01
CHAPTER ONE
Lucho
"IT'S OLIGODENDROGLIOMA, Mr. Illustre. Based on the neurological examination that we conducted earlier, symptoms that you experienced provide clues about the part of your brain is affected by a tumor." Tumingin ako sa diretso sa mga mata ni Dr. Ancheta - neurologist consultant at writer ng publishing company na pinagta-trabaho-an ko. Ako ang editor niya at may dalawang dahilan kung bakit ako narito.
Una ay para magpa-check up na requirement sa CPPI at ang ikalawa nama'y para ihatid ang for revision niyang manuscript. Masyado niya akong binigyan ng sakit ng ulo kaya hihingi lang sana ako ng gamot upang maibsan ang nararamdaman ngunit higit pa ang aking nakuha.
"A brain tumor..." salita ko na kahit mahina ay alam ko naman narinig ni Dr. Ancheta.
"I suggest you undergo a biopsy. We will get a sample of the suspicious tissue and examine it in our laboratory to determine the tumor's type and level of aggressiveness. If you have time today, we can proceed to the image test to determine the location and biopsy." I know what a biopsy is. But why am I having this kind of illness?
"I have no time today, Doc."
Huminga nang malalim si Dr. Ancheta matapos marinig ang aking sinabi. "Oligodendroglioma can be removed by surgery and therapies such as chemotherapy to prevent a recurrence, Mr. Illustre,"
Tumayo ako at inayos ang pagkakabutones ng suot ko na coat. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Alam ko ang sinasabi niya at mahirap ang mga iyon. Mga bagay na ayokong isipin sa ngayon. "I'll give you fifteen days to fix the errors yourself before proceeding to the second reading, then publishing."
"Mr. Illustre,"
"I am a busy man. I need to go now,"
Matama akong lumakad at akto na sanang bubuksan ang pintuan ngunit nahinto ng magsalita si Dr. Ancheta.
"With surgery, Mr. Illustre, we can extend your life. Bata ka pa at kahit na masyado kang lulong sa pagta-trabaho ay alam ko na healthy ka." Natigilan ako pagkarinig sa sinabi niya.
"How long will I live without surgery or any medications?"
"3-5 years..."
Ngumiti ako na bihira ko gawin. "I think that's enough to do good and straighten my wrongdoings, Doc."
"Mr. Illustre..."
"I'll see you around, Doc. Remember, you only have fifteen days to fix the errors."
Iyon lang at tuluyan ko na nilisan ang opisina niya. Agad akong tumungo sa payment center para bayaran iyong mga ginawang neurological exam sa akin kanina. Kahit labag sa kalooban ko, kailangan ko pa rin magbayad dahil iyong ibang minor exam lang ang sakop ng CPPI. Akala ko kasi talaga simpleng check up lang pero lumabas na may sakit ako. Sakit na hindi ko alam kung kanino ko ba namana. Wala talaga akong matandaan na may sakit sa amin na gaya nitong natuklasan ni Dr. Ancheta.
But it will never stop me from doing what I want in life. May kailangan lang ako baguhin siguro at may kinalaman iyon sa aking ugali.
In our office, I am known for being the ruthless editor. Wala akong pinalampas kahit na batikang manunulat na pagdating sa revision. Kahit ang mga katulad ng doctor ko ay hindi ko pa rin pinalampas. Hindi naman nasusukat ang galing ng isang tao sa kasikatan. Marami akong nabasa na hindi okay sa akin pero okay sa iba. Humans has different levels of judgement and I'm on the rarest level always.
"I hate this writer! Gusto niya laging magpalipat kung kani-kanino. Ugh!" sigaw na narinig ko pagpasok ko ng opisina.
"Give it to me. I'll take that problematic writer in." Iyon ang sinagot ko kay Vanessa na dahilan ng pag tingin sila sa akin ni Baninay sa kakaibang paraan.
"Are you sure?" Vanessa asked.
Tumango ako saka tuloy-tuloy na tumungo sa aking cubicle. "He wanted a pretty editor; then it's me whom he's talking to. I'm the prettiest here." Maang akong tiningnan ni Vanessa, kapwa ko editor at writer agent. We are both handling marketable authors in the country. But this writer always wants a pretty editor, whom I believe is me. "I'll take him, Van. I'm serious." Ulit ko pa bago naupo sa aking swivel chair.
Nakita ko na napatingin siya sa ibang kasama namin na kapwa niya hindi rin makapaniwala sa inasta ko. Kahit ako din dahil kilala ko ang sarili ko na hindi basta-basta sumasalo ng writer lalo't problematic. But this writer has been the publishing's pain in the ass for a long time. Sa dami ng issue ng latest published book niya, naging sangkalan ang kumpanya dahil hindi naayos ang manuscript bago ipasa sa printer. Gerold already fired the lazy editor in an instant after the issue blast off.
Pagkagaling ko sa ospital, bumalik na ako dito sa opisina para tapusin ang naiwan kong trabaho. Agad ko hinubad ang suot ko na coat at inalis iyong test results ko saka pinasok sa sikretong drawer. I make sure I locked it so no one will know about my illness. Walang dapat maka-alam at wala rin akong balak na sumailalim sa anumang surgery o therapy.
"Are you going to resign, Lucho?" Kumunot agad ang aking noo na dahilan ng pananahimik ni Vanessa. "Are you sick?"
You can say that but I chose not to tell anyone. Dying alone will never hurt me, I guess. Sanay na akong mag-isa at buong buhay ko lagi na lang ako naiiwan.
"His girlfriend broke up with him not long ago, remember?" Tiningnan ko si Baninay na kulang na lang ay magtago sa akin.
"Asawa, Baninay. Asawa niya iyon." Pagtatama pa ni Vanessa.
Are they pertaining to my unsuccessful marriage? Pang-ilan na ba iyon? I guess I'm too romantic for them but cold on the outside. Isa pang dahilan ay ang pagiging masyado kong abala sa trabaho. Ayokong mag-absent miski na isang araw dahil sa dami ng mga inaayos ko na nobela ng iba't-ibang writer. Kaya nga malabo ang gusto mangyari ni Dr. Ancheta na lumiban ako para sa panibagong test na naman.
"Are you going to transfer him to me or not?"
"Heto na. Sayo na iyan at huwag mo na ibabalik sa akin."
"The only choice is to revoke his ongoing contract if we didn't work out."
"Bakit hindi pa natin gawin ngayon? Pulos sakit ng ulo lang dala niya sa kumpanya. Damay na naman siya sa bullying issue online at bumagsak ang ratings ng update niya."
"Gerold will have the last say, Van."
Si Gerold pa rin ang may-ari nito at empleyado lang kaming lahat. Siya ang nag-re-recruit sa mga writers at nagbibigay ng kontrata. Ang trabaho naman namin ay maglinis ng mga manuscript bago i-upload online para mabasa ng mga readers. We have a reading platform where readers can read novels via monthly subscription basis. Bawat gawa ng mga writer namin na may ongoing novels ay dumadaan muna sa amin bago i-upload online para sulit ang bayad ng mga readers.
May physical copy din kami na nilalabas buwan-buwan kaya walang makakapagsabi kung madali ba ang trabaho ko o hindi.
A text message halted my thoughts, and it came from my ex-wife.
From: Ex-wife
I will meet the house buyer today. Once na magbigay siya ng payment today, idedeposit ko agad sayo ang kalahati.
From: Ex-wife
Nakapag-deposit na ako ng share sa joint account natin sa banko.
Dinampot ko iyon at nagtipa ako ng reply para sa dati kong asawa. Naghihintay na lang kami na ma-grant ang annulment case na na-file namin anim na buwan na ang nakalilipas. Matagal pero sabi naman ng mga abogado ay matatapos na kami.
To: Ex-wife
Okay. Thanks!
From: Ex-wife
You're pretty much happier today. Was it because of the annulment?
To: Ex-wife
I'm just happy.
Of course, it was a lie. Dapat ba ako magsaya matapos ko malaman na may sakit ako?
Huminga ako nang malalim at itutuon na sana sa i-e-edit na chapter ang aking atensyon ngunit muli na naman akong napabaling sa aking cellphone.
A text message from Gerold flashed on its screen.
From: Gerold
Guess whom I met today to sign a contract with us.
Nahilot ko ang aking sentido. Ang daming ligoy, hindi na lang sabihin agad.
To: Gerold
Who?
Sana hindi problematic.
From: Gerold
Sybil Montague.
Ang kilala ko lang ang mga hawak ko. But, Sybil Montague. Familiar but I don't really know who they are.
INAYOS ANG MGA in-edit ko na chapters at isa-isa iyong in-scan para i-send sa writer nang malaman kung alin ang dapat baguhin bago i-upload. I prefer printing the manuscript then pen my review in red ballpen. Gano'n ako kabusising editor. Lahat ng mga kasama ko'y abala rin kagaya ko at nang mapatingin ako sa orasan ay saka ko pa lang napagtanto na hindi pa pala ako kumakain. Masyado kong nilunod ang sarili ko sa trabaho para kalimutan ang findings ng doktor kaso wala rin epekto. Naalala ko pa rin siya pati na iyong taning na binigay sa akin kapag hindi ako naoperahan agad. Huminga ako nang malalim bago tinuloy ang ginagawa at matamang tinapos na. Pagkatapos ko mag-scan, dinampot ko iyong water flask ko at tumungo sa water dispenser upang mag-refill.
"Sir, here are the revisions you ask me to do." My brow furrowed as the intern walked in and stopped me from leaving my cubicle.
"Repeat it," I said.
"Again? This is my nth time revising this novel, sir and you haven't checked it." I can be as ruthless, as no one could expect. Sanay na iyong iba pero marami pa ring naiinis sa akin kapag ganito na kahit hindi ko tingnan ay panay ang paulit ko.
"Do it again. Some misaligned words are still present." Natuon ang tingin ko kay Vanessa na kalalabas lang ng conference room. Siya ang naka-toka na mag-ayos noon para sa meeting namin ngayon. Iniwan ko ang intern na walang lingon-likod na tinatapon.
"Handa na ang conference room para sa meeting guys," wika ni Vanessa. Hudyat para magtayuan ang mga kasama ko at pumasok sila sa conference room.
"Anong scope ng meeting?" Narinig ko na tanong ni Baninay.
Sinundan ko lang silang dalawa pagka-refill ko sa aking water flask. Pagpasok namin sa loob ng conference, agad ko inokupa ang upuan sa gawing kanan ni Gerold. Tungkol sa bagong writer at mga mishaps nitong nakaraan ang laman ng usapan namin. Gaya ng mababang readers ratings, competitors at writing program na exclusive sa mga manunulat na meron kami.
"I've partially read Sybil Montague's novels, and I think romance isn't her style. I don't feel anything about her work. There are no sparks at all. More readers will like it if she revises her works and focuses on the mystery genre. Trope novels are in nowadays, Gerold, but her works didn't pass my elusive taste."
"But it is a trope novel, Lucho. Patok iyan sa mga readers niya kaya ko siya pinapirma sa atin." Hindi ako kumibo. I already say my piece and I think that's enough. "You're being too blunt again, dude. Baka sumama ang loob ng mga writers natin at mag-alisan kapag sobrang selan mo."
"Our motto says it all," tinuro ko ang motto namin na nakasulat sa pader.
Quality over quantity.
Aanhin ko ang sikat na nobela kung wala naman mapupulot na maganda ang mga mababasa. Not because trope novels are in, writers were allowed to feed their readers minds with false information. Credibility ng kumpanya ang pinag-uusapan dito kaya mas importante na maayos ang quality ng mga nobelang laman ng aming website.
"What if we host a romance writing class? Para sa mga katulad ni Sybil na nahihirapan na bumuo ng romantic na eksena."
"She just need an inspiration. Anong mangyayari sa romance class kung wala pa rin siyang inspirasyon?" A new hero perhaps. Napansin ko na walang dating iyong bidang lalaki sa novel na binasa ko kanina kahit iilang chapters palang ang nabasa ko.
Lahat ay napatingin sa akin matapos ko sabihin ang mga salitang aking nabitawan. Para bang may naisip silang paraan para makagawa ng patok na nobela ni Sybil Montague na romance ang genre.
"You're going to coach her, Lucho." Deklara ni Gerold na sinang-ayunan ng lahat. Not because I married twice, I can coach someone else now. Editor ako hindi love coach. Writer agent din ako at hindi DJ na nagbibigay ng advise sa mga taong hindi marunong umibig.
"Coach the newbie writer?" I repeated in a questioning manner.
"She's not that new. Marami na siyang nasulat na akda kaya underrated na ang salitang newbie sa kanya. Sayo ko na siya ibibigay at aalisin na natin si Simon. Maybe Sybil needs a little push to show her romantic side in her novels. You personally read her novels, Lucho, and you know her already."
"Binasa ko kasi sinabi mo,"
"I'm giving you an extra job to mold Sybil Montague in a romance field. Perfect pair din kayong dalawa - isang sobrang romantic at isa na walang romantic cells."
"That's ridiculous," I said. "I don't know her."
"Ikaw ang isa sa mga pinaka the best editor at agent dito, Lucho. And you know her."
Nakuha pa akong bolahin para lang gawin ko ang gusto niya. Pinili ko na huwag kumibo sandali at tila pelikulang umulit sa aking isipan iyong taning na sinabi ni Dr. Ancheta.
3-5 years.
Sinabi ko na sapat na iyong pagkakataon para itama ko ang lahat ng maling nagawa. Pagkakataon din para mag-focus ako sa aking sarili na masyado ko ng napabayaan dahil sa walang humpay na pagta-trabaho. Somebody told me that sometimes, the underlying problems of an unsuccessful marriage lies in me. Bagay na hindi ko naman magawang tanggapin. Oras na rin ba para pagtuunan ko ng pansin ang personal ko ng buhay lalo't ito na ang ikalawang beses na hiniwalayan ako ng naging asawa ko.
"Wait, I know her?" Tumahimik ako ulit pagkatango ni Gerold.
"I'll take your silence as a yes, Lucho. You can ask Vanessa's help when needed, but I highly doubt that." Mahabang sabi ni Gerold sa akin.
"Minsan hindi yes ang ibig sabihin ng pananahimik ko,"
Tumingin ako sa lahat at nakita ko na umiling sila. "Not to us."
Nagtayuan na ang mga ka-meeting ko nang ma-conclude na ni Gerold. Nagdesisyon na siyang ibigay sa akin ang bagong recruit na writer namin kahit hindi pa ako pumapayag. Isang ugali ni Gerold na pinaka-ayaw ko sa lahat.
"Here is Sybil Montague's profile. Nandyan na lahat ng impormasyon na kakailanganin mo para makilala siya. Kung may tanong ka pa, alam mo na kung saan ako hahanapin."
Iniwan na rin ako sa loob ni Gerold matapos niya sabihin ang mga iyon sa akin. Tinitigan ko lang ang folder na para bang inaabangan ko na bumukas iyon ng kusa para sa akin.
Malalim akong napabuntong hininga at kahit labag sa aking loob ay dinampot ko iyon saka binukas. Bumungad sa akin ang mukha ng isang pamilyar na babaeng nakilala ko sampung taon na ang nakalilipas. Dito rin sa opisinang ito kami unang nagkita at ako pa ang nag-push sa kanya na maging manunulat. The lady that I cannot forget even if I've been married twice. Iyong babaeng matagal ko ng hinahanap kung saan-saan.
Audrey Habunal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro