09
CHAPTER NINE
Lucho
MAS importante ka.
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni Audrey kanina. Sigurado ako na hindi siya hallucinations dahil gising na gising ako nang pinakain at pinainom niya ako ng gamot. Naalatan pa nga ako sa lugaw na binili niya kaya hindi ko naubos halos. Dahan-dahan akong bumangon at tumayo upang silipin ano ginagawa ni Audrey ngayon. Naabala ko siya sa kanyang lakad ngayon dahil sa nilagnat ako. Sabi niya nga, hindi na importante pa iyong dadaluhan niya na reunion. Balik tanaw ng utang na loob daw ito.
"What did you feed him?" Kumunot ang noo nang marinig ang pamilyar na tinig sa sala. "Hindi basta-basta nakain ng kung ano-ano si Antonio. Paano kung ma-food poison siya?"
It was Sera.
Anong ginagawa niya dito at paano siya nakapasok?
As far as I could remember I changed my passcode which I only given to Audrey. Magkasama kami sa bahay kaya dapat lang na alam niya ang combination bukod sa may susi siya. Kinaya ko na makalapit sa kanila dahil tiyak ko na inaaway ni Sera si Audrey.
"I'm not Sir Lucho's maid here, miss. We're business partners and how on earth will I know what to feed him?" Mataas na ang boses ni Audrey at kailangan ko na pumagitna sa kanila.
"You're technically living with him, miss whatever your name is. You should've asked him!"
"Paano ko naman tatanungin yung taong sobrang taas na ng lagnat? You were with him yesterday, yet you didn't notice that something was odd. I know that you're his ex-wife, but you don't have the right to accuse or think that I will do a thing to harm my boss."
Lalo yata akong magkakasakit sa dalawang ito.
"Enough with bickering, you two. Hindi pa ako mamatay," I said.
"Antonio!" Nag-aalalang sigaw ni Sera saka nilapitan ako. Bakas na bakas bigla sa mukha ni Sera ang pag-aalala at para bang nawala ang matigas niyang awra kanina habang inaasikan si Audrey. Mataray ang mukha ni Sera kaya marami ang na-i-intimidate sa kanya pero hindi ako kabilang doon.
Agad ko na napansin na lumayo ng kaunti sa amin si Audrey. Para bang may dinadamdam na siya at hindi ko lang magawang pangalanan pa. Masyado akong nanghihina para isipin kung ano iyon.
"Why are you here, Sera?" tanong ko sa aking dating asawa.
"I'm still married to you, Luis Antonio. I'm concerned, and your business partner here is trying to kill you." Hindi na kami kasal dalawa. I'm a freeman now.
"I'm not!" Matiim na giit ni Audrey.
Muli ko silang pinatigil at binuwag ko ang hawak sa akin ni Sera. "I'm quite okay now. Pwede ka na umalis, Sera. Hindi niya pagtatangkaang patayin." She too nice to do that.
"I won't leave, Antonio. Let's go to the hospital now. Ang putla mo na at kung hindi pa ako dumating baka kung ano na nangyari sayo."
"You're exaggerating again, Sera. Just leave us alone, okay?"
"No. We will go to the hospital." Aktong lalapit si Audrey sa akin ngunit pinigil siya ni Sera. "Kaming dalawa lang at kung pwede umalis ka na muna dito. Ako na bahala mag-alaga sa kanya."
"Sera..."
"It's final and you will never win against me, Luis Antonio."
Hindi na ako nakapagsalita at nakatanggi nang marahan ako igiya palabas ng bahay ni Sera. I don't have my phone with me to text Audrey. Hindi niya kailangan umalis pero masyado akong nanghihina kaya 'di ko napigilan si Sera. Wala naman siya dapat pakialam sa akin dahil kaka-text lang ng abogado at annuled ang aming kasal. Maaari na siyang umalis at gawin ang gusto niya gaya noong sinabi niyang maghiwalay na kaming dalawa.
What happened to that? Ang labo ng lahat talaga.
"WHAT HAPPENED? Ngayon ka lang nagkasakit at na-ospital ka pa, Lucho."
Si Gerold ang unang bisita ko nang ma-confine ako dito sa ospital kani-kanina lamang. I was dehydrated and my fever nearly hit the convulsion state. Nasaksakan na nila ako ng gamot at may nakakabit na rin dextrose sa aking kamay. Private room ang kinuha ni Sera at siya lahat ang umasikaso ng lahat pati na ang pakikipag-usap kay Dr. Ancheta. She went overboard this time and I hate that Sera - my ex-wife was deciding for me.
Palibhasa ay suportado siya ni Mama kaya gano'n na lamang pangingialam niya. Nagkaroon tuloy ako ng schedule para imaging test at biopsy pagkatapos ng mga examination ko kanina. Wala pa ang resulta at wala naman akong plano na intayin 'yon. Alam ko na gusto lang makasiguro ni Sera at Mama na hindi dahil sa tumor ang pagkakasakit ko ngayon. Naniniwala naman ako na dala lang ito ng puyat at pagod nang nagdaang araw. Ang sabi nga ni Audrey baka nahamugan daw ako nang umakyat kami ni Sera sa Tagaytay.
Si Audrey.
I haven't check on her. Binalingan ko si Gerold agad nang maisip ko si Audrey. "Can I borrow your phone?" tanong ko sa kaibigan.
"Yeah, sure, but Sera told me not to let use any gadget -"
"Hand me your phone. I have to call someone," Binigay naman sa akin ni Gerold ang cellphone niya at agad ko tinawagan si Audrey ngunit bigo akong makakuha ng sagot sa kanya. "Damn!"
Binalik ko kay Gerold ang cellphone niya at pabagsak na nahiga.
"Sino ba kasing tinatawagan mo?"
"Audrey..."
"The writer? Your writer?" Tumang ako at tumingin sa kanya. "W-what? Ano na namang iniisip mo dyan? I won't help you, Lucho."
"Cover me this once. I need to go home and check if Audrey is still there."
"O-okay, but why she's at your house?"
"We're living together. We had an agreement and to be able to help her write a romance novel, I have to live with her." Basta ko lang inalis ang dextrose at nagpalit ako ng damit ko. "We have a business relationship, Gerold. Tigilan mo na ang pag-iisip ng kung ano-ano."
"Will you please enlighten me about this agreement?"
"I will but soon. I want you to cover me and help me escape."
"Pero ayos ka na ba?"
"Yeah. They're just dramatic. I'm okay now."
Dire-diretso akong lumabas pagkabihis ko at tinulungan naman ako ni Gerold na makatakas. He even offered me a ride to Audrey's apartment. Nagbago ang isip ko na dumiretso uwi dahil kung pagbabasehan ko ang itsura kanina ni Audrey alam ko na susundin niya si Sera na naninindak kanina. Alam ko na doon siya pupunta matapos kaya-kayanin ni Sera kanina. Hindi naman niya ako papatayin at ramdam ko na concern sa akin. Masyado lang drama queen ang dati kong asawa at si Mama.
"You're really dead when Sera finds out that you escape. Paano na lang ako na dinamay mo?"
"Sera is my ex-wife already. Granted na ng court ang annulment naming dalawa kaya basically wala na kami pakialam sa isa't-isa."
"Unless she still likes you and has a huge regret about letting you go,"
"She broke us. And I never plan to return to someone who already tossed me away."
Sera told me that she wanted to fulfill something in her life. Hinayaan ko siya dahil baka hanggang doon lang talaga kaming dalawa. Kaya hindi ko maintindihan bakit ganito bigla na para bang nagpapahiwatig siya na gusto niya bumalik sa akin. Ang labo at sadyang hindi ko talaga maintindihan ang lahat. Kaya ang pakiramdam ko lalo akong magkakasakit sa mga nangyayari ng biglaan.
Mas maigi talaga na wala na lang dapat pakialaman sa buhay ng isa't-isa.
"Hindi na kita iintayin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gerold nang makababa ako sa sasakyan niya.
"I'll be fine here, Ger. Thank you for covering for me. I owe you once."
"And you owe me a lot of explanations."
"I am. I'll see you in the office."
Kumaway ako at inabangan ko na sumibat siya bago ako pumasok sa gate ng apartment ni Audrey. Dito lang naman siya pupunta at hindi ako pwedeng magkamali. She's not in my house when we arrived. Itong lugar lang na ito ang alam ko na pupuntahan niya. Kailangan ko mag-sorry sa kanya agad dahil sa inasal ni Sera na hindi ko nagawa kanina.
I hit the doorbell once but I got no answer. Pinindot ko ulit pero wala talaga kaya pinili ko maupo na lang sa lapag at inabangan na dumating si Audrey. Hindi ko alam kung anong oras siya darating at dapat pala hiniram ko na ang cellphone ni Gerold. Wrong move na naman ako at nawawala ako sa diskarte dahil lamang sa ka-dramahan ng mga tao sa paligid ko. Sinandig ko ang ulo sa may pintuan saka tumingala at matamang pinagmasdan ang agiw na nakapalibot sa bumbilya.
"Sir Lucho?" Napatingin ako sa tumawag at literal na nagliwanag agad ang mga mata ko. Marahan ako tumayo ngunit muntikan na ako mabuwal dahil sa hilo.
"I'm sorry."
AUDREY LET me use her bed and made me sit on top of it. May thermometer siyang nilagay sa kili-kili ko saka marahang tinapalan ng cool patch ang aking noo. Muntik akong mabuwal na mabuti na lang naagapan ni Audrey kanina kaya heto at nasa loob na kami ng apartment niya. May gamit pa rito na hindi ko pa napapakuha kaya puwede pa siya manatili sa lugar na ito.
"You shouldn't escape in the hospital, Sir. Paano kung may nangyari sayo? Alagang-alaga ka pa naman ng judgmental mong asawa."
I chuckled. "Ex-wife, Audrey. She's my ex now." I corrected her.
"Ex na pero kung maka-asta akala mo valid pa ang kasal niyo. Akala ko ako lang ang toxic na ex, ikaw rin pala at first time ko maakusahan na murderer ha."
"I'm sorry, Aud. She's dramatic just like my mom. Kaya ako tumakas ay para kumustahin ka. Ang dami sinabi sayo ni Sera at sigurado ako na naapektuhan ka noon,"
"Slight lang naman pero umalis na ako sa bahay mo,"
"Why?"
"Because she said that I should leave and I did it. Dito na lang ako at maayos naman na dito. I think I can write here now. May sinend ako ulit sa email mo pero saka mo na tingnan kapag magaling na magaling ka na."
Marahang kinuha ni Audrey ang kamay ko saka nilinisan ang tuyong dugo roon dulot ng pag-alis ko sa aking dextrose. Nilagyan niya iyon ng cute na band aid saka kinuha na ang thermometer sa aking kili-kili.
"I'll stay here instead if you want. I am your new hero, so I should be by your side always,"
"Nabasa mo na?"
"Yeah, and I'm impressed by your characterization and settings description. Buhay na buhay ang iyon habang binabasa ko. Well written ang sample chapter pero dagdagan mo lang ng element of surprise like paano nagkita sa unang pagkakataon ang mga bida."
Nakatulala lang sa akin si Audrey at kung hindi ko pa ikakaway ang kamay ko ay 'di siya magigising.
"Hindi ka talaga marunong magpahinga. Sabi ko saka mo na ako bigyan ng review na binigay mo naman agad ngayon."
"Nasanay na kasi ako,"
"You're working since I was nineteen. Yeah, I remember," she smiled at me. And thanks for reminding me that I'm old. "may gusto ka ba kainin? Yung kaya at mabilis lang lutuin para naman hindi ka malipasan ng pag-inom ng gamot."
"I can eat anything, Audrey,"
"Y-you're ex-wife said you're picky. Paano ko naman kasi malalaman iyon. Ten years tayo walang communication. Ang natatandaan ko lang ay paborito mong kumain ng cake kapag nagta-trabaho ka."
"And I still do it up until now."
I find Audrey's wide-eyed gazed amusing. Lalo na kapag bumubuka ng bahagya ang mga labi niya. Kapag ngumingiti naman siya, kasama pati na ang mga mata. Malutong din kung siya'y tumawa na mahahawa ka na rin kapag lumaon. She's unique in every aspects of her well being.
I haven't met a woman like her who's happy when there's a peanut butter in every food she's eating. Malinaw pa sa alaala ko hanggang ngayon kung paano niya ako na-eganyo na kumain ng fried noodles na nilagyan ng maraming peanut butter. Nadagdagan noon ang lasa ng kinakain namin ngunit mas higit na nag-enjoy si Audrey at hindi na niya tinigilan pa ang peanut butter hanggang sa maubos.
"Hindi talaga basta-basta nagbabago ang isang tao. Change is constant but it is still depend on you if you want to embrace it wholeheartedly." Marahan siyang tumayo at hinila pataas ang kumot na nasa mga binti ko. "Magluluto lang ako at ayoko na mag-order dahil hindi mo naman inubos ang lugaw kanina."
"It's too salty," pag-amin ko.
"Akala ko ako lang nakalasa. Pasensya ka na. Akala ko kasi masarap ang tinda sa labas ng subdivision. Hindi pala at mayaman lang sa chicken cubes."
Kumunot ang noo ko. Literal na bumagsak ang mga balikat ni Audrey at sandali ako iniwan. Pagbalik niya, may dala siyang maliit na cube na nakabalot sa gold wrapper. Parang chocolate iyon kung titingnan.
"Is that chocolate?"
"Hindi. Pero maraming nagkakamali dito." she giggles. Parang musika talaga ang tawa at hindi ko sigurado kung dala lang ito ng pagkakasakit ko. "Ito yung chicken cubes. Meron din pork at beef nito. Maalat siya kapag kinain mo ng diretso pero malinamnam naman kapag hinalo sa lutuin."
Papasa siyang sales personnel sa mall. Kung hindi siya siguro writer baka binebentahan na niya ako ng kutsilyo sa mall.
"I'll remember that, Audrey. Ibang spices kasi ang gamit ko sa bahay."
"Pang mayaman na spices kasi iyong sayo, Sir."
Pati sa pampalasa sa mga lutuin may status - may pang mayaman at pang mahirap. Kailangan ko yata palawakin ang bokabolaryo kapag si Audrey ang kasama.
"Anyway, let me know about your decision."
"Decision to what?"
"Dito ako titira kasama mo dahil ako ang bida sa sinusulat mong novel. I'm serious, Audrey. Please take me seriously, okay?"
Kaya ko naman tumira sa ganito. Iisipin ko na lang na nasa dormitory ako noong college. Maliit at medyo mainit kahit may aircon naman. For the sake of our agreement, I will anything I can and this beyond my job as Audrey's editor. Alam ko na may ibang dahilan sa likod ng mga kinikilos ko at handa naman na akong tuklasin iyon.
I have to find answers to my every why.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro