Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

07

CHAPTER SEVEN

Lucho

"LET'S live together, Mr. Illustre..."

Hindi ako makapaniwala na papayag si Audrey na tumira kasama ko sa isang bahay. That night, I didn't expected her to agreed with my plan. He made me throw away a cigarette that I put in between my lips. Alam ko na lagi ako naroon sa tuwing eeksena ang toxic niyang ex. Siguro nga paraan ng langit ang lahat ng nangyayari sa akin mula sa sakit ko hanggang dito. Heaven gave me a chance to see the life's beauty through Audrey. It maybe too dark for both us now, but I know eventually the light will overcome the darkness inside ourselves. But this doesn't mean I'm in love with her. Maybe infatuated.

Inalis ko ang sigarilyo na balak ko na sana sindihan at binalik iyon sa kaha. Nilapitan ko si Audrey at marahang hinila papunta sa sasakyan ko. We both head home. Yes to my house and we're living there together. When we arrived home, I immediately asked Audrey in.

"Bahay ba 'to o palasyo?" tanong na narinig ko kay Audrey nang makapasok kami sa bahay ko. "Ilang kwarto meron dito?"

"Five, including my room."

"Whoah!" Nakita ko na natuon ang atensyon niya sa cabinet ng mga achievements ko. "You achieved many awards in the past years, Sir Lucho."

Those were my trophies and excellence certificates from different award giving bodies inside and outside of the country. Kinuha ko sa bulsa ko ang pack ng sigarilyo at kumuha ng isang piraso saka nilagay sa pagitan ng mga labi ko. Hindi ko alam kung sisindihan ko ba ang sigarilyo na ito.

"You can use the room upstairs adjacent to mine on your left." Akma akong tatalikod na ngunit napigil niya. Kinuha niya ang yosi sa bibig ko at tinapon iyon sa basurahan. "Why did you do that?"

"You cannot smoke when I'm around. May hika ako kaya ikaw ang mag-adjust sa akin since you agreed to live with me."

I agreed to live with Audrey because of work. I want to help her but there's no way I'm going to live with her apartment. Ayoko na napapalibutan kami ng toxic na mga tao at itong bahay ko ang pinakaligtas na lugar sa mga gano'ng tao.

"I will smoke outside, Aud."

"Kahit na. Let's have house rules na lang." She seemed okay now. Wala na iyong Audrey kanina na nakita kong umiiyak. Audrey went to my paper racks and got a piece of paper there and a pen. "I'll write down everything, and you'll approve it."

I chuckled.

The whole living together scheme is a complete ridiculous plan. Pero higit na nakakabaliw ang magkaroon ng house rules sa sarili kong bahay. Lalo na at siya pa ang may gawa.

"I own the house, Aud. My house, my rules."

"It's unfair! This is business, and you're doing it with me, so it is right to have my own rules too, and you will abide by them."

Huminga ako nang malalim at hinayaan siya isulat ang rules na gusto niyang sundin ko rin.

Naupo siya sa couch at nag-umpisang magsulat. Matama ko lang siyang pinanood hanggang matapos ilatag ang sampung house rules niya na dapat ay sundin ko rin.

"Why do you have ten house rules?" Hindi rules lahat ito. More like a sheet of request paper. What's with the number 4 and 10 rules?

"I only have ten while you have infinite rules I will abide by, sir." Quite reasonable, but still! These rules are impossible for me to abide by. Tama pa ba na inalok ko siya na tumira kasama ko? "I'll be in my room now!"

Umakyat siya ngunit huminto sa pinakagitna saka luminga-linga sa kaliwa't kanan ng hallway sa taas. Does she not know where is left and right?

"To your left, Audrey." Lumingon siya sa akin saka tinuro maling direksyon. I heaved another deep sigh. "On the other side..."

"Thanks!"

Audrey is like a stray cat who doesn't even know where her left and right are. Why she's so cute? God, help me fight this feeling. Hindi tama ito. I'm doing business with her, but this house will never be lonely anymore.

KINABUKASAN maaga akong nagising ngunit mas maaga gumising si Audrey. I don't know if she fell as sleep or not. Pero kung pagbabasehan ko ang eyebags niya malamang hindi nga siya nakatulog. Matama lang siyang nakatitig sa akin at wala na sa niluluto niyang hotdog at itlog. I have to step in and turned the store off.

"I'm sorry - aww!" Daing niya nang mapaso sa kawali at agad ko naman siya dinaluhan. I gently pulled her on the kitchen sink and open the faucet. Tinapat ko doon ang kamay niya partikular sa bahaging napaso.

"Why are you so clumsy?" tanong ko sa kanya.

"Hindi yata magandang ideya na tumira tayo sa isang bahay." Is she speaking her mind?

"Why? I'm reviewing your house rules and I still have twenty-four hours before it takes effect." Iyon ang nakalagay na oras sa ginawa niyang house rules kahapon. Buong magdamag ko iyon binasa at inisip kung gagawin ko ba. "Stay there. Kukunin ko lang ang first aid kit ko."

Iniwan ko siya at dali-dali akong umakyat sa aking kwarto para kuhain ang first aid kit box. Dapat ko na i-consider na maglagay ng mga first aid box sa bawat kanto nitong bahay dahil may kasama akong lutang na lapitin ng aksidente.

Nang balikan ko siya, naabutan ko na naghahanda na siya ng almusal namin pareho. I didn't oblidge her but she still did it. Masarap siya magluto at napatunayan ko iyon noong kumain ako sa apartment niya matapos namin maglinis.

"Okay, na ako."

"Lalagyan lang natin ng burn ointment. Alam ko na ayaw mo ng betadine at alcohol."

"Naalala mo? How to be you po?" Pinitik ko ang noo niya pagkatapos lagyan ng ointment ang paso niya. "I'm going back to my apartment after the shoot."

"Just attend the shoot, Aud. Ako na bahala sa mga gamit mo. I'll bring it here."

"Sobrang abala ko naman sayo. Editor kaya kita hindi bodyguard."

Am I crossing too far?

Siguro naman hindi at totoong concern ako sa kanya bukod sa gusto ko na siyang makasulat ng romance novel. Kapag nakatapos naman siya ay babalik na kami sa dati. Hanggang doon lang ang nasa kontrata na gagawin ko. Mamaya ko na papapirmahan sa kanya kapag tapos ko na i-review ang house rules niya. May mga hindi ko matanggap na gagawin ko gaya ng hindi paninigarilyo kahit sa labas ng bahay.

Binabalak ko na huminto sa paninigarilyo pero hindi naman biglaan. Audrey wants me to fully turned my back off it.

"I will give you my passcode and a spare key if you forget the combination. You'll have your writing table next to mine inside my home office. Ipapaayos ko lang iyon para makatrabaho na tayong dalawa."

"Bakit 100 days?"

"Aalis ako after 100 days, Audrey."

Baka kapag natapos na ang agreement namin, maisipan ko na magpagamot. Baka mas ganahan ako mabuhay ng dahil sa kanya pero hindi ko sasabihin dahil ayokong may masaktan.

"What will happen to me when you leave?"

"I'm still your editor. Pero depende kapag hindi tayo nag-click, kakausapin ko si Gerold para ilipat ka sa iba."

"Baka huminto na ako sa pagsusulat kapag hindi pa rin effective ang lahat."

"Why would you do that?"

"Writing isn't a lifetime job, sir. May mga pagkakataon talaga na gusto mo na lang maniwala na wala naman mangyayari kapag sinunod ang passion mo."

"Says who?"

"Sabi ko,"

"In this house, I'll change your negative mindset to positive. You have to believe in yourself. Hindi mo kailangan sumunod sa standard na meron ang mundo. You can break rules and make your own. Nagawa mo na dito sa teritoryo ko kaya bakit hindi mo pa ituloy-tuloy?"

I received no answer, but her silence was more than enough. And that smile, it got me.

"I WANT you to fix these errors I found in your manuscripts before we publish."

I heard an impossible sigh from Simon. Inuna ko na nga siya kaysa dumalo sa photo shoot ni Audrey ngayon dahil sabi ni Vanessa demanding na naman.

"Sobrang busy ba ng CPPI sa new gem niyo at ganito na lang treatment na makukuha ko?" Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Vanessa matapos marinig ang sinabi ni Simon.  "Come on, Mr. Illustre. Hindi lang naman si Sybil Montague ang alaga mo. Narito ako. Why I didn't experience the same treatment she's receiving?"

"Si Mr. Illustre na ang pinaka-magaling na editor na dito sa CPPI. He's the Editor-in-chief and Business Development Director too. Maging grateful ka naman na siningit ka pa niya sa schedule kahit alam mo na may iba siyang inaasikaso."

Binalingan ko si Vanessa at tinanguan siya para palabasin na. I gestured my hand stop and whisper something on her ears. Base sa irap niya kay Simon alam ko na malapit na siyang pumutok sa inis kaya pinalabas ko na.

"Can you believed that? Naniniwala na ako na kapag babae, masyadong emosyonal talaga."

"Stop degrading my people, Mr. Camposano. She's right. I am a busy person, and you should be grateful that I entertained you still. I have one simple request for you, and that is about your manuscript."

"How come you found errors in my works? Dati namang walang nakikitang mali noon."

"Because you're harassing our female editors." Marahan akong tumayo at tinuon sa lamesa ang aking mga kamay. "They have no choice but to passed your works. Hindi uubra sa akin kaya kung gusto mo pa manatili sa kumpanya, gagawin mo na makakabuti sa akda mo."

Iyon lang at iniwan ko na siya sa loob ng conference room. Tinungo ko ang photo shoot ni Audrey sa rooftop nitong building. May magandang set up doon para makapag-unwind ang mga editors at writers na gustong dito magsulat. Gerold invited his newly recruited writers to have a photo shoot with Audrey. Kahapon lang sinabi sa akin ni Gerold ang balak niya sa mga bagong writers.

"Pinag-isipan ko na ang collaboration na gusto mo, Gerold," sabi ko nang makalapit sa aking kaibigan.

"Great! We can conduct a meeting with them after the shoot. Vanessa and Baninay will handle the new additional writers. Kayong tatlo ang dream team nitong CPPI."

"Ang sabi ko pinag-isipan ko palang. Hindi pa ako pumayag,"

"It's the same thing for me, Lucho. My dad trust you and I did too. Ikaw at ang team mo ang pag-asa nitong kumpanya." Naiiling akong binaling ang tingin kay Audrey. Kumaway siya sa akin na dahilan nang matipid kong pag ngiti. "Are you smiling? Niloloko ba ako ng mga mata ko?"

"I'm not,"

"You are - oh Sybil!" Naki-pag-apir si Gerold kay Audrey saka ngumiti.

"Can I talk to him?" tanong ni Audrey kay Gerold.

"Sure! He's yours," tugon ni Gerold sa tumingin nang makahulugan sa akin. He knew who Audrey was. Alam niya ang confession nito ten years ago kaya ganyan na lamang rekasyon niya.

"Have you get your things from your apartment?" tanong ko sa kanya. Bandang huli siya pa rin ang kumuha ng mga gamit na magagaan habang ako naman sa mabibigat na sinabi niya sa akin via text.

Tumango siya. "Na-review mo na ang house rules?" Damn, I forget about that!

"W-wait... Anong house rules at yung gamit na nakuha niya sa apartment? May hindi ba ako alam?" Singit ni Gerold sa amin.

"Wala." Magkapanabay na salita namin ni Audrey. Humiwalay na si Audrey nang tawagin siya ng glam team.

"Ano'ng meron, Lucho?"

"Wala nga."

"You're keeping secrets with me?"

"I do because you're not my boyfriend."

"Since when?"

Hindi ako sumagot at nilapitan ang photographer para tingnan ang mga nakuhang litrato. From there, I chose one picture of each writer that I told our artist to us in announcing the new rookie writers. Binalik-balikan ko ang picture ni Audrey at lahat ay napalabas ang aking niyang ganda. Hindi ko ito dapat ginagawa kaya huminto na ako at pinagtuunan na lamang ng pansin ang nagaganap na shooting.

"Lucho..." tawag na nagpalingon sa akin.

"What is it?" tanong ko kay Baninay.

"Yung ex mo nasa office mo,"

Huminga ako nang malalim saka tumungo na sa aking opisina. Naabutan ko roon si Sera na nakaupo sa swivel ko.

"What do you need, Sera?" tanong ko agad sa kanya.

"Sobrang busy mo na naman at pati tawag ko ay binabalewala mo na. Was it because of the new girl?" Kumunot ang noo. "Ang sabi ng guard sa subdivision may babae ka na kasama kagabi at kanina nang umalis ka. You even changed your house's passcode."

"She's one of the writers I'm handling, and we're living together."

"Living together?!" Nahihindik na salita ni Sera. "You have a new girlfriend?"

"No." Hindi kasama sa kontrata na ginawa ang pag-ibig. What I have with Audrey is purely business. Proteksyon naming dalawa ang kontrata na mamamagitan sa amin. Kung ano ang nilagay ko doon, mananatili iyon lang at wala nang iba pa. "She's my business partner, Sera. We do business together."

Audrey x Lucho House Rules

1. Smoking is not allowed inside and outside the house.

2. Pick up after yourself. Business partner mo ako, hindi katulong!

3. Say please, and thank you.

4. It's purely business—Bawal ma-in love.

5. Mas convenient sa akin ang magsulat sa madaling-araw kaya expect mo na makita ako sa sulok ng bahay mo.

6. I'll contribute to the groceries - not monthly. Basta makikihati ako.

7. Hindi ito rule. What's your Wi-Fi password? Sharing is caring.

8. Cleaning is one of my distressing routines. I may clean your house but not daily.

9. Can I have my chocolate drink stored in your fridge? Bawal bawasan!

10. BAWAL MA-IN LOVE!!! TATLONG EXCLAMATION POINT PARA EFFECTIVE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro