Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19

CHAPTER NINETEEN

Lucho

"MR. ILLUSTRE, hindi na biro ang mga paalala ko sayo. Kailangan mo na ipatingin ang nakitang tumor sayo. Don't you want to live longer? You haven't find that one significant person in your life, right?"

Napakamot ako sa aking kilay pagkarinig ng palasak na linya ni Dr. Ancheta mula sa kabilang linya. Nangungulit na naman siya na ipatingin ko ang tumor sa utak ko para magka-alaman na kung mabubuhay ba ako ng matagal o hindi na. I glanced at Amelié who's holding a bouquet of flowers with small teddy bear and a chocolate bar. Purple warmth ang tawag ng shop na nabilhan ko sa bouquet na iyon nasa sinamahan lang ng extra freebies. It's a beautiful flower arrangement of pink gerberas, carnations and mums, perfect for today's occasion.

"I'm free on Wednesday this week. I will go there, but you have to ensure you'll give the accurate result because it's my life we're talking about here." Kinawayan ko si Amelié nang kumaway at ngumiti siya sa akin. "There are two important people I need to be in my life. So, I'll take the gamble now."

"I'll schedule your check-up right away, Mr. Illustre. Salamat!"

Those were the last words of Dr. Ancheta before I ended up our call. Ang doktor ang pinaka-maaga kong caller ngayong araw. Masasabi ko na swerte siya dahil napapayag niya ako na magpatingin sa kabila ng kapalpakan niya. I'm taking the gamble again for Amelié and Audrey - they're the two important person in my life now.

"Are you ready, Amelié?" tanong ko sa bata nang malapitan ko siya.

"I have the chocolate, the flowers, and the teddy bear with me now," Amelié answered, showing everything inside her bouquet.

May maliit na teddy bear doon at isang bar ng chocolate na sinama as freebies sa pag-order ko kanina. Mabuti na lang at kumpleto sa flower shop na pinuntahan ko. Malapit lang din iyon dito sa venue ng book signing event ng mga bagong writer ng CPPI at kasama doon si Audrey.

"Thank you for your cooperation, Amelié,"

"I like Audrey, that's why."

"You like her now? I thought you hated her before,"

"That's before, Lucho. I like her now because she's always sharing her food, cooking for me, and teaching me how to read."

Nalaman namin ni Audrey na walang pormal na pag-aaral itong si Amelié sa kabila ng edad. Kaya kailangan ko isailalim sa ladderize program ang bata upang makapasok ito sa grade na akma sa edad ni Amelié. Basically, Amelié knows how to read because she easily escaped the foundation and rode taxi to CPPI to find me. Alam ko na hindi ako mahihirapan sa kanya pagdating sa pag-aaral.

"Ang babaw mo naman,"

"I'm not mababaw!"

See? She can understand some Tagalog words too.

"Come on now. My future is waiting for us inside,"

"She's still confused, you know? She always raked her hair with two hands." Hindi magawang imuwestra sa akin ni Amelié pero na-i-imagine ko naman na iyon. "Hold this and I'll show you."

"No need. Let's go now, Amelié."

Inakbayan ko si Amelié at inaya na pumasok sa venue. CPPI invited the fans of every writer in the new gem team. Marami-rami din dumalo ngayon at halos mapuno nga itong venue na nirentahan ng kumpanya. Karamihan ay fans ni Audrey na tingin ko'y ngayon lang niya makikita dahil laging sinasabi sa akin na 'di siya sikat.

"Lucho!" sigaw ni Gerold nang makita akong pumasok sa loob. "Are you aware of the little fanwar between Greychan fans and Jersey fans?"

"Nope. Medyo nahuhuli na ako sa balita ngayon. Nag-aaway na ba sila ngayon physically?"

"Muntik na kaya pinagpalit na nina Vanessa at Baninay ang pwesto nila. Nasa gitna na si Sybil ngayon."

"Mas okay. Ako na bahala sa ibang concerns," akto akong aalis ngunit pinigilan ako ni Amelié.

"Your flowers, Lucho," sambit niya sa akin.

"Thank you. Come with me, Amelié. Audrey needs your assistance in front." Ngumiti si Amelié at sumama sa akin papasok pinakaloob. Dumaan kami sa likod ng stage para kumuha ng ID saka lumapit sa pwesto ni Audrey.

"Audrey!" Masayang hiyaw ni Amelié nang makita ang dalaga. Nakita ko si Zico na nakatingin sa akin nang marinig ang boses ng anak-anakan ko.

"Hey! Why are you here?" Narinig ko na tanong ni Audrey.

"Lucho brought me here to help you. I'll get your books,"

"Please get what you can carry," narinig ko na paalala ni Audrey kay Amelié

"Okay!"

Tiningnan ako ni Audrey pagkatapos umalis ni Amelié at kumuha ng libro. "Is that for me?" tanong niya sa akin patukoy sa bulaklak na hawak ko.

"Yeah, for you," I said, then I handed her the bouquet with a small teddy bear and a chocolate bar. Nakarinig kami pareho ng tukso mula sa mga kasama namin sa harap at pati na sa mga fans. Inamoy ni Audrey ang bulaklak at pinisil ang teddy bear. Agad kinuha ni Audrey ang chocolate at binukas iyon.

"I'm sorry, nagugutom na kasi ako,"

"You should've texted me so we could bring you food."

"No, I'm fine with this. Thank you!" Tumango-tango ako saka lumingon para kausapin ang mga security. I told to instruct every fans of the writer on both end of the table to exit in different way. "What's happening?" tanong ni Audrey nang makalapit akong muli sa kanya.

"Indifference." Simple kong sagot na mukhang naintindihan naman ni Audrey. "Focus on your fans. I'll leave Amelié here with you,"

"O-okay..."

Narinig ko iyon pero mas inuna ko ang pag-aayos sa kaguluhan ng ibang fans na inaayos naman nina Vanessa at Baninay ngunit walang nakikinig sa kanila. Hindi naman nila kaya iyon kaya nakialam na ako. Mas nakakapagod ito kaysa mag-check ng mga manuscripts sa buong araw. Sobrang effort itong ginagawa namin kasama na si Gerold na may-ari ng kumpanya. Kaya nang matapos ang event, naupo lang kaming apat at matamang pinagmasdan ang mga staff namin na magligpit.

"Mr. Illustre, can I have a word, please?" anang tinig na pumukaw sa akin. It was Zico who look serious. Na-sense ko na importante iyon kaya agad akong sumama sa kanya sa may fire exit. "I don't know what's the score between you and Audrey, but can you play fair?"

"What do you mean? Do you feel threatened by me?"

"I'm not, but it's clear that she's still into you,"

"She's confused, and if you know her well, you'll see her struggle. Do not demand anything from her and let her decide. May the best man win."

Iyon lang at tinalikuran ko siya. Bumalik ako ulit sa loob at inayang umuwi na si Amelié at Audrey.

NAPATINGIN ako sa gamot na nilapag sa aking harapan katabi ng isang tasang tsaa. Hinayon ko ang tingin sa naglagay noon at nagtama ang aming tingin ni Audrey.

"Para mawala ang sakit ng ulo mo," aniya sa akin saka inusod ang gamot palapit sa akin. "Inumin mo na iyan at na-send ko na pala ang susunod na updates sa website para sa Biyernes."

"Let's talk about your next book. Ikaw na ang naka-line up magkaroon ng published book ulit sa CPPI."

"Kaka-release ng isang self published ko under CPPI, Lucho. Masyado pang maaga at baka wala pang ipon ang mga readers. Medyo pricey yung nakaraan kaya pwedeng iba muna unahin niyo?"

"That's self-published. What are we going to talk about? Is your book published traditionally?"

"You'll chop my novels to meet a certain word count requirement?"

"Yep. Masaya ako na madali ka kausap kaysa sa ibang author na hawak ko."

"What novel are you planning to chop-chop?"

"The Christmas-themed novel you wrote last year. It gained a lot of reads lately and is timely for the season of holidays."

"Ayaw mo doon sa novel na tinatrabaho nating dalawa?"

"It's not yet done but I do have plans for that. Hindi pwede wala dahil ako ang bida sa novel na iyon."

"Based on you, not you."

"It's the same thing, Audrey. You wrote a novel for me, end of the conversation."

Huminga siya nang malalim bago ulit nagsalita. "Nakakapagod makipagtalo sayo. Magsusulat na ako ulit at inumin mo na iyan."

Hindi pa nga kami nagtatalo talagang dalawa. Parang nanalo lang naman ako ngayong araw tapos napagod na siya agad. Hinayaan ko na lang siya balikan ang ginagawa at ininom ko na ang gamot na bigay niya. Tumingin ako sa kalendaryo at nakita ko na bukas na pala ang scheduled check up ko sa doktor. Kinakabahan ako at parang ayoko na tumuloy upang alamin kung anong klaseng tumor ang nakita sa akin.

Nabaling ang tingin ko sa picture ni Amelié at Audrey sa working table ko. Kaming tatlo iyon at kuha sa living room nitong bahay noong mapag-trip-an ni Amelié na magpa-picture sa akin. Magkasabwat sila ni Audrey kaya ang ending, nagkaroon kami ng instant family photo. We looked so promising, but there's a sudden uncertainty flash on my head. I suddenly feel uncertain of the things I'm doing right now.

Tama ba na i-pursue ko si Audrey gayong may ganito akong tinatagong karamdaman. Hindi ko pa alam kung malala na ba o palala pa lang. Pero hindi ko in-expect na mabubuhay ulit itong damdamin na meron ako kay Audrey. I've been asking myself if this is love or just a simple infatuation.

But I'm too old for that kind of thing.

I have to recollect myself and decide after my check-up.

"IT'S A BENIGN tumour that can be removed through surgery since it's in an active part of your brain. Like the false diagnosis, this still can be risky. It's safer to undergo therapies to avoid reoccurrence, such as chemotherapy."

Iyon ang mahabang sabi sa akin ng doktor na nasa aking harapan. Gaya nang nasabi ko kay Dr. Ancheta sa telepono, natuloy ako sa pagpunta ngayong araw dito para harapin ang bagong diagnosis sa akin. Pakiramdam ko nga ay pineperahan lang ako nitong ospital na ito palibhasa alam yata nila na wala pa akong plano na lumagay ulit sa tahimik. Hindi na si Dr. Ancheta ang doktor ko dahil binigay na niya sa colleague niya na si Dr. Ramos na siya ring nakatakdang mag-opera sa akin ang lahat ng impormasyon ko.

"Kailan ako pwedeng magpa-opera?" Napatingin ako sa kalendaryo na nasa ibabaw ng working table ni Dr. Ramos. I still have sixty days until my contract with Audrey ends. "Can the tumor wait for 60 days? I need to prepare a person before I uundergo surgery"

"If that's what you want, Mr. Illustre we will abide it. Reresetahan kita ng mga pain reliever kung sakaling sumakit ang ulo mo. Ireremind lang kita ulit na kahit non-cancerous ang tumor, risky pa rin ito kaya kung mas mapapa-aga pa ang operasyon ay mas maganda."

"I'll give you a call, Dr. Ramos. Maraming salamat!"

Hinintay ko reseta na sinusulat niya bago umalis at tumungo sa pharmacy saka sa billing department. Pagka-abot sa akin ng reseta, agad ako lumabas ng opisina ni Dr. Ramos at aktong lalakad na ngunit nahinto ng bigla na lang may sumuntok sa akin. That blow made me almost kiss the floor.

"Oh my God!" sigaw ng nurse na napadaan sa hallway.

Hindi ako agad nakahuma dahil sa lakas ng suntok na natanggap ko. Iyong mapangahas na sumuntok ang siyang nagtayo pa sa akin at hinawakan ang kwelyo ng suot ko na damit.

"You're sick yet you're pursuing Audrey? Para ano? Saktan siya ha?" sigaw ni Zico sa akin. Akala niya siguro ay nasindak niya ako. Ang totoo ay hindi ko lang inasahan ang eksena na 'to dito mismo sa ospital. I heard Dr. Ramos' office door open and he's calling a security on Zico.

"I'm not going to hurt her." Seryoso kong sabi.

"Oh yeah? How will you explain that, huh? You're here in the hospital talking about a tumour in your brain."

Marahas ko inalis ang kamay niya sa kwelyo ko at tinulak siya palayo sa akin.

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Wala din ako kinalaman sa pag-iwas sayo ni Audrey. You're at fault and it's not right to blame it all to me."

Akma siyang susugod ulit ngunit napigilan na ng isang doktor at security. Nilapitan ako ni Dr. Ramos at tinanong kung ayos lang ba ako. Tango lamang ang sinagot ko sa doktor ko at pinalayo na siya sa akin.

"Aren't you going to tell her that you're sick?"

"It's none of your business."

"Concern ako kay Audrey at parang hindi ka gano'n sa kanya. Pakitang tao lamang ang lahat ng pinakikita mo sa kanya. You don't love her. You're just infatuated because she told you that she likes you,"

Huminga ako nang malalim.

"You don't know anything about me. You have no right to evaluate my stance on love and Audrey. Stick to your pedestal, if I were you, and think of your career in writing."

Pinulot ko sa sahig ang reseta na dala ko pati na ang cellphone ko na nagka-crack dahil sa malakas na impact ng pagkakabagsak sa sahig. Nilisan ko ang lugar na iyon at tinahak na ang daan palabas. Hindi ko na ininda ang tingin ng mga tao dahil kahit balik-baliktarin nila ang nangyari, ako ang na-argabyado. Yes, I maybe the bad guy, but I don't need to explain myself to them. Mas kailangan ko isipin ngayon kung paano ko sasabihin lahat kay Audrey dahil baka mauhan ako ni Zico.

Sana hindi ako mahuli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro