08
CHAPTER EIGHT
Audrey
PAG GISING ko kinabukasan, may nakahanda ng almusal sa lamesa at may note pa galing kay Sir Lucho. Masasabi ko na mas maganda na ang naging tulog ko nang nagdaang gabi kaysa noong unang araw ko sa bahay na ito. Ang peaceful nga rito saka nakapag-sulat pa ako ng marami pero hindi sa romance project namin ni Sir Lucho.
Audrey,
Kumain ka bago magsulat. I left A romantic scene prompt in every corner of the house. Try practicing with that. I'm out the whole day. See you in the evening.
Lucho
Luminga ako sa paligid at may nakita nga akong mga sticky note sa paligid. I will check those note later. Mukhang masarap itong mga niluto ni Sir Lucho at nagutom ako bigla sa amoy palang. Hindi ko in-expect na magiging masarap ang tulog ko sa ikalawang gabi ko sa bahay ni Sir Lucho. Dala siguro ng pagod ko kahapon dahil sa shoot at ang mga meeting.
I wrote more than two-chapters update last night before going to bed. I-edit ko ngayong araw ang nasulat ko kagabi. Pagkatapos ay magsusulat pa ako ulit para mapunan ang mga araw na hindi ako nakapagsulat dahil sa mga kung ano-anong kaganapan sa aking buhay. Nakatulong ang lavender scent humidifier sa loob ng kwarto ko kaya kalmado ang utak ko at isang dahilan din kaya tulog na tulog ako. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil buhay prinsesa ako sa lugar na 'to.
"Sir Lucho has everything but his ex-wives chose to left him." Muli akong napa-isip sa mga dahilan at paulit-ulit na tumuturo iyon sa kakayahan niya. Or should I say his member.
Stop lusting with your editor, Audrey!
Napa-antanda ako bigla dahil kaisipang lumukob sa aking isip. Palyado na nga sa romansa kung ano-ano pa ang iniisip. I want to blame myself for thinking about it. Matagal na panahon na kasi ang lumipas simula nang huli akong makipag-sex. But still not enough reason to lust over my editor.
Isang makasalanang pag-iisip iyon!
Tinuloy ko na ang pagkain at matamang nagcheck ng mga chat sa aking cellphone. May mangilan-ngilan na galing sa mambabasa ko pero hindi muna binuksan ang mga iyon. Mas inuna ko ang tsismis sa group chat naming magkakaibigan.
They have been mentioning me. Bakit kaya?
Binalikan ko ang message nila at nakita ko ang mga picture ni Sir Lucho na may kasamang babae. Agad akong napatingin sa orasan. Gumising lang ako na hindi 'man lang tumitingin sa oras hindi gaya noong nasa corporate world pa ako. Ngayon na full-time writer ako at walang maayos sa oras para sa pag-susulat, nasanay na akong huwag tumingin sa orasan. Nakaka-stress kasi lalo na kapag may hinahabol na deadline.
Pasado alas diyes na pala at hula ko breakfast date sa Tagaytay itong mga nasa larawan. Ano naman pakialam ko kung may kasama nga siyang iba sa Tagaytay ngayon?
That place is the most romantic place in the south. Masaya manood ng sunrise at sunset doon lalo kapag may ka-holding hands. Huminto ako sa pagkain at nagtipa ng reply para sa mga kaibigan ko na naging instant shipper namin ni Sir Lucho. They witness how he protected me the other day. How he threw Jeff out of his office? That's beyond what Superman can do for a girl who's isn't as attractive as Lois Lane. I told them that I don't really care. Kasama ko naman sa bahay ang ka-date ng babae na iyon kaya literal na sa akin siya uuwi.
Myrna: Iba din. Taas ng confidence level mo girl?
Zico: Ikaw na ipagtanggol sa toxic ex, hindi ka rurupok?
Zico: Mas gwapo naman ako sa editor niya.
Audrey: Manahimik nga kayo. Promise wala talaga ako pakialam. I'm here at his house by the way.
Zico: What?!!
Myrna: 😯😯😯
Hindi na ako sumagot pa at hinayaan ko lang sila na tadtarin ang cellphone ko ng mga mensahe nila. Tinuon ko ang buong atensyon ko sa picture ni Sir Lucho at ng ka-date niya.
Hindi sila bagay.
ISANG katok ang pumukaw sa aking atensyon at nagpa-alis ng mga mata ko sa screen. Dahan-dahan bumukas ang pintuan at kasunod noon ang pagkalat ng liwanag sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan. Dahil sa salaming bigay ni Sir Lucho, hindi ko na kailangan magtakip ng mga mata kapag maliwanag. Nabawasan din ng salamin sa mata ang pagsakit-sakit ng aking ulo.
"Are you trying to get blind?" tanong na galing kay Sir Lucho.
"I didn't notice that it's dark already," maikli kong sabi saka sumandal ako sa kinauupuan ko. "I sent the first five chapters of my novel to your email."
"You wrote five chapters today? That's great!"
Napangiwi ako. "Uhm, it's not the project that we're doing. But I used the prompts you created, which the result is here." I printed out the chapter using the prompt I saw in the fridge a while ago. Hindi ko sigurado kung magugustuhan niya iyon at nagbakasakali lang naman ako.
"That's okay. I'll check everything after dinner. I bought some Chinese food. Do you want to have some?" Parang hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. "Come on. You've done a lot today, and relax a bit."
Nilapitan niya ako saka inalalayan na makatayo mula sa swivel chair ko. Makakatanggi pa ba ako gayong madali lang para sa kanya na tangayin ako?
Oh God, he smells nice. Nakakainis naman!
Partida, maghapon pa siya sa labas kanina at hindi 'man lang nag-amoy araw. Ano kaya gamit niyang pabango?
He's like wearing a poetry, embracing the nature and feel at one with the surroundings with earthly scents. Sikat na pabango ang gamit niya at alam ko na hindi basta-basta ang presyo noon. Mayaman si Sir Lucho at alam ko na afford niyang bumili ng mga mamahaling pabango. Swerte ang babaeng pakakasalan niya ulit kung sakali dahil na kay Sir Lucho na ang lahat. Fame, money, business and power, things that you cannot found to an ordinary man.
"So, you're writing the whole day? Have you eaten something since you woke up?"
Tumango ako habang hinahanda ang Chinese fried noodles na dala niya. I once ate something like this. Hindi ko lang matandaan kung saan kaya alam ko na may kulang sa sauce na naka-pack. "Do you have peanut butter here?"
"Yes, but why?"
"This is good with peanut butter in it. You must try it, wait." Tumayo ako at kinuha ang kailangan ko sa fridge. Nilabas ko rin ang tirang bacon kanina at ininit ko iyon. "I'll go out tomorrow, but I will finish the sample chapters you need tonight."
"Do you mind if I ask where you are going tomorrow?"
"Not at all." So, pwede ko rin siya tanungin kung kumusta ang araw niya ngayon. Saan-saan ba sila nakarating ng ka-date niya? Oh, Audrey, erase that. You're being nosy. Wala ka nga dapat pakialam hindi ba? "I'll attend a high school reunion tomorrow."
"I see." Maikli niyang tugon sa sinabi ko.
Hindi ako dapat dadalo kaso itong Myrna, bida-bida at kailangan daw naming dumalo doon. Kailangan ipakita ko daw sa mga kaklase namin na may narating ako sa pagsusulat. Pangkalahatan na reunion iyon kaya hindi ko sigurado kung dadalo ba si Jeff. Graduate siya sa school na pinasukan ko pero magkaiba kami ng year level. Sa ad agency talaga kami una nagkitang dalawa at nagkamabutihan kaso nauwi din sa hiwalayan dahil saksakan kami ng toxic dalawa. Aminado akong toxic ako pero siya kailangan kaya siya aamin?
Sinabi ko na kay Myrna ang bagay na iyon at ang sabi ng magaling kong kaibigan, siya na raw ang bahala sa lahat. Zico will be there too. I think they will grilled me because I never answered their chat about the truth behind the agreement I have with Sir Lucho.
"Would you mind if I ask you too about your day?"
Umiling siya. "It's a stressful day. I have a townhouse in Tagaytay, and my ex-wife is the co-owner. We met with the buyer and sealed the deal on the spot. Co-owned places, joint accounts, and properties caused me a headache. Kailangan talaga sigurado na bago sumabak sa kasal kung 'di, ganito lang ang mangyayari."
Ex-wife pala niya yun? Hindi talaga sila bagay.
"Why did you marry her?"
"It felt right at first, but the feeling slowly faded as time passed."
Faded feelings... Posible pala talaga siya.
"Ayoko na ma-in love, sir!" Dumulog akong muli sa lamesa. Tinimplahan ng peanut butter ang kinakain ko saka kumuha ako ng isang pirasong bacon at kumain na.
"Huwag ka magsalita ng tapos, Audrey..."
What does he mean? Probably it's nothing, Elianne Audrey!
KINABUKASAN, mas maaga naman ako nagising ulit kay Sir Lucho. Ako na ang naghanda ng almusal para sa kanya. Naalala lo pa rin ang pagkatulala ko noong minsang naghanda ako ng almusal para sa amin. Ang gwapo naman kasi ni Sir Lucho lalo na kapag nakaputing t-shirt at simpleng gray na jogging pants. Muntik na tumulo laway ko noon buti nakapagpigil ako.
Winaksi ko iyon sa isipan ko at sumulat din ako ng note para kay Sir Lucho na natutulog pa. Ayoko naman na gisingin siya pero ang alam ko ay may pasok siya. Dapat gising na iyon ngayon at naghahanda na sa pagpasok sa opisina. Will he be working at home today? Katukin ko nga para malaman ko at wala naman siguro masama.
Pagkasulat ko ng note, dali-dali akong umakyat sa second floor at tinungo ang kwarto ni Sir Lucho. Kumatok ako ng dalawang beses pero wala akong makuhang sagot.
"Sir Lucho, gising ka na ba? Sir Lucho?" Pinihit ko ang seradura at nadiskubre ko na bukas iyon. "Papasok na ako sir." Dahan-dahan ko iyon binukas at agad na tumambad sa akin si Sir Lucho na nakabulagta sa sahig.
Mabilis ko siyang dinaluhan at sinapo ang kanyang noo. Inaapoy siya ng lagnat at sobrang lamig pa dito sa kwarto niya.
"Sir, ibabalik ko kayo sa kama niyo," sabi ko saka dahan-dahan siya inupo patayo. Masyado siyang malaki kaysa sa akin kaya naman nahirapan ako na gawin ang aking plano. "Nabasa ba kayo ng ulan? Nahamugan?" tanong ko pa habang kinakaya na maibalik siya sa kama.
Tumagaktak ang pawis ko habang ginagawa iyon at nang matapos ako ay hingal na hingal pa ako. Huminga ako nang malalim at sunod kong ginawa ang paghina sa aircon. I set it on the highest temp and also set the humidifier on. Inayos ko ang kumot ni Sir Lucho saka mabilis na kumuha ng palanggana na may tubig na may yelo at alcohol. I get a small towel on his towel rock and soaked it then placed on Sir Lucho's forehead.
Kumuha pa ako ulit ng isang bimpo na binasa ko rin saka pinunasahan ang leeg, kamay at paa niya. Nabaling ang tingin ko sa bag ko at sa loob noon ang tumutunog ko na cellphone. Inabot ko iyon at dinukot sa loob ang cellphone.
"Hello Myrna, hindi ako makaka-alis," sambit ko at nag-umpisa na siyang magtatalak. Puro na naman daw ako palusot na lagi naman talaga nangyayari. "Something really came up and I cannot explain now. Mamaya na lang sa GC, okay?"
Masakit sa tainga ang makinig ng talak ni Myrna at kanina ko pa gusto ibaba ang cellphone, hindi ko lang magawa-gawa. Nang manawa ang kaibigan ko, natapos na ang tawag at binalingan ko si Sir Lucho.
"Kailangan ko siya painumin ng gamot..." Muli ako tumayo at nakialam na ako sa medicine cabinet niya. Walang paracetamol at iyon pa naman ang kailangan ko. May ideyang pumasok sa isipan ko na agad ko ginawa.
I booked a food delivery service and ordered an arroz caldo. Naglagay ako ng note sa rider na idaan ako ng paracetamol sa drug store dahil hindi ko makalabas at iwan si Sir Lucho. Ibang level na effort ito pero noong mga nakaraan ay tinulungan din naman niya ako. Pagtanaw lang ng utang na loob itong ginagawa ko ngayon. Nang pumayag ang rider, agad ako nagpalit ng damit at binalikan si Sir Lucho pagkatapos.
"You are perfect alibi for a reunion that I don't want to attend to." I said before answering a phone call. Dumating na ang rider na kumuha ng order ko at ang bilis niya sobra. Mukhang nakatambay na siya doon sa bilihan ng lugaw sa labas nitong subdivision. "Thank you so much, Kuya! Hindi ko kasi maiwan ang may sakit."
"Asawa mo ma'am?" tanong sa akin ng rider.
"Oo Kuya," sagot ko na lang kahit hindi naman totoo. Asawa naman trato ko sa mga crush ko except kay Zico. Tropa ko yun pero crush ko ng konti. Basta ang hirap ipaliwanag. "Salamat po ulit! Ingat ka po!"
I locked the gate. Dali-dali ako pumasok at sinaling ang binili kong lugaw. Wala akong ideya kung masarap ito kaya bahala na kung magustuhan niya o hindi. Kailangan niya uminom ng gamot.
"W-what's that and w-why are you still here?" tanong ni Sir Lucho ng gisingin ko siya.
"You have to eat this and drink your medicine. Ang taas ng lagnat mo po kaya paano kita maiiwan,"
"M-may lakad ka -"
"It's not important. Mas importante ka." Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salita na iyon. Minsan talaga hindi maganda na pairalin ang damdamin.
Nakakarupok! Lord, help me, please!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro