26
CHAPTER TWENTY-SIX
Audrey
MATAMA ko pinagmasdan si Amelié na tila spy na nakatago sa halamanan at nakatingin sa kabilang bahay. Iyong bahay na katapat nitong bahay ni Lucho ang tinitingnan niya. Amelié hid when someone walk out the door, slowly revealing herself as the young walks fast away from their house.
"Nasaan si Ms. Kulit?" Tinuro ko si Amelié nang hanapin ni Lucho sa akin. "What is she doing there?"
"I think he likes the neighbour next door's son. The tall one, Moreno, and the handsome young man,"
"Anong alam niya sa like-like?" Hindi ko maiwasang matawa bigla matapos marinig ang sinabi ni Lucho. Palibhasa ay gumugulong na ang pag-a-ampon niya kay Ameliè kaya nagiging OA na sa pagprotekta. "She's only nine years old, turning ten next year."
"Amelié!" tawag ko sa bata at agad naman ito lumabas sa halamanan. Patakbo itong lumapit sa amin ni Lucho. "There's leaf in your hair," ani ko saka inalis na iyon.
"Thanks!" sambit naman ni Amelié
"What are you doing there?" Hindi na naiwasan ni Lucho magtanong ngunit bago pa makasagot ang bata ay inaya ko na silang umalis. Masyadong protective ang isang ito at nalimutan na ayos lang magkagusto basta alam ang hangganan. "Audrey, when I say run, you'll get Amelié and we will go away from my mom's house."
"Bakit?" tanong ko.
"Invited lahat ng kamag-anak namin, mula sa pinsan ni Mama hanggang sa second cousin niya. Bilang solong anak niya, obligado ako na sagutin ang mga tanong nila. Alam mo nang hindi maganda ang outcome ng kasal sa iba kaya marami sila magiging tanong kapag nakitang may kasama ako."
Typical family question is to know the plans about settling down, having kids and a house. Mga bagay na tingin ko'y hindi ko mararanasan dahil wala naman pakialam sa akin si Tita. Naniningil lang siya ng bayad sa pagpapalaki sa akin noon na obligasyon naman niya.
"That sucks..."
"When will I going to meet your immediate family?"
"I can introduce you to my parents lying in the grave. Do not think about my other relatives. I'm just a struggling bank account to them."
"Okay, I'm sorry," he said which made me smile. "Amelié, do you like the boy next door?" Diretsahan niyang tanong sa bata na hindi ko inasahan. Pa-sikreto ko siyang hinampas para balaan na huwag pag-initan ang kanyang anak-anakan.
"It's normal to like someone, Lucho. Alien ka kasing natutong ma-inlove kaya ka ganyan."
"Hey, that's defamation," I stuck out my tongue to tease him more. Whatever Lucho and I have, only we can define it. I keep on treasuring those memories we have together and with Amelié. "What's with the ring?"
Napatingin ako sa singsing na suot ko. It was a chastity ring which I bought have a priest blessed it with Holy water. Suot ko ito simula ng mabasbasan hanggang ngayon. Paalala na may binitiwan akong pangako sa Panginoon na hinding-hindi ako makikipag-sex hangga't 'di kasal. Magaan na halik sa labi, paghahawak kamay at walang halong malisya na yakap lang ang pwede.
"Chastity ring."
"Oh... I see. Let's go now, then."
Ang weird naman ng reaction niya. Ayaw ba niya? But it's my will and body rules still.
"AUDREY, is Lucho going to marry you?" Gulat ang unang bumalatay sa mukha ko nang marinig ko habang parang wala lang iyon kay Lucho. "I'll be happy, but..." pinayuko ako ni Amelié at binulong niya sa akin na ayaw niya maiwan kasama ng Mama ni Lucho.
Tikom bibig akong tumingin kay Lucho saka sunod-sunod na umiling. Nabakas sa mukha ni Lucho ang pagsuko at inaya na kami papasok sa bahay. Amelié said when Lucho's mom took care of her, she had to act like a lady not a child who wants to play with other kids outside. Lucho's future adoptive child wanted to play with kids on her age outside home. But since Lucho's mom possess glamour, grace and rare beauty back when she was young, she has to train Amelié well.
Wala akong experience sa pagpapalaki ng bata pero natatandaan ko noong nasa edad ako ni Amelié, bago mamatay parents ko, hinahayaan nila ako maglaro sa labas. Pero dahil introvert ako, mas gusto ko mangolekta ng dahon, tuyong bulaklak, mga papel at magsulat ng tula sa ilalim ng puno ng mangga. Minus the experience of being bitten by thousands of fruit ants and had a caterpillar rashes. Naging bata pa rin ako sa pagkakataon na iyon dahil nasermonan ako ni Mama habang pinapaliguan ng suka.
"Don't smile like that. I can't help falling -" naudlot na bulong ni Lucho sa akin.
"Shut up..." I said, and then I smacked his arm.
Napapangiti talaga ako kapag naalala ko mga kapilyahan ko noong bata ako kahit madalang lumabas. Namimiss ko na ang mga magulang ko at kinakabahan ako ngayon dahil haharap sa nanay ni Lucho. We just started dating yet here we are on a phase where others called advance stage. Kung alam ko lang na ganito mararamdaman ko, hindi na sana ako nagpatianod pa kay Amelié. Kailangan ng kakampi ng batang iyon dahil na-kwento nga niya na istrikta ang nanay ni Lucho.
"Audrey, can you help me fix my ponytail?" Pakiusap sa akin ni Amelié.
"Sure. Come here," tugon ko. Inayos ko iyon agad pati na ang suot niyang dress na may ribbon sa likod. "You're so pretty, Amelié."
"Hey, you're here na... um kasama pala siya," wika ni Sera na gumulat sa amin ni Lucho.
Akala ko ba eksklusibo sa pamilya itong party? Makatanong naman ako akala mo parte ako ng mga Illustre.
"Of course she has to be with me, Sera. What are you doing here?" Halata sa tinig ni Lucho ang iritasyon.
"Your mom invited me, and I thought you knew about it." Lucho groaned. Hinawakan ko ang braso niya para subukang pakalmahin siya. I wanted to tell him that it was okay and that I could deal with his ex. "Can we be civil to each other, at least?"
"Let's go inside now," Lucho said, holding my hands and Amelié's hand.
I need more patience to deal with his ex. Tahimik akong dumalangin sa Diyos para maka-survive ako ngayong araw.
Sana.
MASASARAP lahat ng pagkain sa harap ko ngunit wala akong gaanong gana dahil hindi ako makasabay sa usapan ng lahat. Kinakausap lang ako ni Amelié kapag may ipapa-abot siyang pagkain sa akin o kaya naman ay inumin. Lucho is not with us. Katabi siya ng mama niya at nasa kabilang side naman niya si Sera. Iyon ang pwesto na hindi na namin magawang mabago pa dahil nagkanya-kanya na ng upo ang ibang bisita.
We're too far from Lucho, and I didn't expect this to happen.
"Hija, what do you do for living?" tanong ng isang ginang na second cousin ng mama ni Lucho - Mrs. Tulliver. Nakapangasawa ng kano at umuwi ng bansa para sa 60th birthday ni Mrs. Illustre.
"Writing novels, ma'am. Mystery-thriller fiction novels po ang sinusulat ko. I once wrote a romance novel with Lucho's help." Tumingin ako kay Lucho saka ngumiti.
"Isn't writing a hobby only? Do you make money from it? How about your parents? What do they do for a living?"
Sabi ko na nga ba at maitatanong ito sa ganitong klase ng gathering.
"I earn well through writing, ma'am. And my parents, they both died fifteen years ago."
"She's my company's best selling author, Tita. Her books sells well in the market, physical and online." Dagdag ni Lucho na nakakaalam sa performance ng mga gawa ko.
Hindi na nag-follow up question pa si Mrs. Tulliver at binalingan na lang niya si Lucho at Sera. "When will you have kids?"
"Tita, our marriage is already annulled. I'm courting another girl right now." Tumayo si Lucho pagkatapos punasan ang kanyang bibig.
"Where do you think you're going, Luis Antonio?" Narinig ko na tanong ni Mrs. Illustre.
Hindi siya sumagot bagkus ay lumapit lang sa akin. "I cannot let you all make my girls feel uncomfortable and unwelcome here. I hope you understand me, Mom. Happy birthday."
Paano nalaman ni Lucho na hindi kami komportable ni Amelié? Ang galing talaga ng lalaki na ito. Isang dahilan din talaga ang pakiramdam na parang hindi kami welcome kaya 'di ako makakain ng maayos.
Marahan niya ako pinatayo at gano'n din si Amelié saka giniya palabas ng bahay. Hindi ko nagawa magtanong sa kanya at nagpatianod lang ako hanggang sa makarating kami sa garage.
"Uuwi ka na?" tanong na gumulat sa amin. "I salute you for defending your girls inside, Lucho. Natameme silang lahat at nakaka-proud dahil matured ka na." Akmang yayakapin siya ng babaeng nagsasalita ngunit umiwas ito at nagtago sa aking likod.
"Niña, will you please stop that and go inside?" pakiusap ni Lucho sa babaeng tinawag niya sa pangalang Niña.
"Parang yayakapin lang pero saludo talaga ako sayo. Sana lahat katulad mo," binalingan ako ni Niña. "He's lucky to have you. You also know how to defend yourself."
Nagpaalam na kami kay Niña at agad na pinasibat paalis ang sasakyan paalis.
"Where do you want to eat?" tanong ni Lucho sa amin.
"Buffet!" Sabay naming sigaw ni Amelié dahil pareho talaga kami hindi nakakain ng maigi kanina. Lucho chuckled and drove towards the nearest mall were there's a lunch buffet.
Nakakagutom talaga ang mga family gathering gaya ng pinanggalingan na namin at tingin ko ay mas mapaparami na kain ko ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro