Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18

CHAPTER EIGHTEEN

Audrey

COMING UP with a decision about love is as crazy as choosing what shampoo brands I will use because the previous brands failed me. Lucho is a perfect guy, while Zico - after what he'd done to me the night we went out on a date - I don't know how I will describe him. Lucho has been supportive of me ever since we met again.

Alam ko na parte ng trabaho niya na tulungan ako pero pagkatapos ng lahat, kapag kaming dalawa na lang, pinakikinggan pa rin niya ako. Lahat ng plano namin ay pinag-uusapan namin hanggang madaling araw habang nainom ng tea na gawa mismo ni Lucho. Everything I feeling right now is complementing Lucho, and it's frustrating.

Akto kong hahawakan ang aking buhok dahil sa frustration ngunit hindi natuloy nang magsalita si Lucho na laman ng aking isipan.

"Do you want to have some tea?" tanong niya sa akin. Hindi ako nakakibo agad at matama lamang tumitig sa kanya. "Why? What is it?"

"Nothing! Yes, I want a cup of tea." Tumayo ako at inunahan na siyang lumabas sa home office namin.

"Audrey... Audrey, wait up! Can we talk?"

Huminto ako at tinapunan siya ng tingin. "Can we walk and talk?"

"All right. If that's what you want, you're the boss," Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa kusina. Sinundan kami ni Amelié at nakigulo siya sa akin sa paghahanda ng tsaa. "I have to enroll you in a school nearby next school year. Will you remind me of that? Also about your files in the foundation."

"You'll do that?" bulalas ni Amelié na tila ba excited ito dahil sa sinabi ni Lucho na hindi ko rin inasahan. Nang tumango si Lucho ay nagtatalon na agad ang bata dahil sa kasiyahan. "I am going to study again! Ang saya!"

Natawa ako bigla dahil sa accent ni Amelié nang gayahin niya ako kapag masaya talagang napapasigaw ako. Naiinis ako dati sa batang ito pero ngayon natutuwa na ako sa kanya. Masaya siya kasama at maasahan din talaga sa bahay ang isang 'to kahit na madaldal.

"Okay. Enough of you, kiddo. Now go because we need to talk privately."

Akala ko nakatakas na ako. Hindi pa pala at mukhang malabo hanggang nakatira ako sa bahay niya.

"I want a chocolate drink, please?" ungot ni Amelié na binigay ko para iwan na niya kami Lucho. Bagay na hindi ko talaga nais dahil wala akong maisip sasabihin sa kanya. "Can we have an eggplant with egg later?"

"My God Amelié!" Naiinis na salita ni Lucho.

"Sorry! But I want that dish,"

"I'll cook it for both of you."

"Thank you, Lucho!"

Parang gusto na itali ni Lucho si Amelié dahil sa kakulitan nito kaya lagi ko nililimitahan ang pag-consumed niya ng chocolate. Iyong dating marami na binibili ko, konti na lang dahil kapag nakikita ni Amelié, inom siya ng inom at nalilimutang mas importante ang tubig kaysa flavored drinks.

"When can we whisper?"

Nag-isip ako bago nagsalita. "Kapag tulog na si Amelié siguro,"

"That's six hours from now."

"I think waiting won't hurt us, I guess?"

Nang huminga nang malalim si Lucho, kahit paano ay kumalma ako kahit paano. Pero sandali lang ito dahil mamaya matutuloy na ang pag-uusap namin.

Sana kaya ko sumagot.

"ANO ba kasi nagulo sa isip mo? Saka ang hindi ka na nagchachat sa GC natin. I'm clueless of what's happening, Aud," mahabang sambit ni Myrna sa akin.

Kasalukuyan kaming nasa grocery store dalawa ngayon. Sinamahan ko siya agad nang i-chat niya ako at sabihin na kailangan niya ng kasama mag-grocery. Hindi ko na sinama si Ameliè kasi walang kasama si Lucho sa bahay. Baka kapag may kailangang boss ko ay wala siya mautusan. Although we're not required to serve him because he told us that were his housemates.

Kung hindi pa siya maging santo ay ewan ko na lang talaga.

Hindi na kami nakapag-usap dalawa gaya ng plano at dahil umaaligid-ligid si Amelié. We're still waiting until the kid fall a sleep but with the amount of chocolate drink she intake, I doubt he'll sleep fast tonight. Magdadaldal pa malamang ang batang iyon bago tuluyang makatulog na.

"I need to come up with a decision, Myrna. Sino ba ang dapat ko piliin?"

Nakita ko na umikot ang mga mata ni Myrna pagkarinig sa sinabi ko. "Akala ko naman kung ano na ang problema mo. Love life lang pala!" Myrna took a deep sigh which bothers me a bit.

Wala naman talaga ako problema. Natatakot lang talaga ako na mamili at ma-disappoint sa bandang huli. Isang dahilan kaya ganito na lang ako kalito at nangangailangan pa ng tulong ng iba. Kaso mukhang wala namang balak na mangialam si Myrna sa problema.

"Ang hirap kaya!" Ngumuso ako. Sana naiintindihan din naman ako ng kaibigan ko kahit paano. Nag-aalangan ako na i-kwento sa kanya ang ginawa ni Zico noong ayain niya ako mag-date noong nakaraan. "Zico tried to bed me..."

"What?" Natuptop ni Myrna ang bibig matapos malakas na ibulalas ang tanong sa akin. Sabi ko na nga ba't magugulat siya sa aking rebelasyon. "Zico? Of all people who knew your trauma, why him?"

"Hindi ko rin alam. Kaya hindi ko siya kinakausap kahit ilang beses na nag-reach out. I keep my doors close and focus my full attention in writing,"

Hindi ko talaga alam bakit ginawa iyon ni Zico. I was crying inside the taxi that night. Kumalma lang ako nang makita ko na malapit na ako sa bahay ni Lucho. Ang hirap kaya itago ng nararamdaman ko noon at parang gusto ko na lang yumakap sa kanya. I wanted to cry that but I chose to hid my feelings.

"What about Lucho?"

"We're talking like friends and working like a normal boss-employee set-up. Gano'n din kapag nasa opisina kaming dalawa. Para bang nag-a-adjust na ang buong pagkatao ko sa ugaling pinakikita ni Lucho pero may bahagi ko na takot pa rin. What if they're the same?"

"How do you feel whenever you're with Lucho?"

"I feel safe, respected and love. Hindi ako bias pero ang mga nasabi ko talaga ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. That awful night, I came home stressed but Lucho asked me if I'm still up for a long drive. Dapat sa Antipolo pero sabi ko nood na lang kami sine."

Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naalala ang ginawa namin ni Lucho hanggang madaling araw.

"He did asked me what happened but when I didn't say anything, hindi niya ako pinilit. Sabihin ko daw kapag comfortable na ako pag-usapan gaya nating dalawa."

Pero alam ko na hindi pa iyon sapat kaya kailangan ko pa kilatisin maigi kasi paano kung mali na naman. Mas mabuti na maghintay kaysa mali ulit ang mapili.

"Hindi mo 'man lang ba ako papayuhan?" Wala 'man pakisama ang itong kaibigan ko. Alam ko na hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ni Zico pero kahit anong advice naman ay tatanggapin ko.

"He's here," ani Myrna na lubos kong pinagtaka.

"Who?"

Hindi kumibo si Myrna at sinundan ko na lamang ng tingin ang tinutukoy niya na narito. Kumurap-kurap ko at kinilala ang tinutukoy ng kaibigan ko.

"Lucho?!"

IMBIS NA si Amelié lang ililibre ni Lucho ng ice cream, sumabit pa kami ni Myrna. Wala naman ako narinig na reklamo kay Lucho simula nang magkita-kita kami sa grocery store kanina. Ngayon, hinihintay na lang namin dumating ang Grabe vehicle ni Myrna sa labas ng grocery store.

"You know what, medyo hawig kayong dalawa ni Lucho. From the way your eyes smiles and connects. Kinikilig ako kanina pa!" Hinampas ako ni Myrna sa balikat na kumuha sa atensyon ni Lucho na naghihintay sa akin gilid kasama ni Amelié. Ang saya nila panoorin dalawa at para talaga silang mag-ama.

"Hindi naman kami magkamukha."

"Gaga, ibang tao makakakita noon hindi kayo." Nakita ko na tumingin si Myrna sa gawi ni Lucho at Amelié. "That little girl will be your daughter, right?"

"Hindi pa nga ako nakaka-decide, gagawin mo na ako agad step-mother nang bata."

"Ampon niya na 'di ba? Sigurado naman ako na nakapag-decide ka na. Saka may sparks kayo na wala kay Zico. Basta nakakakilig!"

"Nandyan na ang ride mo. Alis na at kailangan na namin umuwi."

"Update mo ako via chat ha. Magdecide ka na at siya na piliin mo,"

"Ewan ko sayo!"

Binalingan ko agad sila Lucho at Amelié pagkasakay ni Myrna sa sasakyan. Sinundan ko nang tingin ang lumalayong sasakyan ni Myrna at bago pa tuluyan makalayo, nakunan ko na ng picture ang plaka noon. Gusto ko na safe ang kaibigan ko kahit ang dami niyang hanash sa buhay.

"Audrey! Let's go home now!" hiyaw ni Ameliè sa akin at kinawayan pa ako. Nilapitan ko sila at agad akong nag-abot ng pera kay Lucho.

"Para saan ito?" takang tanong niya sa akin.

"Bayad ko. Si Amelié lang naman ang dapat ililibre mo kaso sumabay pa kaming dalawa ni Myrna."

Napatango-tango si Lucho at hindi tinanggap ang bigay ko na pera. "It's my treat. Hindi mo ako kailangan ng bayaran. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob." Bahagya siya lumapit sa akin at inilapit ang bibig sa akin tainga. "I don't accept monetary payment," he said in haughty voice.

Damn, it gives me shivers in a good way!

"O-okay." Hinawi ko siya nang bahagya at dali-daling hinawakan ang kamay ni Amelié. "Naiinip na siya kaya uwi na tayo." Palusot ko pa pero tingin ko ay hindi naman umuubra talaga.

"Okay, you're the boss. Let me carry that -"

"Lucho, hindi ako baldado, okay? Bubuhatin ko iyong kaya ko. If not, I'll ask help."

"Understand."

Tinalikuran ko na siya bago pa mahalata na kinikilig ako sa kanya. Imbis na matakot ako nang bumulong siya ay naging eratiko pa ang tibok ng puso ko. Hindi ko magawang sampal-sampalin ang aking sarili dahil baka sabihin nila Lucho at Amelié ay nababaliw na ako. Hangga't maaari iniiwasan ko na maging weirdo sa harapan nila. Iyong tamang ka-weirdo-han lang kahit 'di ako sigurado kung meron ba talaga noon.

At sa bandang huli, wala pa rin akong desisyon kung sino ba talaga ang dapat kong piliin.

Nakakainis naman talaga ako kung minsan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro