12
CHAPTER TWELVE
Audrey
HINDI ko na naman napigilan ang sarili ko at makailang beses na kung ano-ano ang tinanong ko kay Sir Lucho. I've been crossing lines everytime we got closer and comfortable with each other. Madali lang naman kasi siya makagaanan ng loob matapos ang mga awkward at weird moments sa pagitan namin. Mabait kasi si Sir Lucho at sobrang hands on niya sa akin gaya na lang kanina habang nirerebisa niya gawa ko. Marami siya insights ba siyang in-apply ko bago i-re-write ang project namin. And I got higher score than the first review score he gave me. Achievement ko na iyon maituturing kaya dapat ko i-celebrate.
Ang ibang chapters na na-edit niya at na-check ko na rin ay nilagay niya na sa scheduled post ng CPPI website. Hapon nang Biyernes mag-uumpisa ang bagong romance novel. Kasabay iyon ng iba ko pang ongoing na nakasalang na sa mga i-e-edit ni Sir Lucho. Malaking tulong ang dinulot ng lugar na kinaroroonan namin ngayong dalawa. Walang ibang ingay na maririnig at pulos huni lamang ng ibon.
Presko ang hangin at kung pwede lang na humiling na dito muna kami ay ginawa ko na. Hihiling na naman ako? Hindi naman genie in the bottle si Sir Lucho at ayoko na abusuhin ang kakayahan niyang tumupad ng hiling. Kaya ngayon heto ako at palakad-lakad lamang sa labas ng rest house at nag-iisip ng susunod na eksena sa aking sinusulat. I am holding a notebook in case I think a scene, I can easily write it down.
Dapat nagpapahinga ako dahil birthday ko kaso, hinayaan ko na lang. Wala pa naman nabati sa akin miski na sino. Mukhang abala lahat yata.
"Oh? Sir Gerold?" Taka kong sambit nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng rest house ni Sir Lucho
Lumingon sa akin si Sir Gerold saka ngumiti. "Sybil, nandyan ba ngayon si Lucho o nasa restaurant niya?" tanong niya sa akin.
"Nasa loob po. May inaayos lang kasama ng mga staffs niya."
Inaya ko sila pumasok sa loob ng rest house ni Sir Lucho. Sila, kasi may kasamang cute na bata si Sir Gerold. Sa akin tantya ay nasa edad walo o siyam na ito ngayon, nakatali pataas ang buhok na kulot ang dulot at maputi ang balat. Halatang foreigner ito base pa lamang sa kulay ng mga mata at kutis. Bilugan ang mga mata niya pati na ang mukha gaya sa mga child star na napapanood ko sa pelikula.
May kamukha nga siyang artista sa totoo lang.
"Send me the final financial report by the end of the day tomorrow. Call me when the delivery arrives, okay?" Narinig ko na mga bilin ni Sir Lucho sa kausap niya. "Why are you here again, Ger?"
"Daddy!" sigaw ng bata na kasama ni Sir Gerold.
Lahat kami, kasama na ang mga staff ni Sir Lucho at maging si Sir Lucho mismo ay nagulat. Bukod tanging si Sir Gerold lamang ang hindi. Agad na lumapit kay Sir Lucho ang bata at yumakap sa baywang nito. Wala akong makitang resemblance at hanggang sa mga oras na ito'y iniisip ko pa rin kung sino ang kamukha niyang artista. Nasa dulo na nang dila ko iyon at hindi ko lang magawang pangalanan.
"That's the reason why I am here again, Lucho." Dinig ko sa tinig ni Sir Gerold na 'di siya makapaniwala ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang kawalan niyang ekspresyon kani-kanina lamang. "She came by to our office looking for you. Ang sabi niya anak mo raw siya, Lucho."
"May anak ako?" Napatingin siya sa mga staff niya na nakatulala lang din.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na makialam sa nangyayaring eksena ngayon. "We'll leave first so you two can talk," sabi ko saka inaya na ang mga staff ni Sir Lucho pati na ang bata na tumawag sa kanya ng Daddy.
So much revelation for a day. Hindi na talaga nawalan ng surpresa ang buhay ni Sir Lucho. Ano pa kaya ang susunod? Ang ganda namang regalo nito sa akin.
"I CALL him Daddy because I don't want to return to a government foundation. I lost mom last year, and I don't know who my real dad was."
Amelié is frustrated as well as Sir Lucho. Kaya nga nilayo ko muna siya sa boss ko dahil baka mabinat ito at magkasakit ulit. Hindi nagsasalita noong una si Amelié pero nang pakainin ko na dire-diretso na ang pagsasalita niya. She was Julie Palmos' daughter. Ex-wife ni Sir Lucho bago si Sera at ayan nga't umamin na hindi naman talaga niya tatay si Sir Lucho.
"Does he has a wife? Mom told me he's the best guy she'd ever had before my father, and he's rich."
Napa-arko ang isang kilay nang dahil sa huling sinabi niya. Bata palang may tendency na maging gold digger pero hindi ko naman masisi dahil baka 'di siya nasubaybayan ng magulang. Na-kwento ni Amelié na namatay sa sakit na cancer si Julie at pagkalibing ay kinuha na siya nang baranggay nila. Tumakas lang siya at mag-isang pumunta sa CPPI. Ang tapang nito bata na 'to samantalang ako noong nasa edad ay hindi 'man lang makatawid mag-isa.
Hanggang ngayon pa rin naman, Audrey.
"He doesn't have a wife," tugon ko at kinuha ang plato niya saka nilagyan ulit iyon ng pagkain.
Amelié also told me that she haven't eat real food the past few days. Naiintindihan ko kung gaano siya kagutom pati na ang takot niya sa mga government foundations. Masyado kasing strict ang ibang staff doon pero may dahilan naman at karamihan ng mga bata ay tulad ni Amelié na pasaway.
"You're not his wife?" Sa isip ko asawa ko si Sir Lucho kasama pa ng iba kong mga crushes. Umiling ako at nilapag na ang pagkain sa kanyang harapan. "You're too average for him. My mom was an attractive model and actress back in her time. Sera Villa was a dancer - a prima ballerina to be exact."
Pwede ba manakal ng bata? Ano ba ang ibig sabihin niya sa average? Maganda kaya ako kahit na wala gaano'ng maipagmamalaki. Mahaba din ang pasensya ko kumpara sa iba at flexible pa ako.
"I am an Author under his supervision. I'm famous too, you know."
"It doesn't ring any bell."
Nakuyom ko ang aking mga kamao bigla. Malapit ko na patulan ang batang ito at numinipis na ang aking pisi sa kanya.
"Young lady, you have to be nice to her because she's feeding you. Have you thanked her?" Parang maamong aso na tumahimik si Amelié nang marinig ang boses ni Sir Lucho. "I have to bring you back to the foundation -"
"Please sir, don't do that. I don't want to be there." Nakita ko na luminga si Amelié sa paligid na tila ba naghahanap kung saan-saan ng sasabihin. "I can clean, do laundry and be her assistant. I will promise to be nice to anyone just don't send me back there."
Hanep naman itong bata na 'to. Anak talaga siya ng artista dahil sa galing mangumbinsi at umisip ng alibi.
"I cannot be your legal guardian. I divorced your mother exactly eleven years ago. I cannot keep you here for long."
"It's lonely there. No one wants to play with me. I came this far to beg you to adopt me."
Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Sir Lucho. Oh no, the kid convinced him already. Ibang klase talaga si Amelié.
"I'll go back in Manila to fix her case. Let me see what can I do to keep you here with me." Binalingan ako ni Sir Lucho. "Alam ko na wala ito sa contract na binabasa mo pa pero pwede ba ako maki-usap na samahan mo muna siya dito?"
Tumingin ako kay Amelié at dalawang kamay pa siyang nakiusap sa akin. Ang mga mata niya'y gaya doon sa pusang naka-boots sa pelikula. May magagawa pa ba ako?
"Okay sir." Ngumiti si Sir Lucho at tuwang-tuwa naman si Amelié sa naging desisyon ko. Sana lang talaga ay tama itong desisyon ko.
Sana.
SABI ko na maling desisyon na pumayag ako na bantayan si Amelié. Birthday ko pero nasa presinto ako. Hindi ito kasama sa 100 day agreement namin ni Sir Lucho at habang tumatagal ay lalong dumadami ang mga unwanted na bagay. Naisip ko kung tama ba pa na ituloy ang agreement o huwag na lang. Imbis na nagsusulat ako ngayon, para kaming nasa guidance couselor nitong si Amelié. Nahuli kasi siya sa sa CCTV ng restaurant na kinukupitan ng pera ang bag ng isa sa mga customer.
"Kailangan po ba talaga ma-detained ang bata, mga sir?" tanong ko sa mga pulis na nasa harapan namin.
"Miss, nahuli ang anak mo sa akto ng pagnanakaw." Pinilit ko na huwag umirap.
"She's not my mom, but she's taking care of me." Sabat naman ni Amelié na hindi ko na nga pinagsasalita ngunit kahit anong sabi ko ay sige pa rin siya.
"We should cut of her fingers." Suhestyon ng babaeng may-ari ng bag na kinupitan ni Amelié.
Naisoli naman na ang pera na nakuha at humingi na rin ako ng dispensa kaso itong ginang na may-ari ng bag ay masyadong harsh. Bakit naman puputulan ng daliri sa kamay ang bata?
"May ibang paraan ho para madisiplina ang bata. Hindi naman po kailangan saktan. My boss owned the restaurant and his staff can attest to that." Dumating ang isang staff ng restaurant at kanina pa siya sinasabon ng ginang na masyadong harsh magparusa. Natatakot na nga si Amelié kaya gusto ko na rin siya ialis sa lugar na 'to.
"On the way na daw po si Sir Lucho, Miss Audrey." Pabulong na sabi sa akin ng restaurant manager.
Wala kami nagawa kung 'di tahimik na naghintay sa pagdating ni Sir Lucho habang ang magrereklamo ay kanina pa talak ng talak. Baka mapatiran na siya ng litid kapag hindi pa tumigil sa kakadada niya. May mali itong si Amelié at nag-sorry na ang bata. Nag-sorry din ako pati ang restaurant manager para naman sa naging kapabayaan ng security. Hindi ko lang talaga ma-gets ano pa ang kailangan niya at nakikihintay pa sa amin kay Sir Lucho.
"Will Sir Lucho still adopt me?" tanong sa akin ni Amelié.
Huminga ako nang malalim. "I don't know, dear. I don't want to get you hopes high." Tahimik na buhay ang isa sa meron si Sir Lucho at kung gaya ni Amelié ang makakasama niya sa buhay, baka madali ang buhay ng boss ko. Pasaway itong si Amelié at makailang beses ko siya sinabihan na huwag lumabas na 'di ako kasama. "Let's just focus on your problem and fix this as much as possible."
"I don't want to return to that foundation, Miss Audrey."
Hindi ko talaga masabi ang pwedeng mangyari. Wala naman ako magagawa kapag nagdesisyon na ang boss ko. Iyong contract na bigay niya ay hindi ko pa tapos basahin. Basta alam ko lang na 100 days ang itatagal noon.
A little too much for a hundred days with my boss.
Ang dami na namin na-experienced dalawa sa mga lumipas na araw habang magkasama kami. Naisip ko lang na meron pa kayang susunod?
Lahat kami natigilan nang pumasok sa loob nh presinto si Sir Lucho at may inabot siyang papel sa mga pulis. Kung ano ang nakasulat doon sigurado ako na may kinalaman kay Amelié kaya hinayaan kami ng mga pulis na umalis na. Nahinto naman sa kakatalak ang ginang kanina nang kausapin siya ni Sir Lucho. Ang dami kasi nito binibintang sa bata na dagdag lang pala para lalo kami matagalan. Ang bilis ng pangyayari dahil pagkatapos makipag-usap sa lahat ay umusi na kami sa rest house.
"You're going anywhere, young lady. We need to talk about what happened while I'm out." Nakita ko na yumuko si Amelié at kumapit pa sa laylayan ng suot ko na cardigan. "Let her cardigan go. She has a lot of work to do that you interrupted."
Seryosong-seryoso si Sir Lucho at ayoko na sumabat pa kaya ang sinabi ko na lamang ay iyong may kinalaman sa kontrata.
"I already signed it and I'll go upstairs now." Paalam ko matapos ko ituro ang envelop na nilagay ko kanina sa kanyang working table. Tiningnan ko pa ulit si Amelié at parang paiyak na siya pero wala akong magawa. Huwag sana siya parusahan ng matindi ni Sir Lucho.
"Aud..." tawag ni Sir Lucho sa akin bago pa 'man ako makalabas ng home office niya. Lumingon ako agad sa kanya saka inabangan ang susunod niyang sasabihin. "Thank you."
Ngumiti ako. "No worries," I said, then bid them goodbye.
Lumabas ako sa home office at dahan-dahan sinara ang pintuan bago sumandal sa dahon noon. Kahit salamat lang ang sinabi niya ay nagwawala na itong puso ko. Alam ko na marami pang ganitong pagkakataon sa loob ng isang daang araw na kasama siya. Dali-dali ako tumungo sa kwarto ko at minarkahan ang table calendar na naroon.
"I only have 100 days with him." Pinagmasdan ko ang kalendaryo partikular sa date na siyang araw kung saan papatak ang ika-isang daang araw ng kasunduan namin.
October 23... That's his birthday!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro