21
CHAPTER TWENTY-ONE
Lucho
HANGGANG sa mga oras na ito, iniisip ko pa rin ang mga salitang binitiwan ni Audrey sa akin nang nagdaang gabi. Hindi ko tuloy magawang mag-focus sa trabaho ko ngayon. Marami akong dapat gagawin ngunit imbis na iyon ang atupagin ko, heto ako at nag-iisip paano susuyuin si Audrey. I was an asshole when I invited Sera instead of noticing Audrey the other day. Bakit ko nga ba ginawa iyon? She's right about me making her feel loved then I disregarded her after. Hindi ko malaman kung anong pumasok sa isip ko kahapon at bigla na lang iyon ginawa.
Maybe it's because of the truth about me having a benign tumor. Kahit hindi cancerous, may risks pa rin kaya hangga't maari, nais na ako operahan ni Dr. Ramos. I gritted my teeth, and it stretched my bruised lips. I haven't seen that dude who caused this bruise on my lips. Gaganti talaga ako kapag nakita ko siya pero hindi muna iyon ang priority ko.
Si Audrey muna.
"Here is your first aid kit, Lucho," ani Ameliè sa akin saka inabot ang box. "Did someone punch you in your face?"
"Yeah," I said. "Can you help me clean it up?"
"Sure!" Tinuruan ko si Ameliè na maglagay ng betadine sa cotton buds at inutusan siyang mahan na idampi iyon sa aking labi. "Does it hurt?"
"No." Hindi naniniwala si Ameliè sa akin. But her reaction doesn't matter. Alam ko naman na nang-aasar lang ang batang ito. Hindi ako komportable na may gamot itong labi ko at ang hirap kumain. "Does Audrey go out of her room?" tanong ko.
Nauna gumising si Amelié kaysa sa akin kanina kaya sa kanya ko naisip na itanong. Mabuti at maaga pumasok ang tiga-luto ko dito sa bahay kaya naipaghanda siya ng almusal kanina.
"Yeah, but she said she's not feeling well."
"She's sick?"
Nagkibit-balikat lang si Ameliè bilang tugon sa tanong ko.
"Can I go outside and read now?" Amelié showed me the books she had in her hand. Brand new pa ang mga iyon, bagay na pinagtaka ko. "I used the money you gave to me to buy these books. Audrey said it helps me pass the exam I will take soon."
"Okay. I'll help you later. I'll just finish my work here,"
"Yehey!" Hinalikan ni Amelié ang pisngi ko na walang pasa bago nagkakandiririt na lumabas ng bahay. "Taho!" Narinig ko sigaw ni Ameliè saka kumaripas ng takbo pabalik sa kusina para kumuha ng baso at bumili ng paborito niyang pagkain.
Naiiling kong inayos ang first aid kit sa aking harapan. Nahinto lang nang marinig ko na may bumababa sa hagdan. Paglingon ko, saktong nagtama ang tingin namin ni Audrey ngunit una siyang nag-iwas ng tingin. Audrey's hair were tied up into a bun, exposing her neck and nape.
Those are my kryptonite!
Dammit!
Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa pumasok sa kusina. Nang lumabas, may bitbit na siya baso din at dali-daling lumabas ng bahay.
Gusto pala nila ng taho, bakit hindi sila nagsasabi sa akin.
Pinagpatuloy ko na ang pagliligpit at nang matapos ay sinubukan ko na ulit magtrabaho kahit napaka-imposible na. Sobrang distracted ko at nadagdagan pa iyon dahil sa leeg saka batok ni Audrey.
Oh, God!
"AUDREY, can we talk?" tanong ko agad nang maabutan ko si Audrey sa aking home office. Buong maghapon din siya nagkulong sa kwarto niya at pinahatiran ko na lang siya ng lunch sa kanyang kwarto. Ramdam ko na galit siya sa akin at reasonable naman ang dahilan noon. I'm a jerk and I shouldn't do that to her. Assurance ang kailangan niya ngunit ignorance ang nabigay ko. Sana madali ko naipaliwanag sa kanya na kailangan ko magpa-opera upang maalis ang tumor sa aking utak.
"I'm busy, sir," tugon niya sa akin.
Sir...
Nawala na iyon noong mag-confess siya tapos ako rin. Balik na naman kami sa umpisa ni Audrey dahil lang sa ginawa ko na pambabalewala sa kanya kahapon. Hindi ko dapat ginawa iyon at sobra akong naiinis sa aking sarili ngayon.Paano ko naman ito malalampasan ngayon?
"Is it about the novel that you asked me to fix? I'm on it now, but I'm waiting for your feedback on the chapter I wrote last night."
"I already edited it," tugon ko na kinatango-tango niya. "But it's not about that."
Tinanggap ko na maluwang sa dibdib ang update niya para sa tinatrabaho naming nobela. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinulot sa kanya ng pambabalewala ko sa kanya. Bawat letra ng hinanakit na patukoy sa bidang lalaki na hango sa akin ay tumitimo na tila punyal sa aking dibdib. I felt Audrey's pain while reading the entire update a while ago.
"What is it, then?" she asked.
"I didn't intend to disregard your feelings. I-I received a bad news yesterday, but I know it's not a good reason," nauubusan ako ng salita na pwedeng sabihin sa kanya. "I'm sorry, Audrey."
Damn!
Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya. Saan ko ba dapat simulan? I cannot gain her trust if I will continue to hide the truth about my illness.
"Okay lang 'yon. Alam ko na ang lugar ko at hindi na ako aasa pa sayo o kahit na sino."
Napatingin ako sa kanya pagkarinig sa kanyang sinabi. Hindi ito ang inasahan ko na mangyayari. I'd rather accept to be beaten up by her because I'm a total jerk.
"W-what do you mean?"
"I'd stop entertaining Zico because he tried to bed me the same night when you made me felt loved. Hindi ko sinabi kasi 'di naman na importante at sanay na rin ako. Baka hanggang doon lang talaga ako. Hanggang sa kama at sex lang ang habol sa akin ng lahat."
Pilit siyang ngumiti sa akin kahit na sa likod noon ay ang totoo niyang damdamin.
"Stop thinking in that way, Audrey. You're more than that." Huminga ako nang malalim bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "Hindi ka laruan, Audrey at hindi dahil doon ang pambabalewala ko. I'm sick, and had a dilemma on how am I going tell you about it. I have a benign tumor in my brain. Even if it's not cancerous, there's still a risks. Iyon ang dahilan kaya tila huminto ang pag-inog ng mundo para sa akin."
There, I already told her about it. Hindi ako umaasa na sasagot siya pero ang importante nasabi ko na ang matagal ko ng kinikimkim.
"Are you going to die, Lucho?" Umiiyak na tanong na pumukaw sa amin ni Audrey. It was Amelié, and she heard everything. "Mommy told me she was not dying but ended up leaving me alone. Are you going to that also?"
Nakalimutan ko si Amelié. Dapat siniguro ko na tulog siya bago ako umamin kay Audrey. Awang-awa akong lumapit kay Ameliè at niyakap siya.
"I'm not, okay? The doctor will remove the tumor in my head as soon as possible." Paliwanag ko.
"When is that?"
"Very soon," I answered. Doon kami nilapitan ni Audrey saka niyakap din. "I'm sorry." Mahinang bulong ko kay Audrey. Hindi siya kumibo at niyakap lang kami ni Amelié.
I think this is enough for now.
PINATULOG NAMIN ni Audrey si Amelié pagkatapos maghapunan. Maraming katanungan ang bata na na hindi natanong noon sa yumaong ina. Biglaan ang pagkamatay ng dati kong asawa kaya natakot siya na baka iyon din mangyari sa akin. Wala pa rin kami kibuan pero ayos naman ang lahat kanina sa hapagkainan. Para ngang walang nangyaring iyakan sa pagitan naming tatlo at ngayon lang uli naging nakakailang ang lahat.
"We still have fifty-nine days in our contract," paalala sa akin ni Audrey.
"Can we drop the contract and take everything seriously?" Ginagap ko ang kamay niya at diretsong tumingin sa kanyang mga mata. "Let me assure you I'm not into you because of sex. No more hiding the truth. No more concealing of feelings. I will promise to get better for you and Amelié. Just give me another chance to give you more assurance."
"Mag-focus ka muna sa sarili mo," aniya.
"I know, and I will. It's time now to go after you, Audrey."
Umiling siya saka hinawakan ang kamay ko pabalik. "Ikaw muna bago ako o ibang tao. I'll focus on myself too more while working with you. Doon lang natin masasabing handa na tayo kapag mahal na mahal na natin ang sarili bago ang iba."
She's right.
Pareho kami galing sa kabiguan at hindi tama na gamitin namin ang isa't-isa na panakip butas lamang.
"I will never ignore you again. It scared me to death."
Audrey chuckled, "aba, dapat lang. Alam mo bang inis na inis ako sayo tapos ang possessive mo pa. Naalala ko tuloy ang ex ko kaya gano'n ang reaction ko kagabi."
"You were aware of everything that happened last night?" Tumango siya bilang tugon sa aking tanong. "Sobra akong nakonsensya at kanina ko pa iniisip ang tungkol doon."
"Let's make another house rule."
"Enough with rules. Let's just defy all the odds and continue improving ourselves. Until then, I'll remain grounded and will support you no matter what happen. Hindi mo na ako pwedeng itapon. Ako ang bida sa sinusulat mo."
"Inspired sayo, okay?"
"I'm still the hero of your novel."
"Sus, yabang!"
"Mahal na ang susunod mong itatawag sa akin," she frowned at me, but her real feelings and reactions to my statement were behind.
Going after a woman like Audrey is like chasing a dream. Walang nakapagsabi na magkikita kaming dalawa magmula nang maputol ang komunikasyon namin. Hindi ko inakala na iyong babaeng nag-confess sa akin ten years ago ay siya ring magpapatibok nitong puso ko ngayon. Audrey is a dream that I want to chase even she's already beside me.
Panghahawakan ko na ito at hinding-hindi na pakakawalan pa. Basta ang mahalaga mapatunayan ko ang intensyon ko sa kanya sa loob ng mga panahon na magkasama kami. Walang nakakasiguro ng bukas kaya kailangan sulitin ang lahat at desidido na akong magpagaling para sa dalawang taong importante sa akin. Para sa kanila lahat aking gagawin. Minsan lang ito mangyari at tingin ko ay binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos na gawin ang dapat ngayon.
I have to do it now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro