kami at inunahan ko na siya, sinamaan ko siya ng tingin sabay iwas at subo sa hita ng manok.
Hmm..ang sarap talaga. Marahan lang ang pagnguya ko dahil gusto kong lasapin nang dahan-dahan ang bawat pagkain. Lechon manok, fried chicken, pork filled with soy sauce and vinegar, at grilled chicken.
Ahhh! Hmmm! Ang sarap talaga! Napapapikit pa ako sa sarap ng lechon.
"Tsk!" Rinig ko sa kabilang gilid ko. Alam ko na kung sino kaya hindi ko na nilingon pa.
Kasabay ng paghinto ng kanta at sayaw ay naubos ko ang buong lechong manok. Pero hindi pa ako busog. Kukuha na sana ako ng fried chicken nang biglang tinawag ako ng Emperador.
"Haruko!" Marahan ang pagtawag niya sa akin kaya agad akong tumayo. "Hindi mo na kailangan tumayo," dahil sa sinabi niya ay bumalik ako sa pagkaka-upo. Nakarinig naman ako na parang may nabaling kahoy sa gilid ko. Paglingon ko upang tignan kung ano 'yun ay si Samantha ang bumungad sa aking paningin na nag-aapoy ang mga mata.
"Did you enjoy the food?" Tanong ng emperor sa akin. Ngumisi ako at nag thumbs up.
"Solid po talaga ang mga pagkain kapag ganitong banquet, kamahalan!" Kaswal na sabi ko habang tumatawa. Nakita ko naman siyang tumango.
"Dimwit!" Pabulong na tawag sa akin ni Samantha pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya riyan.
"Thanks to headmistress Esmeralda, everyone are enjoying their food."
Marahan akong tumango bilang pag sang-ayon sa sinabi nito kahit na wala naman akong narinig. Basta may sinabi lang siya.
"Anyway, let's talk about the sightings of the demons while eating." Suggest nito na hindi naman pwedeng hindian.
Si headmistress na ang kumausap sa emperador at sinabi niya rito ang mga sinabi namin kahapon sa meeting. Including the mission na binigay nito kila Averill at Kamala.
"That's all, your highness."
Hindi pa nagsalita ang emperador ay sumingit na ang iilan sa council.
"Isang taon na ang lumipas pero hindi ninyo pa rin nahahanap ang tarangkahan!" Maanghang na wika ng isa sa kanila habang isa-isa kaming tinitignan na may nayayamot na mukha.
Hindi talaga bilib ang council sa amin. Hindi rin namin alam ang rason. Minamaliit nila ang kakayahan ng bawat isa sa amin. They also don't recognize our position as someone who will risk their lives for the future.
"Kung hinayaan mo na lang na kami na gumawa, Esmeralda ay baka alam na natin kung saang parte nakasilyo ang tarangkahan ngayon at mas napaaga pa ang pag puksa sa mga kalaban."
Tignan mo nga naman oh! Masyado talaga silang bilib sa kanilang sarili. Tunay naman na makapangyarihan ang council, pero hindi uubra iyan kay Esmeralda.
Isang ngisi ang naglalaro sa aking mukha. Nakalimutan na yata ng council na isa si headmistress sa kumalaban sa mga nilalang na iyon noong nagdaang digmaan. Masyado nila itong minamaliit gayong missing in action ang buong council noon. Oo matanda na si Esmeralda, ngunit hindi man lang humina ang mga abilidad niya bagkus ay mas lumakas pa ito lalo.
Nakita ko na bahagyang inayos ni headmistress nang tumabingi ang kanyang salamin.
"Ngunit kahit na mahanap natin ng maaga ang tarangkahan ay hindi pa rin mangyayari ang labanan," singit ni Amaro na kanina pa hindi natatanggal ang ngiti sa mga labi. Baka masarap ang pagkain niya. Ano kayang nakahain sa kanyang lamesa?
"Magsisimula ang labanan sampung buwan mula ngayon at kakasimula pa lang ng taglagas, Filar."
"Tch! Alam naming makapangyarihan ka, Amaro subalit hindi lahat ay alam mo! May mga bagay pa rin na hindi saklaw ng iyong kapangyarihan!"
Inilibot ko ang aking paningin habang nginunguya ang parte ng karne na kinain ko kanina. Nakikinig lang ang bawat lider ng mga nasyon na naririto at ang iilang kasamahan nila Esmeralda at Amaro ay tahimik lang na kumakain. Ang ibang kasamahan ko naman ay nakatingin sa harapan, particularly to Filar.
Alam ko naiinis din sila rito dahil kapansin-pansin ang emosyon na nakikita ko sa mga mukha nila. Lalo na si Samantha na nasa gilid ko lang. Kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong at tenga niya hahaha.
Mas nag tagal ang mga mata ko sa hitsura nito. Nakapokus lang ang masamang tingin niya sa harapan habang bahagyang naka angat ang gilid ng kanyang labi. Hinuha ko ay pinapatay na niya sa kanyang isipan si Filar. May hawak din siyang chopsticks na kanina pa yata nabali dahil sa higpit nang hawak niya. Wala ring bawas ang pagkain na nasa kanyang lamesa.
Marahan na lamang akong napabuntong hininga. Mas inuuna pa nito ang inis kaysa kumain. Minsan lang magpakain ang emperor kaya hindi pwedeng palagpasin ang mga ganitong minsan lang.
"Psst!" Tawag ko sa atensyon nito. Mata lang pinagalaw niya kaya natakot kaagad ako. May isang butil pa nga ng pawis ang tumulo sa gilid ng ulo ko dahil sa takot. Ang weird talaga ng babaeng ito!
Tumaas ang isang kilay niya, nagtatanong siguro kung bakit ko siya tinawag. Pa simple kong tinuro ang pagkain niya gamit ang hawak kong chopsticks. "Eat!" Bulong ko.
Nag-isang linya lang ang kilay nito at bumalik ang atensyon sa harapan. Tsk! Tigas ng ulo.
Kumuha ako ng isang buto ng lotus at ibinato sa kanya kaya muli na naman siyang tumingin sa gawi ko. Tulad kanina ay mata niya lamang ang pinagalaw niya. Sana sumakit leeg nito.
"Eat!" Sabi ko habang nilalakihan siya ng mata pero hindi rin natinag sa huli, bagkus ay inirapan lang niya ako.
Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ito! Gusto pa nga niya yata na subuan ko siya.
Ahh!
Tila nagkaroon ng bombilya sa ibabaw ng aking ulo habang isang ngiti naman ang naglalaro sa aking labi.
Gamit ang sariling chopsticks ay kumuha ako ng kanin at lihim na umusog sa kanya saka walang pagdadalawang-isip na inilapit ito sa bibig niya. Nakita ko naman ang gulat sa kanyang mukha habang nakatingin sa kamay kong may hawak na chopsticks at may kanin sa dulo.
"Eat!" Gigil na wika ko.
Don't tell me iirapan na naman niya ako? Nakatingin na ito sa akin na may masamang aura.
"Gago ka b—"
Hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil sinubo ko na ang kanin sa bibig nito. Hindi kaagad ito nakapag react kaya kinuha ko itong chance para subuan ulit siya ng kanin. Umusog na ako sa kanya at hawak ko na rin ang bowl ng kanin niya habang nakangisi. Nakita ko kasi na ngumunguya siya.
Pero saglit lang dahil narealize na niya ang ginawa ko.
Hehehe
"What the heck!" Rinig kong bulong nito at masama akong tinignan. "What the hell are you doing, dimwit!?" Sigaw niya at napansin ko kaagad ang ugat nito sa gilid ng ulo.
Patay! Nagalit yata.
"Oops! Sorry! Hindi ka kasi kumakain kaya naisipan kong subuang ka. Hehe!" Kiming sabi ko at dahan dahan na bumabalik sa aking puwesto.
Akala ko makakatakas na ako sa galit niya pero hindi pala. Kahit nakatalikod ako ay ramdam ko ang kamay nitong paparating sa aking likod kaya tumayo ako kaagad upang makalayo sa kanya.
"Haruko! You bastard!" Sigaw nito at nang tignan ko siya ay pulang pula na ang kanyang mukha. Nahihiya siguro kasi maraming nakakita?
"Hey! Sorry na okay? Ikaw na nga itong sinubuan eh!" Maktol ko pero hindi na siya nakinig. Tumayo ito na may madilim na mukha at pasugod sa akin. Wala akong choice kung hindi ang tumakbo papalayo.
"Waaahhhhh!" Sigaw ko nang nagsimula na siyang tumakbo patungo sa akin. "Waaaahhhhhh!"
Naghahanap ako ng pwedeng mataguan pero wala akong mahanap kaya takbo lang ako nang takbo. Pero nasa likod ko lang siya. Takte! Nagalit ko nga yata ang dragon!
Pa ikot ang naging takbo ko. Hindi naman ako lumalayo pero dahil sa suot kong roba ay natatamaan ko ang mga pagkain sa lamesa nila. Kaya may mga pagkain na nahuhulog at mga bowl na nababasag. Gumagawa rin ito ng ingay.
"I'm going to burn you, bastard!" Sigaw nito at nang tignan ko siya ay may asul na apoy na paparating sa akin. Awtomatikong umilag ako, kung hindi ako iilag ay sa akin ito tatama, saktong sa likod ko ay naroon si Averill na walang paki sa nangyayari.
"Averill!" Sigaw ko, akala ko tatama sa kanya pero hindi. Nakagawa ito kaagad ng barrier at doon tumama ang apoy. Napanatag naman ang loob ko dahil walang nasaktan. I was about to run again dahil nagsisimula na namang habulin ako ni Samantha nang biglang may boses na umalingawngaw sa buong paligid.
"ENOUGH!"
Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko magawang igalaw ang aking katawan at tanging mga mata ko lang ang naigagalaw ko. Para bang may pumipigil sa akin na isang malaking kamay at unti-unti akong pinipiga.
S-shit! Alam ko ang pakiramdam na 'to.
"Tsk! Tsk! Tsk! You really have to discipline your students, Esmeralda. How bold, sa harapan pa ng emperador! Huh! Walang galang!"
The fuck! I totally forgot nasa banquet pala kami.
"You dimwit!" Rinig kong nanggagalaiting bulong ni Samantha na mukha tulad ko rin ay hindi makagalaw. Tumawa lang ako ng pilit at nagbaba ng tingin.
Patay ako kay tanda nito.
"They are still young, Filar and it's normal," ito ang sinabi ni headmistress na ikinatigil ko. Pulido ang boses na ginamit nito at alam kong nakangisi siya ngayon. Segundo ang dumaan at naramdaman ko na ang pagkawala ng kanyang kapangyarihan. "Sit down, you two." Utos niya sa amin ni Samantha na kaagad din naming sinunod.
Kinabahan ako ro'n. Akala ko magagalit ng sobra si headmistress. Nang makabalik ako ng upo ay narinig namin ang mahinang tawa ng emperor. No one dared to talk nor ask why he suddenly laughed.
Kiniliti siguro no'ng taong nasa gilid niya.
"'Wag masyadong strikto sa mga bata, Filar. Kahit na may mabigat silang tungkulin ay natural lang na maging pilyo sila minsan. Ayokong pagkaitan natin sila ng kalayaan kaya hayaan mo ang mga bata."
Pssh! Sino'ng bata ang tinutukoy niya? I was about to ask that to him, pero tila hindi ko maibuka ang aking bibig. Lumingon ako kay Samantha na seryoso nakatingin sa kanyang lamesa habang ngumunguya. Hindi siya ang may gawa niyo sa'kin.
"Serves you right." Wika nito at tumingin sa akin na may suot na ngiti. "Napuno na si headmistress sa'yo."
Ahhh...akala ko ba hindi siya galit? Tsk!
"Sana lang ay hindi nila makalimutan ang dahilan kung bakit nandito sila ngayon."
"Tsk! Let's get back to the topic, shall we? We're wasting our time fighting with each other when in fact we're on the same side. We all want to defeat the enemy so we have to help each other in this crisis."
Iyon ang naging hudyat upang tumigil si Filar sa pagiging kontrabida. Alam naman kasi nito na siya ang pinapatamaan ng lider ng Caro. Akala
"Let's continue."
-BM-
Thank you for reading this part!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro