Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

06

CHAPTER SIX

Audrey

LET'S strike an agreement, Audrey.

Totoong sinabi siya ni Sir Lucho sa akin kagabi. Magkaroon daw kami ng agreement dalawa.

Live with me for 100 days, and I will help you write a romance novel.

He's serious.

100 days with my editor under the same roof. Hindi lang siya basta editor sa akin. Sir Lucho was the man whom I confesses my feelings with! Paano ko naman magagawang tumira na kasama siya sa isang bahay sa loob ng isang daang araw? Magagawa ko ba huminga noon? Saka bakit 100 days?

Nabaling ang atensyon ko sa cellphone na kanina pa tunog ng tunog. Isang hindi importanteng pangalan ang naka-rehistro sa screen kaya binalewala ko lang. Akma ko itutuloy ang ginagawang pag-e-edit ng aking manuscript ngunit nahinto ng may kumatok naman. Can't I have a peaceful day just for once?

I have once when I'm with Lucho... I mean Sir Lucho.

Naalala ko na naman ang sinabi niya hanggang sa mga araw na 'to ay hindi ko pa nasasagot. Ano ba ang dapat ko isagot?

Another bell rings.

"Sandali!" sigaw ko at padabog na tinungo ang pintuan. Basta ko na lang iyon binukas na hindi tumitingin peep hole. Bahagya pa ako nagulat nang mapagbuksan ko ng pintuan si Jeff. "W-what do you want?"

"About last night, Elianne -"

"I don't want to talk about it. Go away, Jeff." I tried to shove him out of my apartment, but I failed. "Ano ba ang kailangan mo?"

"Ang maka-usap ka nang maayos, Elianne."

"Ayoko nga 'di ba? Kaya umalis ka na!"

"Pero -"

"She said go away. Alin ang hindi mo maintindihan sa sinabi niya?" tanong ng baritonong tinig na lagi na nakaka-abot sa eksena na ganito. Kagabi din ay naabutan niya ako umiiyak sa harap ni Jeff. I even cried and consumed all of his tissue in the car. Napasinghap ako nang basta niya itulak palabas si Jeff ng apartment ko. Bagay na hindi ko nagawa kanina. "I don't want to see you around this corner again or I'll file a restraining order."

Doon umalis si Jeff at iniwan kami ni Sir Lucho. Duwag pa rin siya. Walang pagbabago. Hindi ko alam kung bakit ko siya pinili na maging boyfriend. Nabulagan lang ba ako? Pero alam ko sa sarili ko na minahal ko siya.

Minahal ba niya ako bilang ako o dahil may nakukuha siya sa akin na kailangan niya?

"Do not think about him. Don't let him get into your head, Aud."

"Lagi mo na lang ako naabutan sa ganitong eksena. You can freely judge me. Hindi talaga ako marunong pumili ng lalaking mamahalin kaya lagi ganito."

"Who am I to judge you when I'm not that perfect either?" He had two failed marriages. But still, mine is somehow more toxic than his. "Stop thinking about the odds. Try concentrating on your piece. I'll stay here doing my things."

"D-dito ka magta-trabaho?"

"Do I need to repeat myself to you?"

Umiling ako at binalikan na ang tinatapos ko na editing. Huminga ako nang malalim at sinubukan ko mag-focus sa ginagawa. Sinuot ko ang headphone at nakinig sa kanta na paborito ko habang nag-e-edit. Ngunit taksil ang mga mata ko dahil sumisilip pa rin ako sa gawi ni Sir Lucho. He looks so divine. From the way he flip the pages of the paper he's holding to the way his forehead slightly creased upon seeing an error on it.

Ang illegal lahat at kailangan ko na ibaling sa iba ang aking tingin. Ngunit hindi talaga nakiki-ayon ang mga mata ko. How could be a man like him so perfect but encountered two failed marriages? What's wrong with my editor? I unconsciously sashayed my eyes on his crotch.

Could it be?

"What's the matter now, Audrey?" Agad ako umiba ng tingin. Nagawa ko pa isuot ang salamin sa mata na siya ang may bigay sa akin. "Are you done?"

Umiling ako. "Ano po... iniisip ko po kasi iyong rating na bigay niyo sa sample ko. You gave me 20% out of your 100% scores. Akala ko po ba walang pressure?"

"Wala ngang pressure. Na-pressure ka ba?" Tumango ako bilang pag-amin. "My bad, I shouldn't rate you that way. But consider me as one of your picky readers. It would be best if you didn't have to impress me with your flowery words, Audrey. Simple and impactful words will be enough for me."

"How can I do that?"

Tumikhim siya matapos marinig ang tanong ko. Para bang may malalim siyang iniisip ngayon o baka naman naisip lang din siya ng magandang salita na puwedeng gamitin nang sa gayon ay hindi ako masaktan.

"You need a breather, Aud. What if you go out for a walk? Kahit sandali lang. Baka naapektuhan ka ng pagtatalo niyong dalawa kanina kaya distracted ka." Hindi kaya si Jeff ang nakaka-distract sa akin! Ikaw kaya, sir! Mas curious ako sa dahilan bakit siya nakipag-hiwalay sa dalawang asawa niya. "I'll leave you here. Babalik ako kapag okay na ang mood mo," sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makalabas sa apartment ko. Baka nga tama ako. Baka nga.

"REASON why does marriage fails?" The way Zico said my searches were loud and apparent, making everyone in his cafe laugh. I frowned at him and closed my laptop slightly. "You have a new story? About marriage? Dude, deal with your ongoings first. Ang dami na nag-aabang ng update mo."

"Don't talk to me Zion Conley!" I hissed at Zico. Galit siya kapag buong pangalan niya ang ginagamit ko na pantawag sa kanya.

Hindi ko dapat kinausap ang ganitong tao. Alam ko naman na marami akong ongoing novels pero mas naka-focus ako sa mga dahilan bakit pumapalya ang isang kasal. I searched about annulment grounds in the Philippines. Dito registered ang kasal ni Sir Lucho kaya may isa sa mga nahanap ko na grounds ang posibleng dahilan. At ang mga lumabas ay psychological incapacity, sexually transmitted diseasse, fraud, impotence.

Impotence.

"Pikon ka pa rin, Elianne Audrey!" Ginulo niya ang buhok ko at lalong hindi ako nakapag-focus sa pagre-research ko. Sinubukan ko siyang hawiin ngunit mas matangkad siya at nakaupo naman ako. "How did it go with your ex? I told you to move out of that place, Aud."

Marahas ko hinawi ang buhok ko na ginulo ni Zico saka sinuklay iyon at tinali na pataas. "I already told you in our GC what happened last night, Zi."

"About your editor's indecent proposal?"

"Hindi iyon indecent. He's more like... concern! Nakita o narinig niya kasi kung paano ako sigawan ni Jeff."

"That idiot. Kapag nakita ko talaga 'yon, susuntukin ko siya. Move out to that place now, Aud."

"Saan naman ako titira?"

"In my place,"

"That's more like indecent, Zico." Maang siyang napatingin sa akin. Crush ko siya pero hindi ako titira na kasama niya. Ang kalat-kalat niya sa bahay tapos gusto lang niya na may alarm clock siya at tiga-timpla ng kape kaya nag-offer na doon ako tumira.

"Kapag ako indecent, pag editor mo concern? Whoa! I can't believe you,"

"Okay lang ako sa apartment ko. Ayokong maka-abala miski na kanino saka baka kaya nanggugulo ang isang 'yon kasi wala siya matawagan. You know booty call,"

"And your always available for him, Aud,"

"Hoy, hindi na. Magkasama kami kahapon hanggang gabi ng editor ko. He treats me out for dinner after cleaning my apartment. Then, I made snacks for him as payment for the expensive food he treated me."

"Something fishy..."

"We're long-lost acquiantance, Zi. Iyon lang kami, so don't think about fishy things."

Kahit sinabi ko iyon ay parang hindi pa rin kumbinsido si Zico. Iniwan niya ako nang tumawag ng back ang isang staff sa counter. Tinuloy ko na ang pagre-research habang kinakain ang pagkain na bigay ni Zico. May emergency meeting si Sir Lucho sa CPPI kaya umalis siya bago mag-lunch. Doon ko naisipan lumabas at dito nga magtambay sa café. Sinunod ko rin ang payo ni Sir Lucho sa akin na lumabas.

I like the smell of freshly brewed coffee, even in the middle of the day. I also smelled the newly baked red velvet cookies and cupcakes. This is heaven, and I think I need more cups of coffee. Mamaya ko na itutuloy ang research ko kapag nawala ulit sa mood magsulat. For now, I'll be working for real.

I started typing words that continuously flowed from my mind. Bawat detalye na tungkol sa hero ko ay lumalarawan sa isang tao na kilalang-kilala ko. His long eyelashes. High bridge nose. Thick dark brown brows. And his delectable reddish lips.

Sakto lang din ang hubog ng katawan na bumagay sa kanyang tangkad. Kung paano siya tumawa at lumakad ay naisulat ko rin pati na ang palagian niyang paghawi ng buhok pataas. Hindi ko alam kung mannerism ba iyon pero nakakadagdag iyon sa aking kagwapuhan niya. I'm picturing here my editor. Pwede ko ba siyang gawing bagong hero ko?

Pumailanglang sa isip ang salita niya kanina.

Who am I to judge you when I'm that perfect, either?

Ang gwapo niya at kahit alam ko na mali, tinuloy ko pa rin ang pagsulat saka paglarawan sa kanya sa sinusulat ko.

KABADO ako habang inaayusan ako ng glam team ng CPPI. Ngayon kasi ang pictorial para i-announce na nila sa lahat ang pag-sali ko sa kanila. May short interview din tungkol sa upcoming projects ko at updates sa mga nasimulan ko na isulat bago pumirma sa CPPI. Ginala ko ang tingin ko sa paligid at may partikular ako na taong hinahanap. Nasaan kaya siya?

"Huy, ang ganda mo!" Pukaw sa akin ni Myrna. "Zi, tingnan mo ang ganda ng kaibigan natin." Nakita ko na hinila ni Myrna si Zico na kataka-takang narito. Tatawid bakod na ba siya?

"I'm talking to a girl!" Zico hissed at Myrna then threw a glanced at me. "She look like herself, Myrna." Napa-second look pa siya tapos dahan-dahan binaling sa iba ang tingin saka nagsalita. "You look beautiful, though."

"Why are you here?" tanong ko kay Zico.

"I was invited to witness the transformation of my ugly duckling friend." Lahat nagtawanan kaya binato ko ng tissue si Zico. Ganyan siya talaga at sandali niya nakuha ang atensyon ko at nakalimutan na may hinahanap pala ako.

And then he came in wearing his signature crooked smile, brushed hair, formal clothing, and handsome face. Nanunumbalik ang pagkagusto ko sa kanya. Lord, help me, please!

"Ang gwapo talaga ni Mr. Illustre." Dinig ko na bulungan ng mga staff na naka-paligid sa akin. I have to agree with them. Sobrang gwapo lang niya sa paningin ko.

Nabaling ang tingin ko sa cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung kaninong mensahe ang pumasok. Dagli akong napatayo nang mabasa ang message ni Jeff na nasa labas siya ng CPPI office. Ano bang gusto niya mangyari?

"Ms. Sybil?" Hindi ko pinansin ang tumawag ss akin. Natuon ang atensyon ko sa pumasok na walang iba kung 'di si Jeff.

"Audrey." Magkapanabay na tawag sa akin ni Myrna at Zico.

"Umalis ka na," asik ko kay Jeff. "Hindi mo 'man lang ba ako bibigyan ng kahihiyan?"

"Hindi ako aalis hangga't 'di tayo nag-uusap."

"Ano bang gusto mo pag-usapan natin?" I tried to lower my voice not to get attention, but it was too late. Everyone is looking at us, puzzled about what's happening.

"Marami, Elianne. Marami tayong pag-uusapan dalawa. Huwag ka namang insensitive at ayusin natin 'to."

"Wala tayong aayusin, Jeff. Umalis ka na!"

"Gaya ka rin ng nanay mo na mahilig tumakas kapag komplikado na ang lahat. Kahit anong pilit mo na huwag maging katulad niya -" I slap him before he could finished talking.

Nakarinig ako ng malalakas na singhap nang pumagitna sa amin si Sir Lucho at hinawakan ang magkabilang kwelyo ni Jeff saka dinala siya palabas ng opisina.

"Do not let anyone without visitor's badge enter my office." Ma-awtoridad niyang sabi sa guard na kumuha kay Jeff. Kitang-kita ko kung paano nag-angat baba ang balikat ni Sir Lucho. Nang harapin niya kaming lahat, parang walang nangyari lang. But not to me. Hindi ko kayang ituloy ito matapos ang nangyari kaya pinili ko na umalis na lang.

Pinara ko ang taxi na huminto sa harap ng CPPI at nagpahatid ako sa apartment ko. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata at hindi ko na nagawang sagutin ang driver na nagtatanong sa akin. Basta sinabi ko lang address ko at nag-abot na ako agad ng bayad sa kanya. Sobrang nakakahiya ang mga nangyari kanina at hindi ko maatim ang maririnig na bulungan sa paligid. I am a private person.

Ngayon lang talaga ako lalabas tapos ganito pa at malalaman sa kumpanya na nag-recruit sa akin na meron akong toxic ex-boyfriend. Hindi naman ugali ni Jeff ang pinapakita niya sa akin simula nang magdesisyon ako humiwalay. He was the nicest guy I met at my 8-5pm work before. Palabiro siya at madaling pakisamahan. Unti-unti nagbago ang lahat para na lang akong manika sa paningin niya.

He became jealous and, above all, toxic.

Hindi ako pwedeng magreklamo. Hindi ako pwede magalit. Lahat hindi pwede at kailangan siya lang ang masusunod. Hanggang ngayon siya pa rin ang masusunod kahit tinapos ko na ang lahat sa aming dalawa.

Wala akong tigil sa kakaiiyak hanggang sa makarating ako sa apartment ko. Papasok na dapat ako nang may isang matatag na brasong pumigil sa akin.

Siya na naman?

"Why do you always pop out every time I look miserable?"

"I don't know. Maybe it's heaven's way or something about destiny."

Mas mabilis pa siya nakarating sa apartment ko kaysa sa taxi na sinakyan ko na lahat yata ng traffic na lugar ay pinasok. Nakulangan pa sa binayad ko na limang daang piso at humingi pa ng dagdag dahil mahal daw gasolina.

Pati pag mahal ng gasolina kasalanan ko?

"Hindi ko kaya magpictorial. Ang dami natakbo sa isipan ko at lahat nang nakasaksi kanina, siguradong nag-uusap tungkol sa akin."

"They're not,"

"How can you be so sure?"

"I just know."

Dahan-dahan niya tinapik ang ulo ko at inutusan na ako pumasok sa loob ng apartment ko. Ayos lang daw kahit hindi muna ako lumabas ngayon. Matapos ang mga nangyari, kailangan ko raw ng panahon para mapag-isa.

Tumalikod siya at matapos maglagay ng isang stick ng sigarilyo sa bibig. Pinanood ko siyang lumayo sa akin kahit na nanlalabo na ang aking mga mata. Baka totoo nga na paraan ito ng langit para hindi na ako mag-isa. Lagi siya nakasaklolo sa akin sa kahit na anong sitwasyon. Hindi tamang panahon para magdecide pero kailangan ko sumulat ng nobela para mabuhay.

Kung paiiralin ko ang lahat ng toxic na bagay sa buhay ko, mamatay ako sa gutom. Hindi pa ako sobrang yaman para magmukmok sa isang sulok dahil sa lalaking pilit bumabalik kahit wala na siyang babalikan pa. Bahala na kung may aftermath 'man itong gagawin ko na desisyon. Ayoko na sa lugar na 'to at isa lang sagot para tuluyan na akong makaalis dito.

"Let's live together, Mr. Illustre."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro