Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

30

CHAPTER THIRTY

Lucho

KANINA pa hindi maalis sa labi ko ang ngiti dahil sa mga binabasa ko na note galing kay Audrey. Maaga siya umalis para dumalo sa isang book signing event ng CPPI ngayon sa Pasay. Hindi na siya nag-abala pa na gambalain ako kahit pwede ko naman siyang ihatid doon. Tulog pa kami ni Amelié ng umalis siya at tanging mga note na lamang niya ang naabutan namin.

"What did Audrey cook for us, Papa?" tanong ni Amelié sa akin.

Lumakad ako palapit sa lamesa at dinampot ang note ni Audrey na nakadikit sa food cover tent. "Hm, vegetable salad for me and pancakes for you," tugon ko sa aking anak. "Have a seat now and let's eat." Utos ko pa sa kanya saka muling tinupi ang food net na hawak ko.

"Are we going to surprise Audrey at her book signing event?"

"How did you know about that, little miss?"

"It's written there!"

Tinuro ni Amelié ang kalendaryo ni Audrey na nakadikit sa pintuan ng home office ko. Magaling na lalo bumasa itong anak ko ngayon at handang-handa na talaga siya sa pagpasok sa school sa susunod na taon. Sa nasabing kalendaryo ang bawat schedule dito sa bahay gaya ng pagpunta ng tiga-linis, schedule ng pick up ng basura sa labas at pati mga bills nilagay na din doon ni Audrey.

Hindi naman organized si Audrey dati at ang sabi niya nahawa siya sa akin. Isa pang dahilan ay noong ma-operahan ako at may posibilidad na magkaroon ng amnesia. Audrey literary labelled everything for my convenience. Inipon ko lang lahat ng notes niya para sa akin sa isang garapon na nasa kwarto namin.

"What do you think? Shall we?" tanong ko kay Amelié.

"Yes!"

"Finish that, then prepare yourself after." Alam na ni Amelié kung paano maligo mag-isa ngunit may mga araw na gusto niyang pinaliliguan siya ni Audrey. It's definitely not today since my girlfriend is working outside. "Amelié, what do you think of me marrying Audrey?"

"Hm, it's okay for me since she came first to your life, then I happened."

"Your mom came first,"

"It's in the past now, Papa. Audrey is your present," Amelié then smiled at me. Ngumiti din ako sa kanya at matamang pinanood siyang kumain.

Hindi ko inasahan ang sagot na iyon ni Amelié. Matalino talaga ang bata na ito at kailangan lang na gabayan maigi upang magamit sa tama ang lahat.

"Will help me propose to her?"

"Sure!"

Hindi ko pa alam kung paano pero mas importante na bumili muna ako ng singsing. Mabilis na kasi ang mag-alok ng kasal kapag tama ang oras at pagkakataon kaya mas maigi na handa ako. Doon muna kami pupunta ni Amelié sa bilihan ng engagement ring bago ko sila siya ayain na kumain sa labas.

That's my plan and I hope emergency circumstances ruined it. Kailangan ko ipakita na suportado ko si Audrey sa bawat achievement na meron siya. I also want to be there in every milestone she reached. Dati akala ko sapat na pakasalan ko lang ang babaeng napupusuan ko. Ngayon napagtanto ko na mas importante ang stability sa isang relasyon.

You can be with anyone for a long but still, feel incomplete. And being with someone for a short period feel different. There's no comparison intended. I found stability and a deeper connection with Audrey, completed all at once. With her, I find home finally.

"THANK YOU!" Iyon ang masiglang sabi ni Audrey na narinig sa dalawang babae na nasa aking unahan kanina. "Hi!" She greeted me with same amount of joy she gave to the last readers before me. "Your name please?"

Ngumiti ako at marahang pinatong sa lamesa niya ang paborito niyang timpla ng kape saka tinapay.

"Just put 'Babe' then add some short message in it, please?" sambit ko pagka-abot sa kanya ng libro na binili ko.

Audrey chuckled upon hearing my request. "What are you? The piglet in the city?"

Natawa ako sa tanong niya. I remember that show and we chose watching that instead of the Avengers series. I waited in a long queue of Audrey's readers since I don't want to use my special card for this event. Hindi naman ako nasaktan ng matagal na paghihintay na makita siya at makausap ng ganito. Nagamit ko ang koneksyon ko para kay Amelié na nasa editor's booth ngayon kasama ni Vanessa at Baninay.

"I'm yours to keep, Ms. Writer," I said which made her blushed a bit. Narinig ng katabi niyang writers ang banat ko at bahagya pa nagulat ang mga ito nang makilala ko. Titili na dapat sila pero napigilan ko lang agad at tahimik na kinalma ang mga katabi ni Audrey. "Do you want to go out with me tonight?"

"Uhm, sorry, I can't. I have a company dinner after this, but your offer sounds tempting, Mr. Editor... Babe."

I chuckled.

"Fine. I'll just see you after this," I said, winking at her after picking up my book that she signed. Impit na napatili ang lahat dahil sa ginawa ko dahilan upang ma-curious ang ilang readers na nakapila.

Malapit na ako sa booth ng mga editor ng mapansin ko na may note na nakadikit sa librong pinirmahan ni Audrey. Kumunot ang noo ko at aktong bubuksan na sana iyon ngunit hindi ko natuloy nang tawagin ako ni Gerold.

"Join us later after this event, Lucho," Gerold said when I reached his spot.

"Libre ba ni Lucho ang company dinner mamaya?" Kantyaw ni Vanessa sa akin. Napatingin ako sa mga staff na naghihintay ng aking sagot.

"It's salary deduction." Umirap si Vanessa pagkasabi ko noon habang ang iba ay nagbalikan sa kani-kanilang ginagawa. "I'm unemployed right now so ask your boss to treat you guys,"

"Dalawa kayong boss dito, Lucho," ani Baninay saka tinuro kaming dalawa ni Gerold.

Tinapik ko ang balikat ni Gerold ng ilang beses bago nilapitan si Amelié.

"Did Audrey signed your book, Papa?" tanong niya na sinagot ko naman ng tango. "Can I see it?" Hinayaan ko ang anak ko na buksan iyon at agad na bumungad sa amin ang mga salitang sinulat doon ni Audrey. "Did she doddled on your book copy, Papa?"

Ngumiti ako. "No, it's more than that, honey. Can I have it back? I'm going to put something in it, and later, I want you to deliver it to her, okay?"

When my daughter nodded, I immediately pulled out the ring I bought earlier. Nilagay ko iyon sa loob ng isang tissue saka inipit sa mismong libro. Doon sa pahina kung saan sinulat ni Audrey ang mga salitang magpakasal kaming dalawa. Hindi ko sukat akalain na kukunekta sa isip ko sa isip niya. It still amaze me that my girlfriend wanted us to get marry now.

Hindi ko na dapat pang palagpasin ang pagkakataon na meron ako ngayon.

DINNER HAPPENED and we decided to have it in a famous buffet restaurant in San Juan. Recommended ito ng mga artista at personal pa kaming kinausap ni Gerold ng may-ari noon kanina. He's thanking us for including his restaurant in the movie that CPPI and me producing. Instant business promotion din kasi kahit break up scene ang nakunan dito noong nakaraan.

"Hi everyone!" Bati na pumukaw sa aming mga editor at excutives CPPI.

It was Sera and she immediately took the seat beside me. Umalis na kasi Amelié bitbit iyong libro na pinabigay ko kay Audrey. Nakahiwalay ang mga writers sa amin kaya hindi kaming magkatabing dalawa ng aking girlfriend. Sera received a neutral reactions from the rest of my team even if I'm not working at CPPI currently. I'm still resting while helping Audrey to finish her new project.

"Why are you here?" tanong ko agad.

"I came in with my workmates today. We occupied the outside spot. I saw some familiar faces at the buffet table. Then, I concluded you're here, and I was right!" Mahaba niyang paliwanag sa akin.

Isang tili ang pumukaw sa amin ulit at nanggaling iyon sa lamesa nina Audrey.

That's my cue now.

"I need to do something, Sera, but it was nice seeing you here," I said, then stood up.

"Wait, Antonio, can we talk?"

"I can't, I'm sorry." Agad ako lumapit kay Audrey saka kinuha ang singsing na hawak niya at lumuhod sa kanyang harapan. "You asked me first and I think a ring will complete the proposal you've started."

"Are you sure about this?" tanong niya sa akin.

"I'm more than one hundred percent sure about this, Ms. Writer," I answered with a smile. "So, will you take the next life journey with my daughter and me?"

"Yes!" she replied,

"Will you marry me, Ms. Writer?" tanong ko ulit.

"Yes!" She replied again then hugged me. "Marry me, Mr. Editor," umiiyak niyang bulong sa tainga ko. Bahagya ko kinalas ang yakap niya at sinuot na ang singsing sa kanyang kamay.

Nagpalakpakan ang lahat bukod kay Sera na basta na lang tumalikod matapos makita ang eksena na ginawa namin ni Audrey. Hindi ko na masyado siyang pinagtuunan ng pansin dahil matagal ng tapos ang lahat sa amin. I may proposed twice before but this proposal Audrey and I pulled was a lot more genuine. I never been this sure before.

Noon nag-iisip pa ako pagkatapos ng mag-propose, ngayon iba. I instantly imagined everything in my head. From the wedding down to the family that I am bound to build with Audrey. Iba talaga ang meron kami ni Audrey sa mga dati kong relasyon muli, sasabihin ko na sa wakas natagpuan ko na rin ang nag-iisang sagot sa aking mga dasal.

The wrong diagnosis, the canceled 100 days agreement, the doubts, and everything led our hearts to the right - no, it's the right moment, and she's the right one to love for me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro