Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11

CHAPTER ELEVEN

Lucho

KULANG ang salitang nagulat ako sa tanong ni Audrey kanina bago kami tumungo rito sa rest house ko. After feeding Audrey, I left her and visit my restaurant nearby. Para makapag-isip isip ako kung may ibang ibig sabihin na ba itong ginagawa ko ngayon. I somehow not ready for any serious relationship for now. Nakakadala at ayoko na mapa-loob muli sa isang palyadong relasyon ulit. But I know, I already sent a lot of mixed signals to her already. Ang mahirap nito, baka masaktan ko siya kapag sinabi ko na wala muna akong balak na pumasok sa isang relasyon. We have an agreement and she made us rules. Naka-highlight pa roon iyong rule number 4 na inulit naman niya rule number 10.

Malalim akong huminga. I should've cleared my stance before this agreement happened.

Sa kakaisip, napadpad ako sa restaurant na punong-puno pa rin ng mga customer. Pati ako'y napatulong na rin sa pag-se-serve ng mga order dahil hindi magkanda-mayaw ang mga staffs ko. Kilala sa buong mundo ang chef na na-hire ko dito at may isang branch nitong restaurant sa Italy. Isang dahilan kaya marami ang napunta dito kahit na anong araw. When everything is under control, I decided to stand by the counter. I diligently observed the process from ordering to payment and fulfilling the orders.

"Antonio." Tawag na pumukaw sa aking panonood sa mga nangyayari sa loob ng restaurant. Paglingon ko, agad na mukha ni Sera ang bumungad sa akin. "Are you here for work or to rest?" tanong niya sa akin.

"Both." I'm still off when she decided everything for me back in the hospital. Kahit hindi ko pa nalalaman ang resulta ng imaging test talaga. "Why are you here? Wala ka naman ng property dito, right?"

"I decided to go here and talk to you. One of your cleaning staff told me that you'll be here -"

"Sir!" sigaw na pumukaw sa amin pareho ni Sera. It's Audrey and she wave her both hands to get my attention. Parang bata kung tutuusin ngunit hindi ako naiinis. Bakit nga kahit immature si Audrey ay hindi ako naiinis? Ano'ng meron sa kanya?

"You're with her again?" Tanong ni Sera sa akin kaya bumalik sa kanya ang aking atensyon. Ngunit sandali lang iyon dahil binalikan uli ng mga mata ko si Audrey. Napansin ko na may batang lumapit kay Audrey at yumakap dito. I heaved another sigh before facing Sera.

"We're working together, and you have no say in my decision, Sera. You're out of my life, and I'm drawing the line now."

"Draw the line?" Hindi makapaniwala si Sera nang marinig ang sinabi ko. Iniwan ko siya at nilapitan si Audrey na may kausap na bata sa may harap ng restaurant. Base sa itsura ng bata mukhang nahiwalay ito sa mga magulang niya.

I tried my best to comfort the kid. Gano'n din ginawa ni Audrey at pareho pa kaming luminga-linga sa paligid hanggang sa lumapit na ang guard ng restaurant ko sa amin.

"Baka nasa paligid lang mga magulang nitong bata. I'll bring her in my rest house." Iyon ang bilin ko sa guard at kinalong na ang bata saka inaya si Audrey na bumalik sa rest house. "Why did you came out, Aud?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik.

"I'm done writing. Magpapa-alam sana ako lumibot dito kaso tinawag niya akong mama kanina tapos umiyak."

"Baka kamukha mo ang nanay niya,"

"Or maybe I'm wearing the same clothes as her mom." Tahimik na ang bata na pinag-uusapan namin na kalong ko. Alam naman ng mga gwardya kung saan dadalhin ang maghahanap sa batang ito. "Kalmado na siya ngayon kaysa kanina. Talent mo talaga ang pagpapatahan, sir."

Naisip ko kung ilang beses ko na siya napatahan noon. Marami-rami na rin at hindi pa nag-uumpisa ang agreement ng lagay na 'to. Puro set backs at maraming mga pangyayari na hindi inaasahan. But I acknowledge her house rules before. Sadyang hindi ko nagawa pagtuunan ng pansin ang kontrata na ginawa ko para sa kanya.

"Your wife is here, pala,"

"Ex-wife, Audrey."

"Sorry nakakalimutan ko lagi." Malumanay niyang sabi at nauna na pumasok sa rest house. "Are you hungry? Anong gusto mo kainin? Ah! Wait lang,"

Sinundan ko ng tingin si Audrey at nakita na may kinuha siyang kung ano sa bag. Muki siyang lumapit sa amin at inabot ang chocolate bar.

"You have a chocolate bar in your bag?" tanong ko sa kanya.

"Mabilis kasi ako magutom at kapag nagsusulat ako, madalas ko makalimutan ang oras." That's explain why she don't have a clock in her apartment. "Para rin kapag naabutan ako ng gutom sa biyahe. Nagala naman ako paminsan-minsan pero lately nasa bahay lang talaga ako." Tinanggap ng batang kasama namin ang chocolate bar at kinain iyon. "She have a sweet tooth gaya ko."

I chuckled.

Hinayaan ko na lumakad-lakad sa palibot ng living room ang bata na nakilala namin sa pangalan na Pia. Close na sila agad ni Audrey at hindi na natuloy ang plano nito na gumala dahil kay Pia palang ay nalilibang na siya. Naglaro na lang ang dalawa hanggang sa may dumating na nakakakilala sa bata. Hindi ko muna pinakita ang bata dahil kailangan ko ng proof na sa kanila ngang anak si Pia. Lagi kasi sinasabi ni Pia na uuwi siya sa kanila pero hindi naman namin malaman saan iyon.

"They're scammers," usal ko saka pabagsak na naupo sa couch na kinauupuan ni Audrey. Tulog na si Pia sa ibabaw niya at ang lalim ng tulog nito.

"Ha? Paano mo nasabi?" Marahang umayos ng upo si Audrey saka tumingin sa akin.

Paano ko nga ba nasabi?

Kinausap ko ang mga nag-ke-claim sa bata at wala ako nakita na similarities nila sa itsura. Hindi pa makali ang mata ng ginang kanina habang kinakausap ko sila. Wala rin sila mapakita na picture na kasama nila ang bata. Singkit ang mga mata ni Pia, heart shape ang mukha, maputi ang kutis. Moreno ang mga nag-claim kanina at bilugan ang kanilang mga mata.

I told the guards to the Tagaytay Police. Posible kasing kidnapping incident ang nangyari. Sinabihan ako ng mga rumesponde na pulis na may darating na social workers para kuhain si Pia. Lahat nang napag-usapan namin ng mga kapulisan ay sinabi ko kay Audrey at inasahan ko nang magugulat siya.

"Do you think mahahanap pa ni Pia ang parents niya?" tanong ni Audrey sa akin.

Kaka-alis lang ni Pia kasama ng mga social workers at police. Sinundan lang namin sila tinggin hanggang sa malawa na sa aming paningin.

"I hope so,"

"I was once lost. Nahiwalay ako sa mga magulang ko noon sa amusement park at ang lungkot. Nakakatakot pati dahil hindi ako pamilyar sa lugar. Hindi ko kilala mga tao. Naramdaman ko ang nararamdaman ni Pia ngayon kaya nalulungkot ako para sa kanya."

Marahan ko pinatong ang aking kamay sa balikat ni Audrey. "She'll be all right. Sinabihan ko ang mga pulis na tawagan ako kapag may development na."

Ngumiti si Audrey sa akin pero bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot. Malaki ang impact nang nangyari kay Pia sa kanya. I think I have to do something to make her feel better. I want Audrey to know that even an agreement binds us together, I'm always there for her.

"Thank you, sir."

"Anything for you." Ngumiti siya sa akin. "I'm always here for you, Aud."

"I know." Inabot ko sa kanya ang contract at sinabihan na basahin iyon maigi. Na-revise ko na rin nang bahagya ang house rules niya. "I'll read this today."

"Take your time."

ISANG unwanted guest ang dumating sa rest house ko kahit hindi ko naman iniimbitahan. Gusto lang ni Gerold na dalawin ako at inisin ngayong gabi. Mabuti at pinili ni Audrey na magkulong ngayon sa kwarto para makapagsulat. I-re-review ko dapat ang mga sinulat niya kaso narito si Gerold kaya malabong mangyari ang aking plano.

"Now you're both here alone inside this huge rest house of yours." Hindi pa rin siya makapaniwala na dinala ko si Audrey para makapag-unwind. Mas maraming masusulat si Audrey kung narito sa tahimik at magandang lugar. Maaari pa siyang mag-observe at gamitin ang lugar na 'to bilang settings. "Parte pa rin ito ng agreement o may iba nang kahulugan?"

"Depende sa mag-iisip," simple kong sabi. Totoo naman na nakabase sa iisipin ng iba ang lahat. Naniniwala ako na kapag hindi pabor, mabuti pang pumikit na lamang. "Why are you here?"

"Akala ko papasok ka ngayon kaso na-scam na naman ako at hindi ko alam kung napapansin mo ba pero madalas wala ka na sa opisina ngayon. You're too far from the Luis Antonio Illustre that I know." Nang-aasar na salita ni Gerold. "Do you like her now?"

Umiling ako. "Wala naman siguro masamang mag-work from home. Let's just talk about business. Hindi pa rin nag-co-comply sa palugit ko si Simon. I think we need to teach him some leassons. Have you read about recent post?"

"It was deleted already. Napagalitan ko na rin pero iniisip ko nga na tanggalan na lang ng contract."

"Kailangan na talaga iyan. His stubbornness causing us money. Idagdag pa ang mga writer na, lalo na ang mga bago na naiimpluwensyahan niya."

"Pag balik ko sa Manila iyan ang gagawin ko. May bibisitahin ako na rest house din sa may Batangas. Dumaan lang ako para tanungin kung ano na development niyo ni Sybil. But I get more than what I expected."

"Isipin mo kung ano ang gusto mo isipin. Ang mahalaga sa akin ay matulungan siya."

Huminga nang malalim si Gerold saka makahulugang tumitig sa akin. "In case you haven't notice yet, Lucho, you're livelier the past few days since you handled Sybil. May malaking epekto siya sa pagbabago mo at masaya ako para sayo." Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niya ipahiwatig. "Ito na ang sinabi ko sayo noon."

Kumunot ang aking noo at pilit inalala ang mga sinabi sa akin ni Gerold noon. Lagi siya may advise sa akin dahil bukod sa mas matanda siya sa akin, may pamilya na rin ang kaibigan ko.

"That you already fixed your personality to have a long lasting relationship. Tingin ko napansin din ng ex-wife mo kaya gano'n na lamang siya ka-concern sayo bigla."

Wala naman kinalaman sa tao ang pagbabago ng personality ko. Sinadya ko baguhin para sa isang dahilan.

May sakit ako at hindi ko pa rin iyon nakakalimutan. Isang rason kaya ayokong pumasok sa anumang relasyon dahil hindi ko pa rin matanggap na may sakit ako. How will I going to do love if I am sick?

Iyon lang naman ang dahilan kaya unti-unti akong nagbago ngayon. Mabait naman ako noon pa kay Audrey at wala naman kami naging away. Marami sa mga katrabaho ko na kilala ako at alam nila na hindi ako basta-basta nakikisama lalo sa 'di ko kilala.

"I already cleared everything to Sera."

"Sana lang maintindihan niya talaga na hindi na siya ang nasa puso mo ngayon."

Dasal ko rin iyon pero sino na ba ang nasa puso ko ngayon? Imposibleng sasang-ayunan ko si Gerold. Napaka-imposible talaga.

MALALIM na ang gabi nang maisipan ko pumasok ng bahay. Naantala lang nang makita si Audrey sa kusina at tila may hinahanap siya. Nakapatay ang ilaw sa sala at sa kusina lamang ang nakabukas na ilaw. Dahan-dahan pa ang kilos ngunit napansin niya rin ako agad.

"What are you doing?" tanong ko agad sa kanya.

"I'm looking for ice cream. Akala ko meron dito. Bigla kasi ako nag-crave at kakainin ko sana habang nagsusulat." Mahaba niyang paliwanag sa akin. She craves like a pregnant woman and I can't stop thinking that maybe. Just maybe. "Stop thinking na buntis ako, sir. May mga pagkakataon lang talaga na ganito ako."

"Are you a mind reader?"

"Halata naman sa titig mo palang." Dinampot niya ang cellphone at nagtingin. Pagkatapos ay inabot sa akin. "What's the address here?"

Kinuha ko ang cellphone niya at ako na ang nagtype ng address nitong kinaroroonan namin. "Late night booking? Meron pa ba?"

"Meron pero mataas ang presyo."

"Dapat naglakad na lang tayo palabas para humanap,"

"Ang tarik kaya nitong rest house mo, sir. Nakakapagod maglakad." Ngayon lang siya nakapagreklamo talaga sa akin. Alam ko na kanina pa niya gusto na magreklamo ngunit hindi lang magawa siguro dahil nahihiya sa akin. "Hindi ako makareklamo kanina. I think I made everything awkward for us. Curious lang naman kasi ako bakit ang bait mo pa rin sa akin."

"You're not a stranger to me. We've known each other for a very long-time already."

Iyon lang naman talaga at mahirap na paasahin niya merong iba gayong alam ko na aking kapalaran. Alam ko nga ba talaga? Basta may sakit ako at may ilang taon na lamang. Hindi pa nasagi sa isipan ko ang magpatingin o kahit na tanggapin na kailangan ko mag-gamot.

"I see. Thank you for being nice always. Lagi ka pa nandyan sa tuwing kailangan ko ng tulong at hindi mo hinusgahan."

"I already told you, I'm not perfect either. Wala naman perpektong ginawa sa mundo. Kung meron 'man pakiramdam lang nila iyon o 'di kaya ay nangangarap lang."

Tumango-tango siya sa sinabi ko. Tingin ko naman ay nasa katwiran ako ngayon at aminado talaga ako na hindi ako perpektong tao. Ayokong maging kagaya nila at hangga't maaari nais ko ma simplehan lahat. Hindi ko palang alam paano at saan mag-uumpisa ngayon. Ever since annulment, my life has been like this.

Tila ba nasanay ako sa maluhong presensya ni Sera kaya ganito na lamang kalaking adjustment ang ginagawa lalo't napaka-simpleng tao ng katrabaho ko ngayon.

"I really admire you, Sir Lucho. Huwag ka magbabago, okay?"

Napatulala ako sa kanya. Ano ba ang ibig niya sabihin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro