13
CHAPTER THIRTEEN
Lucho
"MR. ILLUSTRE, kailangan mo na magpunta dito para ipatingin ang nakitang tumor malapit sa inyong frontal lobe."
Paulit-ulit na lang ang pakiusap sa akin ni Dr. Ancheta pero ayoko na maniwala sa kanya. Kung magpapatingin 'man ako, sa ibang doktor na at hindi na sa kanya. Dr. Ancheta twisted my life because of his misdiagnosis then and now he's telling me that there's another tumor in my near my frontal lobe which could affect my eyesight. That's the result of imaging test that Sera didn't told me. Naisip ko na baka iyon ang dahilan kaya niya ako sinadya dito pero pinaalis ko siya dahil sa sama ng loob ko sa kanya. Iyong sakit ko na mahirap ibigkas ay hindi naman pala sa akin talaga. He mixed up the result with the other patient before I came in that day.
Gusto ko siya kasuhan kaya lang sayang sa oras kaya pinili ko na huwag na bumalik pa sa ospital. That place twisted my life hardly the past few weeks. Kahit hindi ko masyado iniisip ang tungkol doon ay aamin ako na sandaling huminto ang aking mundo. Napaisip ako kung ano magandang gawin sa huling tatlo hanggang limang taon ko rito sa mundong ibabaw tapos hindi naman pala sa akin ang sakit na nagpahinto ng aking mundo. Paano ko naman siya paniniwalaan ngayon?
But at some point, it helps me to correct and improve my attitude toward others.
Nasapo ko ang aking noo. I'm experiencing tension headache right now. May dalawang rason kaya nasakit ulo ko; una, ang maling diagnosis ni Dr. Ancheta at ikalawa ay itong si Amelié na anak ng dati kong asawa. Hindi na ako maka-focus sa trabaho ko talaga dahil sa mga kaganapan na ito. But all in all, I don't have any terminal illness - just a tumor which I don't know if it's malignant or benign.
Iyong kaso lang dapat ni Amelié ang aasikasuhin ko sa Manila kaso dumagdag pa si Dr. Ancheta nang tawagan niya ako para ibalita ang pagkakamali. Pakiramdam ko talaga ay sinusubukan ako ng Diyos dahil sa mga sunod-sunod na dagok na ito. Ito yata ang paraan Niya para sabihan ako na magdahan-dahan pero parang hindi patas. All I did the past few weeks was to lie to myself, to everyone and to Audrey.
I kept lying and pretending I didn't feel anything for her. For ten fucking years, I keep lying and avoiding the fact that I like Audrey. And now I'm hiding behind the 100 days agreement we have to prevent revealing what illness I acquired.
"I'm busy, Dr. Ancheta. I'll hang up now." Binaling ko agad ang tingin ko sa siyam na taong bata sa aking harapan. Yumuko si Amelié at halatang iniiwasan niya ang aking tingin. "What happened to your promise that you would be nice and would never caused headaches?"
"I'm sorry -"
"I already talked to the government foundation where you came from, and they're willing to travel up here to get you,"
Lumuhod sa harap ko si Amelié at pinagkiskis ang dalawang kamay. "Please, Mr. Illustre, don't let them get me here. I promise I won't cause you a headache."
"What do you want from me? I'm done with your mother; may she rest in peace, and we don't have any paternal relationship."
"You can adopt me -"
"That's not up to me, young lady. You'll be staying with us temporarily. A hundred days should be enough, I guess?"
"Will you keep me when I prove I am a good girl and have no other intention against you?"
"We will talk again after one hundred days,"
Iniwan ko si Amelié sa loob ng study room ko at lumabas na ako para kumuha ng maiinom na alak. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa akin at wala akong ideya kung masosolusyunan ba ng alak ang lahat. Nasa kalagitnaan na ako ng rest house nang mabaling ang tingin ko sa labas. There I saw Audrey holding a small cake with a small candle on top it which she's trying lit up. Agad akong napatingin sa kalendaryo at aking napagtanto kung anong espesyal na okasyon ang meron ngayon.
June 18... It's her birthday...
Paano ko nalimutan ang araw na lagi ko ipinagdidiwang kahit may kasama pa akong iba?
It's always been her. But I don't know if it has to be her right now. I'm confused, and all I can do is lie to myself again. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na lumalakad palapit sa kanyang pwesto. Audrey glanced at me, then smiled.
"How did it go with Amelié?" tanong niya sa akin.
"Good. She promised to be a good girl while living with me."
"Tatay ka na. Medyo sutil nga lang ang anak mo,"
Hindi ko napigilan ang sarili ko na ngumiwi. Habang nasa poder ko si Amelié, ako ang guardian niya samantalang sarili ko ay hindi ko pa masyadong maalagaan.
"Are you going to blow that candle?" Tinuro ko ang kandila sa ibabaw ng cake niya.
"Malakas ang hangin kaya hindi ko masindihan." Nakita ko na hinawi ni Audrey ang kanyang buhok. "Isang cake lang pati ang nabili ko ngayon."
Sinipat ko ang pambisig na orasan. Wala na aakyat na delivery rider dito at kung meron 'man sobrang mahal. May ideyang agad na pumasok sa aking isipan.
"Stay there," sabi ko saka iniwan ko siya at dali-daling nagpunta sa restaurant. Tinawagan ko ang empleyado kong assistant chef upang gisingin at hingin sa kanya ang kailangan ko.
"Sino'ng may birthday, boss?" tanong ni Chef Morri sa akin.
"Death anniversary," I said and asked for a candle. Nagpaalam na ako matapos magpasalamat at abutan ng tip si Chef Morri. Kalagitnaan ng gabi at naistorbo ko ang tulog nila para lang makuha itong cake.
Agad ako bumalik sa rest house at natagpuan ko na magkasama sa labas si Amelié at Audrey. Nakita ko na binigay ni Audrey ang suot niyang cardigan sa bata saka inayos ang buhok nito.
"Hey, you guys," I said, then offered the cake I brought out of the restaurant.
"Hala sir nag-abala ka pa," ani Audrey na tinugon ko lang ng ngiti.
"Who's birthday are we celebrating?" tanong ni Amelié.
"Audrey's and..." Nag-alangan ako banggitin. Masakit pa rin para kay Audrey kahit seventeen years na ang lumipas. "For her alone. Happy birthday, Audrey!"
"Thank you for remembering, Sir Lucho."
"I almost forget about it due to some new confusing scenes a while ago,"
Audrey chuckled when she got what I meant. "Ayos lang naman, sir. Five minutes na lang matatapos na ang birthday ko."
"Make a wish now. Amelié help me here," I asked the little kid whom I still don't know how to addressed. Hindi siya sa akin kaya at lalong hindi ko pa naman siya inampon. Temporary lang lahat ng ito sa loob ng isang daang taon. Pati itong pagkakataon na makasama si Audrey, temporary din.
Kahit hindi gets ni Amelié ang sinasabi namin ni Audrey ay tumulong pa rin siya. Language barrier dahil purong Americana itong si Amelié at nakuha niya ang mala-anghel na itsura ng yumao kong asawa. Nagulat talaga ako nang tawagin niya ako Daddy kanina sa harap pa ng mga staff ko at ni Audrey. Nag-isip ako agad kung may naanakan ba ako sa lahat ng bansang binisita ko. I never had a chance to have a child with Julie and Sera.
Because we never tried.
Magkakaiba kami ng mga plano kaya hindi in-expect na nagkaroon ng anak si Julie matapos namin maghiwalay. That she's battling with cancer last year. Alam ko na may dahilan ang existence ni Amelié sa buhay ko pero inaalam ko pa kung para saan iyon. I know there's a reason and it's up to me find what is it.
"THANK you ulit, Sir Lucho," ani Audrey sa akin habang nakatitig kaming dalawa kalangitang pinagliwanag ng mga bituin at buwan. "Ang buong akala ko ay nakalimutan mo na."
Nilagay ko sa batok ang aking kamay at marahan iyon pinaraan doon pabalik-balik.
"I actually do," I said, looking at her shyly. "Ang dami kasing nangyari buong maghapon na hindi ko inasahan."
Napatingin ako kay Amelié na natutulog sa kandungan ni Audrey. Balot na balot siya ng makapal na kumot na kinuha ko sa loob ng bahay. Malamig ang klima dito sa Tagaytay lalo kung madaling araw dahil sa mataas ang lugar na 'to. Amelié was one of the unexpected twist and turns of my life today. Idagdag pa ang pagkabigla ko sa balita tungkol kay Julie na nakumpirma ko sa isang online obituary.
"Nag-effort ka pa rin naman kaya ayos lang. Hindi mo naman kailangan alalahanin taon-taon." But I did remember it yearly. Ngayon lang pumalya dahil sa maraming kaganapan sa araw na 'to.
"Seventeen years, right?" tanong ko kay Audrey.
"Yeah. Hindi na nila naabutan ang mga achievements ko. Baka kung nandito pa sila, hindi ko nakilala ang kupal kong ex-boyfriend."
"Hindi rin tayo magkakakilala,"
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung sakali nga mangyari iyon baka wala akong alaala kasama si Audrey. Ang sabi niya napilitan siya mag-apply ng paid internship para makapasok sa eskwelahan na gusto niya at makatapos ng kolehiyo. Hindi na siya tinulungan ng pamilya ng mga magulang niya noon. Nagsariling sikap upang mapagtapos ang sarili.
"Magkikita pa rin tayo kasi ito ang pangarap ko, magsulat at makita ang mga libro sa bookstore. Pagta-trabaho-an ko pa iyong sa front shelf pero kuntento na ako sa kung anong meron ngayon."
"Sabi ko sayo tutulungan kita, 'di ba? Parte ng trabaho ko iyan at nasa kontrata natin,"
"Bakit pala 100 days?"
"Aalis ako ulit. Kaya sakto ang house rules mo,"
Hindi ko alam kung guni-guni lang pagraan ng lungkot sa mga mata ni Audrey. Umalis din ako noon at nagkaroon kami ng sari-sariling buhay. I married twice while she had been involved in a toxic relationship.
"Pwede magtanong, sir?"
"Ano yon?"
"Medyo personal kaya huwag na lang. Nagbago na ang isip ko,"
"Itanong mo na, hindi naman ako magagalit."
"Talaga?" Tumango ako. "Bakit ka nakipaghiwalay sa mga dati mong asawa? Is it because..." I saw her eyeing my member which I immediately covered.
"It's not because of that, Aud. Madaling araw lang dumudumi na ang isip mo,"
Tumawa siya nang malakas. "Parang nagtatanong lang..."
"Nagtatanong o nanghuhusga. Magaling ako sa lahat ng bagay kaya huwag mo ako i-under estimate diyan."
"Ows?" Tiningnan ko siya at umarko ang isang kilay ko. Does she need proofs? No, Lucho, may kasama kayong bata kaya huwag magpadala sa pagkapikon. Kaso competitive akong klase ng tao at hindi pumapayag na mahusgahan. "Charot lang iyon sir. Huwag mo seryosohin, ha?"
Hindi niya rin pala kaya panindigan ang pang-aasar niya.
"Ang ganda ng mga bituin." Nabaling ang tingin ko sa langit nang marinig ang sinabi niya. Sandali lang iyon at binalik ko na ulit sa mukha niya ang tingin ko.
"Maganda nga," I said while looking at her face.
Nagtagpo ang aming mga mata. "W-what?" tanong niya na hindi ko alam paano sasagutin.
Pinili ko pala na huwag sagutin. Dahan-dahan ako lumapit sa kanya at bumaba sa kanyang labi ang aking tingin. Matagal na ako tinutukso ng labi niya at ngayong gabi yata ay hindi ko na kayang magpigil pa. I want to kiss her and that's what I did when I slowly bridging the space between us. Konti na lang na lang at maglalapat na ang labi namin ngunit hindi natuloy nang gumalaw si Amelié at bahagyang dumilat.
"It's cold here," reklamo ni Amelié na gumising sa aming kamalayan dalawa. Agad na tumayo si Audrey at Amelié at magkahawak kamay silang pumasok sa loob pagkapaalam sa akin.
That was close, and we almost did it. I almost kissed Audrey. I sighed deeply and closed my eyes.
DAYS have passed and we're quite busy with work. Si Audrey abala sa mga sinusulat niya habang ako nama'y pauli-uli sa Manila at dito sa rest house para sa mga meeting saka kung ano-ano pa. Today is quite special since CPPI received it's highest rating last night and it's because of Audrey's novel. Dumami ang visitor ng website at halos lahat ay mambabasa ng gawa ni Audrey. Tuwang-tuwa ang lahat sa opisina at kasama na doon si Gerold na nagpunta personal dito para dalhan ng regalo si Audrey.
Puro pagkain lang naman na ngayon ay nililigpit ko na. Nakauwi na si Gerold kasama sina Vanessa at Baninay. Nagulat sila sa set up namin ni Audrey pero wala naman ako narinig na kontra. Para sa kanila malaking tulong itong pagtira namin sa isang bubong sa success na nakamit kahapon at ngayon.
"Hi!" Bati na pumukaw sa akin. Nilingon ko ang pinanggalingan noon at awtomatikong ngumiti nang makita si Audrey. Tinulungan niya ako magpulot ng kalat at pinasalamatan ko naman siya. "How are you the past few days?"
"I'm good. Work, business, editing, nothing new happened." Tinuloy ko ang pagliligpit ng mga kalat sa labas.
"Kanina pa kita hinihintay mag-isa gaya ngayon." Huminto ako at tumitig sa kanya sandali. "Are you avoiding me?"
"No. Why would I?" Balik-tanong ko sa kanya.
Napakamot siya sa mukha at nabanaag ko ang pag-aalinlangan. "I don't know. Maybe because of what happened two days ago when we almost kissed. Don't you remember it now?"
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ko lamang ang paglilinis. I don't know what to answer. Wala akong ideya paano sasagutin iyon. Kung magpapalusot ba ako o sasagutin ko na nang totoo. She confessed her feelings to me back then and I wasn't able to answer that.
And I have to do it now. Panibagong kasinungalingan na naman ito at pakiramdam ko ay masusunog na kaluluwa ko sa impyerno.
"I remember. We almost kissed each other, and that meant nothing. I have to abide by your rules, Audrey, so I can't put meaning to it. I just can't. I'm sorry."
Iiwas na sana ako nang tingin ngunit narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Muli ko binaling ang tingin ko sa kanya diretso sa mga mata niya.
"A-alam ko naman iyon. I'm sorry din," aniya sa akin. "S-sige papasok na ako. Kaya mo na magligpit diyan." Binitiwan niya ang basurahan at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng rest house.
Damn, why do I have to tell a lie again?
Nawiwili na talaga akong magsinungaling ngayon alang-alang sa closeness na meron kaming dalawa. Upang hindi maging awkward ang lahat sa amin ay kinailangan ko magsinungaling. And telling her that I couldn't put meaning to what happened days ago was a lie.
I'd lie once again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro