Chapter IV.a: Assassinate the King pt.1
Ares (Sera)
"Hah.. hah..." hingal akong huminto sa may isang alley kung saan naghihintay ang isa ko pang kasama, si Hayate.
"Napano ka?" Litong tanong sa akin ni Hayate. Napano ako? Ewan ko. Kakaiba ang naramdaman ko sa lalaking lumapit sa akin kanina. Meron siyang taglay na lakas na lubhang nakakatakot.
"Ah.. ang aking mga mahal na Deillans..." isang transmission galing sa holographic device ang nagpahayag ng mga salita ng prinsipe ng Deilla. Nais nitong makipagdigmaan na talaga sa aming mga Sixans? Ha! Arrogant piece of..
"Ares. Simulan na natin ang mission." Sabi sa akin ni Hayate na humawak sa aking braso. Inialis ko naman yun agad. "Wag mo kong hawakan," sabi ko sa kanya, ang mga mata ko nanlilisik na nakatingin sa kanya. Natrauma na ako sa mga humahawak sa balikat ko! Wag kayo magulo! "At isa pa, wag mo kong pinuputol sa iniisip ko!" Napailing lang siya. Hay nako.
"...Naaalala mo pa ba ang plano?" Sunod kong sabi.
"Isa akong ninja na master ang shadow arts. Kung assassination lang din ang mission, tama lang na ako ang pinili nila para rito. 100% success to, Ares. Akong bahala," pagyayayabang ni Hayate. Nako. Parang kanina lang pailing-iling lang siya. I-team ba naman ako sa hambog? Bahala na. May magagawa pa ba ako e nandito na?
"Sige, sabi mo e. Ako na ang magi-infiltrate sa castle. Magtago ka lang sa shadow ko, pero wag ngayon! Magpapalit muna ako. Wag kang maninilip! Pag ikaw nahuli ko, alam mo na," babala ko sa kanya. Subukan niya lang talaga.
"Aha. Wala akong intensyon para gawin kang kalaban, Ares. Aminado naman ako na wala akong laban sayo," pagpapakumbaba ni Hayate bigla. Mabuti naman at nirerespeto pa rin ang aking kalakasan. Teka.. Ibig sabihin pag mahina ako sisilipan ako nito?
Manyak!
Bahala na nga. Boys will be boys, sabi nga nila. Kailangan ko na magpalit ng damit para sa igaganap na noble celebration sa may castle mismo. Tanging mga nobles at royalties lang ang may permiso para makisaya roon. Mabuti na lang at marunong si Hayate mangontrol ng tao sa pamamagitan ng pag-control sa kanilang mga shadow.
Pumunta na kami sa may castle. Sa may hindi kalayuan, bandang kaliwa ng castle may restroom para sa mga kababaihan, doon na ako magpapalit.
"Hintayin mo ko dito. Wag mo kalimutan ang babala ko sayo," sabi ko kay Hayate.
"Gustuhin ko man, masyado kang nakakatakot, Ares."
Manyak talaga. Nakakadiri! "Mabuti at alam mo ang lugar mo." Umalis na ako at tumuloy na sa may restroom. Wala masyadong pila dito kahit na madalas mahahaba ang pila ng restroom ng mga babae. Swerte!
Pumasok ako sa isang cubicle at nagpalit na ng damit. Nakasuot ako kanina ng damit ng mga pang-squire lang para hindi ako masyado tignan ng mga tao. Dinagdagan ko pa ito ng hood para lalo ko pa matakpan ang mukha ko.
Pero ngayon, oras na para maging isang prinsesa.
Isinuot ko ang black na dress na binigay sa akin ng hari ng Sixa. Itinali ko rin ang black ribbon na kasama ng dress. Agh. Napakadami naman ng kailangan ko suotin. Napakakumplikado naman maging isang maharlika.
Matapos ko suotin lahat ng dapat isuot, lumabas na ako ng cubicle at tinignan ang sarili sa may salamin.
Masyado ata akong pagtitinginan ng mga tao sa suot kong 'to! Ano ba yan! Nakakahiya naman lumabas ng ganito suot ko. Miski mga babae pa lang sa loob ng restroom nakatingin na sa akin. Tinitigan ko sila ng masama pabalik, kaya naman napaalis sila ng tingin sa akin. Tama yan, alisin niyo yang mga tingin niyo sa akin, mga inggitera.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[A/N]: Nabibitin ako sa chapter na to. Baka dagdagan ko to sa mga susunod na araw. Inaantok na kasi ako ngayon, hindi ko na kaya, utak ko hindi na gumagana pls. Hahahaha. Thank you sa pagbabasa!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro