22
CHAPTER TWENTY-TWO
Audrey
"WAIT FOR ME, Audrey," ani Lucho sa akin. Sumimangot ako imbis na sakyan ang biro niya. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at may nurse tumutulak noon papuntang operating room.
"O-operahan ka lang, Lucho, hindi ka pa mamamatay." Paalala ko sa kanya na lagi niya kinakalimutan. "You made a promise to us. Tigilan mo na ang pagbibiro, hindi bagay sayo."
Narinig ko na tumawa ang dalawang nurse na kasama namin. Sinusubukan ko na huwag maging emosyonal dahil baka lalo siya kabahan at hindi tumuloy sa pagpapa-opera. Isang buwan ko din siya maka-ilang beses na kinumbinsi na magpa-opera na. Ang sabi niya kasi, sixty days ang hiningi niya sa doktor pero noong hindi pa namin alam ni Amelié ang lahat iyon. Kasama niya ako magpa-check-up nitong mga nagdaang araw kaya alam ko na kinukumbinsi na rin siya ni Dr. Ramos.
It's been a month since he told us about the tumor. It was an emotional admission. Nakakadala kasi ang pag-iyak ni Amelié pero aamin ako na kinabahan ako sa naging rebelasyon niya. Wala kaming ginawang tatlo kung 'di ang umiyak na para bang walang kasiguraduhan ang lahat. Wala naman talaga pero naniniwala pa rin ako na malalampasan ni Lucho ang lahat.
Sabi niya, kaya niya ang lahat basta kasama kami ni Amelié
Sibil lang kami sa trabaho at sinusubukan na huwag ihalo ang personal naming relasyon sa mga ginagawa namin. Umuubra naman kahit sobrang clingy ni Lucho na sinabayan pa ni Amelié. Tila ba sinulit na namin ang lahat habang may pagkakataon pa. Mahirap kasi lalo't sinabihan kami na maaari siyang hindi maka-alala pagkatapos ng operasyon. There's no pretention now. There, I am sure that I don't want to love Lucho more. I just want to him better.
"I might have a temporary amnesia after the operation. Will you help me remember everything?" Iyon na nga ang iniisip ko kanina pero napag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na ito.
"Pinag-usapan na natin iyan, 'di ba? Amelié and I prepared something for you in case you have an amnesia."
May dala akong sticky note ngayon padagdag sa mga naidikit na namin ni Amelié sa bahay. In that way, we can help Lucho to remember everything. Hindi 'man lahat, pero ang importante at lumabas siyang ligtas mula sa operating room.
"What is it?"
"You'll see when you get home," sabi ko saka ginagap ang kamay niya. Mahigpit ko iyon hinawakan hanggang sa dahan-dahan iyon humiwalay mula sa aking pagkakahawak.
Sinundan ko lang nang tingin ang kamang kinahihigaan niya hanggang sa tuluyang magsara na ang pintuan ng daan papasok sa operating room.
Hanggang dito lang ako.
At dito rin ako maghihintay para sa kanya.
NAPIPIKIT na ako nang dumating si Myrna at inabutan ako ng maiinom na gamot saka kape. Dumaing kasi ako na masakit ang ulo ko sa kanya sa chat kaya heto na siya't dala ang aking kailangan. Wala pang balita sa operasyon ni Lucho at higit limang oras na ako dito sa labas, naka-abang na lumabas si Dr. Ramos. May kaba pa rin sa aking dibdib pero may tiwala naman ako sa mga doktor na kasama ni Lucho sa loob. Alam ko na magiging tagumpay ang operasyon saka nangako si Lucho sa amin ni Amelié. Iyon ang bagay na pinanghahawakan ko kanina pa.
"Ang dami na nito, Audrey. Ewan ko na lang kung malimutan ka pa ni Lucho," puna ni Myrna sa mga ginawa kong memory note.
"Label ang iba diyan since pati sa opisina niya ay lalagyan ko."
"Napaka-huwaran naman. Ibig bang sabihin niyan ay siya na ang pinili mo?"
Napatingin ako sa kaibigan ko matapos uminom sa kapeng bigay niya. There's no competition now. Ever since Zico did something which was still unacceptable to me, I chose Lucho. But misunderstanding and this scenario where we at right now change everything. Choosing him won't hurt me, but I'm still considering many things.
"Hindi ko muna iniisip iyan," sabi ko.
"Zico is asking about you. He was sorry about what he'd done. Natuto na daw siya pero sinabi ko na siya dapat nagsasabi ng mga salitang nabitiwan ko sayo."
"Saka ko na siya kakausapin. Mas importante ito at kailangan niya lumabas ng buhay diyan," tugon ko saka hinayon ang tingin sa pintuan na pinasukan ni Lucho kanina.
"Everyone in the office was still in shock about the news. Si Ms. Vanessa muna ang hahawak sa novel updates mo habang nagpapalakas si Lucho. Personal naman hahawakan ni Sir Gerold ang mga fan meetings at book signing event mo."
"Hindi naman kasi robot si Lucho. Pero buong buhay niya trabaho lang siya ng trabaho."
Naalala ko na naabutan ko siya noong isang araw sa home office niya, pinaparte-parte na ang maiiwan niyang pera. Binilin niya sa akin iyon pati na ang authority sa pag-aampon kay Amelié saka trust fund na binukas niya para sa bata. Hindi ko sana tatanggapin kaso naalala ko na 'di pala ako makakahindi sa kanya.
"Iyon ang dahilan kaya failed ang relationship niya ng dalawang beses. Then a child from his ex-wife came in and change the game he's playing. At dumating ka pa,"
"Ang sabi niya, ibibigay niya sa akin lahat ng assurance na kailangan ko para masabing sinsero siya."
"Kulang pa ba, Audrey? He's always there for you. Suportado pa niya lahat ng gawin mo."
"I'm contemplating, Myrna. Sino lang ba ako kumpara sa mga babaeng naging asawa niya?"
"Here you go again..."
"Totoo naman ang sinabi ko,"
Hindi na kumibo si Myrna bagkus ay tinulungan na lang ako na tapusin ang mga ginagawa ko. Maigi na rin na hindi siya kumibo dahil mahirap akong kumbinsihin na may espesyal sa akin kaya nagustuhan ako ni Lucho.
I see nothing special to me.
ABALANG-ABALA ako sa pagsusulat nang makarinig ako ng ungol mula kay Lucho. Isang buong araw siyang tulog at nanatili lang ako sa kanyang tabi hanggang sa mga oras na ito. Agad ko sinara ang laptop pagka-save sa gawa ko at matamang nilapitan siya. I pressed the button above his bed to notify the nurse and the doctor outside.
"W-what happened?" Mahinang tanong sa 'kin ni Lucho ngunit hindi ko na nasagot nang isa-isang magpasukan sa loob ng kwarto niya ang nurse at si Dr. Ramos.
Tumabi lang ako at pinakinggan ang mga pag-uusap habang pinagmamasdan ang nangyayari. Tahimik din ako nagdarasal na nawa'y ayos lamang si Lucho.
Teka... kilala ba niya ako?
Ang una niyang tinanong ay kung ano ang nangyari. Siguro naman clue na 'yon na nakaka-alala siya ngunit mahirap pa rin maging kampante. Lumabas ako sa kwarto ni Lucho upang hindi makasikip at tinawagan si Myrna.
"I think he's okay," sambit ko matapos mag-connect ang tawag at itanong ng kaibigan ko kung kumusta si Lucho.
"Does he remember you?" tanong ni Myrna sa akin ulit.
"Siguro? Hindi ko pa masabi, Myrna." Sandali akong natigilan nang makitang humahangos ng takbo si Sera kasama ang isang ginang. "I will call you later. Baka kunin ko din si Amelié diyan,"
"Okay. Magpahinga ka naman, Audrey. Baka ikaw ang sumunod na magkasakit niyan. Panay pa ang pagsusulat mo imbis na matulog."
"I know. I know. Sige na, tatawagan na lang kita ulit..." Tinapos ko na ang tawag at pumasok ako uli sa kwarto kasunod nina Sera at ng kasama niyang ginang.
Sila na ang kinausap ni Dr. Ramos at nakita ko na maayos na nakaupo si Lucho. Yakap-yakap siya ng ginang na kasama ni Sera. Kung hindi ako nagkakamali siya ang nanay ni Lucho. Despite the fine lines and wrinkles, it cannot hide how beautiful Lucho's mom is.
"Let's talk outside," untag ni Sera sa akin.
Hindi naman ako nakatanggi nang pabarag niya binigay ang gamit ko saka hinila ako palabas na 'di nakikita ni Lucho. Dinala niya sa bukas na paradahan nitong ospital na kinaroroonan namin. Bago pa ako maka-reklamo ay sinampal niya na ako.
"Who the hell are you to decide for Antonio? Business partner ka lang niya. Ang dapat mo ginawa ay tinawagan ang pamilya niya na obviously existing pa bago nangyari ang operasyon!"
Dahil sa gulat, 'di ako agad nakahuma. I've been judged a million times. Many have humiliated me and dragged my identity into disgrace just because I grew up without parents.
"What would your parents feel if the same near-death operation happened to you without notifying them?"
I sniffed.
Hinayon ko ang tingin sa kanya saka tiim bagang na sinalubong ang kanyang mga mata.
"I don't know. Patay na kasi sila kaya hindi ko malalaman."
She scoffed.
I ignored it.
"Please know that I tried to convince him to notify his mother. Pero ayaw niyang pag-alalahanin ito dahil sa sakit na altapresyon. I'm not the villain here, Sera. Wala ka karapatan na saktan ako nang hindi 'man lang pinapakinggan ang aking paliwanag."
Tinalikuran ko na siya pagkatapos masabi ang mga salitang binitiwan ko. Tuloy-tuloy akong lumakad at pumara ng taxi. Umiiyak ako na sinabi sa driver na ibaba ako sa address ni Myrna. Nasa kalagitnaan na kami nang maalala ko na hindi pala ako nakapagtext kay Lucho.
Dinukot ko ang cellphone sa aking bag at pinunasan ang luha sa akin mga mata bago tumipa ng mensahe para kay Lucho. Sa text na lang ako nagpaalam dahil ayoko na ma-stress siya lalo't kagigising lang niya.
Patuloy ako sa pag-iyak habang ginagawa iyon at wala 'man lang naalo sa akin. Iyong taong kilala ko na hindi ako huhusgahan ay nagpapagaling pa. Ayoko na maging dahilan ng stress na makakasama sa kanya.
For now, I'll be all by myself.
Kailangan ko maging matatag dahil hindi lang ito ang dadanasin ko. May kapalit ang pagpili ko sa kanya.
Lahat ay may kapalit.
"STAY HERE, okay? I'll just talk to Ms. Vanessa," paalam ko kay Amelié pagkatapos ko siya buksan ang inumin na binili niya sa convenience store sa ibaba. "I'll be quick," sabi ko pa saka kumaway ako sa kanya.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng CPPI at tinungo ang opisina ni Ms. Vanessa. Kailangan ko personal na dalhin sa kanya ang manuscript na pina-print ko sa labas. Wala kasing kuryente sa buong baranggay kung nasaan ang apartment ko. Kailangan tuloy namin manuluyan ni Amelié sa 'di gaanong sikat na hotel. Mainit na malamok pa at mahirap na tumaya lalo't may kasama akong bata.
Kung ako lang mag-isa, makakatiis ako. Ibang usapan na kapag si Amelié ang sangkot. Tatlong araw na kami sa hotel imbis na umuwi sa bahay ni Lucho. Natatakot kasi ako na baka naroon si Sera at kung ano-ano na naman ang marinig ko na salita mula sa kanya. Hindi pa rin naman siya nagrereply sa text ko at iniisip ko na baka nakalimot nga siya na epekto ng operasyon at gamot.
"Come in!" sigaw na narinig ko matapos kumatok. "Speaking of your muse, here she is. Pwede mo na ba akong lumabayan, Luis Antonio Illustre?"
"H-hi!" Bati ko kay Lucho. I didn't know that he's here. "Pwede ka na magtrabaho?" tanong ko.
"No, not yet, but he cannot contact you. That's why he's bugging me here." Si Ms. Vanessa na ang sumagot sa aking tanong. "What happened to your cellphone?"
"Lowbat po. Saka walang kuryente sa lugar namin kaya po narito ako para iabot itong print out copy."
"Walang kuryente sa bahay mo Lucho? What happened to your generator?"
"Uhm, no, I'm not going home there,"
"Why?" Sabay na tanong nila ni Ms. Vanessa sa akin. Hindi ko alam kanino titingin.
Mabuti at nagsalita muli si Ms. Vanessa.
"Oh my God, amoy LQ. Diyan na kayo at mag-usap. Akin na ito at isasama ko muna yung bagets sa labas. Don't fight too loud, children." Paalala sa amin ni Ms. Vanessa pagkakuha sa akin ng manuscript na pina-print ko.
"I've been waiting for you, Audrey. Three days kita hinintay na dumalaw sa ospital. Tapos wala ka pa sa bahay. Kung walang kuryente sa apartment mo, bakit hindi ka umuwi sa akin? Sa bahay natin. Bakit, Audrey? Bakit?"
Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Pwede ko bang sabihin na natakot ako?
Iyon naman talaga ang naramdaman ko. Takot. May pangamba sa puso ko na baka hindi niya ako maalala. Na baka hindi ako maging sapat para sa kanya. Iilan lamang ang nakaka-alam sa mga pinagdaanan mo at may konting alam si Lucho pero duda ako na maalala pa niya.
"Where are you staying right now?" tanong ni Lucho matapos huminga nang malalim.
"S-sa hotel..."
"Are you with Amelié today?" Tumango ako. "Come on now. Sa bahay na tayo mag-usap dalawa."
Masuyo niya hinawakan ang braso ko at giniya palabas sa opisina ni Ms. Vanessa. Maraming mata na nakatingin sa amin pero wala roon ang aking atensyon. Nalipat iyon sa magkahugpong mga kamay namin ni Lucho. Ang init ng mga palad niya'y may hatid na kapanatagan sa aking puso kahit pa may mga tanong akong 'di masagot.
Was choosing him feels like this always? Warm and feels like heaven by his side.
Baka kapag nakapag-usap na kami saka palang masagot.
Sana.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro